webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · 奇幻言情
分數不夠
48 Chs

Chapter 35

"Rose bakit? Hindi ko.. Maintindihan..." patuloy na pag iling ko sa harapan niya dahil kahit ako mismo hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.

"si mama... Si mama yung nasa gubat, noong nakaraan ko pa alam pero hindi.. Ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo," umangat ang tingin ni Rose sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, halo halo lahat, hindi ako makapaniwala.

"sigurado ka ba?" hindi ko na maitago ang pait ng tono sa boses ko.

"oo.." ani Rose.

"bakit ngayon mo lang sinabi?!" napasigaw na ako sa sobrang galit at naitulak ko siya sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Jacob na humawak sa aking braso.

"I'm sorry," pag hikbi niya.

"alam mo, makasarili ka talaga!" sigaw ko sa mukha niyang umiiyak.

"I need to think clearly. Wala akong maisip na mga salita. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat. Hindi ko din alam kung tama ba. Sasabog na utak ko kakaisip," sa haba ng sinabi niya hindi ko na alam ang mga susunod na dapat kong gawin.

"Hindi ko alam kung kailan, paano, at kanino ko sasabihin. Pero maniwala ka, hindi ko alam ang lahat ng 'to!" patuloy na pagpapaliwanag ni Rose sa amin. Nilingon ko ang nasa likod kong sina Nadia, Leon at Jacob na tila hindi rin makapaniwala sa nangyayari. Binalik ko ang tingin kay Rose na ngayon ay nakayuko na para bang hiyang hiyang humarap sa amin dahil sa mga nalaman.

Bago pa ako tuluyan mawalan ng kontrol, napagpasyahan kong bumalik sa kwarto ko upang makapag isip. Sa paglalakad ko, dumako ang tingin ko sa second floor ng academy.

Natanaw ko sila president at vice president. Teka, alam ba nila ang lahat ng 'to? Kayang makita ni president ang hinaharap, at si vice president naman ay kayang magbasa ng isip ng iba. I somehow feel betrayed. Bago pa tumulo ang luha ko, nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Kinabukasan wala akong balak lumabas, ayoko munang makasalamuha si Rose o kahit sino.

"Alice, bumili ako ng pagkain mo dahil alam kong hindi ka pa kumakain mula kagabi," pumasok si Nadia sa aking kwarto na may dala dalang coke at spaghetti.

"thank you," pilit na ngiti ang ibinaling ko sa kaniya.

"sabi ni president, magusap na daw tayo para sa misyon at pagkatapos, kakausapin na din nila tayo," ani Nadia. I guess i don't have a choice.

Hapon ng lumabas ako sa aking kwarto. Natanaw ko sila Jacob, Leon at Rose sa lamesa at kasama ko naman si Nadia.

"kailangan na natin umpisahan ang plano, at sa ayaw o gusto niyo kailangan natin gawin 'to," wika ko, napansin ko ang pagiiba ng timpla ng mukha ni Rose sa sinabi ko. Naiilang ba siya? Dapat lang.

"una, mageensayo tayo ulit. Pangalawa magpaplano sa pagsalakay sa bahay ng matanda," may diin ang pagkakasabi ko noon, hindi ko tinitingnan si Rose pero ramdam ko ang matatalim na titig niya sa akin.

"kailangan natin ng maayos na ensayo at kagamitan."

Tiningnan ko isa isa ang aking mga kasama bago magpatuloy sa pagsasalita.

"titingnan din natin ang matanda kung si Felicia ba ito o sinaniban lang ng magic stealer, dahil ito ang napansin ko. Sa t'wing nagpapaulan sila ng kulay itim na abo mawawalan ka ng malay, pwede rin iyon ang dahilan kung bakit nakita mo si Felicia," tiningnan ko si Rose na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"we just have to make sure na lahat ng 'to ay hindi masisira dahil lang sa isang taong kayang talikuran ang lahat para sa pamilya," nakayuko kong sabi. Hindi ko alam kung napansin ba ni Rose na siya ang tinutukoy ko dito.

"walang lugar ang pagiging makasarili dito, kung kailangan patayin ang matanda para sa ikabubuti ng lahat, papatayin natin."

Aalis na sana ako ng naramdaman ko ang paghila ni Rose sa balikat ko dahilan para mapaupo ako.

"huwag kang magpadalos dalos sa plano mo," wika ni Rose.

"bakit? Magpapaka bayani ka nanaman ba para sa iyong ina? Na kahit kaligtasan ng kagrupo mo ay isusugal mo kahit alam mong mali?" tanong ko pabalik sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbago ng ekspresyon niya, hudyat na talo na siya sa akin.

"I really don't get how can someone be so cruel to you when all you did was love her, hindi lang kaibigan kundi pamilya."

Tumayo na ako at tuluyan ng umalis, sobrang nakakapagod. Nakakapagod dahil sa mga nalaman ko ngayon.

"dahil sa nangyari, kailangan niyong kalabanin ang nanay ni Rose," wika ni president Leonora. Nandito kami ngayon sa kaniyang opisina dahil pinatawag kami at naka upo naman sa gilid si vice president.

"si mama po ba talaga?" tanong ni Rose.

"yes, kailangan niyo siyang kalabanin para maging mahina at lumabas na sa kaniyang katawan ang matandang magic stealer na sumanib sa kaniya," nagulat ako sa aking nalaman, sinaniban talaga siya?

"bakit po sumanib?" tanong ni Leon.

"dahil siya ang kumuha ng magic charm ni Alice. Naisip ng mga kalaban na maaaring maging kakampi si Felicia dahil sa ginawa niyang pagkuha dito, kaya ginawa nilang pain si Felicia.. Hindi naman alam ng iyong ina na sinaniban siya, marahil netong mga nakaraan na dumadalaw dito ay ang magic stealer na pala, hindi ang 'yong nanay," seryosong sabi sa amin ni president.

"pero kailangan niyong magingat dahil hindi palaging sinasaniban si Felicia, may oras na hindi at may oras na oo, kailangan niyo siyang bantayan at manmanan para maging matagumpay ang plano," umupo na si president sa kaniyang upuan at isa isa kaming tiningnan.

Natapos ang usapan namin tungkol sa misyon, at napagpasyahan kong pumunta muna sa gubat mag-isa. Alas-kwatro pa lang naman kaya ayos pa na tumambay dito.

"Alice," nagulat ako sa tumabing si Jacob sa akin.

"kumalma ka muna ha, ayokong napapagod ka kakaisip dahil kasama mo naman kami," wika ni Jacob. Tiningnan ko siya at nakita ko agad ang mapupungay niyang mga mata.

"I'm okay, nagulat lang ako sa mga nalaman ko," pilit kong ngiti kahit na alam kong mahahalata din niya ang pagpapanggap ko.

"halika," nagulat ako sa pagtayo niya at pagkuha sa aking kamay para tumayo. Nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Walang pagaatubili niya akong binuhat papunta sa kaniyang likuran at para makalipad kami. Ngayon nasa tuktok na kami ng academy, nakikita ko ngayon ang tahimik na lugar mula sa itaas na para bang walang problemang kinakaharap.

"mas maganda pala ito 'pag maliwanag," nakatitig ako ngayon sa kawalan, pinagmasdan ang ganda neto tila bang napaka perpekto ng mundo.

"mula noong dumating ka, mas lalong nadepina ang ganda niya," wika ni Jacob. Nagulat naman ako, dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Ngunit sa paglingon ko na 'yon ay sumaktong dumikit ang labi ko sa labi niya, iiwas na sana ako ngunit pinigilan niya ako at marahas na inangkin ni Jacob ang mga labi ko.

"with the smile upon your face... all I could say is damn you're so beautiful. You're turning me on damn I can't believe this," mas lalo na akong nanigas nang maramdaman ko ang init ng labi niya.

"mahal kita," nagulat ako sa pagsabi niyang 'yon at agad na inalis ang iilang hibla ng buhok kong nakaharang sa aking mukha. Ang diin sa pag banggit niya sa mga salitang 'yon... ang mga halik na pinagsaluhan namin, alam kong ayaw niya akong pakawalan.

"I want you to feel safe with me which was something I failed to do in our first interactions, for that I am still sorry," he kissed my lips again.