webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 综合
分數不夠
557 Chs

Chapter 7

TULALA si Jemaikha nang sa wakas ay nagyaya na kumain si Hiro. Ubos na ang powers niya sa pag-guide sa lalaki sa buong UP Diliman. Matapos mag-report sa opisina para sa foreign at exchange students, inikot niya ang lalaki sa iba't ibang gusali sa UP pati na rin ang ibang importanteng lugar gaya ng library, Sunken Garden at ang Melchor Hall kung saan tiyak na madalas itong magkaklase dahil engineering ang kurso nito.

Sa Lutong Bahay sila bumagsak, isang eatery na may mga homecooked meals at murang shake. "Nani o tabetaidesu ka? (What do you want to eat?)" tanong ng lalaki sa kanya kung ano ang gusto niyang kainin.

"Manang, isang sinigang na bangus po na bangus po at isang kanin," sabi niya at tumuro.

"Manang, sinigang na bangus po…" anang lalaki na akmang kokopyahin ang order niya.

"Hindi. Pumili ka ng iba. Betsu no mono o erande kudasai. (Choose something else.)"

At nagulat siya nang basta na lang itong nagturo. May anim na iba't ibang klaseng putahe marahil itong in-order. "Hala! Ang dami naman. Subete o taberudarou ka? (You will eat everything?)" nanlalaki ang mata niyang tanong kung kakainin nito lahat.

Itinuro siya nito at ang sarili. "Beikoku. Watashitachiha subete o tabemasu. (Us. We will eat everything.") Sila daw ang kakain ng lahat. Pinagsalikop nito ang mga palad na animo'y nagdadasal kaya umusal din siya ng dasal ng pasasalamat. "Ittadaikimasu!" anang lalaki na hudyat na pwede na silang magsimulang kumain.

Tahimik niyang pinagmasdan ang lalaki. Nasa twenty years old na ang lalaki at nag-aral mula sa University of Tokyo ng Electrical and Electronics Engineering.

"Kanojo wa dokodesu ka? (Where is your girlfriend?)"hanap niya sa girlfriend nito.

"Dare? (Who?)" tanong nito kung sino.

"S-Shobe-san?" tanong niya.

Nalukot ang mukha ng lalaki. Hindi daw nito sinabi sa babae kung saan ito pupunta dahil gusto nitong maging independent at matutunan kung paano mamuhay nang mag-isa sa Maynila. Masaya naman siya dahil kung kasama nito ang maldita nitong girlfriend, tiyak na di sila magkakausap ng lalaki. Pero delikado para kay Hiro. Mas maraming sira ulo sa Kamaynilaan. Maswerte na ito dahil dumating siya kanina.

"We must remedy your problem," nausal na lang niya dito. "Hindi ka mabubuhay sa Pilipinas kung di ka marunong mag-Filipino o English man lang."

"Nani?" tanong nito kung anong sinasabi niya.

Ipinaliwanag niya ang sinabi dito sa wikang Hapon ang saloobin niya. Hindi bale sana kung Linguistics ang kurso ng mga kahalubilo nito palagi. Magiging considerate ba ang mga kaklsase nito at professor dito?

Inilabas nito ang maliit na MP3 at nagsalita. Nagsalita ito sa Nihongo at maya maya pa ay nagsalita na ang device. "No worries. I have this." Translator pala iyon. At sa palagay niya ay bagong imbensyon lang iyon.

May translator naman pala ito. Bakit pa ba siya nito pinahihirapan na mag-Nihonggo?

"Hindi mo magagamit ang translator lagi. Paano kung maubusan ng battery o masira? Paano kung wala ka nang oras para magpa-interpret?" tanong niya. Hinayaan niyang translator ang mag-translate para dito. Nakita niya na naguluhan ito kung paano io-operate ang device para isalin ang sinabi niya.

Nagkibit-balikat ang lalaki. "Watashi wa nani o subeki ka? (What should I do?)" tanong nito kung anong dapat gawin.

"You need an English and Filipino tutor and a guide."

"Tutor? Guide?" tanong ng lalaki.

"I can be your English and Filipino tutor and guide," prisinta agad ni Jemaikha kasabay ng pagkinang ng mga mata.

Ito na. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon na magkaroon ng bagong estudyante. And Hiro was perfect. Lost in translation ang drama nito sa Pilipinas. Mag-isa pa itong nakatira sa condo nito. Paano ito mabubuhay kung wala halos itong alam sa English at Filipino? May mga foreign students naman sa Pilipinas. Pero kung gusto nitong maging competitive at mas mapadali ang komunikasyon sa ibang tao, kailangan nito ng magaling na tutor. At siya iyon.

Nakita niya ang pagdududa sa mga mata nito. Inilabas niya ang school ID para ipakita ang kurso niya kung saan siya nag-aaral ng Linguistics. "See? I am studying Asian Languages here in UP." Inabot niya dito ang resume na lagi niyang dala sakaling makatagpo siya ng potential client. Binasa iyon ng lalaki pero di niya alam kung may naiintindihan ito. Wala na siguro itong masasabi pa dahil kanina pa siya nagpapasiklab sa alam niya sa Nihonggo. Parang audition na rin niya iyon. "You can ask Miss Grace of Unit 3010. I used to be her daughter's tutor. I am a good tutor. I can also give you a free lesson on how to survive here in the Philippines."

Marahan itong umiling. "No need tutor…"

"My service is cheap. Only fifteen thousand pesos a month. Intense program. That is cheap." Nag-compute siya sa conversion ng peso sa yen. "Really cheap." Umiling pa rin ito. "I can cook. I can clean your house. I can sing and dance." Ano pa ba ang kailangan niyang ialok dito para tanggapin nito ang serbisyo niya? She really needed that job.

Ngumisi ang lalaki. "Tutor, cook, clean the house, sing and dance. Okay."

"Domo arigatou gozaimasu, Hiro-san," pasasalamat ni Jemaikha at yumukod. Itinaas niya ang mga kamay. "Yes! May trabaho na ulit ako. Hindi ka magsisisi, Hiro-san."

Pagak itong tumawa. "Wakaranai."

"Ay! Okay lang iyan. Maiintindihan mo rin ako. Masanay ka na."