webnovel

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · 现代言情
分數不夠
50 Chs

Ocean of emotions

PAGDATING ko sa tapat ng bahay namin naabutan ko si Levi na nakasandal sa tapat ng bakal na gate.

Hay naku! Badtrip pa ako sa kanya.

"Alis, dadaan ako," inis kong sabi.

Pero hindi siya kumilos at nanatiling nakatayo habang nakahalukipkip.

"Anu ba Levi, padaan sabi ako," sinubukan ko siyang tabigin pero kasing tigas ng bato ang katawan niya.

"Anu ba!"

"Let's talk," kinuha niya ang braso ko at kinaladkad ako palayo sa bahay namin.

"Levi, bitawan mo nga ako nasasaktan ako, anu ba!"

Hinatak niya ako patungo sa hindi mataong lugar at sinandal sa pader.

"Anu bang problema mo?! Kanina ka pa sa 89 bar ah!"

Nanginginig ang bagang niya habang madilim ang mata na nakakatitig sa akin, "Do you really like him that much, huh?"

Napakunot ang noo ko, "Si Kyle?"

"Sino pa ba?"

Bigla akong kinilabutan sa uri ng titig na binibigay ni Levi, "B-bakit mo naman tinatanong, syempre, oo, gusto ko si Kyle."

Mas lalong nanigas ang mukha niya.

"Ikaw naman ang pumili kay Kyle diba? Bakit ngayon parang tumututol ka na sa amin?"

Biglang hinampas ng malakas ni Levi ang dalawa niyang palad sa pader halos mapatalon ako sa gulat. Napagigitnaan na ang ulo ko ng mga braso niya. Nanginginig ang buong mukha ni Levi at hindi ko alam kung bakit umaakto siya ng ganito.

"Ganyan ka ba talaga ka manhid Apple?"

"Ha?"

Naguguluhan ako, hindi ko maintindihan kung anu ang sinasabi niya. Under Levi's dark gray eyes, my heart started to compress and I don't know why.

Yumuko si Levi at ilang beses na napamura. Muli siyang tumingala. Nahigit ko ang hininga nang mabasa ang sakit sa mga mata niya. Bakit? Anu ang ibig sabihin ng mga titig ni Levi?

"Anu bang ginawa mo sa akin?" tanong niya sa nahihirapang boses.

Ehh?? Napanganga ako at napakurap-kurap ng mabilis.

"W-wala akong maintindihan sa sinasabi mo Levi, anu bang nangyayari sa'yo?" sinubukan ko siyang hawakan pero mabilis siyang umatras. Mas lalong kumunot ang noo ko sa inaakto niya.

"Hindi ko din alam kung ano nangyayari sa akin. I shouldn't be feeling like this, you're just one of my assignment."

Natulala lang ako kay Levi. Pakiramdam ko biglang nag-blanko ang utak ko at hindi ko masabayan o maproseso kung anu ang mga sinasabi niya.

Assignment? Feelings?

"But I don't like you seeing you with someone else," he gazed at me again with that kind of pain looked in his eyes.

Tila naputol ang dila ko at wala akong mabuong salita. Naninikip ang dibdib ko at parang mauubusan na ako ng hangin. Kasabay nun ang kakaibang pagtibok ng heartbeat ko. Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula na maging ganito ang pakiramdam ko kapag nasa malapit si Levi.

"How about me…" dahan-dahang lumapit si Levi sa'kin at kinulong ang magkabila kong pisngi. His dark gray eyes penetrated my whole being.

"What do you feel about me?"

Parang tumigil ang pagtibok ng dibdib ko sa huli niyang tanong. What do I feel about Levi?

Anu nga ba ang nararamdaman ko kay Levi? Sinubukan kong hanapin sa pinakailalim ng baul ang sagot.

"Na… naiinis ako sa'yo kasi bully ka."

"Yun lang?"

"Ah… eh…" nag-isip pa ako ng iba, "Na… natatawa ako sa'yo kasi takot ka sa zombie."

Mas dinikit ni Levi ang katawan niya sa akin, halos magtama na ang dibdib namin. Binaba niya pa ang mukha sa akin at naamoy ko na ang bango ng hininga niya na lalong nagpapaikot ng mundo ko.

"What else?"

"Ah… eh…" Oh God! Paano naman ako makakapag-isip kung ganito ka kalapit sa akin Levi.

"…. kinakabahan ako kapag nandyan ka."

"Bakit ka kinakabahan?" Levi pinned me harder on the wall as he lowered his face, our lips were almost touching.

"Ah… eh… kasi… hindi ko 'din alam."

For the first time in my twenty years of existence bigla akong naging bobo.

Nagtama ang mata namin ni Levi. There's something the way he looks at me that I can't put into words. Pero sa ilalim ng mga titig ng demonyong ito, nalulunod ako sa malalim na dagat at di ko alam kung paano umahon.

"Levi…"

"Then let me help you understand your feelings for me."

He lowly whispered as he kissed me suddenly, hardly and roughly, leaving me deeply drown in the ocean of unfamiliar emotions I couldn't comprehend.

+++

Dear Diary,

I didn't know that the hardest thing in this world is to understand your own emotions.

Am I falling in love with Levi?

Juice ko Lord! Hindi ako handa para dito!

Huwag palalampasin ang susunod na updates! HAHAHA! Alam niyo na what to expect! ;)

Pa-vote po ng powerstones. How intense do you like? Rate 1-10 hahahah!

Add niyo na rin sa lib niyo ang upcoming novel ko after DNBM: Adik sa’yo (shabu o ako?)

Thank you for making DNBM Top 3 in ranking under “New Filipino Originals” we are also featured and recommended in Filipino Original Tab together with MBIAGR! Yey!

Join our FB Group: Cupcake Family PH

AnjGeecreators' thoughts