webnovel

KABANATA 27

"Hera? Ikaw ba 'yan hija?" Ang mga kayumanggi nitong mga mata ay nabalutan ng gulat habang nakatingin sa kaniya pabalik. Hatala sa mukha ng matandang lalaki na kamukha ng kaniyang Ina ang saya at pagkasabik. Ilang taon na ba niya itong hindi nakita? Hindi na niya mabilang. Trese anyos pa lang siya noong huli niya itong nakita at bigla na lang itong nawala.

Hindi kagaya sa nararamdaman ng kaniyang Uncle na kapatid ng kaniyang Ina, imbes na maging masaya dahil nakita niya ulit ito matapos ang ilang taon na lumipas, hindi niya mapigilang makaramdam ng takot. The trauma this man caused to her, despite the length of time had passed, she still couldn't forget it. Nagsimulang nanginig ang kaniyang buong katawan. Nabalutan na rin ng takot ang kaniyang puso at nagsimulang nanlamig ang kaniyang pakiramdam.

This kind of feeling, it's the same as before.

"U-uncle Thomas... A-ako nga po," nanginginig ang boses na wika niya sa Tiyuhin. Dahil sa kaniyang sinabi, kaagad na napalitan ng isang malawak na ngisi ang mga labi nito na maitim. Her Uncle likes smoking, probably why his lips are almost black.

"Pamangkin ko! Kamusta kana? Kayo ng Mama mo? Na miss ko kayo. Ang tangkad mo na at ang ganda," his voice while uttering those words were full of joy but Hera knows. Sa likod ng masayang tono ng boses nito nagtatago ang pagnanasa ng lalaki para sa kaniya. Yayakapin na sana siya ng kaniyang Tiyuhin pero mabilis na umiwas siya dito. Hindi man lang nawala ang ngisi sa mga labi nito, imbes ay mas lalong nagningning ang mga mata ng lalaki.

"Grabe ka naman sa uncle mo Hera. Hindi mo ba ako na miss?" nakangusong tanong pa nito. Hindi alam ni Hera kung saan nakuha ng kaniyang Uncle ang kakapalan ng mukha nito. Matapos ang ginawa nitong pambababoy sa kaniya noon, ang kapal ng mukha nito para ituring siya na parang wala lang ang nangyari noon.

Nagsimula itong humakbang papalapit sa kaniya kaya wala siyang choice kung hindi humakbang pabalik. Ang kaniyang kaninang nagwawalang puso ay mas lalong nagwala sa loob dahil doon. Halo-halo ang kaniyang nararamdaman. Galit, puot at takot. Even though years had already passed, the pain and fear her Uncle infected are still here.

"Hera!" Napaigtad ang trese anyos na si Hera nang bigla na lang niyang marinig ang kaniyang pangalan na sinigaw ng kaniyang Uncle Thomas. Mabilis na tinigil niya ang paglalaba ng mga damit ng kaniyang dalawang nakakabatang kapatid at pumasok sa loob ng kanilang bahay.

"Po?" Nang makapasok na siya sa sala kung nasaan ngayon ang kaniyang Uncle ay kaagad na sinenyasan siya nito na lumapit. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa at busy sa panunuod ng basketball game sa tv. Sila lang dalawa ngayon sa buong bahay dahil umalis ang kaniyang Ina, step father at mga kapatid. Siya lang ang naiwan pati na rin itong kaniyang Uncle.

"Halika dito, may ipapagawa ako sa 'yo." Hindi alam ng batang si Hera kung bakit bigla na lang siyang kinabahan habang nakatingin sa kaniya Uncle na may kakaibang tingin sa kaniya. Tumango siya sa lalaki at kaagad na nilapitan ito.

"Umupo ka dito sa mga hita ko." Naguluhan siya bigla sa sinabi nito at napahinto.

"Po?" Nang dahil ata sa kaniyang ginawa ay bigla na lang tinapon ng kaniyang Uncle ang remote. Napaigtad siya dahil doon. Mabuti na lang at sa isang sofa nito tinapon kaya hindi nasira ang remote at tumalbog lang.

"Bakit ba ang dami mong salita? Sundin mo na lang kaya ang gusto ko?" medyo galit na bulyaw sa kaniya ng Tiyuhin. Mabilis na napalunok ng sariling laway si Hera. Medyo lasing ang kaniyang Tiyuhin ngayon at kapag lasing ito ay nagwawala ito. Natatakot siya na masaktan kaya wala siyang nagawa kung hindi ang umupo sa isang hita nito.

A satisfied smirk plastered on her Uncle's face after she sat down. Mas lalong nanginig ang bata niyang katawan. She might be young but she already have the idea that her Uncle is up to something. Natatakot siya na gumalaw, baka ay mairita niya ito at pagbuhatan siya ng kamay.

"Sinarado mo ba ang mga pinto?" malamyos ang boses na tanong ng kaniyang Uncle at hinaplos ang kaniyang buhok na para bang isa siyang tuta. Nilunok ni Hera ang bumabara sa kaniyang lalamunan at binuka ang nanginginig na labi.

"H-hindi po," pagsisinungaling niya. Bago pa umalis ang kaniyang Ina ay binilinan siya nito na isarado ang pinto dahil baka ay may magnanakaw na pumasok. Dahil sa kaniyang naging sagot ay bigla na lang nagbago ang ekspresyon nito pagkaraan ay bumalik sa dati.

"Dinudugo ka na ba hija?" Kahit na ang totoo ay may period na siya, umiling-iling pa rin si Hera. Mas lalong humigpit ang kaniyang kapit sa hem ng kaniyang damit nang bumaba ang kamay ng kaniyang Uncle.

"Talaga? Patingin nga–"

"T-teka lang po Uncle! May gagawin pa po ako," kaagad na putol niya sa lalaki bago pa man mapunta sa kung ano ang sasabihin nito. Tinulak niya ang dibdib ng kaniyang Tiyuhin at mabilis na tumayo. Lumayo siya sa lalaki at tatakbo na sana paalis pero kaagad na nahawakan siya nito.

"Saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos." Nanlaki ang mga mata ni Hera nang bigla na lang hawakan ng kaniyang Uncle ang kaniyang damit at pilit na winawasak ito. Sisigaw na sana si Hera para humingi ng tulong pero kaagad na tinakpan nito ang kaniyang bibig.

Walang nagawa si Hera kung hindi umiyak na lang takot habang nilalaban ang ginagawa ng kaniyang Tiyuhin sa kaniya. Tahimik na nagdadasal siya na sana dumating na ang kaniyang Ina. And God clearly hear her words, mabilis na napalayo ang kaniyang Tiyuhin sa kaniya ng may humampas dito.

"Thomas! Anong ginagawa mo kay Hera!" galit na bulyaw ng kaniyang Ina at pinaghahampas ito. Nabitawan siya ng lalaki kaya kaagad na lumapit siya sa Ina. Mahigpit na niyakap siya nito at dinala sa likod para ma protektahan.

"A-aray Louisiana! Tama na!" her uncle screamed and got away. Walang tigil sa pagtulo ang kaniyang luha habang mahigpit pa rin na nakayakap sa kaniyang Ina na ngayon ay nilalabanan siya.

"Hayop ka Thomas! Paano mo nagagawa 'yan? Lumayas ka dito kung ayaw mong mapakulong kita!" Because of her Mother, her Uncle left without a word. Kung wala lang siguro ang kaniyang Ina ay baka nagahasa na siya nito.

Her Mother might act cold towards her but she really hated it when she witness with her own eyes a case of rape. Parang may naaalala ang kaniyang Ina kaya rin siguro ganoon na lang ito makaasta.

Starting that day, her Uncle left and didn't come back after how many years. Nabalitaan din nila na nakulong ito dahil sa kaso ng rape pero hindi na sila nag-abala pa na bisitahin ito. And now, nakita niya ulit ito.

"Sinabi ko na sa 'yo 'di ba? Na nagbago na ako? Bakit ba ayaw mong maniwala?" her Uncle Thomas suddenly spoke that made her come to her sense. Kumunot ang kaniyang noo at sinamaan ito ng tingin. Hindi siya naniniwala na nagbago na ito. Kahit na nakulong na ang lalaki, may ginawa pa rin ito sa ibang mga babae.

Imbes na sagutin ang kaniyang Tiyuhin ay napahilot na lang siya sa kaniyang sentido. Gusto na niyang bumalik sa silid ni Lucas pero hinaharangan siya nito.

"Alis na po ako," malamig na wika niya ay nilampasan ito. Mabuti na lang at hindi siya pinigilan ng lalaki. Bago pa man siya makalayo ay narinig niyang tinawag ng lalaki ang kaniyang pangalan.

"Hera! Punta ka sa room ng pamangkin mo, mag-usap tayo." Hindi niya pinansin ang pagsigaw nito at tuluyan na itong iniwan.

"Hihintayin kita!"

Does he really expect that she'll come? That disgusting bastard. Kahit kailan, kahit na ano pang gagawin nito, hinding-hindi siya pupunta doon. She already cut ties with her Mother and siblings, sino ba ito para pansinin niya?

Nang makarating na siya sa silid ni Lucas ay kaagad na pumasok siya doon. Sumalubong sa kaniyang paningin ang nakangising si Bryle. May kausap ito sa telepono at mukhang masaya. Kaagad na kinuha niya ang atensyon nito.

"Sir Bryle, nandito na po ako..." Napatigil si Bryle dahil doon at kaagad na tumayo mula sa pagkakaupo.

"Oh Hera, good timing. I'll leave now, you better take care of your boss. I'll visit again tomorrow," pagpapaalam ng lalaki sa kaniya at kaagad na kinuha ang mga gamit nito. Ngumiti lang siya kay Bryle na ngayon ay umalis na.

Nang siya na lang at ang natutulog na si Lucas ang natira, walang lakas na napaupo na lang siya sa sofa. Her glanced at her trembling hands and clenched it tightly.

She's scared. After how many years, she's still scared. Akala niya ay lumakas na siya dahil nagawa na niyang iwan ang pamilya na sumira sa kaniya, but she's still the same weak Hera in the past.

Pagod na pinikit niya ang mga mata at napagpasiyahan na itulog na lang ang kaniyang nararamdaman. Matapos ang mahaba niyang tulog ay nagising siya nang may naramdaman na nakatingin sa kaniya. Nang minulat niya ang kaniyang mga mata, a pair of green orbs immediately welcomed her gaze. Nang mapansin siguro ni Lucas na gising na siya ay kaagad na nag-iwas ito ng tingin.

"Sir Lucas, you're awake..." Hera yawned and got up. She began stretching and went towards Lucas. Nang tiningnan niya kung anong oras na ay alas otso na pala ng gabi.

"It seems like I am." Mahina ang boses ng lalaki at medyo paos. Napangiti siya umupo sa silya katabi ng kama nito. Even though he's sick, he's still sarcastic.

Hera began studying his face carefully. Hindi kagaya noong una niya itong nakita, ngayon ay mukhang okay na ang lalaki. Hindi na ito ganoon ka putla at medyo may buhay na ang mga mata. His complexion is still pale but is way better than the last time. While staring at him intensely, Lucas couldn't help but growled inside his mind.

Why is she staring at me like that? Does she miss me so much?

Dahil sa kaniyang naisip, namula bigla ang kaniyang mukha. Ramdam niya rin na nag-iinit ang kaniyang magkabilang tainga. Lucas wanted to groaned in frustration. His body is really weird.

Sa mga nagdaang araw na wala si Hera sa kaniyang tabi, hindi niya mapigilan ang sarili na magwala. Ever since Hera started working as his maid, he never ever once skip eating but when she's gone, he started going back to his old habits again. Sa mga araw na lumipas na wala ang babae, napagtanto niya sa kaniyang sarili na simula noong nakasama niya ito, marami ang nagbago.

His body started acting weirdly and his mind won't stop thinking about her at all. He tried asking Bryle about it but knowing that bastard, he would just smirk at him knowingly. Akala niya ay normal lang iyon but as the days passed, his thirst and desire to see Hera dug even deeper.

He wanted to bring her back pero ang konsensya niya ang pumipigil sa kaniya. He was the one who throw her away and hurted her. And now he wants her back. He was contemplating until he finally loses it and went to where Hera is currently living.

Ah, seeing her once again made me feel alive.

"Sir Lucas, kumain na po ba kayo?" biglang tanong ni Hera kay Lucas na nagpatigil sa lalaki. Just as when Lucas was about to open his mouth to speak, a growling sound from someone's stomach echoed throughout the place.

"Fuck." Hindi mapigilang mapahagikgik ni Hera nang marinig ang pagmumura ng lalaki. Nag-iwas ito sa kaniya ng tingin. Mas lalo siyang napabungisngis nang makita ang pamumula ng magkabilang tainga nito. Natatawang napatayo siya mula sa pagkakaupo.

"Dito lang po muna kayo, bibili lang ako sa labas." Hindi na naghintay pa si Hera ng sagot mula kay Lucas at kaagad na lumabas na.

Naglakad siya paalis sa hospital at nagpunta sa isang malapit na fastfood chain para bumili. Nang makabalik na siya ay bandang alas nuwebe na dahil medyo marami-rami pa ang nakapila kahit gabi na.

Habang naglalakad siya sa tahimik na pasilyo ay bigla na lang siyang natigilan nang may nahagip ang kaniyang mga mata sa madilim na sulok.

"Who's there?"

Kumabog nang pagkalakas-lakas ang kaniyang puso nang lumitaw ang tao na kanina pa nakatago sa madilim na sulok. Muntik na niyang mabitawan ang dala-dalang pagkain nang mapagtanto na ang Uncle Thomas niya iyon.