webnovel

Takot sa Dilim

Takot ka ba sa dilim? Iyong tipong hindi mo kayang mabuhay nang walang ilaw. Halina't basahin ninyo ang kababalaghan sa librong ito. Copyright © by timmyme All rights reserved.This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

timmyme · 灵异恐怖
分數不夠
24 Chs

KAPITBAHAY

Naranasan mo na bang pumunta sa kabilang bakod ng inyong bahay, e makihalubilo sa mga taong nakatira malapit sa kinatitirikan ng inyong bahay? Mag-ingat ka dahil sa panahon ngayo'y mahirap nang ibigay ang buo mong tiwala. 'Pag sila'y nakaharap ay animo'y para silang anghel dahil sa angking kaamuhang ipinapakita ngunit 'pag sila'y nakatalikod ay parang isang dragong walang humpay sa pag-singhal, halos patayin ka nila sa kanilang isipan.

Isang bahay na pinapaligiran ng iba't-ibang halaman ang bumungad kay Angelica Pereṅa at ng kanyang Nanay. Magkahalong ginhawa at saya ang nadarama ni Angelica sa wakas at makakalasap na siya ng sariwang hangin. Wala nang magbabadyang panganib sakanilang buhay.

Lingid sa inyong kaalaman, si Angelica at ng kanyang Nanay ay isa sa mga pinalad na nakaligtas sa sakunang sumira nang daan-daang buhay ng mga taong nakatira sa kanila, halos magunaw ang kanilang buhay dahil sa trahedyang iyon ay roon din nabaiwan ng buhay ang kanyang ama.

"Nay, ito na po ba ang tulong na ibinigay ng Mayor sa atin?" naka-ngisi siyang nagtatanong.

Nakaramdam siya ng lungkot matapos niyang makita ang mga luhang unti-unting pumapatak sa mga mata ng kanyang Nanay. Parang siyang nakuryente na naging dahilan upang mangilid ang din ang kanyang luha.

"Oo, anak ito na nga 'yon, ito na ang magsasalba sa ating buhay." Tumango-tango ang kanyang Nanay habang siya'y pinapawi ang mga luhang nag-uunahan na rin sa pagdaloy.

Sumilay ang ngiti kay Angelica. Walang ano-ano'y kaagad siyang lumapit sa babaeng nasa harapan niya, niyapos niya ito ng ubod ng higpit. Hinagod niya ang likuran ng kanyang Nanay na animo'y ibinabalik niya ang arugang ginawa nito noong siya'y bata pa lamang.

"Nay, magiging maayos din ang lahat. Mag-tiwala ka sa akin." Piyok na ang boses ni Angelica habang siya'y nagsasalita.

"Sana nga anak. Sana nga…" anas nito sa kanya.

Hindi naglaon ay naging matiwasay ang kanilang buhay. Si Angelica ay natuloy ang pag-aaral nito sa isang pribadong paaralan dahil na rin sa tulong ng Mayor nila. Ngayo'y nasa ikalawang baitang na siya ng hayskul.

"Anak, ito na ang baon mo. Iyong mga paalala ko sa'yo huwag mong kalimutan, huh?"

Isang karampot na pera at baon ang inilapat ng kanyang Nanay sa kanyang palad. Nabuo sa kanyang sarili ang pursigido at tiwala sa kanyang sarili.

Marahan niyang inaakap ang babaeng nagbigay buhay sa kanya, hawak nito ang ulo ng kanyang Nanay at dahan-dahang inihilig niya ito sa kanyang balikat.

"Hayaan mo po Nay, sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral upang makaraos naman tayo sa ating buhay." Kahit may mabigat na bag ang dala ni Angelica ay hindi iyon naging balakid upang kanyang yakapin ang kanyang Nanay.

Mga ilang minuto rin ay kumalas na sila sa isa't-isa. "Sige, nak at baka mahuli ka pa sa klase mo."

Pinawi niya ang mga luhang simbolo ng kanyang kalungkutan pati rin ng kanyang kasiyahan. "Sige po, Nay." wika niya.

Patalikod na sana siya nang may makalimutan siyang sabihin sa kanyang nanay. "Nay, mukhang nagiging malapit na kayo sa isa't-isa ni Mayor, huh? Sabihin mo lang at maghahanda na tayo sa kasal niyo." Pagkatapos nu'n ay humagikhik siya ng mahina na naging dahilan ng pag-iling ng kanyang Inay.

"Ikaw talaga, Angelica. Nagiging mabait lang siya sa atin dahil alam niya ang pinagdaanan natin." patanggol na sabi nito sa kanya.

Itinaas niya nalang ang kanyang kanang kamay upang mag-pasabing aalis na siya.

Nagsimula ang klase ni Angelica sa pagpapakilala sa lahat ng kanyang kamag-aral. Naging mahaba-haba rin ang pagpapakilala nila sa isa't-isa na naging dahilan upang wala masyadong aral ang magawa nila sa araw na iyon.

Hindi mabura sa isipan ni Angelica ang mga bagong niyang kaibigan. Hindi siya umaasang madami-rami rin ang magiging matalik niyang kaibigan, siguro dahil sa tahimik siya at hindi pala-kausapin.

Nang mga oras na palakad na siya ay may naaninag siya sa dako paroon. Sa tabi nang kanilang bahay, kahit madilim ay hindi nagpatinag ang kanyang mga mata. Hindi siya nagkakamali, kitang-kita niya ang mga mata ng kanilang KAPITBAHAY. Nanlilisik ito na kahit anumang oras ay susungkabin siya.

Binilisan niya ang paglalakad nang bigla nalang siyang mapa-hinto. Napa-hinto siya dahil sa narinig niya, isang malakas at nakakabasag sa pandinig na sampal.

Ipinihit niya ang kanyang ulo patungo sa kinaroroonan ng tunog. Halos mawarak at dumugo ang kanyang puso dahil kitang-kita niya ang isang lalaking kung hindi susumain ay mga kwarenta y anyos.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang masaksihan niya ang walang awa nitong pagsampal sa isang babae. Hindi pa ito naawa, inuntog niya pa ang babae sa isang magaspang at maduming semento.

Umaalingawngaw sa utak ni Angelica ang ungol ng babae. Pakiramdam niya'y nanunuot ang tangis ng babae sa kanyang puso, pakiramdam niya'y nasasaktan din siya.

"Tama na 'yan!" Hindi niya napigilan ang kanyang sarili, sumigaw siya na naging dahilan upang tumigil ang lalaki.

Katahimikan ang naging tugon. Takot at pangamba ang namutawi sa kanyang damdamin na kanina lang ay naging galit nang tumingin ang lalaki sa kanya.

Pulang-pula ito at para siyang lalamunin sa mga oras na iyon. Napalunok na lamang siya nang sunod-sunod dahil isang nakakalokong ngisi ang ipankita nito sa kanya.

Napapapikit nalang siya nang mga oras na iyon at unti-unti niyang inihakbang ang kanyang mga paa patungo sa kanyang bahay.

Papalapit na siya sa pintuan ng kanilang bahay nang may marinig siya. "Ikaw na ang isusunod ko, pakailamera ka kasi."

Pakiramdam niya'y mangangatog na ang kaliwa't-kanan niyang binti. Halos mangapal ang kanyang mukha dahil pakiramdam niya'y nasa likod niya lang ang lalaki, bumubulong ito.

Agad niyang binuksan ang pintuan at tumungo sa kanyang nanay upang ito'y yakapin. Para siyang naligo nang maligamgam na tubig nang maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan ng kanyang Nanay.

Mga ilang minuto rin ay gumihawa na ang kanyang pakiramdam. Nahimasmasan na rin siya dahil sa yakap at tubig na kanyang ininom.

Lumapit ang kanyang Nanay sa tabi nito. "Anak, bakit ka pala nagmamadaling pumasok sa bahay natin at agad-agad mo akong niyakap?" Kunot ang noo ng kanyang Inay habang ito'y nagtatanong.

Uminom siyang muli, atsaka ikwento ang buong pangyayari. Mga ilang minuto rin ang itinagal nang kanyang pagkwu-kwento.

Inilapat ng kanyang Inay ang kamay nito sa kanyang kamay at marahan itong pinisil.

"Anak, sinabi na sa akin ni Mayor na dati ay may mag-asawang naninirahan diyan sa kapitbahay natin. Sila ay masaya sa isa't-isa nang isang araw ay may matanggap na text ang babae sa pinsan nito. Isang salitang nagbago sa pakikitungo ng lalaki sa kanya. Akala ng lalaki na may iba ang kanyang asawa kaya nama'y pinahirapan niya ito hanggang sa bawian ng buhay. Nalaman niya na pinsan lang pala ng babae ang nagte-text sa kanya kaya nagpatiwakal siya dahil na rin sa hindi niya matanggap ang nangyari." mahaba nitong paliwanag sa kanya.

Ngayon malinaw sa kanya ang lahat. Pero nakakaramdam pa rin siya nang takot at kaba dahil sa mga binitawan na salita ng lalaki sa kanya.

Ikaw na ang isusunod ko, pakailamera ka kasi.