Samantala sa loob ng opisina ni Tanaga, si Ashley naman ay busy sa pag-awat sa ginagawa sa kanya. "Tanaga, tigil at baka me dumating na empleyado mo? Ano... ba!" Aniya ni Ashley habang itinutulak niya ang asawa papalayo sa kanya.
"Hmph! Walang mag-tatangka na pumasok dito hangat naka-kandado ang pintuan ng opisina ko. Kaya kahit mag tumbling-tumbling pa tayo dito, walang pwedeng umistorbo sa atin." Sagot ni Tanaga habang nakasandal ito sa sofa at nakasimangot dahil hindi nag work kay Ashley ang paglalambing niya.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者