webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · 现代言情
分數不夠
39 Chs

Fire And Wood (Part 1)

Malalim ang iniisip ni Lesley na minamasdan ang pagsayaw ng apoy sa kaniyang harapan habang yakap ang sarili at nakaupo sa isang malapad na bato. Ninanamnam niya ang pag-init ng kaniyang balat habang si Dan ay patuloy sa pagdagdag ng mga tuyong sanga ng puno sa siga na tinipon nila bago lumubog ang araw. Dito na sila sa gubat inabutan ng dilim matapos na makatakas sa mga tauhan ni Shane.

Hinimas ni Lesley ang mga natamong galos sa braso mula sa kaninang pagtalon niya sa umaandar na sasakyan. Wala naman siyang malaking sugat o nabaling buto pero mahapdi pa rin ang mga gasgas niya sa balat. Nagkaroon din siya ng maliit na sugat sa noo.

Liningon niya si Bangs na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Ano kayang klaseng pampatulog ang itinurok dito at tulog pa rin ito hanggang ngayon? Buti na lang at kaunting galos lang ang tinamo nito na yinakap niya nang magpagulong-gulong sila sa mabatong lupa.

"Kumikirot ba?" tanong ni Dan na napansin ang maya't maya niyang pagtingin sa mga sugat niya.

"Ah, wala ito," sagot niya na may tipid na ngiti.

"Sigurado ka?"

"Oo, kayo nga itong iniisip ko. Siguradong nangalay yung mga braso n'yo sa ilang oras nating paglalakad habang buhat-buhat n'yo si Bangs."

Mahina itong tumawa. "Oo nga, parang may buhat-buhat akong prinsesa kanina. Buti na lang sing tigas ng bato ang mga braso ko," biro nito.

Ngumisi siya na agad din namang nabura. Muling namayani ang katahimikan at bumalik ang pareho nilang atensyon sa lagablab ng apoy sa kanilang harapan. Naging mabigat ang kanilang mga titig dahil sa bagay na kanina pa bumabagabag sa kanila.

Gumana ang plano ni Mrs. Dapit at nakatakas sila mula sa mga alagad ni Shane pero hindi naman sila sigurado kung nakatakas din ito. Ano na ba ang nangyari kay Mrs. Dapit? At nasaan na sila Jacoben? Nakatakas din kaya ang mga ito?

"Kuya Dan?" basag niya sa katahimikan habang minamasdan ang mga natutupok na sanga ng kahoy. "Ano po ang Crimson Clan?"

Ilang segundo ang hinintay nito bago sumagot. "Grupo kami ng mga taong may matinding hangarin na pabagsakin ang MNA."

Umiling siya na tila nakukulangan sa sagot nito. "Mga mutant ba kayong lahat?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa apoy.

"Hindi lahat. Yung boss namin isang normal na tao."

Kumunot ang noo niya at mariin siyang tumingin sa mukha ni Dan na nakaupo sa kaliwa niya.

"Bakit pumunta kayo sa bahay namin? Bakit kilala n'yo ang mama ko? Alam ba n'ya ang tungkol sa inyo? Ano ang kinalaman ng pamilya ko rito?" sunud-sunod niyang tanong.

Tumawa ito na hindi malaman kung alin ang uunahing sagutin. "Sandali, isa-isang tanong lang."

"P-pasensya na..." nahihiya niyang sabi. "Sobrang dami kasing tanong ngayon sa isip ko. Sobrang gulung-gulo na ako. Tapos pakiramdam ko may kinalaman ako sa lahat ng ito at hindi ko alam kung paano."

"Ayos lang," anito. "May karapatan ka namang malaman ang totoo. Ano ba muna ang gusto mong malaman?"

Wala siyang sinayang na segundo at mabilis na umusog ng upo palapit kay Dan.

"Ano ang kinalaman ni mama rito?" tanong niya habang tutok na tutok sa mukha nito na tila hindi na makapaghintay sa isasagot nito.

"Si Amanda, alam ko, hindi siya opisyal na kasapi ng clan pero kakampi namin siya," sagot nito habang nagdadagdag ng isa pang kahoy sa apoy na lalong nagpalakas sa siklab nito.

Umiling siya. "Hindi ko maintindihan. Sa paanong paraan naman s'ya nakakatulong sa inyo? May kinalaman ba s'ya sa nangyayari ngayon? Alam n'ya ba 'tong plano ni Sir Jacoben?"

Tumango ito tapos ay humarap sa kaniya. "Oo alam niya ang lahat. At nakakatulong s'ya sa amin sa pamamagitan mo. Pinalaki ka niya at pinasok sa MNA tulad nang napag-usapan. Iyon ang pinakamahalagang parte niya sa amin."

"Anong ibig n'yong sabihin? Ano'ng napag-usapan ng crimson clan at ng mama ko?"

Malalim itong huminga bago sumagot. "Inampon ka ni Amanda sa utos ni Jacoben dahil balang araw kakailanganin ka raw namin sa pagpapabagsak sa MNA."

Saglit siyang natahimik at nag-isip. Tama nga ang hinala niya. Hindi aksidente ang pagpasok at pagtanggap sa kaniya ni Jacoben sa MNA. Pero hindi pa rin niya mawari kung bakit. Sinabi sa kaniya ni Amanda noon na may kinalaman ang totoo niyang pamilya sa pagkamatay ng asawa at mga magulang nito, pero hindi niya mapagtagpi ang koneksyon noon sa sinasabi ngayon ni Dan.

"Kung totoo man ang sinasabi n'yo, bakit ako? Sino ba ang mga magulang ko?"

Nagkibit-balikat ito. "Pasensya ka na. Hanggang doon lang ang alam ko."

She felt a stab in her chest. Bakit parang pinagkakaitan siya ng katotohanan? Hindi niya alam kung dala lang nang pagod itong bugso ng emosyon na nararamdaman niya pero kumikirot ang dibdib niya. Pakiramdam niya nalulunod siya sa napakaraming sikreto na nakatago sa pagkatao niya at nahihirapan na siyang huminga.

Bagsak ang balikat niyang tumingin kay Bangs at pinagmasdan ito ng ilang segundo bago matamlay na binalik ang tingin kay Dan.

"Kasama rin ba sa plano ang magkalapit kami ni Bangs? Kasinungalingan din ba 'tong relasyon namin?" nangangatal na boses niyang tanong.

Tumaas ang kilay nito na nabahala sa tanong niya.

"Hindi!"

Ipinatong nito ang isang kamay sa balikat niya at pinagtama ang tingin nila.

"Makinig ka. Kung ano man ang mayroon kayong dalawa, totoo iyon. Walang halong manipula. Wala sa plano namin na magkagustohan kayong dalawa. Pangako!" anito tapos ay binitawan na ang balikat niya.

Kahit papaano ay gumaan ang loob niya sa sinabi nito. What Bangs and her have is real. Walang nagdikta ng nararamdaman nila sa isa't isa kundi ang mga puso nila at wala nang iba.

"Hindi na kasi kayang kontrolin ng MNA si Sir Kieran noon pa. Masyado na s'yang bayolente. Walang janitor o nurse na nagtatagal sa ward n'ya. Kung hindi napapatay, nababaldado naman. Nahihirapan na maghanap ng kapalit si Jacoben kaya pinasok ka niya. Alam kasi niya na hindi ka sasaktan ni Sir Kieran."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman hindi ako sasaktan ni Bangs?"

"Dahil konektado kayong dalawa. Hindi ko nga lang alam kung paano," sagot nito. "Mas maganda siguro kung si Amanda na lang mismo ang kausapin mo tungkol sa bagay na iyan, o kaya si Jacoben, para mas malinawan ka. Pasensya na. Hanggang doon lang ang alam ko."

Bumuntong-hininga siya at sumimangot. Hindi rin pala masasagot ni Dan ang mga katanungan niya.

"Kuya Dan, kailangan kong umuwi para makausap ang mama ko. Pwede ba tayong dumaan muna sa amin? Saka nag-aalala ako. Baka puntahan sila ng MNA. Tinakot na ako ni Dr. Shane noon na sasaktan n'ya ang pamilya ko kapag hindi ako sumunod sa utos n'ya."

Ngumiti si Dan na tila hindi nabahala sa sinabi niya. "Hindi na kailangan," nakangiti nitong saad. "Pinasundo na ni boss ang pamilya mo bago pa magsimula ang gulo. Doon muna sila titira sa hideout kaya magkikita rin kayo."

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Bukod kina Mrs. Dapit at Jacoben, ito ang kanina pang bumabagabag sa kaniya.

"Mabuti naman kung ganoon! Kailan kaya tayo makakarating doon sa hideout n'yo? Gusto ko na silang makita. Marami akong gustong itanong at sabihin sa kanila!" puno ng sabik niyang sabi.

"Hindi ko pa masabi, pero baka umabot ng buwan, o higit pa."

Natigil ang pagbubunyi niya at napatanga rito.

"A-ano?! Ganoon katagal?!"

Kumamot ito sa ulo. "Hindi kasi tayo pwedeng dumiretso na lang doon. Baka masundan tayo ng MNA. Siguradong pinaghahanap nila tayo ngayon sa buong Pilipinas kaya kailangan nating maging maingat sa paglalakbay. Hindi nila pwedeng matunton ang main hideout namin."

"Pe-pero paano tayo ngayon? Saan tayo pupunta?"

"May ilang maliliit na hideout kami na nagkalat sa buong Pilipinas. Pupunta muna tayo doon sa pinakamalapit sa atin ngayon hanggang sa bumalik ang lakas ni Sir Kieran. Isa pa, kailangan na muna nating makibalita kung ano na ang nangyari kila Jacoben at Kali bago tayo gumawa ng susunod na hakbang."

Para na namang may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib niya at matamlay siyang tumango.

"G-ganoon ba? Sige, naiintindihan ko," malungkot niyang sabi.

Mukhang maghihintay pa siya ng matagal bago makausap si Amanda.

"Hayaan mo, magkikita rin kayo."

"Sana nga. At sana ayos lang sila. May mga tampuhan din kasi kami. Lalo na kay Patrick. Gusto kong magka-ayos na kaming lahat."

Tumango si Dan pero naniningkit ang mga mata nito sa kaniya at tila may malalim na iniisip.