Makikita sa ibabaw ng Limit Skyscraper ang pagbaba ng isang dark blue auto jet na nakapagpagulat sa iilang fighters na pumapasok at lumalabas ng skyscraper.
Whoosh!
Walang kahirap-hirap at mabilis na tumalon si Luo Feng sa ere na para bang isang relaxed na ibon. Ang isang lundag niya lang ay umaabot na sa taas na ilang dosenang metro. Tinulungan siya rito siyempre ng kanyang spiritual force. Sa ilalim ng mga tingin mula sa napapangangang fighters sa Limit Skyscraper, Si Luo Feng na tumalon sa taas na ilang dosenang metro ay mabilis na lumipad papasok sa kusang bumukas na hatch ng eroplano.
HUALA! Sumara ang hatch.
Kumportableng umupo si Luo Feng sa loob ng eroplano. Mukhang isang panaginip ang mga ilaw na nagrereflect sa mga gamit sa loob ng eroplanong iyon.
"#1, umuwi na tayo sa bahay," sabi ni Luo Feng.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者