webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · 奇幻言情
分數不夠
48 Chs

EPILOGUE

Ang akala ko'y wala na kong bagong umagang dadatnan dahil sa malalim kong sugat na natamo kay Mildred. Masyado akong nagpakain sa galit bago ko siya mapatay kung kaya't hindi ko na napansin na napuruhan na ako.

"magpapaalam na kami," nakangiting bati ni Josephine sa amin at ang mga nasa likod niya ay ang mga kasama din niya sa misyon.

Sila Josephine ay matalik ding kaibigan nila papa, kung kaya't ganoon na lang kalaki ang epekto ng galit sa kanila pagdating kay Mildred.

"magiingat po kayo," ani Rose. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa.

"tara na?" pupunta kami sa dagat kung saan ko isinaboy si mama at ang mga gamit ni Felicia na sinunog ni Rose. Sinunog niya ito upang kahit wala ang katawan ni Felicia dito ay magkasama pa rin silang dalawa ni mama.

"ma, nandito na kami."

Umupo kami sa damuhan ni Rose habang nakatapat sa dagat.

"nakuha na din namin ang kwintas ma," ani Rose.

Kaya pala nawala bigla sa likod namin sina president noon ay narinig nila ang tawag ni Josephine sa isip neto, nakuha na pala nila Josephine ang kwintas namin ni Rose, ang magic charm. Kung kaya't malaking pagkakataon din na 'yon na isama sila sa misyon para mapabilis ang pagkamatay ni Mildred at ang mga kasama netong mga magic stealer.

Nalaman din nila Josephine na may misyon kami kaya habang abala ang mga magic stealer sa pagabang sa padating namin, kinuha nila Josephine at ang mga kasama niya ang pagkakataon na 'yon upang mabawi ang kwintas.

"saan kaya sila nakatira?" tanong ko kay Rose.

"baka sa mundo ng mga tao at may kaniya kaniya silang mga pamilya," sagot ni Rose.

"may damit ka na ba para mamaya?" tanong ni Rose. Bigla kong naalala ang party na gaganapin mamayang gabi, pagdiriwang din dahil sa natapos na misyon.

"oo, si Nadia at Leon ang nagpunta sa bayan. Hindi ko lang sigurado kung sakto ang sukat na binili sa akin ni Nadia," bahagya akong natawa pero may tiwala naman ako kay Nads dahil sa pagiging fashionista neto.

Alas-kwatro na ng hapon nang mapagpasyahan naming bumalik na sa academy.

"kanina ka pa hinahanap ni Jacob," wika ni Nadia.

"nasaan siya?" tanong ko.

"nandoon," nguso niya sa patungong gubat.

"kayo na ni Leon?" pabiro kong tusok sa gilid niya, agad niyang inalis ang kamay ko at umiwas.

"shh," itinutok ni Nadia ang daliri niya dahil parang nahihiya siya. Nagulat nga rin ako na may something talaga sa kanila, kaya maya't maya na lang ang biro ko sa kaniya.

"ang tagal mo naman," nakita kong nakasandal sa puno si Jacob.

"nagusap kami ni Nads e," wika ko. Nagulat naman ako sa paghila ni Jacob sa palapulsuhan ko sabay yakap sa akin mula sa likuran.

"Jacob.." wika ko.

"yes baby?" halos magtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na labi niya sa gilid ng aking leeg.

"kasi.. Tara na," pagpupumiglas ko dahil baka ano pa ang mangyari. Wait, ano ba 'tong naiisip ko.

Nagulat na lamang ako sa pagbitaw niya at paghila sa akin para ilipad ako sa taas.

Nang naramdaman kong mataas na ang nilipad niya, naalala ko bigla 'yong araw na una ko siyang nakita. Kasama pa niya si Rose noon at masungit pa siya sa akin. Bahagya akong natawa habang nakapikit akong inaalala 'yon. Naramdaman ko ang malamig na paghampas sa pisngi ko ng hangin.

Katulad noon sa ginawa ko ng una akong nilipad ni jacob dito ay ginawa ko ulit ito. Ikinawala ko ang aking mga kamay sa hangin at dinama ang masarap na simoy ng hangin. Ngayon nasisigurado ko ng payapa na talaga ang kapaligiran.

"napaka ganda mo talaga," bigla akong bumalik sa wisyo ng narinig ko ang sambit ni Jacob, at pagkalingon ko at nakadikit na ang labi niya sa aking pisngi. Nakaramdam naman ako ng pag init sa pisngi ko.

Alas-sais na ng bumalik na kami sa loob para maghanda sa party mamaya. Magagalit nanaman si Nads dahil sa pagiging late ko.

"akala ko late ka nanaman e," pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ito agad ang bungad ni Nadia sa akin. Nakita ko si Rose na nakaayos na, gown na lang ang kulang.

"ikaw nag ayos sa kaniya?" tanong ko. Napaka ganda ni Rose ngayon kumpara sa mga nakaraang ayos niya.

"sino pa ba?" sabay irap ni Nads na parang hindi makapaniwalang hindi ko alam kung sino ang nag ayos.

Sumunod akong ayusan ni Nadia, ang buhok ko ay nakalugay at medyo kulot sa bandang dulo. Dark make up ang ginawa sa akin ni Nadia, mas nagustuhan ko ngayon ang ayos ko.

Kinuha ko na ang gown na binili ni Nads. Magrereklamo pa sana ako dahil sa itsura ngunit wala naman na akong magagawa. Sinuot ko ang gown ko. Ito ay high slit at backless na kulay silver at ito ay glittery kung kaya't mas lalong tumingkad ang pagka kinang. Masyadong kita ang balat ko dahil ang dibdib ko ay kitang kita talaga bukod sa likod at legs ko.

Si Rose naman ay kulay pula ang gown, kumikinang din ito at may bulaklak sa babang parte neto, nakatali ang buhok kung kaya't agaw pansin din ang balikat neto.

"let's go!" ani Rose. Masayang masaya sila Rose, ganoon din ako dahil dito na natapos ang misyon namin, at bumalik na sa dati ang lahat.

Pumasok na kami sa hall kung saan gaganapin ang party, napansin ko agad ang mga tingin ng estudyante sa amin. Marahil bukod sa suot namin, ay dahil nagtataka sila kung bakit magkasama na din kami ni Rose.

Hinanap ng paningin ko si Jacob ngunit wala akong nakita. Kasama na ni Leon si Nads.

"Alice doon muna ko sa kanila," wika ni Rose.

"sige Rose.. Go," pumunta na si Rose sa mga kaibigan niya upang daluhan. Samantalang ako ay naiwan magisa sa upuan. Nasaan ba si Jacob bakit wala?  Hindi ba't dapat magkasama sila ni Leon dahil sabay naman silang nagayos.

"Alice.." napalingon ako sa tumawag sa likuran ko.

"ma'am," si ma'am Corazon pala.

"proud na proud ang mama mo sa'yo ngayon," nakangiting bati neto sa akin.

"siya naman po kasi ang inspirasyon ko sa lahat kung bakit naging malakas ako. Hindi naman pwedeng porke mahina ako noon e habang buhay ko ng dadalhin ang pagiging mahina ko," nakangiti kong sabi.

"lumaki kang isang matapang at palaban. Ang akala ko'y susuko kang makapasok dito sa academy," wika ni ma'am Corazon.

"may pagkakataong napapaisip akong sumuko na lang, pero sa t'wing nangyayari 'yon humahanap pa rin po ako ng paraan para magkaroon ng dahilan lumaban," nakangiti kong sabi sa kaniya.

"sige na enjoy your night," nagpaalam na si vice president at tumalikod na upang tumungo sa upuan nila ni ma'am Leonora.

"sorry I'm late," nahimigan ko ang boses na 'yon at agad akong humarap. Magsasalita na sana ako ngunit ng mapansin ko ang bitbit niya ay wala na akong nasabi.

"Jacob.." nagulat ako sa bitbit niyang bulaklak, at agad niyang inilapag 'yon sa lamesa upang mahalikan ako sa pisngi. Napansin ko ang ayos niya. Lumabas ang napaka gwapo niyang mukha at napaka bango niyang amoy.

"let's dance?" bago pa ako makasagot, hinila na niya ako sa gitna.

Nilagay niya ang kamay niya sa aking baywang at ang kamay ko naman sa balikat niya. Nagulat ako sa marahan niyang paghila palapit sa kaniya upang lalong madikit ang katawan namin.

"You are charming, captivating and enchanting. You had it all baby. You mesmerized me by your pretty face, cute smile and beautiful soul," naramdaman ko ang pag amoy niya sa aking buhok. Nakaramdam agad ako ng pagkailang. Hindi pa din talaga ako sanay sa t'wing ganito kami lalo na't ngayon ay maraming nakakakita sa amin.

"Jacob," 'yon na lamang ang nasabi ko.

"yes baby?" bumaba ang labi niya sa aking balikat, paakyat sa aking pisngi.

"I love you," there.. I finally said it. Agad naman niyang inilayo ang mukha niya sa akin. Seryoso siyang napatingin sa aking mata at ang kaniyang mapupungay na mata ang nagpahina sa aking sistema.

He looks hot while wearing a black suit. He slowly put his index finger to my lips, umigting ang kaniyang panga. Dahan dahan niyang nilagay ang iilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga.

"I think I enjoyed seeing you like this," ani Jacob.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagtulak na lang sa aking gawin ito. Marahan ko siyang hinalikan at hinawakan ang kaniyang panga. Bibitaw na sana ako ng mas higitin niya pa ako at mas lalo akong siniil ng halik, yumakap ako sa kaniyang batok tila wala ng pakealam sa paligid.

"I think I'm madly inlove with you," halos nanghina ako sa sinabi ni Jacob. Parehas kaming habol ang hininga. Nakita ko agad ang ngiting sumilay sa labi niya at agad kong napagtantong mahal na mahal ko siya.

                       •THE END•