webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · 奇幻言情
分數不夠
22 Chs

NINE

Nandito ako sa living room, nakasandal ang ulo at nakatulala sa kisame. Hindi ko kase makalimutan ang sinabi ni Kuya Eduardo sa 'kin noong nakaraang araw na nagkausap kami sa loob ng kwarto.

"How's your mission, Lyka?"

"I wanna quit, kuya. His heart was too hard to soften it." I didn't expect that there's a tear fell from my left eye because of unexplainable pain. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Maybe because he's treating me as nothing. He can't see why I'm doing this. He doesn't know the exact reason why I'm still pushing this mission.

"Is it because you failed three times?" He sat down on my bed.

Umiling ako. Sa loob ng isang buwan kong pag-push sa kanya, I realized I want to help him too para kapag nakaalis na kami rito ay matutunan niya na ulit magtiwala. "Honestly, I'm hurt. Alam niyo naman pong madali lang akong maapektuhan 'di ba? Siguro po kase masyado lang masakit 'yong huling sinabi niya sa 'kin."

He stared at me for a couple of minutes and then he sighed. "Pagpasensyahan mo na. Sa inyong dalawa ikaw ngayon ang kailangan mag-adjust sa kanya. Hindi naman niya alam na misyon mo 'yon, eh."

"Until when, kuya? Kung kailangan pagod na pagod na ako kakahabol sa kanya para lang matulungan siya? He's smart kaya alam kong kahit hindi natin sabihin sa kanya, he can feel that we're doing this on purpose." Tumulo naman ulit ang luha ko kaya agad ko ring pinunasan ito.

Noong unang punta ko rito, problema ko ang nararamdaman ko para kay Martin tapos ngayon problema ko naman kung paano tutulungan si Xynon. Puro na lang problema ang binibigay sa 'kin ng mga lalaki. Aish.

"Konting tiyaga pa, pasasaan pa't magiging successful din itong misyon mo." Ngumiti siya nang kaunti para pagaanin ang loob ko.

Kahit papaano ay nararamdaman kong may kakampi ako sa misyong ito. "Sana nga, kuya. Matigas pa naman ang puso no'n. Sana lang mapasunod ko."

"You can do it. Just don't give up. He needs us. He needs you." Tumayo siya at iniwan ako sa kwarto ng nag-iisa.

"Anong nangyari sa 'yo, Lyka? Ba't ka umiiyak?"

Saktong matapos ko ang pagbabalik-tanaw sa tagpong 'ýon ay narinig ko ang boses ni Mona na nakatayo kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin siya sa 'kin ngayon na nang may bahid na pagtataka. "Tinatanong kita ba't ka umiiyak? Hapon na hapon, ah."

"Ano? Umiiyak ka, Lyka?" biglang tanong ni Lorenz nang pumunta sila rito sa sala kasama ang dalawa pang lalaki.

Saglit akong tumingin kay Xynon na tahimik na umiinom ng root beer. Hindi niya ako tinitingnan ngayon. Siguro nahiya dahil sa ginawa niya sa 'kin dati. Tss.

"Lyka! Ba't hindi ka sumasagot? Narinig mo naman ako 'di ba?"

Biglang kumabog ang dibdib ko sa biglaang sigaw ni Mona na nasa harapan ko ngayon, nakatayo habang nakapamewang.

"Ah, eh, hindi naman ako umiiyak," ani ko nang nakakunot ang noo. Ba't ba niya natanong 'yon?

"Anong hindi? Eh, ano 'to?" Hinawakan niya ang pisngi ko at pinakita sa 'kin ang isang butil ng luha na nakuha niya galing sa 'kin. "Pawis? Pawis na nanggaling sa mata? Tss."

Tinitigan ko ang luhang 'yon at dahan-dahan akong napahawak sa pisngi ko. Hala! Basa nga! Ba't ako umiiyak? Inisip ko lang naman ang huling usapan namin ni Kuya Eduardo, eh! Ibig sabihin naiyak ako ro'n?

"Ba't ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sa 'ýo?" tanong ni Shiro at uminom ng root beer nang hindi inaalis ang paningin sa 'kin.

Ba't ba sila nandito? Naha-hot seat tuloy ako nang 'di ko gusto dahil sa lecheng luhang 'to! Dumako ulit ang mata ko kay Xynon at ngayo'y nakatingin na sa 'kin. Bahagya pang naningkit ang mga mata niya na para bang binabasa ang mga mata ko.

Para namang may makikita siya sa mga mata ko. Siya naman ang dahilan kung bakit ako naiyak, mga pambabalewalang ginagawa niya sa efforts ko!

Tinaasan ko ng kilay si Xynon saka tumingin sa iba pa. "Nasaan nga pala si Lovelle" pag-iiba ko ng usapan.

"I'm here. Miss me?"

Lumingon kami sa bagong dating na si Lovelle na kakatapos lang maligo.

"Miss your face. Pfft."

Natawa siya at umupo sa tabi ko. "May nabalitaan akong umiyak ka raw? Sinong nagpaiyak sa 'ýo?" Tumingin siya sa sa gawi ni Xynon at ngumising tumingin sa 'kin. "Si Xynon ba?"

Nahampas ko siya ng wala sa oras. "Anong kinalaman niya?! Saka 'di ako umiyak 'no!" Kinuha ko ang magazine sa ibabaw ng maliit na mesa at kunwaring nagbasa ako pero ang totoo n'yan ay para lang matakpan ko ang mukha ko. Nakakahiya talaga 'tong si Lovelle kahit kailan!

Pasimple akong tumingin sa gawi ni Xynon. Sh*t. Hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa 'kin?! Nakakaasar talaga! Si Lovelle kase, eh!

"Mahal mo pa ba si Martin o nakalimutan mo na?" biglang tanong ni Lovelle habang nakatingin sa 'kin. Bahagya pa siyang lumapit at bumulong. "O baka naman tinamaan ka na sa kanya?"

Nanatili akong nakatingin sa kanya at nilapag ko ang magazine sa lap ko. Ba't naman niya naisip na tinamaan na ako kay Xynon? "How can you say so?"

"Mukhang nakakalimutan mo na si Martin, eh. Malaking tulong talaga ang Romino Las Defa para makalimot 'no? Hahahahaha."

"Sinong Martin, Lovelle?" pang-uususyo naman ni Lorenz at pinipi ang lata ng root beer gamit ang kanang kamay.

"Lalaking mahal niya," sagot nito.

"Mahal ka rin ba, Lyka?" tanong naman ni Shiro.

"Hindi. May girlfriend, eh." Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ni Lovelle na malaking tulong ang Romino Las Defa para makalimot ako pero inaamin ko na hindi ko na siya gaanong naiisip minsan sa dalawang linggo naming pananatili rito. Siguro kase part na rin 'yon ng pagmo-move on ko at nada-divert ang isip ko para hindi na siya maalala ulit. Saka tanggap ko na rin naman no'ng araw pa lang na sinabi niya sa 'kin. Oo, gusto ko pa rin siya hindi naman basta-basta mawawala 'yon pero atleast hindi na ako katulad dati na lagi na siyang iniisip. Malaking tulong ang survival games para makalimot ako.

"Gano'n talaga ang pag-ibig. Hindi lahat ng mahal natin mamahalin tayo pabalik," komento naman ni Mona. "Pero malalim pa ba ang nararamdaman mo para sa kanya?"

"Siguro hindi na katulad ng dati na sobrang sakit. Tanggap ko naman na in the first place, eh." Wait lang, ba't ako ang naging topic?

Napahawak pa siya sa baba niya na tila may iniisip. "Siguro mahal mo siya pero hindi gano'n kalalim." Nakuha niya siguro na nagtataka ako kaya tinuloy niya ang pagpapaliwanag. "I mean, sabi mo kase hindi na katulad ng dati. Isipin mo ah, mahigit dalawang linggo pa lang tayong magkakasama at ipagpalagay nating ilang buwan na kayong magkakilala ni Martin pero nawawala na ang feelings mo sa kanya. So therefore, I conclude that you're feelings for him wasn't that deep. Mahal mo pero hindi kasinglalim ng dagat. Nakukuha mo ba ibig kong sabihin? Haha."

Napatitig ako sa kanya. So ibig sabihin mahal ko pero hindi malalim ang nararamdamna ko? "Pero bakit nasaktan ako ng sobra nang sinabi niya sa 'king may girlfriend na siya?"

Napansin ko namang nakikinig silang lahat sa usapan namin ni Mona at nag-aabang. Mga chismoso't chismosa. Hahahaha.

"Hindi ka naman nag-expect sa kanya na magugustuhan ka niya? O baka first time mong ma-in love?"

Nag-expect ba ako? Hindi naman 'di ba? "Hindi naman ako nag-expect. First time ko nga."

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Napatingin kaming lahat kay Kuya Eduardo na kakarating lang at may dalawang bowl na may mga papel na naka-roll doon.

"Lovelife po ni Lyka, kuya! Hahaha," sagot ni Mona at niyakap ang maliit na unan na nakalagay rito sa sofa.

"Mona, bumunot ka," sabi ni kuya at inabot niya ang bowl kay Mona.

Kahit nagtataka si Mona ay sumunod pa rin siya. "Babasahin ko po ba?"

"No. Huwag mong sasabihin sa kanila hangga't hindi ko pa sinasabi. Maiwan ko na kayo." Tumayo siya saka umalis.

Lahat naman kami rito ay naiwang nakatulala at nakanganga.

"Mona, ano 'yang binubot mo?" tanong ni Lorenz at tumayo pa para kunin kay Mona ang maliit na papel na nakayukom sa kaliwang palad niya.

Agad namang naitago ni Mona ang palad niya kaya nailayo niya ito kay Lorenz. "Baliw ka talaga. Papagalitan tayo sa gingawa mo, eh! Bawal daw sabihin."

"Feeling ko may survival game tayo mamayang gabi," saad naman ni Shiro at nakahawak pa sa baba niya. "Tungkol kaya saan? Masama kutob ko, ah."

"Paanong masama?" tanong ko. Ba't naman niya nasabi 'yon? Normal lang naman na magkaroon kaming risky survival game.

"Hindi ko alam pero hindi maganda kutob ko. Sana lang walang mapahamak sa 'tin ulit."

****

"Handa na ba ang lahat?" tanong ni Ma'am Merlyn sa aming lahat at huminto siya sa tapat ng isang kwarto.

"Mona, okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa siya napapansing namumutla at nababalisa.

Tumingin ito at tanging tango lang naman ang iginawad niya sa 'kin.

Napakibit-balikat na lang ako. Baka kinakabahan lang siya dahil madaling araw na rin naman.

"Ano po bang gagawin natin? Pasado alas-dose na po ng madaling araw." Lumilinga pa sa paligid si Lorenz para tignan ang kabuuan ng lugar.

Nandito kase kami ngayon sa isang kwarto. First time lang namin makapunta rito. Sa sobrang dami ng kwarto rito ay hindi na namin ito nagawa pang isa-isahin para tingnan no'ng bagong dating pa lang kami.

Imbes na sagutin ni Ma'am ang tanong ni Lorenz, binuksan niya ito at iniwang nakabukas ang pinto.

Tumambad sa amin ang malaking screen at may familiar equipment na samsung gear. Teka, ginagamit ito sa...

"Virtual reality room?" tanong ni Xynon habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

Virtual reality room? Kaya talaga familiar sa 'kin ang equipment, eh.

"You're right. This is VR room. Ngayon gaganapin ang second survival game niyo."

"Tama nga si Shiro sa sinabi niya kaninang hapon na may survival game ngayon," komento naman ni Lovelle nang nanlalaki ang mga mata. "Teka, nasaan pala si Shiro?"

"Shiro will not join." Lumapit si Ma'am sa harap at kinuha ang samsung gear. "This is Samsung Gear VR, a virtual reality headset developed by Samsung Electronics, in collaboration with Oculus VR, and manufactured by Samsung."

"Ba't hindi po makakasali si Shiro?" Kanina ko pa napapansing hindi siya mapakali dahil si Shiro lang ang hindi namin kasama ngayon.

"Ask Mona."

Lahat kami ay tumingin sa kanya na ngayo'y pinagpapawisan na at mas lalong namumutla.

"B-Bumunot ako kanina ng papel 'di ba?" Huminto saglit at kinagat ang kuko. Bakas sa mukha niya ang sobrang kaba. "And it was Shiro." Huminga ito nang malalim bago ulit nagsalita. "S-Sabi ni Kuya Eduardo sa 'kin kanina bago tayo pumunta rito si Shiro raw ang magiging bait natin sa game na 'to."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Bait? As in pain? Paano? Eh, nasaan si Shiro ngayon?" Lumingon ako sa dalawang lalaki. "Baka nasa kwarto niyo?"

Umiling si Lorenz. "Kanina no'ng bandang 9 pm natulog siya pati rin kami. Pero paggising namin bandang 11:40 pm, wala na siya sa kwarto. Hinanap namin ni Xynon bago tayo tawagin ni Ma'am Merlyn pero hindi namin siya nakita."

Nagkatinginan kaming lima pero wala ni isa ang nagsasalita. Pareho naming iniisip kung saan pumunta si Shiro ba't siya nawala. D*mn.

Mayamaya lang ay biglang pumasok si Kuya tulak-tulak si Shiro na natutulog sa wheel chair saka niya sinarado ang pinto.

Sinundan namin ng tingin si Kuya, inalalayan niya itong buhatin at pinaupo sa isang swivel sa harap mismo ng malaking screen. Pagkatapos, humarap siya sa amin at lumapit nang kaunti. "Alam ko naman na lahat kayo ay naguguluhan kung bakit hindi kasali si Shiro." Tumingin diya sa gawi ni Mona saglit bago ulit tumingin sa 'min. "Tulad ng sinabi ko kay Mona ay siya ang magiging pain para magawa ang consequences everytime you all fails. The second survival game will be entitled as Four Words, One Meaning. May ipa-flash na word d'yan sa screen at huhulaan niyo kung ano 'yon. ita-type niyo d'yan sa tablet na nasa harap niyo ang final answer. This is by group. We will have 6 sets." Huminto siya saglit at tinuro si Shiro na nasa gawing kaliwa niya. "While you're all answering, Shiro faces his phobia. And if you guys make mistakes three times within fifteen seconds, he will face his phobia in 24 hours. This will be the first step to overcome his phobia by facing it again. Sa inyo nakasalalay ang buhay niya ngayon."

F*ck! Kaya pala kinutuban ng masama si Shiro kanina! Siya pala ang magiging pain! D*mn! Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Hindi ko alam kung tinurukan ba siya ni kuya ng pampatulog o sadyang tulog-mantika lang talaga siya.

"You guys must be ready. Mag-focus kayo para masagutan niyo nang mabuti," paalala ni Ma'am Merlyn at inakay kami papunta sa gitna kung saan kami uupo at may tig-iisang tablet sa harap namin.

Nang makaupo na kami ay nakita kong nag-sign of the cross si Mona na katabi ko gawing kaliwa habang lumalandas ang luha. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti nang marahan. "We will make this for him."

Tumango-tango siya at pinunasan ang luha.

On the other hand, isinuot naman na ni Ma'am Merlyn ang samsung gear VR kay Shiro na natutulog pa rin. Mukhang kusa siyang magiging kapag nag-umpisa na ang phobia niya.

"The game will start in 3,2,1... GO!"

PLANT, POISONOUS, DEADLY, NIGHTSHADE.

"Dang. Ano 'yan?" bulong ni Lovelle.

Ang sarap magmura. Unang-una pa lang ang hirap na.

Nakita ko namang bahagyang bumangon si Shiro na parang tumitingin pa sa paligid.

"Sino ka?! Anong gagawin mo, sa 'kin?! Nasaan ako?! Lorenz?! Lorenz, nasaan ka?!" sigaw nito na at tumayo pa para umatras. "Anong gagawin mo sa 'kin?! H*yop ka! Xynon? Nandiyan ka ba?! Tulungan niyo ako!"

"A-Anong nangyayari sa kanya?! Ba't siya sumisigaw?!" naiiyak na tanong ni Mona. Akmang tatayo na sana siya para tulungan si Shiro nang balaan siya ni Ma'am Merlyn gamit ang nakakatakot na tingin kaya bumalik siya sa pagkakaupo.

"F*ck! Eight seconds nalang!" sigaw ni Lorenz at napahilamos pa sa mukha dahil sa sobrang taranta.

Xynon completed it. BELLADONNA is the answer.

'Yan ang biglang lumitaw sa screen ng tablet.

Halos lahat kami ay biglang lumingon kay Xynon na seryoso ang mukha habang nakatingin sa harapan.

"B-Bitawan mo 'yang injection na hawak-hawak mo! Ano itong suot-suot ko sa mata?! Papatayin mo ba ako, tanda?! Lyka? Mona? Lovelle? Nasaan kayo?! Tulungan niyo ako! Papatayin ako ng baliw na doctor na 'to!"

"Alam ko na. Kung anong kinuwento sa atin ni Shiro rati tungkol sa phobia niya, 'yon ang nakikita niya," ani ko habang pinag-iisipan ang sagot sa sumunod na words.

PSYCHOLOGY, INVESTIGATION, CRIMINAL, LAW

Teka, familiar 'to sa 'kin. Nabasa ko na ito dati sa libro ni Lauren nang maiwan niya 'yon sa kusina. Mahilig siya sa psychology, eh.

It's a branch of psychology that regards about criminal investigation and law.

"Six seconds," sabi ni kuya.

Ano nga 'to? Dang! Lyka, ngayon ka pa talaga na-block mental kung kailan kailangan na kailangan mong mag-isip!

"Ano nga 'yan? Alam ko nasa book ni Lauren 'yan, eh. Ano ulit 'yon? F-Fo...For-r. Aish!"

"Tulungan niyo ako! Lorenz! H*yop kang matanda ka! Ikaw ang sumaksak sa 'kin dati! Tulungan niyo ako! Ma! Mama!"

Fo? Aha! Alam ko na! Agad kong tinype ang sagot sa tablet.

Lyka completed it. FORENSIC PSYCHOLOGY is the answer.

"Maaa! Tulungan niyo ako please?! Anong ginawa ko?! Kuya Eduardo, Ma'am Merlyn?! Papatayin niya ako!" Nagsisimula na rin siyang humagulhol habang nakayuko.

Ako ang kinakabahan para sa kanya. Paano kung hindi namin magawa'to. D*mn.

RADIOACTIVE, METAL, PLUTONIUM, E=mc2

"I-Itigil niyo na 'to p-please? A-Ayaw ko na. Maawa na kayo sa 'kin. H-Huwag niyo na akong p-paglaruan." Unti-unti na siyang nawawalan ng balanse dahil sa pagpupumiglas at pagwawala na ginagawa niya kanina.

"Kawawa na si Shiro," bulong ni Lovelle. maging siya ay naiiyak na rin sa kalagayan niya.

"T-Tama na. H-Huwag mo akong papatayin p-please. Aww f*ck! Ang sakit!" Tuluyan na siyang napaupo sa sahig nang nakayuko habang humahawak sa parte ng katawan niya.

"Seven seconds."

"Hindi ko alam 'to. Mahina ako sa science. Xynon baka alam mo 'ýan," bulalas naman ni Lorenz at humarap pa kay Xynon na kanina pa tahimik.

"Hindi ko alam 'to. Ngayon ko lang na-encounter 'ýan," tugon ni Xynon at napakamot pa sa ulo. "wait, hulaan ko." Nag-type siya ng kung ano sa tablet. "F*ck. Mali ang Rhodium."

"Hindi ko rin alam 'yan," sabi aman ni Mona habang pinagdidikit ang dalawang palad.

Napailing ako. Wala ni isa sa 'min ang nakakaalam nito. Paano na 'yan?

"Anong gagawin mo sa 'kin?! Sa'n mo ako dadalhin, ha?! Bitawan mo ako! A-Aray!" Pilit siyang lumalayo sa lalaking humahawak sa kanya. "Bitawan mo ako sabi, eh!" Sumuntok siya sa hangin nang dalawang beses at bigla rin siyang napaupo sa sahig habang nakahawak sa kanang labi. "Ialis niyo itong nasa mata ko!"

"Two seconds."

"Sh*t," bulalas ni Lorenz.

Team failed. EINSTENIUM is the answer.

Napapikit na lang ako nang mariin dahil sa sobrang inis nang mabasa ko 'yan sa screen. D*mn.

"Bawi na lang tayo, guys. Kaya natin 'to. May tatlo pa," pangche-cheer up ni Lovelle sa aming lahat.

"Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?! Ba't ka ba hindi nagsasalita, ha?! Saan mo ako dadalhin! Bitawan mo ako!" Sumuntok na naman siya sa hangin nang tatlong beses nang makatayo na siya.

CODE, CHECKERBOARD, FRACTIONATING, PLAINTEXT

"Code? Checkerboard? Wait, alam ko 'to," ani naman ni Mona sabay type sa tablet.

Mona completed it. POLYBIUS SQUARE is the answer.

"Ma! Tulong! Pakialis nitong nasa mata ko! Kuya, Ma'am Merlyn!"

Napatingin ako sa gawi ng magkapatid. Tahimik lang silang nakatingin sa sitwasyon ni Shiro na ngayo'y naglalakad kung saan-saan habang nagpupumiglas.

Napalingon naman sa akin si Ma'am Merlyn kaya agad akong umiwas ng tingin at tumingin sa malaking screen.

MUSLIM, MATHEMATICIAN, FATHER, ALGEBRA

"Ah! Naaalala ko 'to! Napag-aralan namin 'to dati! Dang. Mahaba ang pangalan ng muslim na 'yan, eh! Sh*t ano nga ulit 'yon?!" Kagat-kagat ni Lorenz ang kuko niya, tanda na pilit siyang may inaalala matapos niyang sabihin 'yon.

Wala akong alam dito. Hindi ako mahilig sa math.

"A-Aray tama na! tama na please? 'Wag mo na akong sasksakin! P-Parang-awa mo na."

"I also remember that one. Muhammad nagsisimula ang name niya," komento naman ni Xynon habang nakahawak sa baba niya.

"Six seconds."

"Oo, tama. Muhammad nga kaso 'di ko pa rin maalala. Kainis!"

"Wait, subukan ko ang naaalala ko. Muhammad Gandhi ba? Leader of India's non-violent independence,right?" tanong ni Lovelle.

"Muhammad Gandhi? 'Di ba Mohandas Gandhi 'ýon?" takang tanong ni Lorenz sa kanya.

"Ay sorry sounds alike. Wala akong ambag huhu," hinging paumanhin ni Lovelle saka napayuko.

"Four seconds."

"Naalala ko na! Sana maalala ko pa ang spelling." Agad nag-type si Lorenz. "Hala ayaw! Wrong spelling daw! D*mn! Ano bang spelling ng Kwarismi niya?!"

"Anong buong pangalan baka mahulaan ko hangga't may oras pa," tugon ni Xynon.

Sinabi ni Lorenz ang buong pangalan at agad tinype iyon ni Xynon kaso naubusan siya ng oras.

Team failed. MUHAMMAD IBN MUSA AL-KHWARIZMI is the answer.

"Aahh nakakainis! Mali na naman!" sabay sabunot ni Lorenz sa sarili niya.

Napatigil naman sa pagpupumiglas si Shiro at nahiga sa sahig habang nakaharang ang dalawang braso niya sa ulo. "T-Tama na p-please. Ayaw ko na rito. M-Mama, tulungan mo nga a-ako please? N-Natatakot po a-ako." Para siyang bumalik sa pagkabata na hinahanap ang kanyang nanay at humihingi ng saklolo.

Naiiyak ako para sa kanya. Naaawa na ako. Paano pa kaya kapag hindi namin 'to naipanalo?

"Last chance na lang natin, guys. Galingan natin para kay Shiro. Please?" pagsusumamo ni Mona habang pinupunasan ang mga luha.

Kusa na ring tumulo ang luha ko. Kinakabahan na ako. Sana magawa namin 'to para sa kanya.

ARTICLE, FRAUD, NEGLIGENCE, DELAY.

"Article 1173 yata 'to, eh!" Napahalukipkip pa si Mona matapos niyang magsalita.

"Try mo dali!" sigaw sa kanya ni Mona at bahagya pa siyang natulak sa balikat.

Agad namang ginawa ni Lovelle kaso failed. "Hala! Sigurado akong nasa gano'ng article'yon, eh! Nabasa ko 'yon!"

"Eh, 'di manghula pa tayo. Wait try ko ang article 1175." Nag-type si Mona saglit kaso mali pa rin.

"I'll try article 1171," saad naman ni Xynon at nag-type kaso mali pa rin talaga.

"What if article 1176?" Sinubukan na agad 'ýon ni Lorenz kaso mali pa rin.

"T-Tulong, guys. Nasaan na kayo? M-Masakit na katawan k-ko."

Team failed. ARTICLE 1170 is the answer.

"Sh*t"

"Dang."

"Hala si S-Shiro."

We didn't make it. F*ck but all answers we've tried are close enough!

"Shiro will stay here until tomorrow midnight. Dadalhan lang siya ng pagkain tuwing oras na," anunsyo ni Ma'am Merlyn.

Nakakapanghina. Malalagay lalo sa alanganin ang buhay ni Shiro nang dahil sa 'min.

Lumapit si Kuya kay Shiro at may ginawa para marinig siya nito. "Shiro."

Kumaripas siya ng pagbangon kahit hinang-hina na at kumakapa-kapa sa hangin para mahawakan si kuya. "Kuya Eduardo? Ikaw po ba 'yan? Tulungan mo ako please. Hindi niya ako tinitigilan sa pagsaksak, kuya. N-Natatakot na ako sa kanya. Alisin mo na kung ano 'tong nasa mata ko p-please?"

Pinunasan ni kuya ang luha niya at hinawakan siya sa balikat. "You will stay here until tomorrow midnight 'cause your teammates didn't completed the second survival game."

"W-What?"

"Nakasalalay ang buhay mo ngayon sa kamay ng kasamahan mo pero hindi nila nagawa."

"W-Where are t-they?"

"We are all here. Nandito lang sila ngayon. Kakatapos lang ng laro. As a consequence sa pagkatalo nila, haharapin mo pa rin ang phobia mo ngayon in 24 hours at gagawin mo lahat para ma-overcome mo 'yan. Babalikan lang kita rito kapag dadalhan na kita ng pagkain. Do your best. Face your fears." Tumayo siya at sinenyasan kaming lumabas na ng kwarto.

"Kuya? Guys?! Kuya? Nasaan na kayo?! Argh! A-aray! Tama na! Kuya! Tulong!"