webnovel

Love Nest

Shanaia Aira's Point of View

LOVE is in the air. Yun talaga ang pakiramdam ko habang magkaharap kaming kumakain ni Gelo. Palagi pa syang nakatitig sa akin bago sumubo ng pagkain nya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya pero grabe, tingin pa lang nya parang gusto ko ng matunaw.

" Bhi bakit fireworks ang naisip mong surprise sa akin? I'm sure mahal yung ganung klase ng pyrotechnics." tanong ko sa pagitan ng pagsubo.

" Nakikita ko kasi kung gaano ka kasaya kapag nanonood tayo ng fireworks sa MOA. So naisip ko mas mabuting ako na lang ang magbigay sayo ng ganon. Ang saya ko kanina habang tinitingnan kita kung gaano ka ka-amazed sa nakikita mo lalo na nung mabuo yung mga salita. Yung naiiyak ka na sa tuwa, pakiramdam ko nagtagumpay ako sa isang bagay na mahirap makuha. Isang achievement na sa akin yung makita kitang masaya. Kapag nakikita kitang masaya, dobleng kasiyahan sa akin yon. Walang kaso sa akin kung gaano man kamahal, ang importante sa akin yung happiness mo baby. "

" Aw bhi naman, you love me too much. Nag-aalala ako baka hindi ko nasusuklian ng tama yang pagmamahal mo sa akin. Baka kulang, baka hindi sapat o baka nasasakal ka. Sabihin mo lang bhi kasi gusto ko tama yung naipapadama ko sayo. "

" Baby walang kulang, walang sobra sa pagmamahal mo, tama lang lahat. Ang love kasi hindi naman naghihintay ng kapalit. Mahal kita hindi dahil mahal mo ako kundi dahil yon ang nararamdaman ng puso ko. Kuntento ako sayo baby. Kuntentong-kuntento. " tugon nya tapos hinawakan nya ang isang kamay ko at dinala sa labi nya.

Matiim ko syang tiningnan ng nakangiti. This man, he really knew how to melt me with his words.

" The food's great. The best ka talaga baby. Ang ganda rin ng ayos nitong garden. Feeling ko nasa ibang bansa tayo. Ganitong-ganito kasi yung ayos nung garden restaurant na kinainan natin sa Japan noon." puna nya sa hinanda ko. Makikita sa mata nya yung satisfaction sa mga nakikita nya.

" Yeah, inspired nga ito doon. Ang romantic kasi kaya hindi ko makalimutan. Tinulungan naman ako nung mag-ina ni Mang Turing sa pag-aayos. " sagot ko.

" Dapat siguro bigyan natin ng bonus yung mag-anak. They did a very good job." sambit nya.

" Yeah. I think so. " ayon ko.

After our dinner, niligpit na ni Aling Bebang at Menchu ang mga pinagkainan. Yung mga natira ay pinadadala ko na sa kanila pag-uwi nila. Nag-abot din si Gelo ng sobre na naglalaman ng bonus nung mag-anak.

Nung makaalis ang mag-anak na Mang Turing ay nagpahinga muna kami ni Gelo sa living room. Magkatabi kaming nakaupo sa couch. Nakahilig ako sa balikat nya at nakayakap naman sya sa akin.

" Kumusta ang first day ng showing ng movie mo bhi?" tanong ko. Magka-holding hands kami at nilalaro nya yung mga daliri ko ng kamay nya.

" Nag-ikot kami sa mga movie houses kanina. And you know what baby?"

" What?"

" Puno lahat ang mga sinehan at ayon kay boss kanina, kumita na kami ng 15million sa first day pa lang ng showing."

"Wow! Ang galing naman. Congrats bhi." nama- mangha kong sambit.

" Thanks baby. Nag-meeting nga kami kanina kaya muntik na akong ma-late dito but thank God nakaabot ako on time."

" Hihintayin pa rin naman kita kahit ma-late ka.Ano nga pala nangyari sa meeting ninyo? "

" May susunod na movie ulit ako, natuwa kasi si Mr. Chan sa kinita nung movie first day pa lang. "

" Talaga bhi? That's great. "

" Si Gwyneth ulit ang leading lady ko. " medyo malungkot nyang sambit.

I heaved a sigh. " Talagang ganon bhi, trabaho naman yan. "

" Yeah, I know. Wala naman akong magagawa dun. Nakapaloob ako sa limang taong contract at hindi ko pwedeng tanggihan ang anumang project na ibigay nila. "

" Mag-ingat ka na lang bhi sa mga schemes ni Gwyneth. Pakiramdam ko hindi talaga siya titigil hanggat hindi ka napapasakanya. "

" Oo baby, mag-iingat ako. "

" Halika na bhi, sa kwarto na tayo. " untag ko sa kanya.

" Hmm. bakit nagyayaya ka sa kwarto ha baby? " tanong nya na may pilyong ngisi.

" Oops. mali ka dyan bhi, kung ano na namang kababalaghan yang tumatakbo sa isipan mo. Later na yan. "

" So meaning, may exercise din na magaganap after?" namimilyong tanong nya.

" Pag-iisipan ko. "

" Ay ang daya! Ano ba kasi yang gagawin muna natin sa kwarto? "

" Basta! Sumunod ka lang. " sabi ko saka ko sya hinila papunta sa kwarto.

Pagdating namin sa room, napuna agad nya yung box sa ibabaw ng kama.

Napatingin sya sa akin saka unti-unting napangiti.

" Wow! " yun lang ang nasabi nya habang pinagmamasdan yung rubber shoes na gustong-gusto nyang bilhin kaya lang wala syang size kasi limited edition yung shoes.

" P- Paano? S-saan?" o kitam nauutal pa sya sa sobrang saya nya.

" I have means bhi. Yung company nila tito Anton ang distributor ng brand na yan dito sa Pinas and luckily may stock sila ng size mo."

" Oh thank you baby!" niyakap nya ako at hinalikan sa ulo.

" Wait there's more bhi!" bulalas ko.

" Meron pa?"

" Yeah. Akala mo ba tapos na ang surprise ko sayo? Kunin mo yung nasa loob ng box nyang shoes. " utos ko na agad naman nyang sinunod. May nakuha syang sobre na parihaba.

Nanlaki ang mata nya ng makita ang laman ng sobre.

" Baby ano ba? Papatayin mo ba ako sa excitement? " tanong nya habang iwinawagayway nya sa harap ko yung plane ticket at brochure ng Amanpulo.

" Hindi ba dream vacation mo yan? 5 days lang yan, kung kailan tayo pareho available saka tayo gogora."

" Next month pwede na ako. By May pa naman yung next movie ko. Next month bakasyon mo na di ba?"

" Yeah, third week."

" Okay. Third week. Second honeymoon na natin yan. Thank you again for this baby. " tukoy nya sa vacation package.

" Sure bhi. But wait there's more. Last na, promise. " sabi ko.

" Meron pa? " gulat nyang sambit.

" Meron pa. Kung ikaw nga gumagasta ka ng milyon sa regalo mo sa akin, ano lang ba yang binibigay ko. "

" Baby it's the thought that counts."

" I know. Are you ready bhi? "

" Yes baby!" sagot nya. Hinawi ko yung kurtina at tumambad sa kanya yung portrait namin nung kasal namin kay mayor Tim. Half body lang sya kaya hindi kita yung suot naming pantulog.

" Wow! Just wow! " sambit nya tapos kinuha nya yung portrait mula dun sa pinagsabitan ko sa bintana.

" Mas maganda siguro kung dun sa itaas ng headboard ng bed natin isabit bhi. What do you think?" suggest ko.

" Yup. Perfect place. Wait lang, just hold it." turan nya, binigay nya sa akin yung portrait tapos nagmamadaling lumabas ng room namin.

Ilang minuto lang ang lumipas nang bumalik sya na may dalang pako at martilyo.

" Hayan, perfect! " wika nya ng matapos isabit yung portrait.

" Oo nga bhi. Pagpasok pa lang ng kwarto natin yan na agad ang tatambad. Kaya hindi talaga pwedeng malaman ng mga taga showbiz lalo na ang media itong bahay natin kundi mabibisto tayo." pahayag ko.

" Bukod naman kila Mang Turing na alam kong hindi naman nila ipagsasabi at sa pamilya natin, wala namang nakakaalam nitong bahay natin. This is our love nest baby. Dito tayo bubuo ng pamilya natin in the future. Kapag tapos ka na sa pagdodoktor mo at malaya na ako sa kontrata ko, uuwi na tayo dito permanently. Mas gusto ko dito dahil tahimik at hindi pa polluted. Mamumuhay tayo dito ng payapa. Exercise lang ang magiging hobby natin. " napangisi sya sa huling tinuran nya. Napailing naman ako.

Sa dami ng planong sinabi nya, hindi talaga nawawala yung exercise. Kaloka.

Kung gagawa ng movie ulit itong si Gelo, magpi-prisinta ako bilang script writer at ang title na ilalagay ko ay ' The Actor Who Loves to Exercise.'

Haha. mababaliw talaga ako dito sa asawa ko. Walang kahilig-hilig!