webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 综合
分數不夠
557 Chs

Chapter 2

"YOU can do this, Yoanna! You will be fine," usal niya sa sarili habang nakaharap sa salamin ng powder room ng restaurant at huminga nang malalim. Ilang minuto pa bago dumating si Kester ay pumunta siya doon para I-compose ang sarili. Habang palapit nang palapit ang muli nilang pagkikita ni Kester, tumitindi ang kaba niya.

Kester shouldn't affect her that way. Pitong taon na ang nakakaraan mula nang huli silang magkita. Hindi na siya bata dapat kiligin kapag nakita ito. She was now a matured woman who won't be easily susceptible to any man's charm. Kahit pa si Kester Mondragon ang kaharap niya.

Matapos makaipon ng sapat na kompiyansa ay lumabas na siya ng restroom. She had that graceful yet touch me not look. Handa na siyang harapin si Kester.

She suddenly stopped dead in her tracks when she spotted a man walking towards her. He was tall and bronzed like a sexy Latin lover. Naka-white long sleeve polo ito na nag-highlight sa balat nito. Ito ang lalaking kahit sino ang makakita ay matutulala. Malalantik ang pilik-mata nito na tulad ng sa isang manika. It was insanely long for a man. Pero kapag tumingin ang mga matang iyon ay nakakatunaw. Bakas din sa polo at slacks nito ang magandang katawan at tindig. Na parang sanay ito sa mabigat na trabaho. He was simply perfect. At ngayon pa lang ay di na normal ang paghinga niya.

Natigilan ito at napatitig sa kanya. "Yoanna?"

Kester Mondragon. He was sevenfold more handsome after seven years. Ihinanda na niya ang sarili. Di niya ito papansinin. Kung di lang niya napansin ang mantsa ng dugo sa damit nito.

Her body trembled as she walked towards him. "Oh, God! K-Kester! A-Anong nangyari sa iyo? Naaksidente ka ba? Are you hurt? Did you see a doctor?" Di niya maiwasang mag-alala dito. Lalo lang nagpatensiyon sa kanya ang dugo.

"I am a doctor," he said in an oh-so-formal voice. Di pa rin ito nagbabago. Pagdating sa kanya, parang gusto nito laging magsungit.

"I know that you are a doctor. But I think you have to see one. B-Baka mamaya lumala ang…"

"Yoanna, I am not hurt! Hindi ako naaksidente. Wala akong sugat."

"Bakit puro dugo ka?"

He threw his hand as if dismissing her. "I don't have time to explain to you." Saka ito nagmamadaling pumunta sa men's restroom.

Natigagal siya habang nararamdaman pa rin niya ang paninginig ng katawan niya. She couldn't believe that she talked to Kester with utmost concern. At gaya ng dati, sinungitan na naman siya nito. Ang impaktong iyon! Bakit pa ba siya nag-alala dito? Hindi naman ito nagbago. Impakto pa rin.

"Bakit namumutla ka?" tanong ni Alastair sa kanya pagbalik niya sa mesa. "Here. Have some wine."

"I-I saw Kester," she said in a trembling voice. "Ano pong nangyari? Puro dugo po kasi ang damit niya."

"Papunta na siya dito nang may makita siyang naaksidenteng kotse. Bumangga daw sa isang truck" kwento ni Katalina. "Tumulong siya sa pagbibigay ng first aid sa mga injured. Alam mo naman ang batang iyon, laging handa. Mabuti nga at nakapagbigay siya ng first aid. Kundi baka di na nakaligtas ang mga iyon. Ang di lang yata naidala ng batang iyon extrang damit. Mabuti may extra si Alastair."

So Kester was not injured. He was only on his way to the restroom to wash his self and change his clothes. Nasobrahan naman siya sa reaksiyon.

"Hindi na talaga nagbago ang anak namin. Laging on duty siya bilang doktor." Katalina had so much admiration in her eyes while talking about Kester. "He is like a saint. An angel."

Isa iyon sa katangiang nagustuhan niya kay Kester. Parang si Superman ito na laging on call basta may maibibigay itong tulong. She smiled sardonically and sipped the red wine. Napakagandang pagkakataon naman para ipaaalala sa kanya kung bakit na-in love siya dito noon.

"At last you are clean. We can go on with the dinner," wika ni Gudofredo nang samahan sila ni Kester sa mesa.

"Tinawagan ako ng contact ko ospital na pinagdalhan ko sa mga victims. They are being treated now. Malaki ang chance na makaligtas sila," kwento ni Kester nang umupo sa tapat niya.

Natigilan siya saglit. Paano pa siya makakapag-concentrate kung nakaplastada sa harap niya ang kaguwapuhan nito? Kaya pa ba niyang ma-immune dito?

"That is nice to hear," anang si Katalina. "Pero tinakot mo kami nang makita naming marami kang dugo sa damit mo. You even scared Yoanna."

"Hello, Yoanna!" anitong noon lang siya binati. "And I am sorry if I scared you. I remember that you hate the sight of blood."

Saglit siyang natahimik. She remembered a time when she wanted to help Kester in one of his doctor's mission in a depressed area. May blood donation doon. Nag-freak out siya nang makakita ng dugo. At nainis lang ito sa kanya. Sa halip na mapalapit dito ay lalo lang lumayo ang loob nito sa kanya.

"I don't exactly hate the sight of it. Nag-alala lang ako dahil akala ko nasaktan ka kanina. But since you are not hurt, I have nothing to worry about," she said in a smooth yet controlled voice. "Kahit naman sinong may dugo ang damit, mag-aalala ako."

Napansin ni Alastair na namumuo na naman ang tensiyon sa pagitan nila ni Kester. He butted in right away and changed the topic. "Pa, Ma, alam ba ninyo na manager na ng isang hotel si Yoanna?"

"Really?" Kester said in a dry tone. Na parang wala itong tiwala kakayahan niya o hindi lang ito interesado sa kanya.

"What hotel is it?" Gudofredo asked in an excited tone.

"It is not exactly a hotel, Tito. It is a hotel-type guesthouse at the Stallion Riding Club. It is an elite riding club where we only accept rich and able bachelors as members. It is a nice getaway. You will surely love the place."

"Is that the same riding club owned by Reid Alleje?" tanong ni Kester.

"Yes, it is." May alam naman pala ito sa business world. Akala niya ay mga tse tse flies lang sa Africa ang kilala nito.

"Nai-feature na iyan sa isang international magazine," sabi ni Gudofredo. "Puro mga bata ang members ng riding club. Young and successful bachelors. The security is tight. Di makakapasok nang walang permiso mula sa isa sa mga members. The media isn't allowed either. A perfect getaway."

"Our main attraction is our prized breed of horses," dagdag pa niya.

"Then that place must be a sign of power, wealth and masculinity," anang si Gudofredo at tinapik ang balikat ni Alastair. "Ikaw ba, anak? Hindi ka ba member ng Stallion Riding Club? Bagay na bagay ka sa club na iyon."

Pinigil niya ang pagbulanghit ng tawa nang tumikhim si Alastair. "Hindi ko naman na kailangan pang maging member ng club na iyon, Pa. Macho na ako. Di ko na kailangan pang patunayan iyon. Saka wala akong hilig sa mga kabayo."

"Mas macho kapag magaling kang sumakay sa kabayo, anak. Lalo kang hahabulin ng mga babae. Naalala mo ba ang Lolo Pancho mo? Nag-aaral pa lang siya sa PMA, matikas na matikas na siya," anang si Gudofredo. "And he is a very good horseman. Ganoon ka rin dapat."

Kung nakikita lang niya ang laman ng isip ni Alastair nang mga oras na iyon, marahil ay gusto na nitong magtitili. Kamacho-han na kasi ang pinag-uusapan. Ang topic na allergic ito. "Kapag di na ako busy, Pa. Titingnan ko po. Si Kuya Kester na lang kaya ang ipasok ninyo sa riding club?"

Pinanlakihan niya ng mata si Alastair. There was no way that she would dream of having Kester as one of their members.

"Pa, di ko kailangan ng ino-offer ng riding club. Mas maraming taong nangangailangan ng tulong ko dito," sagot ni Kester.

Nakahinga siya nang maluwag. Tama ito. Dapat na lang itong tumulong sa mga taong nangangailangan. Di niya ito kailangan para guluhin ang buhay niya.

"Baka maraming magagandang babae doon, hijo," anang si Katalina. "After all, you are not getting any younger."

"I can find my own girl, Ma. Hindi ninyo ako kailangang itulak. Isang araw, may ipapakilala na lang ako sa inyo," wika ni Kester at bahagya siyang sinulyapan.

Umingos siya dito. Tinitingnan ba nito kung apektado siya kung sakali mang magka-girlfriend ito? Manigas ka diyan! I am not interested to you. Not anymore.