"BAKIT KA naman kasi basta-basta pumasok sa villa niya nang walang permiso?" paninisi ni Jenna Rose kay Illyze habang kausap niya ito sa telepono. "Alam mo naman na hari ng kasungitan si Romanov. Sana iniwan mo na lang ang luto mo doon sa housekeeper niya. Hayaan niyang siya ang magbigay. O kaya hinintay mo na lang siya sa may gate kung gusto mo talagang makapasok."
Di niya mailabas ang sama ng loob sa Kuya Rolf niya dahil baka bigla nitong sugurin si Romanov. Mas malaking gulo. Kaya kay Jenna Rose na lang niya ikinuwento. Alam niyang makikinig ito at magbibigay nang matinong advice.
"Anong magagawa ko kung pinapasok ako ni Doray?" aniya habang nakadapa at nagbubuklat ng art magazine. "Aba! Hindi ko naman alam na magagalit si Rome. Na-excite lang akong makita ang bahay niya. Na-excite din ako na sorpresahin siya. Akala ko matutuwa siya kapag naka-arrange na ang lamesa pagdating niya. Sayang! Breakfast for two iyon. Sabay sana kaming magbe-breakfast."
Sa huli, sama ng loob lang ang naging agahan niya. Di rin siya lumalabas ng kuwarto para di siya usisain ng Kuya Rolf niya. Hindi naman kasi niya kayang magtago ng sekreto dito. Maaamin din niya ang ginawa ni Romanov. Gulo iyon.
"Paano iyan? You were rejected twice. Hindi kita dini-discourage. Gusto ko lang I-check ang confidence level mo. Ground zero na ba?"
Nangalumbaba siya. "Kanina, daig ko pa ang ibinaon sa lupa nang buhay. Mas positive na ako. May karapatan siya sa privacy niya. And I invaded it. Kaya kailangan kong bumawi sa kanya sa susunod."
"Instead of moving forward, you are moving backwards, Illyze. Palala nang palala ang nangyayari sa iyo tuwing sinusubukan mong mapalapit kay Romanov. Do you still want to push through this destiny charade?"
"Oo naman. Kahit pa may destiny na involve o wala, I am creating my own at the moment. Hindi ko bibitiwan si Rome hangga't di pa niya ako mahal."
Jenna Rose groaned. "Hindi ko pa rin maintindihan. Sa dinami-dami ng magugustuhan mo, bakit siya pa. Pwede mo rin namang sabihin na ibang tao sa riding club ang destiny mo. Mas approachable."
"I really like him. Kahit pa dark ang personality niya. Kahit pa tawagin siyang Count Dracula ni Kuya Rolf at ng mga kaibigan niya. I know he isn't that bad. Maaring may pinagdaanan siyang di maganda kaya galit siya sa mundo. He is lonely. And he badly needs someone to be with at the moment."
Romanov was not happy with his life. Di rin niya alam kung ano ang dahilan. Kung may magagawa lang sana siya para pasayahin ito.
"Well, its up to you. I just hope that it is more on real love than destiny. Magustuhan mo siya kung ano siya at di dahil siya ang itinadhana sa iyo. What if destiny takes a turn against you? Where would it lead you?"
Natahimik siya sa tanong nito. Mamahalin pa rin ba niya si Rome kahit na di ito ang ihinula sa kanya? Titiisin pa rin ba niya ang pagsusungit nito?
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang doorbell. "Sandali lang, Jen." Bitbit ang wireless phone ay sumilip siya sa bintana. Nanlaki ang mata niya nang makita si Romanov sa gate. "Gosh! Romanov is here! Ano kayang kailangan niya sa akin? Would he tell me not to bother me anymore? Baka naman ipapa-ban na niya ako dito sa riding club dahil sa panggugulo ko sa kanya."
"That's a big problem, Illyze. Mabuti pa hayaan mo na lang ang Kuya Rolf mo na makipag-deal sa kanya," payo ni Jenna Rose.
"Pero kapag sila naman ni Kuya Rolf ang nagkita, baka awayin siya ni Kuya. Mas malaking gulo iyon."
"Then what are you waiting for? Ikaw na ang magbukas ng gate. Once those two face each other, it would be grand disaster!"
Dali-dali siyang bumaba. Subalit naunahan na siya ng Kuya Rolf niya. Kasalukuyan na itong nakikipagtuos kay Romanov sa gate. "Kung basket lang ang ibabalik mo, iwan mo na. Hindi mo na kailangan pang makausap ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa mo sa kanya. Pero bumalik siya dito at nagkulong sa kuwarto niya. Ni ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino. Umalis ka na lang dahil baka ano pa ang magawa ko sa iyo."
Nilapitan niya si Rolf. "Kuya, ako na ang bahala sa kanya."
Nagulat ito. Akmang tututol ito subalit pinili na lang na ipinid ang bibig. Naniningkit ang mata nitong tiningnan si Romanov subalit bumulong sa kanya. "Kapag may ginawa na naman ang lalaking iyan para pasamain ang loob mo, wala akong pakialam kahit siya pa si Count Dracula." Saka ito bumalik sa loob ng bahay.
Niluwagan niya ang bukas ng gate. "Pumasok ka. Doon tayo sa may harap ng lagoon," aniya at iginiya ito sa wooden bench doon. "Can I offer you anything? Gusto mo ba ng coffee o juice? Ikukuha kita…"
Pinigilan nito ang kamay niya. "No. You don't have to bother. Gusto lang naman kitang makausap."
Nagpapalit-palit ang tingin niya sa mukha nito na bahagyang nakaiwas sa kanya at sa kamay nitong nanlalamig. "Your hands are cold. Are you sick?"
Mukha naman itong maayos kaninang bumalik ito mula sa pagdya-jogging. Mainit din ang panahon dahil tirik pa ang araw. Alas diyes pa lang nang umaga. Kinakabahan ba ito o natatakot na makausap siya?
Binitiwan nito ang kamay niya. "Huwag mo na lang pakialaman!" Nang bigla itong natigilan at bahagyang yumuko. "I am sorry. I mean I-I am okay. And it doesn't really matter," mas mahinahon nitong sabi. Inabot nito ang basket sa kanya. "Gusto ko lang ibalik. Naiwan mo kanina."
To be updated on my latest books, events, promos, and more news, send me a "Hi" message to Sofia PHR Page on Facebook.