webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 综合
分數不夠
557 Chs
avataravatar

Chapter 17

Hindi maipinta ang mukha ni Khamya habang kaharap si Beiron. Nakatuon lang ang tingin niya sa lake. The atmosphere looked romantic at the Lakeside Café's cottage. Pero pilit niyang isinasaksak sa isip na walang romantic sa dinner nila. She was having a dinner with her enemy.

"Khamya, about what happened this morning…"

Pinutol niya ang anumang sasabihin nito. "Wala akong balak na mag-resign. Bahala ka kung sisirain mo ang anumang project mo para lang sa isang babae. Sabi ni Sir Reid, di niya ako pipiliting mag-resign. Bahala akong magdesisyon sa sarili ko. Kaya di ako natatakot. Di ako magre-resign."

Malakas na ang loob niya ngayon dahil pinangibabaw na niya ang galit niya. Matapos ang ginawa nitong panlilinlang sa kanya, ito pa ang galit?

"Hindi ko rin naman gusto na mag-resign ka. Alam ko na mahal mo ang trabaho mo. Nabigla lang ako kaninang makita ka."

"Wala rin naman akong balak na bumalik sa iyo." Kahit na nahihirapan ang loob niya, di siya magba-backdown dito.

"I am sorry?" Yumuko ito. "I know you are mad at me."

"Natural lang na magalit ako sa iyo. Ikaw pa ang malakas ang loob na takutin ako. I was caught off guard this morning. Pero di na ako uurong sa iyo ngayon."

He stole her heart and her sanity. Wala nang natitira sa kanya kundi ang trabaho niya. Di siya papayag na pati iyon ay mawala sa kanya.

"You got it all wrong, Khamya. Gusto kitang protektahan. Oo, nagtatampo ako dahil umalis ka nang walang paalam. I was so worried. Baka mamaya may hindi nangyaring maganda sa iyo lalo na't nag-resign ka pati sa trabaho mo. Pero mas nag-aalala ako ngayong nandito ka sa riding club. You might not be able to handle the men here. Maraming playboy dito at baka mabiktima ka."

Maasim siyang ngumiti. "Your concern is so touching. At gusto mo na bumalik ako sa iyo para maprotektahan mo ako?" Di ba dapat nga siyang lumayo dito para higit na maprotektahan ang sarili niya? Ito lang ang threat sa buhay niya.

"Oo. Oras na malaman nilang girlfriend kita, di ka nila lalapitan."

"Beiron, nandito nga ako dahil ayokong lumapit ka sa akin. At kung anuman ang offer mo, hindi ako interesado," mariin niyang wika.

"Kung dito ka lang, di rin ako aalis dito."

Nairita lalo siya. "Bumalik ka na lang sa Al Ishaq! Mas tahimik ang buhay ko kapag wala ka." May sarili na rin itong buhay doon. Dapat ay mag-focus na lang ito sa magiging kasal nito. Pabayaan na sana siya nito.

Hinawakan nito ang baba niya at tinitigan ang mata niya. "Don't hide it. You are in love with me. Di pa rin iyon nagbabago. I know that when I touch you, you'll melt in my arms. And when I kiss you, you will ask for more."

Pigil niya ang hininga habang magkasugpong ang mga mata nila. Napakadali para dito na basahin ang tunay niyang nararamdaman. Parang mas kilala pa siya nito kaysa sa sarili niya. Paano pa siya makakatakas dito?

"Why are you so persistent, Beiron?"

"And why do you keep on running away from me? Kahit saan ka magpunta, masusundan kita. At kahit ano pang sabihin mo, malalaman ko pa rin kung ano ang totoong nararamdaman mo para sa akin."

"Tama na!" Ipinilig niya ang ulo at matalim itong tiningnan. "Kahit sinong babae tatakas sa iyo."

"Bakit? Ano bang ginawa kong masama?"

"Nagtanong ka pa! Di mo sinabi sa akin ang tungkol sa engagement party."

"Oh, that?" Tumawa ito. "I just want to surprise you."

Parang nakakaloko ito. At nagagawa pa nitong tumawa. "It was a surprise indeed. At ine-expect mo pa na sasagutin kita matapos ang ginawa mo?"

Namutla ito. "Siguro nabigla ka lang dahil di ko agad sinabi. Akala ko maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa iyon."

"Naiintindihan kita, Beiron." May responsibilidad ito na dapat gampanan  bilang isang maharlika ng Al Ishaq. May responsibilidad ito para sa pamilya nito at para sa Al Ishaq mismo. Pero may limitasyon ang pang-unawa niya.

"Kung naiintindihan mo ako, bakit ka lumayo?"

Huminga siya nang malalim. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya. Nasasaktan lamang siya habang patuloy silang nag-uusap. Parang napakadali kasi para dito ang hinihingi nito na pumangalawa sa asawa nito. Di ba nito alam na malaking sampal iyon sa pagkatao niya?

"Sana maintindihan mo rin ako kung bakit hindi ang sagot ko." Tumayo siya. "Ayoko sa lahat pinapaikot ako at ginagawang tanga."

Ginagap nito ang kamay niya. "I am sorry."

"Wala nang magagawa ang sorry mo."

Kuyom niya ang palad nang umalis. Akala ba nito ay ganoon lang kadali para sa kanya ang lahat? At gusto pa nitong bumalik siya sa buhay nito? Di niya alam kung mahal nga ba siya nito o sarili lang ang mahal nito.

She was sorry for him, too. Di ganoon katindi ang pagmamahal niya dito, kailangan din niyang lumugar sa alam niyang tama.

PARANG di nakita ni Khamya sa lobby ng genetic research center ng Stallion Riding Club si Beiron at tuloy-tuloy siyang lumabas ng building. Mula nang magkita sila muli, lagi na lang siya nitong inaabangan sa lobby at bumubuntot sa kanya.

"Khamya, wait!" anito at hinabol siya. "Nagpa-reserve ako ng dinner para sa atin sa Rider's Verandah."

"Sorry. Mas gusto kong mag-dinner sa bahay," aniya sa malamig na boses.

"Pero mag-isa ka lang doon. May mga dinner engagement ang mga kasama mo. Gusto mo ipa-deliver na lang natin ang dinner natin sa lodge ninyo. Doon na lang tayo mag-dinner," suhestiyon nito.

"Mas gusto kong mag-dinner nang mag-isa," aniya at patuloy na naglakad.

"Bakit ba iniiwasan mo ako?" nagtatampong tanong nito.

"Bakit ka pa sumusunod sa akin?"

"Look! Siguro lumagpas ako sa linya nang di ko sabihin ang tungkol sa engagement party. I just want to make everything right. I want to win you back."

Konti na lang at matatapos na po ang kwento nina Beiron at Khamya. And yes, after nila, sina Reichen at Reid Alleje naman ang next. Sino ang excited?

Sofia_PHRcreators' thoughts