webnovel

User

Shanaia Aira's Point of View

I CAN'T take my eyes off of Gelo when he emerged from our walk in closet. He really look good by just wearing a casual wear. He's wearing an Armani Button down polo shirt and jeans paired with brown Armani loafers. So gwapo. Para siyang modelo na hinugot sa isang fashion magazine. Hindi mo talaga aakalain na sa itsura niyang iyan, may asawa at anak na siya. Kaya naman hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang daming nababaliw sa kanya. At isa na ako dun.

Ngayon yung araw ng guesting naming mag-anak sa morning show na Beautiful Life. Mabuti na lang nakipag-cooperate ang kambal sa paggising ng maaga. 9am ang call time namin kaya kailangan na naming umalis baka abutan pa kami ng traffic.

Mukhang medyo matatagalan pa yata kami ng konti dahil sa nakaka-distract na kagwapuhan ng asawa ko.

" Are you done checking me out?"

" Huh!" nagulat pa ako nung nagsalita siya. There's a hint of amusement on his face.

" You're drooling baby." awtomatikong kinapa ko naman ang gilid ng labi ko.

" Heh! Wala naman bhi. You're making fun of me na naman. " I pouted.

" Kasi naman the way you look at me a while ago, seems like you want to swallow me whole." he chuckled.

" Yabang! " I shrieked at him.

" I'm just kidding. Pikon ka na naman. By the way, you look good yourself. Parang gusto ko tuloy i-exercise ka muna. " pinandilatan ko siya kaya natawa na naman siya. Tiningnan ko rin ang sarili ko sa salamin. Yeah, he's right I look good too on my Christian Dior dress in beige color with rose prints and paired it with my nude suede lame wedge shoes by Christian Louboutin.

" Where are the twins?" tanong niya.

" Downstairs with their yayas."

"Alright. Shall we?" I just nodded and then he held my hand.

We reached the studio fifteen minutes before our call time. May oras pa para sa briefing at re-touch ng make up.

Nung mag-start na yung show, kami munang dalawa ni Gelo yung tinawag, naiwan pa yung kambal sa dressing room. Mamaya pa sila kapag malapit na yung finale, bale sila yung pasabog nung show.

Carmela : Good morning Gelo and Aira. Welcome to our show.

Gelo and Aira : Good morning Beautiful Life, good morning sa lahat ng nandirito sa studio at sa mga nanonood sa kanilang mga tahanan.

Joanna : Salamat sa inyong dalawa at pinaunlakan ninyo kami para maging guest dito sa aming show.

Gelo : The pleasure is ours too Joan.

Merla : Live tayo ngayon, Gelo at Aira. Bilang pag-uumpisa, may mga ilang katanungan lang kami sa inyong dalawa. Pero mayroon tayong parang game na gagawin, bibigyan namin kayo ng mga cardboard, isusulat ninyo yung mga sagot ninyo dyan para malaman namin kung gaano ninyo kakilala ang isa't isa. Ready?

Gelo and Aira : Ready!

Binigyan nila kami ng tig-tatlong cardboard at tig isang pentel pen.

Merla : Mga tatlong question lang naman ito, but in every answer i-eexplain ninyo sa amin yon. Okay ang unang tanong ay easy muna. Saan kayo nagkakilala?

We wrote our answer in the cardboard.

Merla : wow pareho sila ng sagot. Shane's birthday party. Ikwento ninyo kung ano ang nangyari don.

May pinakita sa screen na picture namin ni Gelo nung mga bata pa kami na sa mismong party ni ate Shane kinunan.

Gelo : I saw her that day, siya yung pinaka-cute sa mga bata na naroon. She's only 8 years old and she captured my eleven year old heart.

Nagsigawan sa kilig ang mga nasa studio sa sinabi ni Gelo.

Merla :nakakakilig naman. Bata pa lang pala na-inlove na itong si Gelo sa batang Aira. Sana all.

Carmela : Ang question number 2 ay tanong para kay Gelo? Kailan mo nasabi kay Aira na mahal mo siya?

We wrote our answer to our cardboard. Panay ang ngiti ni Gelo habang nagsusulat. Siguro naaalala niya yung araw na yon.

Carmela : oh pareho na naman sila ng sagot. Aira's JS prom, February 14.

Then pinakita na naman yung picture namin ni Gelo, when he dragged me out of the venue nung kasayaw ko si Jaytee.

Gelo : I was threatened that time. Sa lahat ng nanligaw sa kanya, si Jaytee ang pinaka matinding naging karibal ko. That man is something and I admit that he can defeat me kaya inunahan ko na siya.

Maririnig ang tawanan sa audience.

Joanna : Grabe namimilipit na yata ako sa kilig sa inyong dalawa. And this is the last question, sana masagot ninyo ng tama. Mayroon ba kayong minahal na nauna bago ang isa't isa?

Tiningnan ko muna si Gelo na magsulat saka ako nagsulat ng sa akin.

Joanna : Goodness talaga ba? Ang sagot ni Gelo, Aira is my first in everything. Ang sagot naman ni Aira, Gelo is my first in everything din. Jusko, nakakakilig talaga kayo.

Gelo : Yes, it's true. Since that day, binakuran ko na talaga siya. Walang nakalapit kasi hinaharang ko. I want her for me and nagbunga naman kasi wala rin naman siyang gustong maging boyfriend kundi ako lang din. Although naging crush niya si Jaytee noon, she dumped him because of me.

Hiyawan na naman ang mga studio audience pati yung tatlong host.

Carmela : Ngayong mag-asawa na kayo, hindi naging madali ang pinagdaanan ninyong dalawa dahil sa mga babaeng nali-link kay Gelo. Sa tingin niyo ba nakatulong yung pagtatago ninyo ng relasyon nyo nung una?

Aira : Masasabi kong oo at hindi. Oo kasi walang nagtangkang manira nung relasyon namin dahil ang alam nila bestfriends lang kami although maraming nang-aaaway sa akin dahil hinahadlangan ko daw yung love life ng bestfriend ko. Hindi, kasi dahil yung mga babaeng may gusto sa kanya sobrang persistent, syempre kahit sa akin siya umuuwi, kapag nakikita ko sila on screen, masakit pero hindi ako makapag-react.

Merla : Speaking of mga babaeng may gusto kay Gelo, ano ang masasabi ninyong dalawa dun sa mga sinabi ni Roxanne na sinasabi nyo lang na may anak kayo para lang magkabalikan kayo at madaling kumalas si Gelo sa kanya?

Nagkatinginan kami ni Gelo. I nodded at him para siya ang sumagot sa tanong.

Gelo : Unang-una hindi kami nagsisinungaling sa bagay na yan. Kahit naman may anak kami o wala, hindi pa rin ako pwedeng manatili sa kay Roxanne because I'm legally married to Aira.

Joanna : Totoo ba yung sinasabi niya na balak mo daw magpa-annul ng kasal ninyo ni Aira dahil papakasalan mo raw siya. Katunayan na yung pagbili mo ng condo at kotse sa kanya ay bilang panimula ninyong dalawa. Anong masasabi mo dun Gelo?

Gelo : I don't know where she got that idea. Never kong inisip na ipa-annul yung kasal namin ni Aira. Binilhan ko lang siya ng condo at kotse, papakasalan na? Hindi ba pwedeng dahil yon sa may malaki akong utang na loob sa kanya? I never said even once that I want to marry her so I don't know where she got that idea.

Carmela : Once and for all, ano ang gusto ninyong sabihin kay Roxanne?

Gelo : Roxanne please stop spouting non sense. Hindi ko alam kung saan mo kinukuha ang mga sinasabi mo. I told you not to say anything bad against my family but you keep on telling the public that I dumped you and not thinking about your feelings. May pinagsamahan tayo at nirerespeto kita pero ikaw na mismo ang hindi nakakaalam ng salitang yon. Please stop. And I'm telling you now, hindi kami nagsisinungaling ni Aira na may anak kami.

Merla : At para mapatunayan ni Gelo at Aira na hindi sila nagsisinungaling, tawagin po natin ang kambal nila. Please welcome Yella and Shan.

Napangiti kami ni Gelo nung biglang lumabas ang kambal at lumapit sa tatlong host para magmano.

Carmela : Oh ang babait naman.

Merla : Ang cute!

Joanna : Grabe kamukha mo sila Gelo!

Carmela : Hi kids! Welcome to Beautiful Life.

Yella : Hi po. I am Ariella Shaira Montero and this is my twin brother Angelo Shaniel.

Joanna : Oh my goodness! Your kids are smart. Combination ng mga pangalan ninyo ang pangalan nila. Mga madlang people, heto po ang mga anak nila. Siguro naman po ay hindi ninyo pagdududahan na anak sila ni Gelo at Aira.

Tapos pinakita sa screen yung mga pictures ni Gelo nung bata siya at yung pictures nung kambal. Magkamukha talaga silang tatlo.

Carmela : Hindi talaga maipagkakaila na anak sila ni Gelo.

Merla : Ngayong lumabas na yung mga anak ninyo on national television, ano ang masasabi ninyo sa mga nagsasabing nagdadahilan lang kayo na may anak na kayo?

Gelo : Wala na kaming pwedeng sabihin dahil napakita na namin ang mga bunga ng aming pagmamahalan on national television. Sila ang inspirasyon ko ngayon kaya mas lalo akong magsisikap. Their mother made me the best version of myself and that best version of me ang makikita nila sa akin habang sila ay lumalaki.

________________

NAGYAYA si Gelo na mag mall kami pagkatapos nung show. Ipamimili namin ng clothes at toys yung kambal. Dahil malapit na kami sa BGC kaya doon na lang kami at pagkatapos naming mag shopping ay dun sa coffee shop nila mommy kami tutuloy.

Dahil maaga pa ay kakaunti lang ang tao dun sa dept. store na pinuntahan namin. Habang namimili kami ay naisipan kong tumingin ng bagong pillows at comforters. Nagpaalam ako kay Gelo at iniwan ko sila kasama yung dalawang yaya dun sa kids section.

Habang nandoon ako sa rack ng mga pillow at comforter, may narinig akong nag-uusap sa kabilang rack.

" Napanood mo ba yung live interview nung ex mo?" boses ng lalake yung narinig ko pero medyo naghinala ako kasi sino ba ang may live interview kanina? Kaya hindi man maganda, na-curious akong makinig

" Yeah. Kainis nga eh. Kahit anong gawin ko hindi ako pwedeng itapat dun sa wife niya." nabigla ako sa pamilyar na boses na narinig ko.

" So confirmed na, may anak talaga sila." sabi ulit nung lalaking kasama niya.

" Oo nga. Talagang hindi ko na siya mababawi pa. Sayang nga, kung naging kami, maaahon ko na sana yung pamilya ko sa hirap. Mabibili ko na sana yung mga gusto ko."

" Paano naman ako babe? "

" Hindi naman kita pababayaan kung sakali. Mayaman si Gelo at kahit suportahan kita behind his back hindi niya mahahalata. "

That's it.. kaya pala ayaw niyang bumitaw dahil lang sa financial na pangangailangan. Hindi pala siya sa pisikal na aspeto ni Gelo nakatingin kundi sa bulsa niya.

Mabuti na lang pala lumaban ako at binawi si Gelo kundi sira na talaga ang pamilya namin at magiging biktima lang siya ng isang taong manggagamit.