Mugto ang mga mata ni Hera habang blangko pa rin na nakatitig lang sa kawalan. Hindi niya alam kung ilang oras na ba ang nakalipas. Nakatitig lang siya sa isang sulok at wala ng pakialam sa paligid. Mula noong sinabi iyon ni Lucas sa kaniya kahapon ay parang nawalan na rin siya ng gana sa kaniyang buhay. Parang pinipiga pa rin ang kaniyang puso at walang tigil sa pagkirot.
Wala na siyang iba pang maisip kung hindi si Lucas. Hindi niya ito maintindihan. Bakit kailangan pa siyang palayasin? Wala naman siyang ginawang hindi nito nagustuhan. Sabi pa ng lalaki ay ayaw siya nitong saktan pero kahit kailan man ay wala itong ginawa na nagpasakit sa kaniya. She finds his reason not enough. Parang may mas malalim pa na rason ang lalaki pero hindi lang siguro iyon masabi sa kaniya.
Gusto niyang manghimasok sa buhay ng lalaki at alamin ang totoong rason kung bakit pinalayas siya nito na parang wala lang. She was so hurt because of his decision. But you know what hurts the most? Seeing his painful expression while saying those words that he wants her to leave.
Pagak na napatawa na lang siya at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa sarili. She doesn't understand herself anymore. Sobrang sakit sa puso marinig ang mga katagang iyon mula sa lalaki. Pakiramdam niya ay mas masakit pa iyon kaysa sa mga salita na binitawan ng kaniyang sariling Ina. Ganoon na pala talaga siya ka napalapit sa lalaki sa kaunting panahon na magkasama silang dalawa?
Despite Lucas' cold behavior and his personality of bringing random women every single night, he never ever once tried to touch her. Labas na sa usapan ang nangyari noon kung saan wala sa sarili si Lucas at hinampas niya ang ulo nito nang matigas na bagay. Nagulat siya noon pero naiintindihan din naman niya ang nangyari. Anong magagawa niya kung magagalit pa siya sa bagay na ginawa ni Lucas na lingid sa kaalaman ng lalaki?
It's like getting angry on someone who almost did something bad to her without them knowing.
Naiintindihan niya ang lalaki dahil wala itong naaalala kinabukasan. Mas lalo pang lumalim ang pagkakaintindi niya kay Lucas nang malaman na may sakit ito at trauma. As a person who grow up in a messed up environment, where she doesn't have a choice but to understand her Mother who mistreated her the whole time, understanding Lucas and his situation is more easy than understanding her own Mother who treats her as if she wasn't her real daughter.
He is also generous enough to let her roam around his mansion as if it was her home and he never once failed to check on her. Napapansin niya iyon sa tuwing nag t-trabaho siya ay palagi niyang nakikita si Lucas na nag-iiwan ng tubig or hindi kaya snacks sa gilid. She finds it really sweet, perhaps that also makes her to like him more? He's also observant not to mention his appearance and cold demour is her type.
Sobrang sakit lang isipin na tinuring na niya na tahanan ang bahay nito at palihim na inaalagaan ang lalaki t'as sa huli mapapalayas lang naman siya. Her heart was breaking into two. She doesn't want to leave but if it's Lucas decision then she doesn't have a choice but to leave. Kung alam lang siguro niya sa una na ganito ang kaniyang kahihinatnan ay hindi na lang sana niya tinanggap ang trabaho na inalok sa kaniya.
Mabigat ang kaniyang puso at namumugto ang mga mata habang tinatahak niya ang daan pababa sa unang palapag. Dala-dala na niya ngayon ang kaniyang mga gamit at damit. Nang makababa na siya nang tuluyan sa hagdan ay nanigas ang kaniyang buong katawan nang makita ang lalaki. Seryoso at mukha nito habang nakasandal sa pader. His expression were still and cold and he looks like he's in deep thought.
Napansin siguro ni Lucas ang kaniyang presensiya at napatingin ito bigla sa kaniyang kinaruruunan. In the past, whenever Lucas' gaze collided with hers, her heart always raced in a fast pace but right now, all she can feel is pain. Nasasaktan siya na makita ang mukha nito kaya imbes na makipag titigan pa sa lalaki ay iniwas niya ang kaniyang mga mata at napatitig sa sahig.
"A-ahm, alis na po ako," pagpapaalam niya kay Lucas sa isang malamig na boses. Hindi nagsalita ang lalaki dahilan ng kaniyang pag singhap dahil sa sakit. Her eyes looks like they were about to give in. Hera swallowed back her tears and with a trembling lips, she uttered that word she hated saying.
"P-paalam po." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa malaking pinto papuntang labas. She was about to pass next to Lucas when the man suddenly grab her wrist that made her stopped.
Mas lalong nagwala ang puso ni Hera sa loob ng kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman ngayon. Gulat at may kaunting pag-asa ang namayani sa kaniyang puso. She doesn't want to assume but her heart and mind thinks differently.
"Hera..." The way her name rolled up on his tongue feels like the man has been calling her name for how many times already. Pinilit ni Hera ang magpatapang at sinalubong ang mga tingin ng lalaki.
"Po?" She doesn't want to act cold but her voice automatically sounded like that. Umigting ang panga ng lalaki at mabilis na napabitaw sa kaniya na para bang napaso ito. He glanced the other way and spoke in an emotionlessly tone.
"Nothing, just leave already." And after that, Lucas left her again, hanging and with a broken heart. Pagak na napatawa na lang siya habang walang tigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha.
Ano ba ang aasahan niya? Na pipigilan siya nitong umalis at bawiin ang mga katagang sinabi nito? It seems like she became assuming on what he actually felt. Does she really think her boss likes her?
Even still, kahit na alam niya sa kaniyang sarili na masasaktan lang siya kapag umasa siya ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili. Anong magagawa niya? Ayaw niyang iwan ang lalaki. Lunod na lunod na ba talaga siya sa kaniyang nararamdaman para kay Lucas kahit na kailan man ay hinding-hindi iyon masusuklian?
Maybe perhaps Lucas' decision was the right thing to do. She doesn't know. She's also confused just like how confused he is. If he's asking for space, then she won't have a choice but to give it to him. Pakiramdam niya ay kailangan niya din ng panahon para ayusin ang sarili at ang totoong nararamdaman niya para sa lalaki.
Impossible rin naman na simpleng pagkagusto lang itong nararamdaman niya para kay Lucas.
Ah... I don't know anymore.
"Sorry talaga ma'am, puno na ang boarding house," malungkot na wika ng isang babae kay Hera na sa tingin niya ay mas matanda ng ilang taon. Tipid na ngumiti lang si Hera sa babae.
"Okay lang po, hanap na lang po ako sa ibang lugar," sagot niya sa babae at mas humigpit ang pagkakapit sa kaniyang bag. She's sweating a lot. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang boarding house at apartment na ba ang kaniyang napuntahan. Lahat ng iyon ay puno na at hindi na naghahanap pa ng ibang titira. Tanghaling tapat na pero hito siya ngayon, naghahanap pa rin ng matitirhan.
Ilang oras na ang nakalipas mula noong umalis siya sa mansyon ni Lucas. Masakit at mabigat pa rin ang kaniyang puso pero wala naman din siyang magagawa. Kaya imbes na magmukmok ay nagpasiya siya na hindi sayangin ang kaniyang oras at maghanap ng matitirahan. Pero mukhang impossible ata iyon sa lagay ngayon.
Maraming boarding house ang puno na dahil siguro sa pagdami ng mga tao dito sa syudad. Ngayon ay hindi niya alam kung saan pupunta. Ayaw rin naman niyang umuwi sa bahay ng kaniyang Ina dahil tiyak na mas lalo lang sasakit ang kaniyang puso at ulo pag nandoon siya. At isa pa, ayaw na niyang makasama ang mga ito.
"Kung gusto mo po, may isa pa pong boarding house medyo hindi kalayuan dito. Kaya lang ay mahal po ang renta doon, hindi kasi 'yon simple at budget friendly kagaya ng boarding house na 'to." Napatingin bigla si Hera nang sabihin iyon ng babae.
"Talaga?" Ngumiti ang babae at tumango.
"Yes, ma'am. Kung interesado po kayo, puwede ko po kayong samahan ngayon." Napaisip bigla si Hera dahil sa sinabi ng babae. Okay lang naman siguro na ito na lang ang kaniyang kukunin? Kaysa naman sa wala siyang matutulugan mamaya.
Honestly, ayaw niya talagang gumastos ng malaki para lang sa kaniyang matitirhan pero dahil nga wala siyang choice ay mukhang mapipilitan siya. Okay lang siguro na gumastos siya ng malaki, total ay malaki rin naman ang binigay ni Lucas sa kaniya.
Ayaw niya sanang tanggapin ang malaking pera na binigay nito pero wala siyang choice. Alangan naman na tanggihan niya iyon kahit na alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang pera? Bobo lang?
Tumango si Hera sa babae at kaagad na pumayag sa suhestiyon nito sa kaniya. Kaagad na sinamahan siya nito papunta doon sa boarding house na sinasabi nito. Pagdating niya doon ay napatango-tango na lang siya. Kaya rin siguro mahal dito ay dahil na rin sa istraktura ng gusali.
"Dito ka muna ma'am, tawagin ko lang ang landlady." Nakangiting tumango si Hera sa babae at umupo doon sa bench sa labas. Maraming tao ang dumadaan sa harap dahil malapit lang naman ito sa kalsada. May malaking mga letra na nakapaskil sa gitna ng gusali. Maganda ang labas at kahit na hindi pa siya nakapasok ay sigurado siya na maganda rin sa loob.
Habang tahimik siya na nag-aantay sa pagbalik ng babae ay naisipan niyang kunin ang kaniyang dipindot na cellphone. Plano niyang bumili ng bago dahil sobrang luma na no'n. Wala na sigurong gumagamit ng ganoong cellphone ngayon maliban sa kaniya. Bigay iyon ng kaniyang Ina at pinaglumaan na talaga. Gusto sana niya iyon itapos kapag nakabili na siya ng bago pero naalala niya na ang cellphone na ito pala ang kauna-unahang binigay sa kaniyang ng Ina.
She still wanted to keep it atleast.
"Hera? Anong ginagawa mo dito?" Nanigas ang buo niyang katawan nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon. Parang robot na gumalaw ang kaniyang ulo at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Napaawang ang kaniyang labi sa gulat nang makita ang kaniyang Ina na may gulat din na ekspresyon. Kasama nito ang kaniyang nakakabatang kapatid na babae na si Natalie.
Mukhang galing sa loob ng boarding house ang dalawa. Kaagad na napatayo si Hera mula sa pagkakaupo.
"Ma..." Napaigtad ang kaniyang Ina nang sabihin niya ang katagang iyon. Nagbago agad ang ekspresyon ng mukha nito.
"H'wag mo akong tawagin ng ganiyan. At isa pa, bakit ka nandito? Huwag mong sabihin na napalayas ka na ng amo mo?" may kalakasan na tanong nito sa kaniya kaya napatingin tuloy sa kanila ang ibang tao na dumaraan. Nagpakawala nang malalim na hininga si Hera. Nagtataka kung bakit parang wala na lang sa kaniya ang sinabi nito.
"Mag b-board po ako." Kahit na nawala na ang respeto ni Hera sa kaniyang Ina dahil sa mga ginawa nito ay pinilit niya pa rin ang sarili na hindi maging bastos. Tumaas ang kilay ng Ina niya dahil sa kaniyang sinabi.
"Ay wow ha, so mapera ka na ngayon kaya ba hindi ka na tumawag sa amin?" mayayabangan na singit ni Natalie sa kanilang usapan ng kaniyang Ina. Pagod na binalingan niya ng tingin ang kapatid na babae.
"Bakit pa ako tatawag? Eh hindi ba kayo naman ang nagpalayas sa akin?" malamig niyang sagot na nagpatahimik sa dalawa. Ba't pa siya tatawag? Para ano? Para abusuhin at saktan na naman ang kaniyang puso?
Pagod na pagod na siyang masaktan. Ayaw na rin niyang magpakatanga pa.
She let out a heavy sigh and decided to pick up her things. Hindi niya alam kung matatagalan pa ba niya ang mga ito. It's better if she should just follow the woman earlier.
"Kung wala kayong sasabihin pa, aalis na ako." Tatalikod na sana si Hera at aalis nang bigla siyang pigilan ng mga ito. Nang lingunin niya ang dalawa ay sumalubong sa kaniya ang guilty at nagmamakaawang mukha ng kaniyang Ina.
"Hera anak, puwede mag-usap muna tayo? Tungkol lang sana sa trabaho mo, mukhang may pera ka na. Tulungan mo naman ang kapatid mo, na nasa hospital ngayon..."