webnovel

Ang Laban!

編輯: LiberReverieGroup

Naging confident sina Hong, Luo Feng at Thunder God sa kanilang sarili kaya agad silang nagrequest sa mga fighters na nasa kapareho nilang level.

"Normal na ito kung tutuosin, sa bagay, isa lang akong baguhan at ang ranking ko ay kasalukuyang nasa 'null'," walang magawang sinabi ni Thunder God. "Kung malakas lang tayo ay maaari tayong mamili ng mas malalakas na fighter kaysa sa atin para hindi matagalan sa pagpili ng kalaban. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang mas maigi kung magsimula muna tayo sa umpisa at gumawa ng pangalan sa ating sarili."

"Kinakailangan nating magsimula sa wala."

"Kinakailangan na muna nating umakyat sa rankings, sa oras na magawa natin ito ay puwede na tayong makipaglaban sa mas malalakas na fighter kaysa sa atin!"

Kahit na confident sina Luo Feng, Hong at Thunder God na magagawa nilang marating ang 1 at 2 star sa rankings ay kinakailangan pa rin nilang umakyat ng paisa-isa.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者