webnovel

Chapter 2

Chapter 2:

Friendly Encounter

"Hi ako nga pala si Diabolus Anne Maerin(Mayrin)"Bati sa akin ng babeng iyon at inilahad sa akin ang kanyang kamay.Agad ako nakipag kamayan at ngumiti sa kanya."Hello ako si Glitzie Saifie Anderson"Maikili kong pagpapakilala dahil di ako komportable sa mga strangers."So natagpuan mo na ba ang iyong exousia element?"Excited na tanong niya sa akin."Ah hindi pa...ano ba ang mga elemento nay mayroon?"Aking tanong pabalik."Ahm...Fire,Water,Earth/Nature,Air,Techonology,Light,Dark and the strongest which is Exousia's Treasure"Pagsagot niya sa akin habang binibilang ito.

"Ah so 8 elements sila lahat?"Pagtanong ko muli."Oo...sa totoo lang...isang tao palang nakakakuha ng Exousia's Treasure which is yun greatest inventor na nakakaglitch ng mga electronics"Pagdagdag niyang impormasyon na nagpatango sa akin."Anong ibig sabihin ng Exousia's Treasure?Paano malalaman pag ang elemento ay Exousia's Treasure?"Pagtanong ko muli sa kanya."Malalaman ito kapag naigagamit ito sa mga ibang roles kungyari...being a healer,deceiver,gunslinger,swordsman etc."Sambit niya muli at ako'y napatango nalang."Meron din job classification kung saan maiinhance mo ang strength and ability mo kasama na din ng alchemy weapon mo"

Iyan ay isinambit niya muli at naintindihan ko naman kaya ako'y tumango na lamang.May biglang kumatok sa pinto ng dorm namin kaya ay agad namin ito nilapit at binuksan."Ipinapadala ko lang ang uniform tapos mga timetables nyo...."Pagsisimula ng lalaking paladala."Salamat..."Sambit ni Diabolus at ikinuha na ito.Agad ko naman isinarado ang pinto at tiningnan si Diabolus."Ito na ang uniform mo at parehas naman tayo ng timetable kaya ayun"Sambit ni Diabolus at agad ko naman kinuha ang uniform ko sa kanya."Yayyy!Magkaklase tayo!"Masaya kong sabi at mahigpit siyang niyakap kahit di ko siya close.

"Haha sorry sanay kasi ako na yumakap ng mga tao"Sabi ko at binitawan ang aming pagyakap."Okay lang naman haha...halik ka bihis na tayo kasi baka magstart ang klase"Sambit niya at pagtingin ko sa aking relo ay nakita kong 6:30am na at 7:00 mastart ang klase."Sige..."Sagot ko at tumakbo na papunta sa aking kwarto.Agad agad ako nagbihis dahil na din sa pagiging excited ko sa unang araw ko dito.Pagkatapos ko magbihis agad agad akong lumabas sa kwarto ko at hinanap si Diabolus sa sala."Diabolus halika na!"Malakas kong sigaw sa kanyang tenga.

"Aray naman Glitzie!Kung makasigaw ka kala mo bingi kausap mo!Hay naku"Sabi niya at agad na binatukan ako."Sorry na!Hehe excited kasi ako magpasok sa una nating klase eh heheh"Palusot ko at agad na hinila siya sa labas ng aming dorm."Sooo...anong una nating klase?"Masaya kong tanong ki Diabolus."Exousiaology kung saan natin pwede magpractice ng simple spells at kung alam mo na ang Exousia Element mo at charm ay iprapraktis yun sa klaseng yun"Sagot niya sa aking tanong ata agad naman kami lumakad papunta sa aming klase.Pumasok kami at agad na umupo.

Habang hinihintay namin na dumating ang amin guro ay nakipagkwentuhan lang kami.Sa likod kami nagupo dahil sa likod na lamang ang bakenteng upuan na 2...tatlo nga ang bakante eh.Tahimik lang kaming naguusap ni Diabolus ng bigla may narinig kami malakas na pag bagsak ng gamit sa malapitan.Pag lingon ko sa aking gilid nakita ko ang isang blue haired guy na nakasara ang mga mata habang nakikinig sa musika.Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha ng marealize ko kinakausap nga pala ako ni Diabolus."Glitzie!Hoy Glitzie!"Paulit ulit niyang tawag.Nabuhayan ako sa katotohanan at muli na lumingon sa aking kaibigan.

"Ha?Bakit Diabolus...may problema ba?"Nagtataka kong tanong sa kanya."Kanina pa kita tinatawag ngunit tulala ka lang sa katabing mong yan"Pagbulong niya sa akin dahil ayaw niya akong ipahiya."Sorreh na...ang unique kasi ng kanyang buhok parang ang natural"Nauutal kong sabi sa kanya habang nakatingin sa blue haired guy."Sus unique yan?Ang mga mata mo nga purple na may halo ng blue tas ang buhok light brown...nahiya ang uniqueness ng lalaking iyan"Paglista niya sa mga unique na bagay sa akin."Eh ikaw din naman Diabolus!Yun mga mata mong blue"Sambit ko.

"Eh wala lang to...mas uniqur ka pa din hahah"Natatawa niyang sambit sa akin."Salamat....ikaw din naman eh hahaha"Sambit ko pabalik at nagtawanan kami ng medyo ata malakas kasi bigla nagsalita si blue haired guy."SHUT UP ANG IINGAY NIYO!"Sigaw ni blue haired guy at tiningnan ang aking mga kulay purple at blue na mata habang tiningnan ko naman ang dark na black niyang mata."So--sorry....sa lag istorbo"Nauutal kong sambit at alam ko nagiging blue mata ko ngayon dahil sa kahiyaan at lungkot.Bigla siya kumalma ng tingnan ulit ako sa aking mga mata.

"Hu--huwag niyo lang ulitin"Nauutal niya ding sambit at umiwas ng tingin.Nagtaka naman ako pero dahil sa kahiyaan na aking naidulot sa aking sarili ay nagshrug nalang ako at di ito masyadong binigyang pansin.Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang aming guro sa Exousiaology."Maganda Umaga sa inyong lahat ako nga pala si Rosie Evergreen at ako ang magiging guro niyo sa Exousiaology sa division na ito"Pagpapakilala niya sa amin.Agad naman kaming bumati pabalik at binigyan ang isa't isa ng isang matamis na ngiti."So...alam niyo naman lahat na wala pa kayong Charm diba?"Sambit niya.

"Oo!''Pasigaw naming sagot ki Ma'am Evergreen."Para malaman niyo kung nabuhay niyo na ang inyong exousia at para agad agad na malaman ang charm ay bibigyan ko kayo lahat ng Crystal Rose.Kapag ito ay lumiwanag ng ibang kulay ay ibig sabihin na awoken mo na ang iyon exousia at papalit din ito ng shape depende sa iyong job classification.Pwede mo itong suotin bilang kwintas o bracelet o kaya sa iyong mga buhok"Mahaba na pagpapa liwanag ni Ma'am Evergreen at isa isa kaming binigyan ng isang Crystal Rose.Pinagmasdan ko ng mabuti ang rose at namangha sa ganda nitong taglay.

Ginawa ko itong kwintas at inilagay sa aking sarili."Para maihasa pa ang mental niyong isipan ay pupunta tayo sa field at pwede kayo maglibot libot at magconcentrate sa iisang bagay para mailabas ang inyong kapangyarihan"Sambit ni Ma'am Evergreen at agad kami pinapunta sa field."Okay class maghiwalay na kayo ng inyong mga kaibigan para makapag concentrate kayo ng mas maayos"Pagbibigay ng direksyon sa amin ni Ma'am Evergreen.Lahat nalang kami tumango at sinimulang magkalat kalat sa paligid.Umupo ako sa ilalim ng isang puno at pinagmasdan ang iba kong kaklase na nagkakalat kalat pa din sa Iba't ibang direksyon.

Napabuntong hininga ako at sinubukan ko mag pokus sa isa sa mga kaklase ko na nakaupo sa may tapat ng flagpole at naka headphones.Sinubukan ko magpakawala ng kahit anong spell na kinakailangan ng exousia papunta sa kanya pero wala nangyayari.Sinampal sampal ko ang sarili ko para makapag focus at relax ng mabuti at tiningnan sha uli.Naglipas ng ilang minuto ay wala pa ding nangyayari kaya nalahinga nalang ako ng malalim at sinarado ang aking mga mata.Naglipas ang ilang minuto ay binuksan ko na ang aking mga mata at nagsimulang bumalik sa gitna ng field dahil sa isang insidenteng na nangyari.

"Ma'am Evergreen!Sira na headphones ko...Ma'am Evergreen!"Naluluhang sigaw nun lalaki na nasa flagpole."Nasira?Imposible naman na nasira yan ng magisa at di ginagalaw!"Di kumbinsing sagot ni Ma'am Evergreen."Sinasabi ko ang totoo!"Malungkot ngunit naiinis na tugon nun lalaki."Ikaw!"Biglang sigaw ng isang lalaki na nagpapangalang Andrew ata....yun may kapatid na babae na si Andrea."Ha?"Nagtataka kong tanong."Ako?"Pagtanong ko ulit na mas lalong nalito."Nakita ko na umilaw ang kwintas mong rosas!"Pasigaw niyang sabi at napailing naman ako."Ha?Hindi naman umilaw kwintas ko eh"Nagtataka kong sabi ki Andrew.

"Hindi!Nakita ko yang umilaw sa malayong distansya palang...nakita ko!"Determinadong sabi ni Andrew."Meron...akong nakitang ilaw eh kaya lang di ko alam kung saan galing pero sayo pala"Sabi ng isa naming kaklase at tinitigan ako ng matagal."Nagkamali ka ata Andrew eh nahirapan nga ako magfocus kanina so imposible na nagawa ko yun"Pagtatanggol ko sa aking sarili."Tumigil na kayong dalawa!Sige na di na dapat natin yan pansinin...siguro natural causes lang ang cause ng pagsira niyang headphones mo na yan"Sambit ni Ma'am Evergreen ki flagpole guy.Tututol sana si guy pero pinigilan niya.

Napabuntong hininga nalang siya at lahat kami ay napaupo sa damuhan at pinakinggan ang sasabihin ni Ma'am Evergreen."Huwag kayo magalala kung hindi niyo nalaman charm niyo ngayong araw dahil unang pagsasama palang natin ngayon.Sige good luck sa susunod niyong klase!"Pagpapaalala sa amin ni Ma'am at agd kumaway kaway.Tumayo kami at pumunta pabalik sa aming classroom at si Ma'am nga pala ang adviser namin sa taong ito.Napatingin ako sa crystal na rosas na nakasabit sa aking leeg at nagtaka sa sinabi kanina ni Andrew."Maari bang totoo ang sinasabi sa akin kanina ni Andrew?"Pagkakausap ko sa aking sarili.

"Haysss....imposible naman"Mahina kong tugon at biglang may naramdaman ako nagkilbit sa akin kaya napatingin ako sa aking katabi na si Diabolus."Okay ka lang Glitzie?Kinakausap mo nanaman ata sarili mo"Sabi niya dahil kanina ay nahuli din niya ako nagpaparabulong sa sarili kaya ganun nalang siya makareact."Ah oo...may iniisip lang kasi ako hehe sorry!"Mahina kong sambit at nag peace sign sa kanya."Haha okay lang naman Glitzie huwag ka na maghingi ng tawad sa akin nakakahiya naman"Natatawang sambit sa akin ni Diabolus at napatango nalang ako at tumawa ng mahina sa inaakto ko.

Huminto kami sa pagtatawanan ng marinig namin ang pagbagsak ng pintuan ata.Tumingin kami sa unahan at ang doon na aming guro para sa "Physical Magic" at agad naman napaawang ang aking bibig dahil masyado akong pagod ngayon para tumakbo dahil sa pafocus focus na activity sa Exousiaology."Magandang umaga sainyo class ako nga pala si Steven...tawagan niyo nalang ako Sir Steven"Pagpapakilala ni Sir sa amin at agad naman kami tumango at nakinig ng mabuti."Class sundan niyo ako pupunta tayo sa track field ngayon para tumakbo at maenhance ang mga muscles niyo"Pag bibigay direksyon ni Sir Steven.

"Yes sir...."Walang buhay naming sagot at marami sa amin nagbubulungan at nagrereklamo sa bagong gawain na pinapagawa nanaman sa amin.Naglakad kami patungo sa tracks habang ako ay nakasimangot at pinagmasdan ang mga kaklase kong nakasimangot din.Nang makadating kami sa may tracks ay pinaupo muna kami ni Sir Steven para magbigay ng mas detalyado pang direksyon."Okay class...para naman mapakinabang ang pagpraktis niyo kanina ki Ms.Evergreen ay habang tumatakbo kayo sa tracks ay dapat itry niyo mag cast ng isang spell"Pagsisimula ni Sir sa kanyang direksyon na nagdulot sa pag reklamo namin at mas malala dahil limang beses.

Nagsimula na kami tumakbo at habang tumatakbo ako ay tinatry ko mag cast ng spell pero dahil tumatakbo ako ay di ako maka focus.Noong 3rd time ako nagikot ay nagsimula mag manhid paa ko sa sakit kaya nakatakbo akong maayos.Nang matapos kami tumakbo ay lahat kami hinihingal at pawisan kaya marami sa amin ay napahiga sa damuhan habang ako naramdaman ko na ang sakit ng aking mga paa kaya napasigaw ako sa sakit.Pagkatapos ng klaseng yun ay pumunta na kami sa canteen para sa lunch break.Sabay kami pumunta ni Diabolus doon at may pinakilala sa akin na lalaki si Diabolus.

Ang pangalan niya ay Alzstar(Alistar) at siya ang isa sa mga matatalinong kaklase namin.Habang kumakain ay nagkwekwentuhan din kami at tumatawa.Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa Potions Class or Witch Class at umupo sa aming mga upuan.Nang makaupo ako ay napansin ko ang mga titig ng kakambal sa akin na ang laki ng galit.Si Andrea ay matalim na nakatingin sa akin habang si Andrew ay malamig akong dinakuan ng tingin.Nakahinga nalang ako ng maluwag ng dumating ang aming guro na si Ma'am Rienne Nelian(Kneelian) at agad nagbigay ng pairing sa amin."Andrea with Diabolus,Charley with Glitzie...."