webnovel

The Actor's Thoughts

Ariel Angelo's Point of View

I CAN'T believe that this is happening to my wife. Sana ako na lang kaysa siya ang naririto at nakikipaglaban sa kamatayan. Kapag may masamang nangyari kay Aira, mananagot sa akin ang gumawa nito sa kanya. Hindi ko siya paliligtasin at siguradong makukulong siya kung sino man siya.

" Mr. Montero medyo kritikal ang lagay ni Mrs. Montero dahil ang kutsilyo na ginamit sa kanya ay may lason. Natanggal na namin ang lason pero maraming dugo ang nawala sa kanya, kailangan niyang masalinan ng dugo. Sa ngayon hindi pa stable ang lagay niya. Tinitingnan pa po namin kung may internal organ na nadamay. Ginagawa po namin ang lahat upang mailigtas siya sa peligro. Magdasal po tayo na sana makalampas siya sa kritikal na kondisyon niya. " sabi ng doktor niya. Nanghina ako sa narinig.

Bakit kailangang si Aira pa ang magdusa? Napakarami na niyang pinagdaanan ng wala ako sa tabi niya. Simula ng mahalin niya ako, niyakap na niya ang pagiging artista ko. Kahit ayaw niya, tiniis niya ang lahat alang-alang sa akin.

Natagpuan ko ang sarili ko sa chapel ng ospital. Nahahabag ako sa kalagayan ng babaeng pinaka-mamahal ko. Dumudurog iyon sa puso ko. Nang dahil sa akin, nangyari sa kanya ito. Kung hindi ko siya isinama sa presscon, wala sana siya dito ngayon at nakikipaglaban sa kamatayan.

Umiiyak akong idinulog sa Diyos ang kondisyon ng aking asawa.

Lord please help my wife. I know you can do anything and I'm giving it all to you now. Wala akong magagawa kundi ang manalig sa kapangyarihan mo. Lord napakarami ng pagsubok ang dumaan sa amin ni Aira at alam ko na sa lahat ng pagsubok na yon ay hindi mo kami pinabayaan. Iligtas mo po siya sa mga sandaling ito. Sana ay malampasan niya ang kritikal na kalagayan niya.

" Gelo?" nilingon ko ang tumawag. Nakita ko si mommy sa pintuan ng chapel kasama si daddy at ang mga in laws ko.

Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. Para akong isang bata na nagsusumbong sa nanay ko. Hindi ako nahihiyang ipakita sa kanila na umiiyak ako.

" Ano ba ang nangyari? Bakit nasaksak ang anak ko?" tanong ni mommy Elize.

" Piling taga media lang po ang inimbitahan ni tita Jellyn sa presscon mommy, mayroon pong nakalusot na naka-diguise po as reporter. Pilit niyang hinihila si Aira pero mabilis po yung dalawang bodyguards niya, nabawi nila siya pero may dalang patalim yung suspect at nakalusot po sa kanila kaya nasaksak po niya ang asawa ko. Kausap ko po kanina yung doktor, may lason daw po yung patalim na ginamit, good thing natanggal na po yung lason pero marami pong dugo ang nawala sa kanya. Tinitingnan din po nila kung may nadamay sa internal organs niya. Mommy hindi ko po alam kung ano ang magagawa ko dun sa taong gumawa nito sa asawa ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Mom, hindi ko po kakayanin kapag napahamak si Aira. Paano po kami ng mga anak namin?" napatakip ng bibig si mommy Elize at mabilis na dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na rin ako nahiyang magpakita ng kahinaan ko sa mga magulang ni Aira. Alam naman nila kung gaano ko kamahal ang anak nila.

" Hindi rin namin kakayanin anak kung may masamang mangyari kay baby. Magdasal at magtiwala tayo sa Diyos, alam kong hindi Niya pababayaan ang asawa mo. Gumagawa na ng paraan si Andrew para mahuli yung gumawa nito kay baby." sagot ni mommy Elize.

Kasama ko na sila nung bumalik kami sa waiting area sa labas ng OR. Magka-hawak kamay si mommy at mommy Elize na nagdarasal samantalang kaming tatlo nila daddy at daddy Adrian ay tahimik lang na umuusal ng dalangin sa aming kinauupuan.

Habang lumilipas ang oras ay hindi ako mapakali hanggat walang lumalabas na doktor. Naiisip ko yung gumawa nito sa kanya. Posible bang may kinalaman si Roxanne dito? Kung siya nga ang may pakana nito, hindi ko alam kung makakapagpigil pa ako sa kanya. Kung tinanggap na lang sana niya ng maluwag sa puso niya ang paghihiwalay namin, hindi na sana umabot sa ganito.Bakit kailangan pang gumawa ng masama kung pwede namang idaan sa maayos na usapan? Tutal hindi naman ako ang gusto niya, kundi yung mga assets ko.

Hindi ko siya inagrabyado. Nirespeto ko siya hanggang sa araw na makipag-hiwalay ako sa kanya. Kung tutuusin, siya ang nanloko sa akin, after lang siya sa kung ano ang makukuha niya sa akin. Kaya kung siya man ang may kagagawan ng nangyari kay Aira, hahantong din siya dun sa kung nasaan si Gwyneth ngayon.

Madaling araw na nung lumabas ang doktor mula sa OR.

" Mr. Montero, salamat sa Diyos at walang vital organs na nadamay. Ngunit kailangan siyang masalinan ng dugo, type AB+ ang pasyente at mahirap makahanap agad ng ganon. Kung mayroon sa family nyo na AB+, pwede pong mag-donate or sa blood bank meron pero pahirapan din. Mas mabuting sa family nyo na lang kung meron. " sabi nung doktor.

" Ako ang mother nya doc, type AB+ ako at si Andrew yung kuya nya, magdo-donate kami, yung ate nya kasi at ang asawa ko ay A ang blood type nila. Mga ilang bags po ba ang kailangan? " tanong ni mommy Elize.

" Mga 4 bags po ma'am. Kung pwede na po kayo ngayon, sumama kayo sa akin para makuhanan na kayo. Kailangan po ng pasyente ng blood transfusion sa lalong madaling panahon. " sabi nung doktor kay mommy Elize. Kumilos na sya para sumama sa doktor pero bago yon nagbilin siya na tawagan ko daw si kuya Andrew at tita Jellyn para makuhanan sila ng dugo. Type AB+ din si tita Jellyn.

" Gelo, kulang pa tayo ng magdo-donate. Subukan mong tumawag sa lolo Franz mo, baka sa kanila mayroong ka-blood type si baby." sabi ni daddy Adrian sa akin.

" Yes dad para maibalita na rin sa kanila ang nangyari." sagot ko.

Tumawag ako sa Sto. Cristo kahit alanganing oras, lahat sila tinawagan ko na. Nagdadasal ako na sana kahit isa man lang sa kanila may sumagot sa tawag ko.

Dun sa panghuling tawag ay may sumagot na, si tito Nhel. Thank God. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kaya natataranta na siyang ginising ang mga kasama sa bahay at halos nalimutan na nga niyang kausap pa niya ako. Sinabi niyang darating agad sila dahil ang ka-type ni Aira na dugo ay si tita Laine at Aliyah pati si lolo Franz kaya lang may edad na si lolo kaya depende na lang sa doktor kung papayagan.

Katatapos ko lang makausap ang mga taga Sto. Cristo nang dumating si tita Jellyn at kuya Andrew na magkasama. Pumunta kaagad sila sa doktor ni Aira para makapag-donate na rin ng dugo. Si mommy Elize ay nakatapos na at kasalukuyang isinasalin na kay Aira yung dugo na galing sa kanya.

" Anong sabi ng mga lolo Franz mo Gelo?" tanong ni mommy Elize.

" Si tito Nhel po mommy ang nakausap ko pero sinabi niya po agad kila lolo, darating daw po sila mamaya. Si tita Laine at si Aliyah daw po ang type AB+ pati si lolo."

" Ah oo, si papa nga pala AB+ din pero depende kung kakayanin pa niyang mag-donate dahil may edad na siya. Anyway, baka pwede ng kami na lang, aabot na siguro yon. " tugon pa ni mommy Elize.

" Sir excuse me po. Pwede na po kayong kumuha ng room para sa pasyente. Kapag natapos po yung blood transfusion ng pasyente, pwede na po siyang i-transfer sa room." sabi nung nurse na galing sa OR.

" Nurse kumusta ang anak ko?" tanong ni daddy Adrian.

" Stable na po yung lagay niya sir. " sagot nung nurse.

" Thank you Lord. " halos magkakapanabay naming sambit.

____________

BANDANG 9am nung dumating sila lolo Franz. Agad dinala si tita Laine at Aliyah sa doktor ni Aira para makapag-donate na rin ng dugo.

Nagmistulang may family reunion kami sa suite room na kinuha ko para kay Aira.

" Gelo, tumawag ang management nung hotel na pinagdausan natin ng presscon, nakita nila sa cctv yung pagpasok at paglabas nung suspect. Namukhaan nila kaya mabilis silang gumawa ng aksyon. Nasa custody na ng mga police at kasalukuyang ini-interrogate na. Nandoon na si Andrew, siya na pinapunta ko para mapadali ang imbestigasyon. " turan ni tita Jellyn.

" Tita whoever did this to my wife, I will make sure that they will rot in jail. " determinado kong turan. Ang galit ay hindi pa rin mawala-wala sa puso at isip ko. Mawawala lang marahil ito kung magbabayad ang salarin sa ginawa niya sa asawa ko.

" Gelo, siguradong magbabayad ang gumawa nito kay Aira pero huwag mong hahayaan na maghari ang poot diyan sa puso mo. Natural na magalit ka pero huwag mong pahintulutan na kainin ka ng galit. Ang Diyos ang magpaparusa sa sinumang gumawa nito." pangaral ni tita Jellyn. Marahang tapik sa balikat ang iginawad niya sa akin bago muling nakihalubilo sa mga kamag-anak.

Habang naghihintay kami sa pagdadala kay Aira sa suite room, umuwi muna ako sa bahay para tingnan ang mga anak namin at magbilin sa mga yaya nila ng mga gagawin habang nasa ospital kami. Nalungkot sila sa nalaman pero sinabihan ko na huwag ng banggitin sa kambal ang nangyari sa mommy nila. Nag-empake ako ng mga damit at gamit namin na sapat lang para sa ilang araw namin sa ospital.

Nang matapos ako ay mabilis akong naligo at nagbihis. Pinuntahan ko ang kambal sa room nila na mahimbing pa rin ang tulog. Hinalikan ko sila pareho at lumabas na agad ako. Kahit gusto ko silang makita ng gising ay ipinagpasalamat ko na rin na hindi pa dahil magtatanong lang tiyak sila kung nasaan ang mommy nila. Ayokong masaktan ang mga anak ko kapag nalaman nilang may nangyari kay Aira.

Pagdating ko sa suite room ay mabilis kong inayos ang mga gamit na dala ko sa closet na naroon. Nakaalis na raw sila lolo Franz dahil may board meeting sila sa FCG ngayon. Kami na lang ulit ng parents ko at in laws ko ang nagbabantay. Si tita Jellyn ay pumunta na sa network para sa isang interview doon tungkol sa nangyari. Siya na lang kasi ang pinahaharap ko sa media, hindi ko pa kayang magsalita sa ngayon.

Ilang sandali lang ang lumipas nang dumating si kuya Andrew. Base sa itsura niya ay mukhang hindi maganda ang balitang dala niya.

" Anong balita Andrew?" tanong ni daddy Adrian.

" Ang tagal po bago namin napaamin yung suspect. Mukhang baguhan lang dahil takot na takot. Nung una, pinaninindigan pa na hindi raw siya yung nakita sa cctv pero habang lumilinaw yung mga kuha niya sa ibat-ibang anggulo, hindi na siya nakapag-kaila. Ayaw din niyang aminin na may nag-utos sa kanya, nagmamatigas talaga pero nung dinala nung imbestigador yung asawa at anak niya, napilitan din na magsalita. "

" Sino raw kuya ang nag-utos sa kanya? " tanong ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko.

Napailing si kuya Andrew.

" Just see for yourself Gelo para ikaw na ang magtanong kung bakit niya ito ginawa sa kapatid ko. "