webnovel

Getting Married

Shanaia Aira's Point of View

IYAK ng iyak si mommy habang pinagmamasdan ang kambal. Nakatakip pa rin ng palad niya ang bibig niya.

" Oh my God! Kay Gelo pala sila. " ulit na naman niya. Natawa si dad na nasa tabi niya karga si Shan.

" Bakit ba paulit-ulit ka mahal?" tukso ni dad.

" Wala naman. Masaya lang ako na may mga anak pala sila although malungkot din dahil walang kaalam-alam si Gelo.Ang alam niya si Jaytee ang ama nitong mga bata." sagot ni mommy.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Kailangan ko ng sabihin siguro ang lahat ng nangyari sa akin sa pag-alis ko at marahil kailangan ko na ring alamin sa kanila kung ano yung mga nangyari nung umalis ako. Kakaunti pa lang ang nalalaman ko at kung ganitong maayos naman ang pagtanggap nila sa amin, dapat alam ko kung ano yung buong pangyayari at yung sinasabi ni lolo Franz na baka mahuli na ako kung hindi pa ako uuwi.

" Mom, dad, ang mga anak ko rin po ang dahilan kung bakit natiis ko si Gelo nung nagmamakaawa siya na wag ko siyang iwan. Nararamdaman ko po na buntis ako nung mga panahong yun kaya takot na takot po ako nung kidnapin ako. Baka kasi maulit na naman yung nangyari sa una naming anak ni Gelo. Pagdating ko ng Canada, doon ko nakumpirma na buntis nga ako, mahigit isang buwan na po yung tiyan ko. Inalagaan naman po ako nung parents ni ate Faith pero nung magpakasal po kami ni Jaytee, inako na po niya ang responsibilidad na dapat kay Gelo. Hindi po ako bumalik agad dahil baka po ang mga bata naman ang madamay sa gulo natin sa mga Faelnar, mas mahirap po kung ganon ang mangyayari. Ang totoo po niyan pauwi na po talaga kami dito bago matapos ang taon kaya lang naunahan kami ni lolo Franz kaya napaaga po. " turan ko. Tahimik lang sila na nakikinig sa akin

" Anak, sa sinabi mo ngayon, nalinawan na kami at naiintindihan ka namin. Kaya lang nakapang-hihinayang lang na nasira kayo ni Gelo dahil sa mundong ginagalawan namin. Hindi ka namin masisisi kung bakit umalis ka at pinili mong iwan siya para lang maging matahimik ang lahat pero para kay Gelo, masakit na masakit sa kanya yung ginawa mo. Mahal na mahal ka niya at halos magunaw ang mundo niya nung mawala ka. Hindi siya umalis dito dahil nagbabaka-sakali siya na bumalik ka at madatnan mo pa rin siya dito na naghihintay sayo. Pero gumuho ang lahat ng pag-asa niya nung bumalik siya galing ng Canada. Inakala niya na may sarili kanang pamilya. Ngayon mayroon na rin siyang iba. Paano na kaya kayo ng mga anak ninyo? " maluha-luhang pahayag ni mommy.

Panay din ang tulo ng luha ko. Hindi ko alam kung kailan titigil ito. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko sa dibdib ko sa sinabi ni mommy tungkol kay Gelo. Labis ko siyang nasaktan. At marahil nasusuklam na siya sa akin ngayon dahil inakala niya na may sarili na akong pamilya. Hindi ko siya masisisi kung naghanap na siya ng iba. Sino ba naman ang mananatiling tapat kung alam mong sumuko na ang taong mahal mo? Kahit na ganon, mahal na mahal ko pa rin si Gelo. Kahit mayroon na siyang iba, hindi titigil ang puso ko sa pagtibok para sa kanya. Kung mayroon pang chance para sa aming dalawa , si Lord na lang ang bahala.

" Mom, I'm sorry. I'm so sorry. Nagkamali po ako sa mga naging desisyon ko, nasaktan ko po si Gelo ng hindi ko sinasadya. I'm sorry po." impit ang pag-iyak ko. Mommy hugged me tightly as she stroked my hair

" Hush now baby. Walang may kasalanan, biktima lang kayo pareho ng mga taong makasarili. Hayaan na lang natin ang tadhana ang kumilos para sa inyong dalawa ni Gelo. Sa ngayon mukhang imposible dahil mayroong masasaktan. Kung mahal ka pa rin niya, hayaan mong siya ang magdesisyon. For now, tutulungan ka namin na palakihin ang mga bata. Panahon na lang ang makakapagsabi kung kailan sila makikita ng kanilang ama. " kumalas ako kay mommy at tumingin sa kanya.

" Bakit nasaan po ba si Gelo? "

" Naging matagumpay ang career ni Gelo nitong nakaraang taon. May project na nakuha si Jellyn sa kanya abroad. Dalawang movie ang kontrata niya doon at hindi ko alam kung kailan ang balik niya. Hindi pa kasi ulit tumatawag si Jellyn kaya wala kaming balita. " sagot ni mommy. Kahit paano naman naging masaya ako sa narinig. Sapat na sa akin na malaman na nakabangon na si Gelo mula doon sa pagkakalugmok niya.

" So, si tita Jellyn po pala ang kasama niya doon? " tanong ko. Medyo parang nabalisa si mommy sa tanong ko.

" Uhm.. yeah tsaka si..."

" Mommy, I want to pee. " napalingon kami pareho ni mommy kay Shan.

" Alright little boy, come here sasamahan kita. " sabi ni yaya Didang sa kanya. Sumama naman agad si Shan kay yaya na akala mo dati na silang magkakilala.

" Dad, ano nga po pala ang nangyari sa kaso ninyo sa mga Faelnar? Ang sabi ni lolo muntik na kayong makulong kundi kayo lumapit sa kanya. " tumingin si daddy kay lolo Franz.

" Si papa talaga." sabi ni daddy na kay lolo Franz nga nakatingin.

" O bakit? Mabuting malaman ng anak ninyo na hindi tumupad yang mga Faelnar na yan sa usapan. Para mawala na rin yang takot niya na hanggang ngayon eh alam kong namamahay pa rin dyan sa puso niya." sabi ni lolo Franz kay dad.

" Alright. Nung umalis ka, pinuntahan namin si Gelo dun sa ospital kung saan mo siya iniwan. Desidido siya na magsampa ng kaso sa mga Faelnar sa ginawa nilang pagdukot sa inyo. Pero bago pa mangyari yon, dinampot na kaming tatlo, ako, si tito Archie mo at ang kuya mo. Sinampahan kami ng kaso ng mga namumuno ng bawat bayan na kinuhanan namin ng mga kahoy. Illegal logging ang ikinaso sa amin. Yung mga permit na kinukuha namin sa bawat bayan ay pinalabas ni Faelnar na fake kunwari. Kinausap niya ang mga namumuno na ganon ang palabasin para madiin kami. Hinayaan muna nila na makapag-labas kami ng mga kahoy nung una saka nila pinigilan nung huli. Itinanggi nila na may permit kaming ibinigay sa utos ni Faelnar. Mabuti na lang lumapit nga kami sa lolo Franz mo at marami siyang kakilala na tumulong sa amin."

" Nasayang lang pala dad yung mga isinakripisyo ko. Naghiwalay pa tuloy kami ni Gelo. " sabi ko nung matapos kong marinig ang salaysay ni daddy.

" Hindi naman anak. Yung pag-alis mo ang lalong nagdiin dun sa mag-ama. Nag-file kami ng kasong pananakot at pagkidnap sa inyo laban sa kanilang mag-ama. Sinabi namin sa korte na kaya ka umalis dahil tinakot ka nila. Ngayong nasabi mo na kaya ka umalis dahil pino-protektahan mo yung ipinagbubuntis mo, sa isang banda nakabuti yon,dahil nung kasagsagan ng kaso ay naging magulo ang lahat. Kung naririto ka ay baka nakunan ka na naman. Sa ngayon, wala ka ng dapat ipangamba dahil naipanalo namin ang kaso laban sa kanila. Nakakulong na ngayon ang mag-amang Faelnar. " sabi ni daddy. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa narinig, pinagbayaran pala nila yung kasamaan nila. Pero sa isang banda, nakakaawa rin naman.

" Kaya lang hindi po alam ni Gelo ang dahilan kong iyon kaya malamang galit na galit pa rin sya sa akin hanggang ngayon. " tumingin si daddy sa akin. Yung tingin niya ay punong-puno ng awa para sa akin.

" Baby, hindi ko kinakampihan si Gelo pero hindi mo maiaalis dun sa tao na magalit sayo. Sa tingin ko kahit magpaliwanag ka ngayon sa kanya hindi siya makikinig kaagad dahil sa dami ng pinagdaanan niya nung wala ka. Nakabangon lang siya nung makilala niya yung girlfriend niya ngayon. Tinulungan siya nito na mahanap muli ang sarili niya. Anak, tama ang mommy mo, masakit pero kailangan mo ng mag-move on, ituon mo na lang yung sarili mo sa pagpapalaki sa mga bata. Naririto kami, susuportahan ka namin. Kung talagang kayo ni Gelo, ang langit ang gagawa ng paraan. " pagtatapos ni dad.

" Okay po dad. Pero hindi ninyo maiaalis sa akin na maging malungkot pero para sa mga anak ko, kakayanin ko po. " turan ko.

" That's good anak. "

" Eh dad, ano po yung sinasabi ni lolo Franz na kailangan kong umuwi dahil baka mahuli ako?" tanong ko nung maalala ko ulit yung sinabing dahilan ni lolo.

" Ah yon ba? Ikakasal na ulit ang ate Shane mo sa susunod na buwan." nabigla ako sa sinabi ni daddy.

" Po? Kanino po dad? "

" Kay Ariston Montero, yung kababata niya na pinsan ni Gelo. "

OMG!

Si Ariston Montero po ay nandun sa chapter 12.just in case lang na gusto ninyo syang maalala.

Thanks for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts