His deep-set eyes found hers. Parang ayaw siyang hiwalayan ng tingin nito. Kinakabisa ang mukha niya. Na-conscious tuloy siya at pasimpleng hinaplos ang buhok na bahagyang nagulo nang humiga siya.
"Aha! You found her first, Hayden," wika ni Dafhny na kasunod ito. "This is Carmina Gabrielle Ongcuangco. She's our new junior designer. Rei, this is Hayden Anthony Ilano. The CEO and General Manager of Ilano International."
Inilahad agad niya ang kamay. "It is a pleasure to meet you, Sir."
Bago pa may masabi si Hayden na di niya magugustuhan. Ayaw niyang malaman ng iba na matagal na silang magkakilala.
Napilitan si Hayden na kamayan siya subalit nakatitig pa rin ito sa kanya. "I feel like I've met you before."
"Maybe in another lifetime," aniya at iniwas ang tingin at binawi ang kamay.
"What is the name of this fainting couch again?" tanong ni Dafhny.
"Rei's fainting couch," sagot ni Hayden.
Kumunot ang noo ni Dafhny at nagpapalit-palit ang tingin sa kanila. "How odd. Her nickname is Rei."
Bumuntong-hininga si Hayden at ipinamulsa ang kamay nang tumayo. "Maybe that's why I feel a bit nostalgic when I saw her lying there."
"Is there a story behind the fainting couch, Hayden?" tanong ni Dafhny.
Naramdaman niyang itinuon ni Hayden ang tingin sa kanya. "I know a girl in another lifetime whose name is Rei." Ipinagdiinan pa nito ang salitang another lifetime. "She fainted the first time I met her. So I design it for her."
She gritted her teeth. Siya nga ang tinutukoy ito. At ang tinutukoy nito ay ang pagkakatama ng bola ng volleyball sa mukha niya dahil sa kasusunod ng tingin niya dito. At isa iyon sa mga sandaling ayaw na niyang alalahanin pa.
"Rei, alam mo bang ipinapangalan ni Hayden ang mga design niya sa bawat babaeng nagiging parte ng buhay niya?" anang si Dafhny.
"Dafhny, baka isipin ni Rei na playboy ako," sabi ni Hayden.
"Wala naman sa itsura ninyo, Sir," aniya at umismid.
"Iyan ang panlaban ni Hayden. Mukha kasing maamo ang mukha. Kaya marami nang naloko ang mukhang iyan," kantiyaw ni Dafhny.
Marami na talaga itong naloko. Dahil kahit siya ay naakit dito. Kahit na alam pa niya ang totoo nitong pagkatao.
Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit napaka-masculine pa rin nito. Sa kilos at maging sa pananalita. Parang may mali.
"I would really love to stay here and chat some more but I have a meeting in a minute," wika ni Hayden.
"Magkita na lang tayo sa riding club mamaya," anang si Dafhny.
"N-Nice meeting you, Sir," aniya sa nanginginig na boses. Bakit di niya kayang maging normal sa harap nito? It was just Hayden. Ano ngayon kung mas guwapo pa ito kaysa dati? May pader na sa pagitan nila.
Ginagap nito ang kamay niya habang direktang nakatingin sa mata niya. "It is a pleasure to see you again, Rei."
"Again? Hindi ba ngayon lang kayo nagkakilala?" tanong ni Dafhny.
"Nagkakilala na kami. In another lifetime, remember?" Then Hayden let out a masculine laugh. "See you later, Rei!"
She lost it. Sa pagkikita nila ni Hayden, siya ang napipi. Habang ito naman ay tuwang-tuwa na paglaruan siya. Bakit? Iniisip ba nito na patay na patay pa rin siya hanggang ngayon? Na siya ang babaeng tatanga-tanga na magkagusto dito samantalang ang alam niya ay mas maganda pa ito sa kanya?
"What do you think of Ilano International's design, Rei?" tanong ni Dafhny nang bumibiyahe na sila patungo sa riding club.
"Superb craftsmanship. Karamihan indigenous materials ang ginamit. Kaya siguro nakilala siya agad sa ibang bansa dahil kakaiba ang design."
"And what do you think of Hayden Ilano? Guwapo, hindi ba?"
"Guwapo po?" Baka maganda! Mas maganda pa sa kanya!
"Umamin ka na. Kahit ako guwapong-guwapo kay Hayden nang una kaming magkita. Well, natural na siguro iyon sa member ng Stallion Riding Club."
Muntik na siyang himatayin. Si Hayden? Member ng Stallion Riding Club? Pati ang lupain ng mga fafaness ay na-invade na rin nito? Oh, no!
"THIS is hagabii. It serves as a status symbol for the rich class of Bontoc tribes. It is like a sofa. Maganda itong gamitin para sa Cordilleran room," suhestiyon ni Hayden habang isa-isang ipinapakita ang mga suggestions nito.
Tahimik lang si Rei habang hangang-hanga sa mga suhestiyon nito. Di lang ito basta magaling sa mismong disenyo. Malawak din ang kaalaman nito sa iba't ibang aspeto ng iba't ibang lugar sa Pilipinas. Dahil Filipiniana theme ang magiging bagong Lakeside Café and Restaurant, maipi-feature din ang iba't ibang authentic na kagamitan na makikita sa bawat lugar. And Hayden was very well-educated when it comes to different culture and tradition in the country.
"I like that! I like that! Mas mararamdaman ng mga customer na parang royalty sila kapag umupo sa hagabii na iyan," sabi ni Richard Don, ang isa sa may-ari ng Lakeside Café and Restaurant.
"Baka naman masyadong mahal iyan," nakataas ang kilay na kontra ni Danzelle Ann, ang kapatid ng business partner ni Richard Don.
"Yes. It is expensive. Pero authentic naman ang makukuha namin niyan. Di ka na basta-basta makakakuha ng hagabii ngayon," wika ni Dafhny.
"Ano ba ang mas mura? Iyong antique o gagawa na lang si Hayden ng bagong hagabii inspired na sofa?" anang si Danzelle Ann.
"Basta gusto ko iyong mahal," wika agad ni Richard Don.
"Doon tayo sa mas mura," kontra naman ni Danzelle Ann.
"Rei, gusto mo bang mamasyal muna dito sa riding club? Iyon kasi ang ginagawa ko kapag gusto kong ma-inspired sa bagong design. Nakakasira kasi sa mood ko kapag may nag-aaway," sabi ni Hayden sa kanya.
"HA? Mamamasyal tayo. Di pwede. Di pa tapos ang meeting."
Ano naman ang pumasok sa isip nito at isasama pa siyang mamasyal? Paano pa siya makakahanap ng fafaness kung kasama niya ito?
"Mabuti pa sumama ka na kay Hayden, Rei. Baka masira din ang mood mo sa argument ng dalawang ito. Ako na ang bahala," sabi ni Dafhny.
Di na niya magawang tumanggi. Ang boss niya ang bahala at siya naman ang kawawa. Akala yata nito ay ginagawan siya nito ng pabor sa pagpapasama sa kanya kay Hayden. Dahil silang dalawa na lang ay di na siya makakaiwas kay Hayden.
"Saan mo gustong pumunta? May practice ng dressage ngayon sa arena," suhestiyon ni Hayden habang naglalakad sila sa tabi ng lake.
"Ayokong lumayo dito. Nahihiya ako kay Ma'am Dafhny dahil iniwan ko siyang mag-isa sa meeting," sabi niya.
"Dafhny doesn't mind. Siya lang naman ang nakakatagal sa pakikipag-usap sa dalawang iyon. Sasakit lang ang ulo natin kapag nasa gitna ng warzone. Sayang naman ang ganda ng riding club kung hindi kita maipapasyal."
"Ang galing! Tinanggap ka nilang member dito."
Nawala ang ngiti sa labi nito. "That's a bit sarcastic."
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap nito. "Alam natin kung ano ka talaga."
Humawak ito sa railing at binakuran siya. "Ano ba ang mayroon sa totoong ako na dahilan para di ako tanggapin dito sa riding club?"
"Hindi mga babae ang type mo kundi…"
Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Kundi ano?"
Napalunok siya dahil napakalapit ng mukha nito sa kanya. Dapat ay matakot siya. He was trying to intimidate her. Pero bakit sa halip na ma-intimidate ay parang naaakit pa siyang halikan ang labi nito. Labi na walang bakas ng lipstick. Kung bakit kasi nuknukan pa rin ito ng guwapo hanggang ngayon?
"O sige. Hindi ko na lang sasabihin ang you know…"
Ngumisi ito. "Okay lang sa akin. Sige. Ituloy mo."
"Hayden, ang alam ba nila dito lalaki ka?" pabulong niyang tanong.
"Bakit? Lalaki naman talaga ako, ah!"
"Ha?" bulalas niya nang biglang matigilan dahil nagsalubong ang kilay nito. "Okay lang ba na humalakhak ako nang malakas?"
"Sige. Tumawa ka nang makita mo ang hinahanap mo."
Feel free to follow me here:
Facebook: Sofia PHR Page
Twitter: sofia_jade
Instagram: @sofiaphr
Youtube: Sofia's Haven