webnovel

KABANATA 21

Matapos sabihin ni Lucas ang mga katagang iyon ay iniwan siya nito na mag-isa sa dining room. Nakaawang pa rin ang kaniyang labi at hindi makapaniwala sa narinig mula sa mismong bibig ni Lucas. As she thought, he really blames himself for what's happening to her right now. Hindi naman ganoon kalala ang kaniyang sitwasyon. Maliban sa mahapdi at masakit niyang pagkababae ay okay naman siya.

She doesn't understand why he's feeling guilty. Sa totoo lang ay dapat nga siya ang makaramdam ng guilt at humingi ng tawad sa lalaki dahil siya naman ang pumilit dito. Hindi lang niya maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago bigla si Lucas dahil lang sa gabing iyon. He even told her to stay away while she still can. Paano niya magagawa iyon kung ganito ang lalaki?

Napabuntong hininga na lang si Hera at napatingin sa pinggan ni Lucas. Hindi man lang nagalaw ang pagkain nito. Kahit isang kutsara ay hindi niya nakita ito na sumubo. May problema ata talaga ang lalaki at siya ang may dahilan no'n. Kung hindi siguro niya pinilit ang lalaki at walang nagyari sa kanila ay baka kagaya pa rin sa dati ang pakikitungo nito sa kaniya.

Pakiramdam niya kasi ay iniiwasan siya ni Lucas. Kapag nahuhuli niya itong pasimple na tumitingin sa kaniya ay palaging may nakikita siyang guilt sa mga mata nito. He doesn't seem to regret what happened but he is guilty. Is he guilty because he hurts her and not because something happened to the both of them?

Ha, hindi ko na alam talaga. Sumasakit ang ulo kakaisip sa mga nangyari.

Imbes na ilunod niya ang kaniyang sarili kakaisip tungkol sa lalaki ay naisipan na lang niyang iligpit ang mga pinagkainan ng lalaki. Kahit na masakit ang katawan ay mas pinili niya ang gawin ang pang-araw-araw na trabaho. Magpapahinga na lang siya kapag siya ay tapos na.

Bandang alas dos ng hapon nang matapos na siya sa lahat ng kaniyang gawain. Nilinis na niya ang buong mansyon at dahil araw-araw naman siya na naglilinis ay walang ganoong dumi siyang nakita, kaya naging smooth ang kaniyang trabaho. Hindi kagaya noong bago pa siya dito na halos gabihin na siya bago siya matapos.

Nang wala na siyang makitang dumi dito sa bakuran ay naglakad na siya papasok sa mansyon. Mahirap talaga kapag ikaw lang ang kasambahay, pero dahil nasanay na rin siya na maglinis na siya lang mag-isa ay mabilis na naka adapt naman ang kaniyang katawan.

Basang-basa siya sa pawis at tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan at bibig. Nauuhaw na siya kanina pa, at dahil ayaw niyang huminto sa paglilinis para lang pumasok ulit sa loob at uminom ng tubig ay tiniis na lang niya iyon. Sa buong sandali na naglilinis siya ay muntik na niyang nakalimutan na masakit pala ang kaniyang gitna. Ngayon na tapos na siya ay naramdaman na niya ulit ang sakit.

Grabe ata talaga ang pagkapunit niya kagabi dahil sa pagkalalaki ng kaniyang Amo. Alam niya na masakit kapag first time dahil na rin sa mga naririnig niya sa mga kasambahay noon. Pero sabi din nila ay nawawala rin daw iyon pero hitong sa kaniya, hindi siya naniniwala na mawawala agad ito.

She was being stretched so much last night and got laceration because of Lucas' huge size.

Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ay hindi ko na sana pinilit ang lalaki. Pero syempre joke lang 'yan.

Despite the pain she felt right now, she never regretted what happened. Pakiramdam niya ay may kakaibang nangyari sa kaniya pero hindi nga lang niya alam kung ano. And that's because of Lucas. Regretting something that happens already is nothing but foolishness.

Of course, everything happens for a reason. Hindi naman siguro mangyayari ang bagay na iyan 'di ba kung walang rason? Kagaya lang din ng nangyari sa kaniya. Hindi siya masasaktan ngayon kung hindi lang sana niya pinilit si Lucas. Hindi siya magsisisi dahil in the first place, it's her choice. Everything always happened because you let it happen. Don't say crap like you have no choice that's why it happens. You have one but you just didn't notice.

"Ang lagkit ko na... Gusto ko nang maligo." Nagpakawala siya nang malalim na hininga at mabilis na naglakad papunta sa hagdanan. Saktong pagtapak pa lang niya ay bigla na lang umikot ang kaniyang paningin. Nagsimulang dumilim ang kaniyang paligid at bago pa man siya nawalan ng malay ay may nahawakan siya dahilan ng pagkahulog no'n.

"Bryle... Where's my medicine now? I badly need it," malamig na wika ni Lucas sa kaniyang kaibigan pagkasagot pa lang nito sa kaniyang tawag. Narinig niya ang pag buntong hininga nito sa kabilang linya pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.

"It's been a month already, I'm going to lose my mind." Napahawak siya sa kaniyang ulo nang bigla na naman iyon sumakit. Simula noong may nangyari sa kanila ni Hera ay bigla -bigla na lang sumasakit ang kaniyang ulo. Dahil kasi ito sa mga alala na binaon niya pero pilit na bumabalik. He forced himself to forget them again, and now he's having a hard time.

Wala siyang ibang masisi kung hindi ang sarili. He let himself in this situation. Kahit na sabihin ni Hera sa kaniya na kasalanan nito iyon ay hinding-hindi niya ito sisisihin. Hera might not now but he's crazy. Deep inside him lurks the devil in himself. Pati siya ay takot din sa kaniyang sarili at sa kayang gawin nito. He just doesn't know why but he has another identity he has been trying to suppress for so long. And now, he's starting to feel it again.

"Lucas, I already told you that you might die if you overdue it!" Mariin na napapikit siya ng kaniyang mga mata nang sigawan siya ng kaibigan mula sa kabilang linya. Ramdam na ramdam niya ang frustration nito pero na f-frustrate rin siya.

"I don't care! Just give it to me..." humina ang kaniyang boses at napahilamos na lang siya sa kaniyang mukha.

"Ha, you're really stubborn aren't you? Fine, I'll give you one. Huwag kang lalapit sa akin kung malapit ka ng mamatay." Napatawa na lang siya nang mahina dahil sa huling sinabi ni Bryle sa kaniya.

"Yeah, yeah I won't," he replied, laughing a bit. Narinig niya itong nagpakawala nang malalim na hininga. Bryle is probably stressed because of him.

Bryle has been his close friend since he was still a kid. Kasama na niya ang lalaki at iba pa niyang kaibigan. Alam ng mga ito ang kaniyang sitwasyon at sa kanilanh lahat, si Bryle ang may pinakamalaking naitulong sa kaniya.

Bryle knows someone who can help his case. Kaya sa lalaki siya palagi humihingi ng gamot. His medicine, especially his sedatives are pricey. Pero syempre ay libre lahat iyon ni Bryle. Napaka kuripot naman nito kung hindi siya nito elilibre. Kahit na hindi siya nito elibre ay kaya niya naman itong bayaran. It's just that mas maganda sa pakiramdam kapag libre.

"I'm not joking here, Lucas. You'll really die." Malungkot na napangiti na lang siya.

He doesn't fear death. Bata pa lamang siya ay ito na ata ang kaniyang palaging nakakasalamuha and now that he's already an adult, fearing death would be an insult to his sacrifices in the past.

"I know, it's not like I wanted to live." Natahimik ang kabilang linya dahil sa kaniyang sinabi. Totoo naman kasi. He just can't find a reason to continue his life. What's the use of living when you're already dead and mess up inside?

The only reason why he's alive right now is because he wanted to witness his friends getting married. They're the only people whom he can consider his family. Kahit na hindi niya kadugo ang mga ito ay tinuring pa rin siya ng mga ito na parang pamilya. They treated him like a true family unlike his real parents who only sees him as a thing they wanted to own.

"Don't lose hope, I will find a way. Didn't I promised you already? That I will find her? So hang in there while you still can." 'Yon lang ang sinabi ni Bryle ay kaagad na pinatay ang tawag. Blangko na napatitig na lang siya sa kaniyang cellphone.

He don't understand, and he doesn't want to understand.

Pagod na napapikit na lang siya ng kaniyang mga mata at humithit sa sedatives na hawak-hawak. He needs to calm his messed up mind. Minutes later, after that call, he suddenly flinched.

Lucas forehead creased in confusion when he suddenly heard a loud noise from downstairs. He was busy smoking sedatives when that noise suddenly echoed throughout the quite place. Iignorahin na sana niya iyon nang bigla na lang pumasok sa kaniyang isipan ang imahe ni Hera. Mabilis pa sa cheetah na tinapon niya ang sedatives na hawak-hawak at naglakad paalis sa kaniyang kinaruruunan.

Nang nasa bandang hagdanan na siya ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Hera. Nakahandalusay ito sa pinakadulo ng hagdan at walang malay. His heart pounded heavily. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at kaagad na tumakbo papunta sa kinalalagyan ng babae.

"Hera! Fuck," napamura siya nang mahawakan ang babae. Sobrang init nito at puno ng pawis ang katawan. Namumutla rin ito at kasing putla nito ang papel. Kinakabahan na napalunok na lang siya at kaagad na kinarga ang babae. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa garahe.

While they were on the way to the hospital, he was silently praying for Hera to be safe.