Shanaia Aira's Point of View
ANUMAN ang nag-uumapaw sa puso ay siyang inilalabas ng bibig. I really can't believe that Roxanne can do such a horrible thing to Gelo. I thought she really loved him, she's just using him pala for the sake of money. Nasabi niya yung mga bagay na narinig ko kanina kasi yun talaga ang nasa puso niya.
Aalis na sana ako nung marinig ko ulit si Roxanne na nagsalita. This time I readied my phone.
" Tutal napahiya ako sa publiko dahil sa paglantad ng Aira na yon, naisip ko na mas maganda siguro kung gumanti ako sa kanya sa pamamagitan mo." kinabahan ako sa narinig. Gusto ko na sanang komprontahin siya pero naisip ko na mas mabuting malaman ko kung ano ang balak niya.
" What? Why me? " tila nagulat pa yung guy na kausap niya.
" You are damn good looking babe. Sa tingin ko madaling mahulog sa mga gwapo yung babaing yon. Aakitin mo siya hanggang sa mahulog siya sayo para masira siya kay Gelo hanggang sa maghiwalay na sila ng tuluyan.Then ako naman eeksena ulit sa buhay ni Gelo. Hindi na ako mahihirapang kunin ang loob non dahil naging kami naman na. " ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga narinig kong balak ni Roxanne. Nanginginig ako sa galit. Kailangang malaman ito ni Gelo.
" Paano ko naman malalapitan yon? Mayaman yon at siguradong mahigpit ang security non. "
" I-stalk mo siya.Kapag nakakuha ka ng chance sunggab na agad." sabi ni Roxanne.
" Iba talagang mag-isip ang taong desperado no?"
" Ako pa ba? I am not Roxanne Alejandro for nothing. "
" Looks can be deceiving talaga. " tapos nagtawanan pa sila.
Nagmamadali kong pinatay ang cellphone ko matapos kong i-save yung recordings. Ano man ang balak nila, may panghahawakan ako sa kanila. I had to inform Gelo about this and maybe he should have a copy of this recording.
Nang maramdaman ko na paalis na sila, nagmamadali akong umikot sa kabilang rack, masalubong ko man sila hindi nila iisipin na dun ako galing sa malapit kung nasaan sila. Hindi sila maghihinala na may narinig ako sa usapan nilang dalawa. Sa isang banda, mas maganda na rin na makita nila ako dito para yung balak ni Roxanne na gamitin ang lalaking kasama niya ay hindi na niya maituloy dahil nakita ko na siya.
It seems that all the gods is in my favor dahil yung pagliko ko sa kabilang lane ay siya namang pagdaan nila. Medyo kumubli ako sa mga unan na naka-display kaya yung pagliko nila sa rack ng mga unan ay nagulat pa sila nung makita nila ako. Kunwari ay namimili ako ng unan at hindi ko sila napansin.
" Oh what a small world. Nandito rin pala ang mang-aagaw ng taon." Roxanne said with a sneer.
" Excuse me? Mang-aagaw? Sino?" tanong ko. Lumingon-lingon pa ako sa paligid.
" Don't play stupid. Ikaw lang naman ang nandito so ikaw yung tinutukoy ko."
" Ako? " kunwari ay nagulat pa ako sabay turo sa sarili ko. Trying to annoy her.
" Sino pa ba? Hindi ba bumalik ka lang para agawin si Gelo sa akin at ginagamit mo pa ang mga anak mo? " pag-aakusa pa niya. Eh loka pala ito, asawa ko si Gelo natural lang na bumalik ako sa kanya.
Nasaan kaya utak nito, nasa paa?
" Oh, sino ka nga ulit? Si Roxanne Alejandro di ba? Ako si Aira Montero.. MONTERO! Kaya wala kang karapatan na tawagin akong mang-aagaw dahil wala akong inaagaw sayo. Kinukuha ko lang kung ano ang talagang akin. At ano pa ang hinahabol mo kay Gelo? Mukhang may ipinalit ka na nga agad sa kanya eh. " sabi ko sabay tingin sa lalaking kasama niya. In fairness, gwapo nga but not my type. Mas lamang pa rin si Gelo. Katawa siya, paano niya naisip na gamitin ito para akitin ako. As if naman magugustuhan ko to.
" He is my cousin!" mariing turan niya.
" Cousin? Really? Who in the right mind will call their cousin, babe?" napamaang siya sa sinabi ko.
" What are you talking about?" tanong niya. Mukhang nanggigigil na sya sa akin.
" Why not answer your own question? " sabi ko tapos tinalikuran ko na sya. Atleast nakita ko na yung itsura ng lalaking gagamitin niya para akitin daw ako. Hindi pa man, nabulilyaso na siya. Hindi yata niya alam na kakampi ko si Lord.
Hindi pa man ako nakakalayo ng hablutin niya ako sa braso.
" Don't you dare walk out on me!" galit na turan nya. Tiningnan ko lang yung kamay niya at inalis naman niya ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Pinagpag ko naman yung braso ko na hinawakan niya,just to annoy her more.
" What do you want? I have no time for your antics. I already knew what you're planning to do. So kung ayaw mo ng tahimik na buhay, sige lang Roxanne, hindi ako mananahimik lang habang buhay. Hindi ko hahayaang lokohin mo pa si Gelo, Roxanne. Kung pera lang ang kailangan mo, kuhanin mo yun sa mabuting paraan, hindi yung nagpapanggap ka na mahal mo yung isang tao at nagpapaawa ka pa in public dahil iniwan ka. "
" How dare you! Ano ang karapatan mong akusahan ako ng ganyan. Anong alam mo? Mahal ko si Gelo kaya nagagalit ako sa pang-aagaw mo sa kanya sa akin. " nagsisimula ng magtinginan sa amin yung ibang shoppers. She's catching people's attention. Yumuko ako at tumahimik, uso pa naman yung may kumukuha ng video. Ayokong mag-viral. Nangyari na kasi sa akin yun during Gwyneth's time and I don't want to experience now that same scandal.
" Ano, bakit tumahimik ka? Wala ka ng masabi dahil totoo namang mang-aagaw ka."
" Hey! What's happening here?" napatingin ako kaagad nung marinig ko ang boses ni Gelo.
" Bhi let's go, baka nagugutom na ang mga bata."
" Oh what a happy family!" sarkastikong sambit ni Roxanne.
" What are you doing Roxanne? " tanong ni Gelo.
" Ako pa? Ako pa talaga? Eh siya itong nang-aakusa ng kung ano-ano sa akin." sabi ni Roxanne.
" Enough with your lies. I know Aira can't intentionally do that unless she's provoked." sagot ni Gelo.
" Ako na nga ang inagawan ako pa ngayon ang may kasalanan. "
" How many times do I have to tell you na walang inaagaw sayo si Aira. She's. my. wife. and the mother of my children. Sa kanya ako mula ulo hanggang paa. So please Roxanne, just stop. We're done. "
" No Gelo! Ayoko. Mahal kita. "
" Really Roxanne?" singit ko.
" Will you stop Aira! " sabi ni Roxanne.
Kaya para matigil na siya, isa lang ang solusyon na naisip ko. Bahala na siya kung ano ang magiging reaksyon niya at ni Gelo.
I start to play my recorder.
" Tutal napahiya ako sa publiko dahil sa paglantad ng Aira na yon, naisip ko na mas maganda siguro kung gumanti ako sa kanya sa pamamagitan mo."
" What? Why me? "
" You are damn good looking babe. Sa tingin ko madaling mahulog sa mga gwapo yung babaing yon. Aakitin mo siya hanggang sa mahulog siya sayo para masira siya kay Gelo hanggang sa maghiwalay na sila ng tuluyan.Then ako naman eeksena ulit sa buhay ni Gelo. Hindi na ako mahihirapang kunin ang loob non dahil naging kami naman na. "
" Paano ko naman malalapitan yon? Mayaman yon at siguradong mahigpit ang security non. "
" I-stalk mo siya.Kapag nakakuha ka ng chance sunggab na agad."
" Iba talagang mag-isip ang taong desperado no?"
" Ako pa ba? I am not Roxanne Alejandro for nothing. "
" Looks can be deceiving talaga. "
Nakitang kong pareho silang namutla at natigilan nung kasama niya.
" Ano Roxanne, magkakaila ka pa ba?"
" Walanghiya ka talaga Aira." nagpupuyos siya sa galit at pilit niya akong inaabot pero nakayakap si Gelo sa akin.
" Stop it Roxanne. Subukan mong saktan si Aira, kundi ako ang makakalaban mo. Umalis na kayo! Kapag ginulo mo pa kami, mapipilitan akong idemanda ka at pwede kong gamitin ang ni-record ni Aira bilang ebidensiya."
Wala silang nagawa kundi umalis na lang. Maraming nakasaksi at nakarinig dun sa ni-record ko. Alam kong kinabukasan ay magiging topic na naman ito sa social media. But I don't care. Hindi naman ako ang gumawa ng mali. Si Roxanne ang nauna and I just gave her the dose of her own medicine.
Isa lang ang napatunayan ko ngayon. Kaya na naming humarap ni Gelo ng magkasama para protektahan ang relasyon namin.
May advantage din naman pala yung paglantad namin. Nakikita na agad ng tao kung sino ang mali at kung sino ang dehado.
Hindi na threat si Roxanne, lumitaw na ang totoo niyang kulay. Mahihiya na tiyak lumapit yon dahil sa sinabi ni Gelo.
Sana wala na nga talagang sumunod na katulad niya sa landas namin ni Gelo.