webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 综合
分數不夠
557 Chs

Chapter 19

Nakatitig si Jenevie sa man made waterfalls sa villa ni Rolf. It was her favorite spot in the house. But even that was not enough to give her peace of mind.

Tinabihan siya ni Rolf sa bench. "Hindi ka pa rin natutulog?"

"Hindi pa ako inaantok," sagot niya at di ito nilingon.

Niyakap siya nito. "Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kanina? Hindi naman ako masyadong nasaktan, ah!"

"Sa ngayon siguro hindi. Paano sa susunod kung mas matindi pa ang mangyari sa iyo?" Tiningala niya ito. "Natatakot ako."

Ngumiti ito. "Kailan ka pa natakot? Mas matindi pa nga ang pinagdaanan mo kaysa sa akin, di ba? Nabaril ka at nalaglag sa bangin. Pero hindi man lang kita nakitang natakot doon."

"Rolf, iba kapag ako ang nasa peligro. Iba kapag ikaw o kahit sinong mahal ko sa buhay. Naisip ko tuloy ang sinabi ni Rhoda. Dapat yata maghiwalay na lang tayo dahil napapahamak ka lang dahil sa akin."

He caressed her face. "Kahit kailan di ko iniisip na ikaw ang nagpahamak sa akin. Huwag mong pansinin ang sinabi niya."

Nakagat niya ang labi. "Ito mismo ang dahilan kung bakit hiniwalayan kita noon. Di dahil sa trabaho ko. Ayokong maging miserable ang buhay ko dahil isa sa mga importante sa akin ang napahamak dahil sa akin."

"I told you not to put that inside your head."

"But it is already inside my head. Ayokong matulad ka sa nangyari kay Elizabeth. Anak siya ng director namin dati."

"Siya iyong kaibigan mo na namatay sa kidnapping?"

"Tulad ko marami ring death threat na natanggap si Director Romulo. Ikinuha niya ng bodyguard si Elizabeth. Elizabeth even fell in love with her bodyguard. Iyon pala kasabwat iyon ng gustong maghiganti kay Director. Elizabeth was kidnapped. Nanghingi rin ng ransom para sa kanya. At sa huli, nabaril siya nang ire-rescue na siya. Nag-resign si Director Romulo dahil sa sobrang guilt. Napahamak ang anak niya dahil sa kanya."

"Ang alam ko si Elizabeth ang dahilan kung bakit nagpursige ka na maging abogado. Gusto mong protektahan ang iba pang tulad niya."

Malungkot niya itong sinulyapan. "Siya rin ang dahilan kung bakit kailangan kitang hiwalayan. I don't want to go through that same agony. Ayokong may masaktan dahil sa akin. Di bale sana kung ako lang ang mapapahamak. I can bravely face the danger. Pero di ko kakayanin kapag kayo ang nasaktan katulad ng nangyari sa iyo kanina."

Mahigpit siya nitong niyakap. "There is no way that I will let you go."

"Hindi mo ba ako narinig? I will put your life in danger."

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Did you forget that I love danger? Sa car racing, ilang beses na rin akong muntik mamatay. Kahit sa paglalaro ko dito sa riding club, ilang beses na rin akong naaksidente."

"Iba iyon. This is a deliberate attempt in our lives."

"I am not scared. Nakita ko kung gaano ka katapang kaya magiging matapang rin ako para sa iyo," matatag nitong sabi.

Umiling siya. "Ayoko na nga! Di ko na kakayanin kapag nakita ko ulit na nasaktan ka dahil sa pagtatangka nila sa buhay ko."

"Look, Attorney! Hindi ako papayag na mawala ka sa buhay ko. Matapos ang aksidente mo noon, nangako akong di na kita pakakawalan. This is like a second life for both of us. We will get through this. I'd rather live in danger than face the agony of living without you. Hindi ko iyon makakaya."

Napapikit siya nang mahigpit siya nitong yakapin. "Rolf…"

"Will you promise that you won't leave me despite of all the threats that we are facing?"

Nananatili pa rin ang takot sa puso niya subalit lakas loob niya iyong iwinaksi. "I promise I will. You are right, we will get through this." Kinintalan niya ito ng halik sa labi. "Thank you for being brave for me."

It would be another test for them. Kailangan pa niyang mas maging matapang para sa kanilang dalawa ni Rolf.

"HINDI mo kailangang um-absent sa trabaho para lang samahan akong mag-stroll," reklamo ni Rolf nang samahan niya itong maglakad-lakad sa Forest Trail. "Mas maraming tao ang nangangailangan sa iyo."

"It is Sunday. I deserve a break. Saka gusto ko rin na magkasama tayong magsimba mamaya. You are one lucky guy and you should thank God for it."

She was glad that she could share another day of her life with Rolf. Habang nasa tabi niya ito, pakiramdam niya ay mas naging matapang pa siya. There was no use running away from Rolf. Masasaktan lang nila ang isa't isa.

Umupo sila sa kubong cottage habang umaagos sa paa nila ang malamig na tubig sa waterfalls. "Kailan mo gustong magpakasal?"

"Paano ko malalaman kung hindi mo naman ako inaalok?"

"Hindi pa ba kita inaalok?" gulat nitong usal.

"Hindi pa. Baka sa ibang Jenevie ka nag-propose."

"Of course not. Nagselos ka naman agad." Dali-dali itong lumuhod sa harap niya. "Nakalimutan kong dalhin ang proposal ring ko." Ginagap nito ang kamay niya. "Jenevie Escudero, will you love me for the rest of your life?"

"Yes!" sagot niya at niyakap ito.

"Kahit na di ako masyadong guwapo ngayon dahil injured pa ako?"

"Rolf, hindi kita minahal dahil sa kaguwapuhan mo lang. You know very well that I love you more than that. You are the only man who is brave enough to love me. At hanggang ngayon matatag ka pa rin para sa akin."

"You are also the one who made me strong. I love you, Evie."

She was about to say that she loved him as well when his cellphone rang. "Istorbo," reklamo ni Rolf at sinagot ang tawag. "Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Di sinasadyang napindot ni Rolf ang loud speaker kaya narinig niya ang isinagot ng nasa kabilang linya dito.

"Nasa amin si Rhoda Leocadio. Ibabalik namin siya sa iyo kung isusuko mo sa amin si Attorney Jenevie Escudero," banta ng lalaki.

"Hindi ko naman kaanu-ano si Rhoda. Bakit…"

"Rolf! Rolf, help me!" pagmamakaawa ni Rhoda. "Sasaktan nila ako kapag di mo ako kinuha dito. Please help me!"

"Huwag kang magsusumbong sa mga pulis kundi masasaktan siya. Maghintay kayo ng instruction mula sa amin," bilin ng kidnapper at naputol ang linya.

Nanlalambot siyang napahawak sa braso ni Rolf. "A-Anong gagawin natin? Nasa kanila ni Rhoda. Baka kung anong gawin nila sa kanya."

"Isusumbong ko sila sa mga pulis."

"Narinig mo ang sinabi nila. Baka may masama silang gawin kay Rhoda oras na malaman nilang nagsumbong tayo sa pulis."

"Ano ang gusto mong gawin natin?"

Mahabang sandaling nagsalubong ang mga mata nila. "Bakit hindi mo na lang ako isuko sa kanila? Ako naman ang kailangan nila, di ba?"

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Bakas ang takot sa mga mata nito. "I won't do that. Papatayin ka nila oras na ibigay kita sa kanila. Don't ask me to do that. Kundi itatali kita sa isa sa puno dito sa Forest Trail para lang tiyakin na di ka makakalapit sa mga papatay sa iyo."

Maluha-luha niyang sinapo ang noo. "Una, ikaw. Sumunod pati si Rhoda na wala namang kinalaman sa akin kinidnap nila. Lalo akong nagi-guilty."

"Sa palagay mo bakit nila kinuha si Rhoda?"

Umiling siya. "Hindi ko rin alam."

Nakuha nila ang sagot nang idulog nila ang problema sa iba pang miyembro ng riding club. "Siguro dahil nagpa-interview siya sa press matapos ang aksidente ni Rolf. Iyak pa nga siya nang iyak sa TV," sagot ni Reichen. "Akala mo siya ang girlfriend ni Rolf at hindi ikaw."

"Baka akala ng mga kidnappers ipagpapalit ko si Jenevie sa kanya." Ginagap ni Rolf ang kamay niya. "I won't do that. Di pa ako nasisiraan ng bait."

"Rolf, hindi ba unfair kay Rhoda kung hindi natin siya tutulungan na makaligtas sa mga kidnappers niya? Nadamay lang siya sa gulo ko. At di kakayanin ng konsensiya ko kung mapapahamak siya dahil sa akin," malungkot niyang wika.

"Sino naman ang may sabi sa iyo na hindi ko siya tutulungan?" tanong ni Rolf. "Hindi lang ako papayag sa mga demands ng mga kidnappers para mabawi si Rhoda. Wala silang guarantee na ibabalik nila si Rhoda kapalit mo. Kaya dito ka lang. Elite force ng pulisya ang tutulong sa atin. Ninong ni Kuya Reid ang general na may hawak ng kidnapping task force. Maililigtas nila si Rhoda."

"Saka huwag ka nang ma-guilty," wika ni Reid. "Alam ni Rolf ang ginagawa niya. Sabihan mo na akong selfish pero kung ako ang nasa sitwasyon ni Rolf, hindi kita isusuko para kay Rhoda. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko."

Pare-pareho silang natulala kay Reichen. "Pare, di ka naman nagdedeliryo," anang si Eiji at sinalat ang noo nito. "Pag-ibig ba ang naririnig ko sa bibig mo? Di ba allergic ka nga sa love."

"Sinusuportahan ko lang kayo sa kalokohan ninyo pero di ako mai-in love!" kontra ni Reichen.

"Jenevie, gagawin namin lahat para di na kayo magkahiwalay ni Rolf," wika ni Eiji. "Just don't leave him"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Rolf. "I won't."

Kung anuman ang desisyon ni Rolf ay susuportahan niya ito. Anuman ang mangyari sa huli, di niya ito iiwan. It was their fight.

One last chapter na lang!!!

What do you think of this chapter?

Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.

Sofia_PHRcreators' thoughts