webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · 青春言情
分數不夠
53 Chs

♥ CHAPTER 38:2 ♥

(Part 2)

"Hoy Dave! Bakit mo naman sinabi 'yon? Ano bang pumasok dyan sa utak mo ha?! Malalagot tayo kay Carson nyan eh" sino ba naman kasing adik ang magsasabi na girlfriend ni Carson si Syden.

Di pa naman mabiro ang leader namin, masyadong siyang seryoso eh.

Dave na nga pala ang tawag ko sa kanya kapag kaming dalawa lang. Pero kapag may ibang tao, Axelle tawag ko sa kanya.

"Are you afraid? Haha akala ko bang matapang ka na?" sagot niya sa akin.

Parang wala pa siyang pakielam sa ginawa niya. Seriously?! Wala ba talagang kinakatakutan ang lalaking 'to?

"Kapag nalaman 'to ni Carson, anong gagawin natin ha?! Alam mo naman yung matalik mong kaibigan d'ba, nagiging leon kapag galit" -R

"Masyado ka namang takutin bro" -A

Langya naman tong kausap ko eh! Kanina ko pa tinatanong wala man lang sinagot.

Tinignan niya ako at mukhang nang-aasar pa siya. Talagang iniinis niya ako!

"Alam mo kasi- " lumapit siya at inakbayan ako. Naiirita naman ako kasi ang init init na tapos didikit pa siya.

Tae! Bakla ata 'tong si Axelle eh!

"D*mn layuan mo nga ako! Ang init init eh. Bakla ka ba?!" nilayuan ko siya.

"Bro, pasalamat ka nga sa kagwapuhan kong 'to nilalapitan pa kita- " ayan nanaman siya sa pagyayabang.

"Layuan mo ako sasapakin na kita!" nag-akto ako na talagang sasapakin ko siya pero sinabat niya ang kamay niya,

"Ohwww, easy easy bro. EC lang okay?" tumayo siya ng maayos at ngumiti.

Inayos ko na rin ang tayo ko at huminga ng malalim.

"Huwag kang mag-alala okay? Hindi tayo sisipain ni Carson palabas ng Blood Rebels. You know...kung bakit ko sinabing girlfriend ni Carson si Syden?" -A

"Bakit?" -R

"Simula kasi nung nalaman ni Carson na involve ang Blood Rebels sa sikreto ni Clyde, gustung-gusto niyang komprontahin si Syden...pero alam niyang hindi naman tama 'yon. Kaya ang sabi niya, huwag ko raw hayaang may mangyaring masama kay Syden dahil gusto talaga niyang malaman ang totoo...at si Syden lang ang makakapagsabi non sa kanya. Sabi niya gamitin ko raw ang pangalan niya para mailigtas ko si Syden, that's why I did that. Isa pa, yun lang ang pumasok sa utak ko na idahilan eh para gamutin na ng doktor yung kapatid mo" -A

"Pero...buti naman hindi nagtaka yung doctor kasi d'ba, kalat sa campus na si Roxanne ang girlfriend niya?" -R

"Wala namang alam yung doctor na 'yon tungkol sa mga tao sa paligid ni Carson. Basta't siya, takot siya kay Carson" -A

"Sigurado ba talagang tutulungan ako ni Carson na protektahan si Sy kapag sinabi na sa kanya ni Sy ang sikreto ni Clyde?" -R

"Carson is true to his words...kapag humihingi ng tulong ang mga members niya, tinutulungan niya. As long as alam niyang nagtitiwala ka sa kanya at loyal ka" -A

Bukas...kailangan kong masiguro na magiging maayos ang kalagayan ni Syden. Pero bigla kong naalala ang sinabi ni Roxanne.

"Makaligtas man siya ngayon. Pero bukas hindi na siya makakaligtas"

"Sean. Sinundan ko yung nanaksak kay Syden. Pinilit ko siyang paaminin pero ayaw niya, hindi ko naman masabi na Blood Rebels ako para sana mapaamin ko siya. Ginawa ko lahat, lumpo na nga yung g*gong 'yon eh, kaso ayaw talaga. Pupuruhan ko na sana kaso naalala ko kayo ni Syden, baka hindi siya makaligtas kaya umalis na ako para tulungan kayo. Mukhang sinadya talaga na saksakin ka at pinakita nila 'yon kay Syden para harangan niya. Siya talaga ang pakay nila"

Ano kayang ibig sabihin non? Hindi kaya alam nila ang plano namin? O baka naman may binabalak silang masama sa kanya?

Lumabas yung doktor at hinarapan kami.

"Okay na siya. Pero hindi pa nagigising"

To be continued.....