Shanaia Aira's Point of View
FIRST day ko ngayon sa ospital dito sa Metro. Kaya kahit pagod at medyo puyat ako dahil sa activity naming mag-anak kahapon, bumangon pa rin ako ng maaga para hindi ako ma-late. Mahirap na, first impression lasts pa naman.
Kahapon kasi matapos yung encounter namin with Roxanne, nagyaya si Gelo na mag-Star City kami. Gusto daw niyang ma-experience ng mga anak namin yung amusement park.Para matanggal din daw yung stress niya sa pinaggagawa ni Roxanne.
Kumain muna kami ng lunch tapos itinuloy namin yung naudlot na pamimili namin. Hindi na lang namin pinansin yung mga tingin ng mga tao sa amin. Karamihan naman paghanga ang nakikita ko. Hindi naman maiaalis na tumingin sila sa amin dahil syempre nakita nila yung encounter namin ni Roxanne. Para nga naman silang nanood ng shooting tapos yung linyahan pa namin eh pang award winning talaga.
Nung matapos kami sa lahat ng activities namin sa mall saka pa lang kami pumunta ng Star City na eksakto naman na kabubukas lang. Sobrang na-amazed yung kambal, pero syempre limited lang yung rides na pwede nilang sakyan. We let them enjoy the fun that the amusement park has offered.
Mabilis ding kumalat yung confrontation scene namin ni Roxanne kahapon sa social media. Pag-uwi namin kagabi ay agad akong sinalubong ni ate Shane at pinakita yung uploaded na video. Ang dami agad likes at reaction, may mga comments pa mostly pamba-bash kay Roxanne.
Ipinag-kibit balikat ko na lang ang lahat. Hindi ko na kontrolado ang mga nangyayari, basta na lang sumusulpot. After all, si Roxanne ang nag-umpisa ng gulo kaya siya ang umaani ng maraming bashers ngayon.
" Are you ready on your first day?" tanong ni Gelo sa akin. Worry etched on his handsome face. We are on our way to the hospital.Ihahatid muna niya ako bago siya pumunta sa taping niya.
" Yeah, ready na ako. Don't worry sanay naman ako ng palipat-lipat. Madali naman akong makisama sa mga tao sa paligid ko, parang hindi mo naman ako kilala bhi."
" Yeah, I knew you so well. Worried lang ako dahil sa mga kumalat na balita. Anyway, tawagan mo ako after ng duty mo para masundo din kita."
" Hindi ba may taping ka? " tanong ko.
" Hindi naman ako magtatagal dahil dalawa lang ang scenes ko ngayon. Malapit na rin ang ending nung teleserye, gusto ko sanang magbakasyon tayo kasama ng kambal. " napatingin ako sa kanya.
" Saan mo naman balak?"
" Somewhere in Palawan siguro."
" Okay, remind me para makapag-leave ako. "
Pagdating ng ospital ay hinatid pa niya ako sa office ng Chairman. Kilala na ako nito dahil kay lolo Franz at siya rin yung kumausap sa akin at nagpadala sa akin sa Sto. Cristo.
Lahat ay napapatingin kay Gelo habang naglalakad kami sa pasilyo. May mga bantay pa nga ng mga pasyente na nagpa-picture at nagpa-fan sign sa kanya. May ilan pa nga na isinama pa ako sa picture.
May nakikisimpatiya pa nga kay Gelo sa ginawang panloloko sa kanya ni Roxanne. May pumupuri din at nagsasabing bagay na bagay daw kaming dalawa. Lahat ng iyon ay ngiti lang ang isinasagot namin ni Gelo. Less talk, less intrigues.
Medyo tumagal kami sa office ng Chairman. Masaya talagang kausap si dra. Isaac. Isang mestisahing babae na nasa late forties na ang edad. Medyo mataray lang ang itsura niya pero napakabait. Yung father niya ang kaibigan ni lolo Franz. Isa itong retired surgeon at kaklase ito ni lolo at kaibigan nung college nila.
Nagpaalam na rin si Gelo nung magsimula akong i-tour ni doktora sa buong ospital at ipakilala sa mga doktor at nurses doon at sa lahat ng staff. Matapos yon ay nag-rounds na ako sa mga pasyente kasama yung dalawang doktor. Si dra. Rio na married na rin na katulad ko at si dra. Grace na according to her ay separated na siya sa asawa niya pero may boyfriend siya ngayon na may edad sa kanya.
Mukhang makakasundo ko naman ang dalawang ito dahil pareho silang chill lang at walang arte sa katawan. Humiling pa nga na ipakilala ko naman daw sila kay Gelo mamaya pag sinundo ako. Ang dami ngang tanong sa akin habang nagra-rounds kami. Natatawa na lang ako sa kanila. Mga doktor na gusto ay updated sa showbiz chika.
Dahil sa dami ng ginagawa ko, hindi ko namalayan na tapos na ang duty ko. Tinawag lang ako ni dra. Rio at dra. Grace para sabay-sabay na kaming pumunta sa parking lot.
Dinatnan na namin si Gelo na naghihintay sa akin sa parking lot. Nakasandal siya sa hood ng kotse at ng makita ako ay agad akong sinalubong.
" Kanina ka pa?" tanong ko.
" Hindi naman masyado." sagot niya tapos hinalikan ako sa pisngi. Paglingon ko sa dalawang doktora na kasama ko ay doon ko lang napansin na nakatulala na silang pareho. Nakatingin lang kay Gelo. Na starstruck sila sa kanya.
" Uhm bhi, by the way sila yung dalawang doktora na kasama ko sa duty. This is dra. Rio and the other one is dra. Grace. Doctors, this is Gelo Montero, my better half." saka lang sila parang natauhan.
" Hi Gelo! Ang gwapo mo pala talaga lalo na sa personal. " sabi ni dra. Grace.
" Oo nga. Jusko kaya naman pala nababaliw sayo yung mga naging beauty queen natin. " sabi naman ni dra. Rio.
Ngiti lang ang isinagot ni Gelo sa mga papuri sa kanya ng mga kasama kong doktora. Kahit noon pa mang mga teen agers kami kapag pinupuri siya ng ganyan ay ngiti lang lagi ang sagot niya. Sa akin lang naman talaga yan pa-cute.
" We'll go ahead. Nice meeting you dra. Rio and dra. Grace." turan ni Gelo.
" It's pleasure to meet you too Gelo." magkapanabayang sagot naman ng dalawa.
Inalalayan niya akong sumakay sa front seat then siya na rin ang naglagay ng seat belt ko. At bago siya lumabas ay mabilis na ginawaran muna niya ako ng halik sa labi, tapos umikot siya para sumakay na sa driver's seat na ngiting-ngiti pa.
" Old habits die hard." sabi ko.
" Yeah, it's really hard to break." sabi niya sabay ngisi.
" How's your taping?" tanong ko.
" Okay lang. Usap-usapan kahit sa set yung video natin kahapon with Roxanne. Yung dating mga taga-hanga niya dati ngayon bina-bash na siya. She went overboard na kasi. But I didn't comment anything, ayoko ng magkaroon ng kinalaman sa anumang balita sa kanya lalo na ikaw. Hindi ka dapat nasasangkot sa mga kalokohan niya. Kung hindi mo nabuko yung balak niya, masisira na naman tayo ng mga taong makasarili. " turan niya. Mababakas sa kanya ang konting iritasyon.
" Bhi, mabuti na lang nga naisipan kong i-record yung usapan nila kundi magkaka-problema na naman tayo. Isipin mo gagamitin niya yung lalaking yon para akitin daw ako. Ano palagay niya sa akin, mababang uri?"
" Kaya nga gusto ko siyang idemanda dahil dun, kapahamakan ang dinadala niya sayo habang ang iniisip niya naman ay mga pansarili nyang hangarin. Anong klaseng tao yung ganon? Talagang nagsisisi ako na naging malapit ang loob ko sa kanya. Nagpa-plano siya ng masama laban sa atin, ano naman ang palagay niya sa atin, walang isip? Ilang lalaki ang binasted mo, mga hindi basta-basta tapos magpapaakit ka sa ganong klase ng lalake? Tapos siya balak niyang bumalik sa akin at hindi na raw mahirap yon dahil naging kami na? Ang advance mag-isip ah. Doktor ka, arkitekto ako, sa tingin ba niya hindi tayo marunong mag-isip? " halos manggigil na siya habang inaalala nya yung ni-record ko.
" God is in our favor bhi. He won't let anything bad happens to us. Marami na tayong pinagdaanan pero napagtagumpayan natin dahil kasama natin Siya. Yung mga taong may masamang hangarin sa kapwa nila, hindi nagtatagumpay yon. Look at Roxanne, hindi pa man, bulilyaso na. " sabi ko.
" Tama ka baby. Basta ang mahalaga wala ng iwanan. Lagi tayong dalawa sa pagharap sa problema. Wala ng aalis, wala ng maiiwanan."
" Bhi kailangan ba na ipaalala pa yung nakaraan? " tanong ko.
Nangiti naman siya." Inaasar lang kita baby. "
Pagdating namin sa bahay, agad kaming sinalubong nung kambal. Kinarga naman sila pareho ni Gelo tapos sabay-sabay kaming pumasok ng bahay kasama ng mga yaya nila.
" Saan kayo galing? Bakit nasa labas kayo agad?" tanong ko kay yaya Isay.
" Eh ma'am kagagaling lang namin sa park, pinauwi po kami nung guard ng village dahil may mga nakapasok daw na nangingidnap ng bata. May kinuha po na mga bata dun kanina, isang babae at isang lalaki pero hindi natuloy dahil iba daw po yata yung nadampot at nahuli ng guard. " nahintakutan ako sa sinabi ni yaya Isay.
" Nakakulong na ba yung kidnappers? " tanong ni Gelo.
" Sir pinakawalan din po dahil hindi naman po natuloy kuhanin yung mga bata. Dahilan nila, hinahanap daw nila yung mga pamangkin nila, nagkamali lang ng kinuha. Nakilala ko ho yung babaeng napagkamalang kidnapper sir. "
" Tagarito ba sa village?" tanong ni Gelo.
" Hindi ser. Yung kaaway niyo ni ma'am kahapon sa mall. Si Roxanne po. "
Nagkatinginan kami ni Gelo. Biglang binundol ng kaba yung dibdib ko.
Posible kayang yung kambal namin ang balak nilang kunin?