Ramdam ko pa din ang sakit sa natamo kong sugat kay Rose, marahil siya din ay ganoon ang nararamdaman. Dinala ako ni Jacob sa clinic, dapat ay halamang gamot na lang pero hindi na ko nakatanggi dahil kung makikipagtalo pa ako wala tong patutunguhan.
"kailangan mo mag stay dito hanggang bukas," sabi nang doctor
"hindi ba pwedeng mag reseta na lang kayo ng gamot?" tumaas ang kilay ng doctor sa harapan ko. Mukhang wala naman akong magagawa kundi tumango at magpalipas na lang ng araw dito sa clinic niya.
Lumabas si Jacob para bumili ng pagkain ko, nakita kong pumasok si Nadia at Leon.
"Alice! Kamusta ka?" nagaalalang tanong ni Nadia.
"I'm alive," pabiro ko dito at nagpipigil ng tawa dahil sa itsura niyang maiiyak na.
Nakabalik si Jacob na may dalang pagkain at nalukot bigla ang ngiti ko na tubig lang ang dala neto. Gusto ko coke!
"bakit tubig?" nakasimangot kong tanong dito.
"puro ka na lang coke, magtubig ka naman."
Ang sungit naman ng isang to.
"nga pala Alice, bukas pagkalabas mo dito punta ka sa office ni president Leonora. Pinapatawag ka." wika ni Leon na kanina pa nananahimik sa sulok.
Imposibleng ako lang ang pinapatawag.
"si Rose pinapapunta din?" tanong ko.
"oo, pero ang kalagayan niya ay mas malala kaysa sayo dahil may bali ang braso at medyo hindi makalakad."
Ganoon na ba kalakas ang epekto ng mahika ko sa kanya? Di hamak na mas mauuna pa kong mamatay dahil sa pagsakal niya sa akin kung hindi ko pa ito nilabanan.
Medyo maayos na ang lagay ko ngayon kumpara kahapon, mamayang ala una ako pinapapunta sa opisina. Nagulat ako na kasama din sila Leon, Jacob at Nadia sa pinapatawag.
Laking pasasalamat ko at walang peklat sa leeg ko, balita ko nakakalakad na din ng maayos si Rose. Ano kayang sasabihin ni president?
Saktong ala una ng dumating ako sa opisina, nagulat ako nang makita sila Leon. ang huling dumating ay si Nadia. As usual. Pero bakit kasama sila?
"nakita niyo ba ang gubat bago kayo pumunta dito?" tanong ni president. Walang nagbalak sumagot sa aming lahat dahil paniguradong sermon lang ang aabutin namin.
"dahil sa ginawa niyo, Alice at Rose.. Magkakaroon kayo ng parusa.." nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Parusa?
"pero bakit kailangan kasama sila Nadia, wala naman silang kaalam alam sa nangyayari."
"Pwede nila kayong pigilan pero dahil sa takot nila, hinayaan nila kayo. Ganyan ba ang tinuturo sa inyo sa klase niyo?!" sumisigaw na ngayon si president dahil sa galit. As if naman hindi niya alam ang nangyayari.
"ang kwintas niyong dalawa ay nawawala. Hindi ko alam kung bakit o sino ang kumuha, tama Rose?" tumingin siya kay Rose na abala sa kanyang buhok. Hindi nagsuklay?
"ang misyon niyo ay hanapin ang kwintas niyong nawawala. Kayo ang nagmamay-ari ng magic charm, pero dahil sa isang pangyayari at pagiging makasarili nagkaroon tayo ng problema. Dagdagan niyo pa na nawala ito," mariin niyang tiningnan si Rose na ngayon ay hindi maiangat ang ulo. Napansin ko din ang panglalaki ng mata nina Nadia at Leon. Dahil siguro sa nalaman nila na ako ang isa sa may-ari ng magic charm.
Alas tres na ng hapon nang matapos kaming sermonan ni President Leonora, at nagpasya kami na ngayon ding araw simulan ang paghahanap sa nawawalang kwintas.
Naglalakad kami ngayon sa gitna ng gubat. Nauuna kami ni Nadia at ang tatlo naman ay naka sunod sa amin, nakita ko ang hirap na si Rose sa paglalakad. Inaalalayan siya ngayon ni Jacob.
"kunyari pa siya, kaya naman nyang maglakad," wika ni Nadia.
"para daw hawakan siya ni Jacob," dahil sa sinabi kong iyon, sabay kaming natawa nang malakas ni Nadia dahilan upang mapatingin sa amin ang tatlo. Hindi na lang din namin sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Nagpahinga kami saglit dahil nangawit na ang paa ko kakalakad.
"Gusto mo bang lumipad tayo?" umupo sa tabi ko si Jacob.
"oh nasaan si Rose?" tanong ko.
"kasama ni Nadia, umihi.." wika niya.
"kaya ka ba lumapit sa akin dahil wala si Rose, hindi niya makikita?" hindi ko na matago ang pait sa boses ko.
Nainis ako dahil nagpipigil ng ngiti ngayon si Jacob. Anong problema ng isang to?
Makalipas ang 30 minuto ay nagsimula na ulit kaming maglakad sa gubat.
"guys! Isang bahay, may bahay pala dito sa gitna ng bundok?" napatigil kami sa sigaw ni Nadia at tiningnan ang kanyang tinuturo.
"isang bahay kubo na makaluma sa gitna ng gubat?" wika ni Rose.
"tara," pagaaya ko sa kanila dahil baka may makuha kaming impormasyon dito.
Bago pa sila sumunod, nakita ko ang pag-irap ni Rose. Bakit ka pa kasi sumama?
Kumatok kami sa kubo na nakita namin, mukhang may tao dahil bukas ang radyo neto.
Isang matandang babae, mahabang buhok at mahabang itim na damit ang nagbukas ng pinto. Nakakatakot ang awra neto, para siyang isang aswang na pwede kang saktan. Pero nagbago lahat ang pananaw ko na iyon noong ngumiti ito. Bakit kasi aswang ang naisip mo Alice?
"sino sila?" nakangiti pa din netong bati.
"isa po kaming mga estudyante na naligaw dito sa gubat, baka po pwede kami magpahinga dito?" wika ni Nadia.
"naligaw? Pero bakit parang hindi naman?" sabi naman ng matanda na palipat lipat ang tingin sa amin ngayon.
Akala ko'y may susunod pa siyang itatanong pero naglahad na siya papasok sa kanyang kubo na umupo na kami.
May limang upuan na nakahanda sa lamesa kaya lahat kami ay nakaupo na ngayon. Malamig ang lugar dito, maya maya lang ay didilim na at kandila lang ang mayroon ang matanda.
"kayo lang po mag-isa dito?" tanong ko.
"gusto mo ba dito?" nagulat ako sa biglaang pagbaling sa akin nang matanda. Parang may kakaiba sa kanyang tingin sa akin. Hindi ko maitago ang kaba ko, may kakaiba akong nararamdaman.
"ah.. Tinanong ko lang po," upang maitago ang kabang nararamdaman ko nginitian ko na lang siya bago siya pumasok sa kanyang kusina.
Saka lang ako nakahinga nang umalis ang matanda.
"sa tingin mo Alice mabubuhay tayo dito?" si Nadia.
"hindi," simpleng sagot ko. Hindi ako maarte sa lugar na titirhan namin pero kung ganito? Pipilitin kong maghanap na lang ng ibang lugar.
Nakakatakot, parang anytime pwedeng may lumitaw na ahas sa harapan mo o di kaya aswang...
Nanlaki ang mata ko sa nakatitig na matanda, akala ko'y may ginagawa siya sa kusina ngunit ito'y nakatitig lang pala sa akin. Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan.
Napansin ko si Rose na papalapit sa lagayan ng damitan nang matanda. Akmang bubuksan niya na ito ng pigilan siya ng matanda, nanlaki ang mata neto dahil sa pagkagulat kung kaya't hindi na niya naituloy ang pagbukas neto.
"umalis na kayo, ngayon na!" sumigaw ang matanda, lahat kami ay parang naging tuod dahil sa boses neto. Kung titingnan natin para lang siyang mahinang matanda.
Pero noong sumigaw ito parang kulog ang boses at handa na siyang saktan ka.
Itinulak kami palabas ng matanda, isinara niya ang kanyang pintuan at mga kurtina kaya wala na kaming nakita pa sa loob ng kanyang bahay.
Tiningnan ko si Rose na may halong pagtataka. Kung bakit sa ginawa niyang yun ay bigla na lang kaming pinaalis.
Alas singko na noong pabalik kami sa magic academy, mabuti na lang at hindi kami naabutan nang dilim sa gubat.
Nakakapagod ang araw na ito.