webnovel

Chapter 1

Prologue

"Anak! Kaylee!" Kanina pa naghuhumiyaw si mama sa baba.Habang ako ay mahimbing pa ang tulog.Manong umakyat nalang siya dito at gisingin ako ng maayos.Hindi yung nag susumigaw siya don at pinapagod ang sarili niya.Tsk si Mama talaga kahit kailan.

"Kaylee" Rinig ko ang munting tunog ng pagbubukas ng pinto sa kwarto ko.Naaninag ko na may pumasok mula dito tapos ay marahang sinara ang pintuan.

Maliliit ngunit mabibigat ang yabag ang unti unting paglapit ng kung sinoman.Mariin at maingat itong lumalapit.Siguro sa tingin niya'y tulog pa ako.Samantalang kanina pa ko nagising sa ingay ng naghuhumatendo kong ina.

"Kaylee." Tawag pa nito sa akin.Ngunit umungol lang ako,dahil ayaw pang gumising ng katawan ko."Gising na.Ihahatid pa kita." Bigla akong napadilat at nilingon yung kanina pang salita ng salita.

"Kuya!" Tumayo ako agad sa kama ko tsaka ako tumalon patungo sa kanya para yakapin.Ilang taon din siyang nag aral sa baguio no?Malamang ay madami siyang dalang pasalubong.

"Oh tama na bunso.Nasasakal ako Kaylee" utas nito kaya napabitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Namiss kita Kuya!" Sigaw ko tsaka umambang yayakapin siyang ulit ngunit napausog na siya mula sa pagdedepensang makalapit ako.

"Namiss din naman kita Kaylee.Pero tama na muna bunso,Ang baho pa ng hininga mo"Napanguso ako sa sinabi ni kuya kaya nagapura nakong pumasok sa banyo para makapag-sipilyo.

"Oh siya bilisan mo ng mag-ayos at baka malate ka pa sa unang araw ng klase mo."Then he slammed the door right after he left.

Pagkababa ko sa hapag-kainan ay nandoon na agad sila Mama,naghahanda ng pagkain.

"Oh eto na pala ang kolehiyala ko eh." Bati sakin ni Papa tsaka inalok na umupo na.

"Wow! Kuya ang dami naman nito! Sakin to lahat!?" Excited na tanong ko kay kuya na nagkakape habang kumakain ng ladyfingers.

"Ano ka!? Yung iba ipamigay mo" Tss.Pwede naman kasing akin nalang lahat.Mauubos ko naman yan.

"Kanino ko naman ibibigay? Sa charity?!" Pagrereklamo ko padin.Sadyang mahilig lang talaga ako sa mga goods ng Baguio!

"Sira! Edi ibigay mo sa bano mong boyfriend." Utas nito.Napatahimik na lang ako sa sinabi ni kuya.Ewan ko ba kung bat apektado ako eh hindi naman totoo yun.

"Ssst.McCoy itikom mo mga yang bibig mo." Suway sa kanya ni mama."Ah Kaylee,anak halika na magalmusal ka na muna."Anyaya sakin ni mama,tahimik na lamang akong sumunod sa kanya at kumuha na ng pagkain.

Tahimik lang kaming lahat.Sila mama ay tahimik lang na pinagmamasdan ang reaction ko.Habang si kuya naman ay takang minamanmanan ako.Hindi ko siya masisi dahil wala siya dito noon at sadyang sila mama lang ang napagsabihan ko.

"Psst.Ma,anyare diyan? Bat natahimik si bunso?" Palihim na bulong ni kuya kay mama.Siniko naman ito ni mama."Tuhamik ka na lamang diyan McCoy at kumain ka." Pagsesermon nito.

Tahimik na lamang ang lahat habang nasa harap ng hapag kainan ngunit si kuya ay hindi pa din mapakali.

Sinulyapan ko siya ng sandali at iniwas din agad iyon.

"Oh eto anak." Sa wakas ay binigay na din ni mama ang credit card ko.Hindi na tuloy ako mamomroblema kapag may biglaan kaming kailangang bilhin.

Tumango lamang sa kanya at nagsimula ng maglakad pero tinawag pa ako ni mama kaya huminto muna ako panandalian.

"Eto anak." Abot niya sakin ng extra cash."Ma." Balak ko pa sanang ibalik iyon sa kanya ngunit naginsist pa ito na kunin ko na.

"Sige na anak kunin mo na.Ipambili mo ng kung anong gusto mo."My parents are so vulnerable when it comes to money,thats why I can't take it.Pero wala na akong nagawa kundi tanggapin na lamang iyon."Thank you ma." Pasasalamat ko dito.Inaayos niya naman ang buhok ko at patuloy na pinupuri ang itsura ko.

"Ang ganda ganda lang ng anak ko." Bati nito ngunit nginitian ko na lamang siya.I need to reserve my energy for the day.I'll need it later.

"Kaylee! Tara na" sigaw na iyon ni kuya sa labas.Nagaanyaya ng umalis."Ma." Muling tawag ko sa kanya pahintulot na aalis na kami."Sige na.Magiingat kayo." Ani nito tsaka ko ito hinalikan sa pisnge.

Nagtungo na ko sa kotse ni kuya.Umupo na ako agad sa shotgun seat tsaka inilagay ang headset sa aking tenga.Gusto ko na lamang makinig ng music dahil tiyak na tatanungin lang ako ni kuya tungkol sa nangyari.

{Now playing.Catching Feelings}

Just came from another mistake

Just another heartbreak

Repeating it over and over 'til our hearts break

Losing my mind every time with ya

Back to the wringer and we always hit rewind, baby

"Bunso." Tawag saakin ni kuya.Sabi ko na nga ba at magtatanong lang to.At ayaw ko namang sagutin yun kaya nagpanggap na lamang akong hindi siya naririnig.

Say something stupid and you start to see red

I'm tryna please you but I'm losing my head

Think I needa bounce, let me out

Hit the ground, running 'til I drop dead

"Magkwento ka naman kay kuya." Pagpupumilit niya.As much as I want to kuya,hindi ko masabi sayo.Not now.Not this time.

But every time you tell me that you love me

Every time you tell me that you want me

Making me feel and think

It's the same inside

I would keep it to myself but I gotta let you know that

"Maiintindihan ka naman ni kuya." Aniya.Pero hindi padin ako bumibigo."Laging ako ang unang makakaintindi sayo." Dagdag pa niya pero gumilid nalang ako sa tapat ng bintana.

I'm catchin' feelings for ya

I'm catchin' feelings for ya

Gotta let you know that I'm catchin' feelings for ya

Yeah, I'm catchin' feelings, feelings

Yeah

Madali kaming nakadating sa LNU college dahil malapit lang naman ito sa bahay.Pagkababa ko sa kotse ay sinenyasan na agad ako ni kuya na pumasok na.

Pagkaalis ni kuya ay nagtungo na agad ako sa mga registar ng finance office na ngayon ay nasa tapat ng main building.Binibigay na nila ang mga schedules kaya sumingit na ako agad para makuha yung akin.Wala namang nagreklamo,swerte ko?

"Thank you po." Pagkakuha ko ay tinignan ko na agad ang first class ko.

"11:30 A.M-"May nagputol sa sasabihin ko.

"Biology class?" Lumabas ang isang babaeng medyo kulot ang buhok at morenang di tulad kong mistisa ang kulay.

"Kenzie!" Bati ko sa kanya tsaka siya niyakap ng mahigpit.Si Mackenzie Holland ay isang Filipino American citizen.Bestfriend ko siya since highschool.

"Wayy? Don't tell me classmates tayo?" My tone was filled with awe end excitment at the same time.

"Oh.Business Ad din ang course ko!" Napayakap akong muli sa kanya dahil sa sinabi nito."Thank God,may kasama ako!" Ani ko sa kanya.

"Oh mall muna tayo?Anyaya niya sakin.Hindi na din naman ako tumangi dahil dalawang oras pa naman bago ang klase namin.

Nagtungo kami sa pinakamalapit na mall na mahahagilap namin dahil malayo layo ang mga pangunahing mall mula sa LNU.

Pagdating namin doon ay nagtungo agad kami sa pamilihan ng mga damit.Papalitan daw niya ang suot ko dahil mukha daw akong tita sa soot kong mom jeans at plain ridged tee.

"We're keeping the sneakers.Those are fine." Aniya sabay abot sakin nung gusto niya saking ipasoot.

"Okay na ba to?" Pakita ko sa kanya nung outfit na pinasukat niya sakin."Mmm.Okay na yung pants.Yung top palitan natin." Aniya sabay bigay sakin ng flannel top.

"Perfect." Pagkakita niyang muli sa akin.Ngayon ay nakasuot ako ng black leather pants at yung flannel top."Omo.Namumutla ka ata Kaylee?" Sita niya sa mukha ko.Sa katunayan ay hindi lang talaga ako mahilig mag make-up at maglagay ng kung ano ano sa mukha ko.

"Halika na.Doon naman tayo agad sa mga make up." Kaladkad niya sakin palabas."Ayy ma'am!" Pahabol nung cashier."Bakit?" Tanong naman namin.

"Hindi niyo pa po kasi nababayaran yan."Sita niya sa suot ko ngayon."Yun lang." Napakagat na lamang sa labi si Kenzie.Habang ako naman ay napasapo sa noo dahil sa kahihiyan.Tsaka niya binayaran ang pinamili namin.

Pagdating namin sa mga make up ay kumuha na agad ng basket si Kenzie at dumampot na ng kung ano ano.Halos punong puno na ang basket niya ng makarating kami sa counter."Ahy sandali lang may nakalimutan akong kunin." Aniya tsaka bumalik para maghanap pa nung kailangan niya.

"Ayan." Sabay dagdag nung flat iron at curling iron sa mga pinamili niya."Sigurado ka bang bibilhin mo lahat yan Kenzie?" Tanong ko sa kanya."Oh silly no.Marami na akong ganyan.Para sayo yan Kaylee.Treat ko sayo." Yun na lamang ang sinagot niya tsaka binayaran ang mga pinamili niya sa MAC!

Nagawa pa naming bumili ng corndog para may makakain kami tsaka kami nagtungo sa kotse niya."Oh bilisan mo ng kumain diyan at ng masimulan na natin."

Sinimulan niya akong lagyan ng primer dahil maputi naman na daw ang mukha ko.Tsaka siya ng apply ng medyo brown na shade ng foundation.Tsaka niya iyon blinend sa mukha ko.

Sunod naman ay yung concealer para sa undereye at chin ko.Tsaka siya naglagay ng baking powder pagkatapos niyang iblend yun.

Inayos niya na din ang kilay ko tsaka siya naglagay ng light eyeshadow.Nag apply din siya sakin ng eyeliner pati narin falls eyelashes.

Blinend niya na yung baking powder tsaka siya nag-apply ng bronzer,highliter,contour at maging blush sa mukha ko.Huli ay ang matte red lipstick.Ayoko sana nung red pero naginsist parin si Kenzie dahil baka magmukha daw akong barbie kapag pink.

Sa huli ay kinulot niya ang dulo ng buhok ko tsaka nagspray ng setting spray sa mukha ko.

"Ayan tapos na.Napagod ako don ah." Reklamo niya pero pinuri din naman ang naging gawa niya sa mukha ko.Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at maganda nga ngunit matagal ang proseso para sa isang oras.

"Oh siya tara na baka malate pa tayo." Pagaaya ko na sakanyang bumalik sa LNU.

"Ms.Alquiza?" Pagtatanong nung prof pagdating namin.Mukhang nagchecheck ito ng attendance.

"Here po." Bati ko noong pagkapasok namin ng room."You are late ms.Alquiza." Aniya."But I like your look." Pagpupuri nito.Kaya nagbow lamang ako at nagtungo sa upuan sa likod."Ms.Holland?"

"Here sir" Bati naman ni Kenzie na nakasunod sa likod ko."You are late also." Ani nito kay Kenzie.Kaya nagbow lang din si Kenz sa kanya.

"Lastly." Pagtutukoy niya sa huling estudyante.

"Mr.Endrano?" Did I just heard him right?

"Present sir." Bati ng late din na kakapasok ng lalaking mas matangkad ng 1.5 inch sakin.

Mistiso at matipuno ang pangangatawan.

"Oh is it just my lucky day to have three of my students late for the first day!?" Sigaw na nito saamin.Nung una ay akala ko okay pa pero ayun nga.

"Very well Mr.Endrano,You can take your seat now" ani nito sa kakadating na lalaki na ngayon ay sa tabi ko pa nakaupo.

"Psst.Kenz.Palit tayo!" Aya ko kay Kenzie.Na ngayon ay nagbibingingihan at kunyari ay maypinapakinggan sa headset.

"Kenz.Hindi nakaconnect sa phone mo?" Pagpapahiwatig ko ng obvious.Tumayo na ako para kaladkarin siya na makipagpalit sa akin.

"Ms.Alquiza." Tawag sakin nung professor."Kaylee po sir." Ani ko dito."Fine,Kaylee do you have a problem? Bakit naka tayo ka pa." Tinignan ako ng lahat ng mga kaklase ko.Maging itong katabi ko! Tinapunan ko lang sila ng isang nakakahiyang ngiti tsaka bigong bumalik sa pagkakaupo.

"Okay.Before we start.We would have to introduce ourselves through a song." Ani ng professor.Ayun nga at sinimulan na ito sa likod.Nauna sa right side papuntang left.Todo ang tawa ko nung si Kenzie na ang kumanta.

"Minsan siya ay nakausap.Ako ay parang nasa ulap.Nang ako'y kanyang titigan.Sa puso ay anong sarap.Tunay na kapag umibig.Lagi kang mananaginip.Pag kasama mo siya ay ligaya

Na walang patid"

Todo bigay niyang kinanta ang Mr.Kupido ni Myrtle Sarrosa.Tawang tawa naman ang lahat dahil sa pagkakwela ni Kenzie.Habang ang prof naman ay pumapalakpak na humahagikgik rin.

Etong katabi ko? Ewan ko diyan.Walang pake! And should I care also about that punk?!

"Mr. Kupido,Ako nama'y tulungan mo,Ba't hindi panain ang kanyang,Damdamin,At nang ako ay mapansin.Mr. Kupido,Sa kanya'y dead na dead ako.Huwag mo nang tagalan,Ang paghihirap ng puso ko"

Kahit sintunado ay todo bigay parin ito.

Pagtatapos nito sa kanta.At wag kayo may pahabol pa.

"Kit Mackenzie Holland! Parang Kiddy meal lang yan,di kamahalan pero." Pagpuputol pa nito sa famous line niya."Kasarapan.And I thank you!" Pagtatapos nitong muli tsaka naghiyawan at nagtawanan ang lahat.

"Wow.That was easy." Ani nito sa akin pagkaupo.Inirapan ko na nga lang siya.

"Kaylee." Tawag sakin ng Prof.Well here it goes.

Kinuha ko na agad yung gitara na nasa sulok nung room.Tsaka pumwesto sa harapan.

Aawitin ko ang isang kantang makakapag-

paalala sayo lahat ng katarantaduhang ginawa mo sakin.

"Binibini sa aking pagtulog."Pagsisimula ko.

At halos lahat ng lalaki sa room ay naghiyawan at napangalumbaba na parang pinag-papantasyahan ako.Maliban sa isa.

Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.Ngunit iniwas niya din yun agad ng magtama ang tingin namin.

"Ika'y panaginip ko.Panaganip ng kathang dakila

Nitong pag-iisip ko.Ang katulad mo raw ay birhen.Sa abang altar ng punong pag-ibig.O kay ganda.O kay gandang mag-alay sa 'yo"Parang siya lang ang inaawitan ko.Sa kanya kang nakatoon ang paningin ko.

"Alaala, at isip at pagod.Sa yo'y binigay ko raw

Binibini, ang aking dalangi't dasal.Dininig mo raw

Wika mo raw ay iingatan ka.Magpakailanman ang purong pag-ibig.O kay ganda.O kay ganda mag-alay sa 'yo.Hooh..." Ngayon ay nakatingin na lamang siya sa labas at diretso ang tingin niya roon.Malalim ang iniisip.

"Sa 'king tanong magkatutoo.Kaya.Sagot mo para nang sinadya.Hooh..." Hindi ko na nagawang tapusin ang kanta dahil baka maluha lang ako at kumalat pa ang maskara ko.

Nagtungo na ako sa upuan ko ng batiin ako ng isa kong kaklase kong lalaki."Hi miss Kaylee.Ako po si Liam.Ang ganda ganda niyo po pati na rin yung boses niyo." Puri nito ngunit nginitian ko lang ito.

"Mr.Endrano." tawag niya sa lalaking katabi ko.

Umupo na siya agad sa nakahandang stool tsaka kinuha yung bass guitar.'His known for instrument.'

Nagstart na siya sa plucking ng chords.At the moment I heard the tune of the song his about to play,I had chills all over my body.

"Umiiyak ka na naman.Dahil sa walang kwentang dahilan.Ano bang nangyari sa ating dalawa

Parang di na tayo nagtutugma." Shit bat naman yun pa?!

"Pag usapan natin to.Dahil masyado na tayong magulo.Mahal pa rin naman kita.Pero parang ang labo lang talaga" Bakit yung playlist ko pa!?

"Baka kailangan na muna natin ng oras.Para pag-isipan ang lahat ng to" Nananadya ba talaga siya? Una yung pagtake niya ng business ad.Second yung pagtabi niya sakin on behalf na madami namang bakante.

Tapos yung playlist ko?

"Kung tayo talaga.Tadhana ang magsasabi sa akin.Bumitaw ba o kapit pa"

"Kay.Namemersonal ata yang ex mo." Bulong sakin ni Kenzie sa gilid.

"Kung para sakin ka.Kahit mawalay ka

Hahanapin ng puso ang daan pabalik sayo" Matalim ko lang siyang tinignan.Parang kahit anong oras ay tutulo na ang luha ko.

"Kung tayo, tayo.Kung tayo, tayo.Kung tayo, tayo talaga.Kung tayo, tayo.Kung tayo, tayo.Kung

tayo, tayo talaga" Pagtatapos niya.

"Nicely done Mr Endrano-" pinutol niya na agad sa pagsasalita ang prof.Walang Modo.

"Ryle sir.Ryle Endrano." Ani nito tsaka nagtungo na sa upuan niyang nasa tabi ko.Kunot noo ko siyang tinignan.Kinilabutan ako ng tignan niya akk pabalik.Ngunit sandali lang iyon.

Tsaka niya isinoot ang headset niya at mariin na tumalikod sa akin.

Ryle.

Ryle Endrano.

__________________________________________________________________________________________________

ฅ^•ﻌ•^ฅ