webnovel

Ang Nan Shen Armament

編輯: LiberReverieGroup

Narinig ng parehong makaliskis na lalaking si Mo Yi Lin at lalaking may itim na sungay na si Ah Shi ang galit sa boses ni Luo Feng. Kahit na sumusunod lang sila sa utos ni Ni Nan na pikunin at hamunin si Luo Feng, mga henyo pa rin sila ng sangkatauhan mula sa higit isang trilyong taong kasaysayan nito. Dahil kung hindi ay hindi nila magagawang pumasok sa absolute beginning region.

Mapagmalaki ang mga henyo!

Magsayang ng oras?

Sayang lang sa oras ang makipaglaban sa kanila, isa itong bagay na binanggit ng isang baguhang hindi pa nagtatagal sa virtual universe.

 "Halina kayo sa arena." Tumalikod si Luo Feng at naglakad palabas, mukhang gusto na nitong tapusin ang laban sa lalong madaling panahon.

 "Hmph." Tumingin si Mo Yi Lin sa kanyang likuran at hindi maiwasang gumawa ng isang nanlalamig na signhal.

 "Masyado kang arogante," naniningkit na sinabi ni Ah Shi.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者