webnovel

Kabanata 13 (Dahan-Dahan)

This chapter is dedicated to Markyboi5

Thank you because you make me give back my burning passion to writing.

Kabanata 13

Dahan-Dahan

"Balik kayo mga pogi!" paalam sa amin ng serbidorang bading na kinainan namin sa Mahogany Market.

Ngumiti na lang ako at saka umalis. Nakasunod naman sa akin si Taiga sa pagbaba ng hagdan palabas ng Mahogany Market.

"Nagalit ka ba?" tanong niya sa akin.

"Saan?" balik kong tanong na ipinakita na naguguluhan sa kanyang tanong.

Humawak siya sa balikat ko para makaharap ako sa kanya. Tumitig siya sa mata ko na para bang ineeksamina kung nagsasabi ba ako ng totoo. Tumitig akong pabalik sa kanya para ipakitang hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Wala, wala. Tara na?" pag-anyaya niya.

Sumakay na kami ng kotse at umalis sa Mahogany. Dumaan pa kami ng convenience store sapagkat nag-aya pa si Taiga na mag-inom. Tutal, tapos naman na daw ang semestre at kailangan naming mag-celebrate. Malamig pa ang panahon kaya magandang ideya rin ang magpainit.

Bumili ng Bacardi si Taiga samantalang ako naman ay pumili ng magiging pulutan. Nang makapagbayad na, bumalik kami sa kotse para magtungo sa Taal Vista Hotel.

Dalawa ang kama ng kinuha kong kwarto. Inilagay ko muna sa maliit na table katabi ng napili kong kama ang mga pinamili namin sa convenience store. Pabagsak akong humiga sa kama at nag-stretching. Ang sakit ng likod ko ay sandali kong ipinahinga habang nakapikit.

Ilang sandali lang, naramdaman ko na lumundo ang kaliwang bahagi ng kama ko. Idinilat ko ang mata ko nagtatakang tumingin kay Taiga.

"Masakit likod mo?" nag-aalala niyang tanong.

"Medyo. Nakakapagod mag-drive! Sakit pa ng paa ko." tugon ko sa kanya.

Napasigaw ako nang bigla niyang itinalikod ang katawan ko at sumampa siya sa puwetan ko.

"A-Anong ginagawa mo?!" eskandaloso kong tanong sa kanya.

"Shhh..." pagtutol niya sa akin.

Ilang sandali lang, naramdaman ko ang paglandas ng kanyang mga daliri sa likod ng katawan ko. Napaungol sa galing magmasahe ni Taiga.

"Hmmm... Agggh! Ba-Bakit ngayon m-mo lang g-ginawa sa akin i-iyan. Agggh!" ungol ko.

Natawa muna sandali si Taiga bago ko naramdaman sa gilid ng katawan ko naman ang kanyang pagmasahe.

"Tinatamad?" sagot niya ngunit aalma pa sana ako nang diniinan niya ang pagmamasahe kaya napaungol muli ako. "Kapag nalaman kasi ng iba na marunong ka sa isang bagay, lagi na lang ipapagawa sa iyo." dagdag niya.

"Mautak. Agggh! Ohhh...! Da-Dahan-dahan lang!" ungol ko pa. "A-Ang sarap, Ta-Taiga. Aggh! Ohhh!"

Nagpatuloy lang ng ilang minuto ang ginagawa niyang pagmasahe sa akin samantalang sarap na sarap naman ako na halata sa pag-ungol ko. Nilalasap ko ang sarap na pagdampi ng kanyang daliri sa katawan ko. Sa katunayan, nawala nga ang sakit na nararamdaman ng likod ko sa ginagawa niya. Guminhawa ang pakiramdam ko.

"Ano 'y-yan?" tanong ko sa kanya nang may maramdaman akong tumutusok sa puwetan ko.

Hindi siya nagsalita at mahinang tawa lang ang naririnig ko sa kanya kaya naman lumingon ako sa ginagawa niya. Halos lumabas ang mata ko sa nakita ko sa kanya. Bakit galit na galit ang ari niya na halata sa suot niyang shorts?

"Ang libog mo talaga!" sigaw ko sa kanya sabay alis sa kanyang likuran. Kinuha ko pa ang isang unan at pinalo sa kanya ito. Tawa lang siya ng tawa sa akin habang iniilag ang mukha sa mga pagpalo ko ng unan sa kanya. Nang makuntento sa pananakit sa kanya, tumayo ako at nagpasya na lang na maligo muna.

"Eh ikaw ba naman ang umungol na para bang nakikipag-sex, sino ba naman ang hindi titigasan niyan?" tanong niya sa akin habang may multo ng ngiti sa kanyang mga labi.

Uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Tama nga naman. Kasalanan ko bang masarap siyang magmasahe kaya hindi ko napigilan ang mapaungol nang malakas?

"Ewan ko sa'yo!"singhal ko. "Liligo lang ako, nanlalagkit ako!" paalam ko sa kanya para mapagtakpan ang hiya ko sa kanya.

"Minasahe lang kita, may malagkit nang lumabas sa'yo, paano na lang kung nag-sex tayo?" sagot niya sa akin na halata na pinipigilan ang paglabas ng malakas niyang tawa.

Hindi na lang ako nagpaapekto sa sinasabi niya. Kinuha ko na lang sa plastic ang mga pinamili naming damit sa tiangge at dali-daling pumasok sa banyo at ini-lock ito. Hindi ko na pinansin ang mga sigaw at katok ni Taiga sa labas.

"Theo, sabay na tayo! Baby, open the door please! Come on!"

Naligo ako nang matiwasay at hindi inalintana ang pangungulit ni Taiga sa pinto. Nang matapos maligo at mag-toothbrush, isinuot ko na ang damit na binili namin. Akala ko ay sakto lang ang haba ng shorts na nabili ko. Hindi man lang lumagpas sa tuhod ko ang shorts! Napakaikli naman, baka ginawin ako nito sa lamig mamayang madaling araw. 'Di bale, magpapainit naman kami mamaya.

Isinuot ko na rin ang t-shirt na sakto lang ang fit sa pangangatawan ko. Lumabas ako at nakita ko si Taiga na kampanteng nakangisi sa akin habang nakasandal sa headboard. His sparkling abs shining brightly even though the light of the room is dim. Para bang nagmamalaki ito kahit na hindi sapat ang liwanag ng kwarto. Nakakapang-uhaw itong gumagalaw habang natatawa siya sa akin.

"Maligo ka na nga, ang baho mo!" asar ko sa kanya.

"Ang cute mo talaga!" sagot niya sabay pisil sa mga pisngi ko at pinalo pa ang puwetan ko.

Tinapik ko ang kamay niyang pumisil sa akin. "Ewan ko sa'yo! Ginawa mo pa akong aso!"

Tumawa siya at sumunod na rin naman sa akin. Pumasok siya sa banyo kaya naging payapa na ako ngayong mag-isa sa kwarto. Napahinga ako nang malalim at natawa na rin sa nangyari.

Pasalamat ka birthday mo ngayon, pagbibigyan ko kasiyahan mo!

Inayos ko na lang ang iinumin namin ni Taiga na alak. Kumuha ako ng baso at isinalansan nang maayos ang mga pulutan sa mesa. Nang makuntento, sumandal na lang ako sa headboard ng kama at nag-browse lang sa social media.

Nagpost lang ako sa story ng picture at binati na rin si Taiga sa kanyang kaarawan. Ilang sandali pa, lumabas ng kuwarto si Taiga. Sinadya kong mag-busy busyhan sa cellphone at huwag siyang pansinin dahil alam kong mang-aasar na naman siya.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang nag-dive sa kama at parang batang nakikiusyoso sa ginagawa ko sa cellphone. Nakasuot naman na siya ng sando at boxer shorts kaya hindi ako nailang sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin na ginawa pa niyang boses bata.

"Bawal sa bata." asar kong saway sa kanya.

"Hindi na ako bata, no! Tuli na kaya ako." ginawa niya ulit na pang-elementaryang bata ang boses niya.

Sa totoo lang, natatawa ako sa mga pinaggagagawa niya. Ang dami niyang kalokohan!

"Gusto mo, pakita ko pa sa'yong tuli na ako!" sambit niya na parang nanghahamon.

"Ewan ko sa'yo! Muntanga ka na naman! Puro ka kalokohan! Umpisahan na nating uminom para makapagpahinga na rin tayo." aya ko sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at hinila ko na siya patungo sa maliit na table sa kwarto. Inilipat namin ang mga alak at pulutan sa labas patungong balcony.

Sumalubong sa amin ang malamig na hangin ng Tagaytay. Napakapit ako sa magkabilang braso ko nang dumampi ito sa aking katawan. Umupo na lamang ako at sinubukan kung kakayanin ko ba ang lamig ng panahon.

Nang mapansin ni Taiga na nilalamig ako, pumasok siyang muli sa kwarto at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Imposibleng kumuha siya ng jacket dahil wala naman kaming baong damit partikular na ang jacket.

Tinanaw ko na lang muli ang ganda ng buwan. Natuwa ako sapagkat hindi gaanong maulap kaya kita ko ang ganda nito. Parang gusto ko tuloy magpagawa ng bahay na may accessible na bubong para malaya kong matatanaw ang buwan gabi-gabi. Hindi bale, mapag-iipunan naman iyon.

Hindi ko napansin ang pagbalik ni Taiga at naramdaman ko na lang ang pagpatong niya ng comforter sa aking kandungan. Ipinagtabi niya rin ang aming upuan at tumabi sa akin. Kinuha niya ang comforter sa akin at pinagsaluhan naming dalawa ito. Epektibo naman itong nagpakalma sa lamig na nararamdaman ko. The heat I am getting from the touch of our skin is enough for me not to feel cold.

"Bakit kinuha mo itong comforter? Baka wala ka nang magamit mamaya sa pagtulog at marumihan ito? Mamatay ka na lang sa lamig mamayang madaling araw. " tanong ko sa kanya nang may pag-aalala.

"Edi tabi na lang tayo sa kama. Tapos!" sagot niya na para bang kay simple lang ng sinabi niya.

"Ayoko nga! Kaya nga dalawang kama kinuha ko para wala akong katabi. Ang likot-likot mong matulog." pagdadahilan ko sa kanya.

"Sino ba kasing may sabing matutulog tayo? Paiinitin kita magdamag." paliwanag niya nang nakatingin sa akin pataas baba sa aking katawan sabay ngiti nang nakaloloko.

Pumula ang mukha ko sa sinabi niya. Mas lalo tuloy nag-init ang nararamdaman ko kahit wala pang alak at malamig ang panahon.

"E-Edi wow! Libog ka?" asar ko sa kanya.

"Edi wow!" panggagaya niya sa akin na may boses bata muli. "Iinom kasi tayo ng alak kaya magdamag tayong magpapainit. Kung ano-ano iniisip mo kasi." palusot niya.

Kinuha niya ang alak at baso namin at sinalinan. Ibinigay niya sa akin ang baso at sumimsim siya agad ng para sa kanya.

"Lokohin mo lelang mo, Taiga!" sagot ko naman sa kanya at ininom na rin ang alak.

Ang lamig ng alak ay nabalewala nang tuloy-tuloy itong dumaloy sa aking lalamunan. Gumuhit ang init nito papunta sa aking dibdib at tiyan. Tingin ko mamaya lang ay hindi na namin kailangang balutin ang aming sarili ng comforter.

Nag-usap lang kami ng mga random na bagay. Syempre hindi mawawala ang mga asaran na alam ko namang hindi ako mananalo kailanman sa kanya. Ang daming energy ni Taiga sa katawan para mang-asar. Naubos na rin namin ang isang bote ng alak.

"How do you see yourself five to ten years from now?" seryosong tanong ko sa kanya nang unti-unti na kaming nakararami ng inom at nagseseryoso na ang aming usapan.

"Ano ito? Kailan ako nag-apply ng trabaho sa'yo?" natatawa niyang tanong sa akin.

"Sagutin mo na lang, parang tanga 'to. Seryoso nga, dali na!" pangungumbinsi ko sa kanya.

"Hmmm... Let me think." sagot niya habang naniningkit pa ang mata na para bang nag-iisip nang malalim. Tumingin siya sa akin bago dinugtungan ang sinasabi. "Honestly, wala pa. Hindi ko pa napag-iisipan."

Binato ko siya ng tsitsirya bago tumugon sa kanyang sinabi.

"Dapat pinag-iisipan mo na iyan ngayon, Taiga! Plan your future. Wala ka bang kapanga-pangarap sa katawan?" tanong ko sa kanya na may panglalait.

Humilig siya sa aking kanang balikat at pumikit. Maya-maya pa ay dumilat siya at tumingin siya sa aking mata habang ako naman ay nakatagilid na nakatingin sa kanya.

"Masama ba kung sasabihin kong isa lang naman ang pangarap ko?..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinitigan ko siya sa mata na para bang sinasabi na ipagpatuloy niya ang kanyang gustong sabihin. "Pangarap kong mapasaakin ka. As simple as that. Buo na ako kapag nangyari na iyon. Wala nang hahanapin pang iba..."

Nagtitigan kami at nang makita kong papalapit ang kanyang mukha ay iniiwas ko ito at ininom na lang ang alak na isinalin ko para mawala ang atensyon ko sa kanya. Ramdam ko pa rin ang titig niya kahit na sumandal na siya sa kanyang upuan.

Nagpaalam ako sa kanya na magsi-cr lang kaya pumasok ako sa loob. Umihi ako at pagkatapos ay tiningnan ang sarili sa salamin. Pulang-pula ang mukha ko at tingin ko ay kung hindi pa kami titigil ay malalasing na ako nang tuluyan. Ang init ng pakiramdam ko at kahit papaano ay parang ang gaan sa pakiramdam. May tama na talaga ako.

Paglabas ko, nakita ko siyang nakapikit at pinagkakasya ang sarili sa upuan para makahiga ng kaunti. Niligpit ko ang mga ginamit namin at inilagay muna sa gilid. Itinapon ko ang mga basura sa trash can na nasa gilid din. Nang makuntento, hinawakan ko si Taiga sa balikat para ayain na sa loob at dumilat naman siya agad.

"Pasok na tayo sa loob. Pahinga na tayo." aya ko sa kanya.

Para siyang batang sumunod sa akin at tumayo sa kinauupuan. Kinuha niya ang comforter at tumalikod na ako sa kanya para makapasok sa loob. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang yumakap siya sa aking likod. Tumama ang matikas niyang dibdib sa aking likuran na nagbigay ng karagdagang init sa akin. Inayos niya ang comforter na bumalot sa aming katawan.

"I wouldn't mind telling you every day how much I love you..." bulong niya sa akin. Tumayo ang balahibo ko sa katawan nang dumampi ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg at kanang tenga. "I wouldn't mind us being together in the future." dagdag pa niya.

Hindi ako nakagalaw sa kanyang sinabi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sinabi niya. Aaminin ko, may naramdaman akong kakaiba at tila ba nagustuhan ko ang sinabi niya.

Iniharap niya ako sa kanya at tinitigan niya ako sa aking mga mata. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha mula kilay, pisngi, at patungong labi gamit ang magaspang niyang kamay. Unti-unting lumapit ang kanyang mukha kaya pumikit ako at inantay ang pagdampi ng kanyang malambot na labi. For someone who has a rough hand and appearance, it's incredible to feel his soft lips touching my own lips.

Mula sa marahan, naging mapangahas ang aming halikan. Dumapo na rin sa iba't ibang parte ng aming katawan ang aming mga kamay. Hindi ko namalayan na pareho na kaming walang damit pang-itaas. Ang lamig ng Tagaytay ay hindi kinaya ang init na lumalabas sa aming katawan. Hinalikan niya ang aking balikat patungo sa aking leeg at nagbigay ito ng boltaheng kuryente sa aking katawan.

Ginalaw ni Taiga ang kanyang mga paa palakad kaya sinundan ko ang kanyang mga yapak habang walang puknat ang paggalaw ng aming mga labi. Kahit hingal na hingal, hindi ito naging balakid para ihinto namin ang sarap na aming pinagsasaluhan.

Naramdaman ko sa aking likuran ang malambot na kama. Napaangat ang aking puwetan nang walang pakundangang hinubad ni Taiga ang aking shorts. Para bang nagbigay ginhawa ang kanyang ginawa dahil sakal na sakal na pala ang aking ari sa sobrang tigas nito sa aking suot na shorts.

Pinagmasdan ko ang katawan ni Taiga. Nagbubunga na kahit papaano ang pinaghihirapan namin sa gym. Nakauuhaw ang kanyang tindig. For a college student, ang bilis mag-mature ng kanyang katawan. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang short at nakita ko na naman ang kanyang pinagmamalaki.

May kinuha siyang kung ano sa kanyang bag at inilagay sa gilid. Titingnan ko sana ito ngunit nawala ang atensyon ko rito nang yumuko siya at inatakeng muli ang aking labi. Hinalikan niya ako nang matindi at walang pag-aalinlangan. Dumako ang kanyang mga halik hindi lamang sa aking labi, maging sa aking leeg, dibdib at pababa sa aking tiyan.

Napaliyad ako nang dumampi ang kanyang labi at dila sa aking hita patungong singit. Hinawakan niya ako sa aking tuhod at ipinirmi ito para hindi ako maglikot. Ilang sandali pa, dumako na ang kanyang mga labi sa aking tigas na tigas na ari. Napaungol ako nang malakas sa kanyang ginawa.

Isinubo niya ito nang walang kahirap-hirap. Nagtaas baba siya rito nang walang alinlangan. Hindi niya rin pinalampas ang dalawang bola sa baba nito.

"A-Anong gi-ginagawa mo! Ohhh! Sh-Shit!" ungol ko sa kanya nang maramdaman ko ang kanyang malikot na dila sa bukana ng puwet ko.

Pinirmi niya muli ang aking hita nang makita niyang hindi ako mapakali sa ginagawang kahalayan ng kanyang dila. Habang ginagawa niya ito, isinabay ng kanyang kanang kamay ang pagtaas baba sa aking ari. Halos mawalan ako ng ulirat sa sobrang sarap na nararamdaman.

"Ohhh! Ahhh! M-Malapit n-na ako! Ayan n-na! Haaa!" ungol ko kasabay nang pagpulandit ng aking katas sa aking tiyan. Napapikit ako sa nangyari. Pinunasan niya ito gamit ang boxer shorts na kanyang hinubad.

Hindi pa ako nakakabawi nang maramdaman ko ang kanyang daliri na unti-unting pumapasok sa aking butas. Aangal sana ako ngunit lumamang ang nararamdaman kong panghihina at excitement sa puwedeng mangyari.

Naramdaman ko ang malamig na likido kasama ng daliri ni Taiga sa loob ko. Naglumikot ang kanyang daliri sa loob ko. Noong una ay nakaramdam ako ng sakit pero kalaunan ay lumamang ang kiliti at sarap lalo na nang may tinamaan ang kanyang daliri sa loob ko. Dinagdagan niya ito hanggang sa hindi ko namalayan na tatlo na ang nasa loob ko na naglalabas masok.

"Ohhh! A-Ang sarap. D-Don't stop, ahhh!" tugon ko habang nakatingin kaming dalawa sa isa't isa na may pang-aakit.

Nadismaya ako nang itinigil niya ito at inilabas niya ang kanyang mga daliri. Napahinga ako nang malalim nang madama ko ang kakulangan sa loob ko. Nakita ko siyang nilagyan niya ng likido mula sa isang itim na bote ang kanyang kanang kamay.

He slowly put the liquid on his erection while looking straight at me with lust evident in his eyes. He bites his lip as he sees me looking at him. I'm scared and excited at the same time. Maybe the effect of liquor gives me courage to do this with him.

Bumalik siya sa kanyang puwesto kanina at itinungkod sa kaliwang ulo ko ang kanyang kaliwang siko. Nakataas pa rin ang aking tuhod habang siya ay nasa gitna ko.

Bumalik muli ang tigas ng akin. Hinalikan niya akong muli at naramdaman ko ang matigas na ari niya na kumakatok sa aking butas.

"I promise I will be gentle. Dahan-dahan lang..." wika niya habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata.

Tumango ako sa kanya na naging hudyat niya para magsimula. Para hindi ko maramdaman ang sakit, hinalikan niya ako sa aking labi, pisngi at leeg habang sinasabi ang matatamis niyang mga salita. Kung gaano niya ako kamahal at kagustong makasama.

Unti-unting pumasok ang kanya. Nakaramdam ako ng sakit na para bang nahahati ang kaloob-looban ko. Hinalikan niya ako sa labi at nakagat ko ang kanyang ibabang labi para maibsan ang sakit na bumabalot sa ibaba ko.

Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kanyang mga kamay sa ari ko habang iniuunti-unti niya ang pagpasok sa akin. Isang saglit pa, naramdaman ko ang kabuuang pagbaon ng kanya sa loob ko. Masakit na para bang punong-puno ang nararamdaman ko sa loob.

Sinanay niya muna ako sa kanyang kahabaan bago niya sinimulan ang paggalaw. Sa simula ay mabagal ngunit nang makaramdam na ako ng kiliti sa loob at kaunti na lamang ang sakit, bumilis na ito nang tuluyan.

Sinalubong ng katawan ko ang kanyang pag-indayog sa ibabaw ko. Ang lamig ng aircon ay nabalewala sa pawis na lumalabas sa aming katawan. Tanging ungol, sigaw ng kasarapan at hingal ang maririnig sa buong kwarto.

"S-Shit, I'm c-coming again, aaah!" banta ko.

Lumabas ang katas ko nang hindi man lang hinahawakan ito. Nakaramdam ako ng sobrang kiliti dahil sa pagtama ng ari ni Taiga sa sensitibong parte ng loob ko kaya hindi ko napigilan ang paglabas ng aking katas.

Hindi rin nagtagal at naramdaman ko ang pagpapalabas niya sa loob ko dahil sa humigpit ang loob ko nang makapagpalabas ako. Nang masaid ang kanyang inilabas, tiningnan niya ako sa aking mga mata at hinalikan sa aking labi habang hinihingal.

"I love you so much, Theo!" sinsero niyang bulong sa akin habang napapapikit na ako sa sobrang pagod.

Realization hits me. I will not allow Taiga to do this with me I do not have feelings to him.

Bago kainin ng kadiliman ang aking paningin, naramdaman ko ang pauli-ulit niyang mga halik sa aking noo habang sinasambit ang mga salitang nakapagpangiti sa akin bago mawalan ng malay sa paligid.