webnovel

You're My Home

Shanaia Aira's Point of View

PINAGPATULOY ko ang pagkain ko ng breakfast habang kino-contact ni Gelo si tita Jellyn.

Host : Roxanne ano ang masasabi mo sa paglantad ni Aira Gallardo sa publiko?

Napatingin ako sa cellphone na hawak ni Gelo, mukhang nai-forward na sa kanya yung interview kay Roxanne kaninang umaga.

Roxanne : Dahil sa paglantad niya, nasira ang relasyon namin ni Gelo. Ginawa niya lang dahilan na nagdadalang - tao siya kaya siya umalis at iniwan si Gelo. Nasaan ang pruweba niya? Wala naman siyang ipinapakita sa publiko. Gusto lang talaga niyang bawiin si Gelo dahil natakot siya.

Host : Natakot? Paano mo naman nasabing natakot si Aira? May dapat ba siyang ikatakot?

Roxanne : Well, alam ko naman na magpo-propose din si Gelo sa akin. Binilhan niya ako ng kotse at condo para sa nalalapit naming pagsasama. Siguro ipapa-annul na niya yung kasal niya kay Aira that time kaya naisipan na niya akong bilhan ng mga iyon. Hindi lang natuloy dahil sinabi ni Aira na may anak sila. Natakot siya na iwanan na siya ni Gelo ng tuluyan.

Host : Hindi ba sinabi ni Gelo sa interview nila kay tito Roy na minahal ka naman daw niya pero hindi pwedeng maging kayo dahil kasal sila ni Aira at mahal niya ito. So meaning wala siyang balak magpa-annul ng kasal nila ni Aira para pakasalan ka niya?

Nakita kong natigilan si Roxanne sa sinabi nung host. Halatang hindi niya pinag-iisipan yung mga lumalabas sa bibig niya kanina.

Roxanne : Yung sinabi ko ay yun ang posibleng gagawin sana ni Gelo kung hindi lumitaw ulit si Aira. Masaya na kami eh, magkasundo naman kami. Inaalagaan niya ako at nirerespeto. Wala naman akong ginawang mali para iwan na lang niya ako ng ganun na lang. Basta na lang niya akong iniwan kasi dumating na yung legal niya. Hindi ba niya inisip ang nararamdaman ko?

" Holy God. Why is she like that? Hindi ba malinaw sa kanya yung mga sinabi ko sa interview ni tito Roy? Bakit kailangan niyang ibaba ang sarili niya ng ganyan at maghabi ng kasinungalingan in front of camera?" naiinis na turan ni Gelo.

" Bhi desperado na si Roxanne kaya kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. " I said calmly.

" Kahit na baby. Hindi ba niya naiisip na mas lalo akong naiinis sa mga kasinungalingan na sinasabi niya? It never once occurred in my mind na ipa-annul ko ang kasal natin para lang pakasalan siya. Saan galing yung mga sinabi niya. Binigyan ko lang siya ng kotse at condo, papakasalan na? Hindi ba pwedeng tumatanaw lang ako ng utang na loob dahil sa mga kabutihan niya sa akin noon? Ngayon parang ipinamumukha niya in public na basta ko na lang siya iniwan ng hindi iniintindi ang nararamdaman niya. "

Masamang - masama ang loob ni Gelo. Panay lang ang hagod ko sa mga kamay niya na mariing nakakuyom. Alam ko nagtitimpi siya ng galit, pakiramdam niya kasi unti-unting nasisira ang image niya sa mga kasinungalingang sinasabi ni Roxanne.

Naisip ko na naman si Roxanne. Ayaw talaga niyang isuko si Gelo at bumitaw dito.Ano ba ang gusto niyang mangyari? Siya ang piliin ni Gelo at iwan kaming mag-iina? Malinaw naman na hindi talaga siya pwede kay Gelo unless gusto niyang maging other woman na hindi kailanman mabibigyan ng legal na karapatan.

Pinalalabas pa niya yata na nagsisinungaling lang kami ni Gelo ng sabihin namin sa interview na may mga anak kami. Bakit kailangan pa ng pruweba? Ayaw nga naming maagang mamulat sa mundo ng showbiz ang aming mga anak pero dahil sa walang tigil nyang pagpapa-interview, mukhang sa murang edad ng kambal ay magkakaroon na agad sila ng exposure.

" I will call tita Jellyn again, sasabihin ko na pumapayag na tayong mag-guest sa Beautiful Life sa live show nila on the next day, with our kids." pinal na turan ni Gelo.

MAAGANG umalis si Gelo the next day. May taping kasi sila at medyo malayo ang location nila ngayon, sa bandang South.

Dumaan na naman sila mommy dito bago sila pumunta sa kani-kanilang trabaho. Sila daddy ay malakas yung business nila ni daddy Archie na furniture. Nag-eexport na sila ngayon in different countries in Asia then sa US at Canada din sa tulong na rin ni lolo Franz.

Yung coffee shop naman ni mommy at mommy Mindy ay nadagdagan pa ng dalawang branches. Isa sa Timog at yung isa sa BGC.

So far, business is good simula nung matapos yung trahedya sa buhay namin dahil sa mga Faelnar. God is really good. Lahat ng nangyari ay nasa plano Niya.

Tomorrow ang umpisa ko sa ospital na lilipatan ko. Malapit lang ito dito sa bahay namin. A few minutes drive lang naroon ka na. Pero may live interview rin kaming mag-anak sa Beautiful Life bukas kaya pinadaan ko na muna si mommy sa ospital para sabihin na kung pwede ay sa next day na lang ako mag-uumpisa. Sa tingin ko papayag naman yon kasi ipapaliwanag naman ni mommy yung reason ko at kilala rin ni mommy yung may-ari dahil part owner din dito si lolo Franz gaya dun sa Sto. Cristo.

Ang dami-dami ng balita ang lumalabas tungkol sa amin ni Gelo. Particularly kay Gelo dahil dun sa naging interview kay Roxanne. Marami ang naiinis kay Gelo at sinasabihan siyang walang paninindigan. Mayroon din namang umaayon sa kanya dahil hindi naman niya tuwirang niloko si Roxanne. Kung niloko daw niya ito, hindi na sana ito nakipaghiwalay sa harapan mismo ng pamilya nito. May nakikisimpatiya din kay Roxanne at mayroon din namang naiinis at sinasabihan siyang sumasakay sa publicity ni Gelo.

Ang daming tsismis, ang daming intriga. Ito yung iniiwasan ko noon kung bakit gusto ko na ilihim na lang yung relasyon namin. Nagiging parang fiesta yung buhay namin. At ngayon, dawit pa pati mga anak namin. Siguradong pag lumabas sila bukas sa tv, pag-uusapan din sila.

Bandang hapon nung tumawag si Gelo sa akin. Puntahan ko daw siya sa coffee shop nila mommy sa BGC at isama ko raw yung kambal.

Binihisan ko sila at pinagayak ko na rin yung dalawang yaya. Matapos sila ay ako naman ang nagbihis. I opted to wear a simple floral dress that is above the knee and off shoulder. I paired it with a strappy sandals. Magpapahatid na lang kami kay Mang Simon dahil pag-uwi naman ay sa kotse kami ni Gelo sasakay.

Pagdating namin sa coffee shop ay pinabalik ko na si Mang Simon sa bahay. Namataan ko yung SUV ni Gelo na naka-park sa kabilang side.

Pagpasok namin, agad kong nakita si Gelo sa isang table na may kausap na dalawang tao, isang babae na medyo may edad ng konti kay Gelo at isang beki.

Tumakbo kaagad ang kambal kay mommy at mommy Mindy. Nagmano naman ako sa kanila bago ako lumapit kay Gelo.

" Oh hi baby!" bati ni Gelo nung makalapit ako. Humalik siya sa pisngi ko bago ako inalalayang umupo sa tabi niya.

" Uhm staff sila ng Beautiful Life. Si Cecille yung SP at ito naman si Bert yung writer nila. Guys, this is Aira, my beautiful wife."

" Hi Aira! Nice meeting you in person." sabi nung Cecille tapos nilahad niya yung kamay niya sa akin at nag-shake hands kami.

" You're so beautiful talaga. " sabi naman nung Bert at nakipag shake hands din.

" Anyway, nandito kami para dun sa live interview ninyo bukas dun sa show namin. Briefing lang to at ipapakita rin namin sa inyo yung mga questions na itatanong sa inyo bukas. " sabi nung Bert tapos may ipinakita siya sa aming papel.

Tumango-tango kami ni Gelo sa mga nabasa namin. Meaning, mga safe questions lang naman.

" Okay lang naman yung mga tanong, wala namang problema. " sabi ni Gelo.

" Good. Ayaw lang kasi namin yung nangyari dun sa live interview ni Roxanne sa amin kahapon. Lumihis na dun sa suppose to be na tanong kaya nag-adlib na lang yung host."

" That won't happen to us unless kayo ang magbabago ng tanong. " sabi ni Gelo.

" Ay hindi namin gawain yun. Kung ano yung nakita ninyo dito, hindi ito mababago. " sagot ni Cecille.

" I'm just saying. " sabi ni Gelo.

" Yeah. We understand. Hindi naman maiaalis yung ganon lalo na sa nangyari kahapon. Sige aalis na rin kami, be sure na kasama yung mga anak ninyo tomorrow para makita ni Roxanne na hindi kayo nagdadahilan lang. Pwede ba namin silang makita?" sabi nung Bert.

" Yeah sure. " sabi ni Gelo tapos tumayo siya para kuhanin yung kambal.

" Wow! Ang cute nila. " halos sabay na bulalas ni Bert at Cecille nung nasa harap na nila yung kambal.

" Kids this is tita Cecille and the other one is tito Bert. What will you say? "

" Hi tita and tito I am Yella po and this is my twin brother Shan. Nice meeting you po."

" Oh they are so adorable! " sabi ni Bert.

" Kamukha mo sila Gelo. Sino ang magsasabi na hindi mo sila anak? " tanong ni Bert kay Gelo.

" Yeah right. Kung sino man ang nagsasabi na nagdadahilan lang kami ay magiging sampal ito sa kanila bukas. Wala akong intensiyon na manloko ng tao. Hindi ko kailangang magsinungaling na mayroon na kaming anak upang humiwalay sa isang relasyon para lang balikan si Aira. Anyway, hindi ko naman kailangang balikan si Aira dahil sa simula pa lang alam ko na, na sa kanya lang ako talaga babalik at uuwi. " makahulugang sabi ni Gelo.

Ito yung pangalawang update ko para sa araw na ito. May update ako kahapon ng madaling araw, akala nyo lang wala kasi sobrang aga.

Anyway, thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts