webnovel

SOON TO BE DELETED

Date started: March 2018 Date completed: September 1,2018 Language: Tagalog/English HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 IN HELL (8/12/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #2 IN HELL (8/5/22) HIGHEST RANK ACHIEVED: #3 IN HELL (8/4/22) --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · 青春言情
分數不夠
53 Chs

♥ CHAPTER 38:1 ♥

(Part 1)

⚚ Raven's POV ⚚

Papunta kami ngayon ni Axelle sa classroom nila Julez. Paano ba naman kasi, pinalayas si Syden sa dorm namin. Kinwento ko lahat kay Axelle at kinausap namin si Carson tungkol sa plano kung paano siya makakausap ni Syden. Napag-usapan na namin lahat ng dapat gawin sa araw na 'yon.

Sana nga maging successful.

Pagkarating namin, nakabukas ang pintuan sa classroom nila kaya pumasok kami. Nakita ko si Syden, lipad ang isip at mukhang inaantok pa.

"Hoy! Bakit ganyan itsura mo? Di ka ba nakatulog?"

Nakita niya kami at nabigla siya. Kinusot niya ang mata niya at parang inaantok pa talaga siya. Tulog mantika talaga!

"Putul-putol tulog ko eh. Hindi kasi ako sanay. Alam mo namang classroom to, kaya nakapatong lang ang ulo ko sa lamesa buong gabi" -S

"Oh kumain ka na" inabot ko sa kanya ang dala kong sandwich na binili ko pa sa cafeteria kanina para lang sa kanya.

Tinignan niya muna 'yon bago niya kinuha, pagkatapos kinain na niya.

"Bilisan mong kumain. May pag-uusapan tayo" ang kupad niya kasing kumain eh.

"Ano naman?" napatingin siya sa amin habang ngumunguya.

"Basta bilisan mo na lang, okey?" saad ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng masama habang kumakain siya.

....

Pumunta na kami sa rooftop dahil may sasabihin kami ni Axelle sa kanya.

"Gaano ba ka-importante 'yan? Hindi ba pwedeng mamaya na lang? May klasi pa tayo eh" sambit niya habang nagkakamot ng ulo. Ang babaeng 'to, ang daming reklamo.

"Kahit huwag ka ng pumasok okay lang" sabi ni Axelle kaya napatingin sa kanya si Syden at nagtaka.

"Ha?! Bakit naman!? Gusto niyo bang itali nila ako sa Prison Tree?! Kasi ako ayaw ko" sigaw niya.

Hindi niya naman kailangang pumasok dahil pirmado na ang attendance niya, kinausap ni Carson ang nagbibigay ng attendance sa bawat rooms para exempted si Syden sa attendance, pati na rin kami. Iba talaga siya haha!

Kailangan talaga namin siyang makausap ngayon.

"Kailangan ka namin kausapin tungkol kay Carson. D'ba gusto mo siyang makausap?" -Axelle

Nabigla si Syden sa kanya natahimik siya habang nakatingin kay Axelle.

"O-oo" -S

"Well...may balita na kami kung paano mo siya makakausap" saad ni Axelle habang gamit ang mapanloko niyang ngiti.

May pagka-bad boy din kasi siya eh, I mean bad boy talaga!

Parang masaya pa siya. Loko din 'tong si Axelle eh. Mukhang mabait pero deep inside kapag nakilala mo, bad boy at mahilig mang-asar.

"TALAGA?! Paano?" gulat naman 'tong si Syden.

"Nabalitaan namin...every Saturday daw, tumatambay siyang mag-isa sa stock room. Sa likod siya ng building kaya walang pumupunta doon maliban sa kanya" -A

BTW, hindi naman talaga tumatambay si Carson don. Yung lugar at oras, pinlano namin para magkausap si Carson at Syden. Plano lahat ni Carson 'to.

"B-buong araw ba siya doon? Anong oras, isa pa, hapon ba o gabi siya tumatambay don?" -S

"Sa pagkakarinig namin, gabi daw siya pumupunta doon" -R

"Ganon ba?" parang hindi siya mapakali.

Hindi na dapat siya magdalawang-isip at kailangan na niyang ituloy ang balak niya.

Planado na ang lahat.

"Kailangan mo ng sabihin ang totoo. Sabihin mo man ang totoo o hindi, pinapahirapan ka ni Clyde. Kaya ituloy mo na Sy. Para matapos na ang paghihirap mo" kailangan ko lang siyang kunsintihin na ituloy niya ang binabalak niya.

Tumingin siya sa amin at alam kong nag-aalala siya.

"Ayaw ko lang naman na pagsisihan ko sa huli- " -S

"Tutulungan ka namin on your way there. So you don't need to be afraid" sabat sa kanya ni Axelle.

"Kung alam mong tama ang gagawin mo. Hindi mo kailangang matakot okay?" -R

Huminga siya ng malalim at tumango,

"S-sige. Sasamahan niyo naman ako d'ba? Kaya sige" wika niya sa amin.

Buti naman.

Bumaba na kami mula sa rooftop at napag-pasyahan naming kumain na muna kaya pumunta kami sa cafeteria. Napansin naming medyo marami na ring estudyante. Oo nga pala, break time na. Nag-stay muna kasi kami sa rooftop kanina para magpahangin bago bumaba.

Pagpasok namin, tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang grupo ni Clyde, nakaupo lang sila at nag-uusap-usap. Mukhang mahalaga ang pinag-uusapan nila.

Pero napansin kong tinignan ni Clyde si Syden at ngumiti siya ng sobrang sama. Hindi naman nakita 'yon ni Syden dahil ako lang ang nakapansin.

Tumingin muna ako sa kabila at nakita ko naman ang Blood Rebels. Napansin kami ni Carson pero hindi siya nagpahalata, nakita niya rin na tinitignan ko sila. Hindi ko pa siya makausap ng diretso kagaya ni Axelle. Kahit kasi leader namin siya, nakakatakot pa rin siya para sa akin.

Pero ibang-iba siya kay Clyde.

Alam kong hindi siya kasing-sama ni Clyde na nananakit ng inosenteng tao.

Umupo na kaming tatlo sa may bakanteng upuan sa gitna. Si Axelle naka-cap pa rin as usual. Pa-fame kasi 'tong ungas na'to eh. Sa pagdaan namin, kahit naka-cap siya, pinagtitinginan siya ng mga babae. Ma-chicks ata 'tong si Axelle eh. BTW, Bestfriend na pala kami.

Magkatabi kami tapos si Syden naman, sa harapan namin. Tahimik lang din siya at parang hindi mapakali. May nag-serve sa amin ng pagkain kaya napatingin kaming tatlo sa kanila. Tatlo silang babae at mukhang nagpapa-cute sila kay Axelle.

"Hi! Ang cute niyo kasing dalawa eh...kaya...sa inyo na lang itong pagkain namin" seryoso ba sila?! Baka ang ibig nilang sabihin si Axelle at Syden. Pero babae sila eh at kami ni Axelle ang kinakausap nila. Whut the!!

Tumingin yung mga babae kay Syden, "Hi din sa'yo! Siguro naman wala kang boyfriend sa kanilang dalawa d'ba? Kaya nagpasobra kami ng isa pang plate para sa'yo" seriously?!

Hinapag nila yung tatlong plate sa lamesa namin. Si Syden naman, gulat na gulat at 'yon...natulala.

"Ah ganon ba? Sige, thank you girls" pa-kyut naman 'tong si Axelle. May pa-flying kiss at kindat pa sa kanila.

Kaya 'yon, todo kilig naman sila pabalik sa upuan nila.

"Hoy!" hinampas pa kami ni Syden kaya napatingin kami sa kanya.

"Ano 'yon ha?!" sigaw niya sa amin.

"Ang ano?" nagtatakang tanong ni Axelle.

"Wehhh? Pakipot pa kayo d'yan. May pa-flying kiss flying kiss ka pang nalalaman Axelle" saad niya gamit ang mapanloko niyang ngiti. Natawa naman ako haha.

"Syden. Ganyan talaga kapag pogi. Hindi namin maiiwasan na lapitan at pagkaguluhan kami" pagyayabang ni Axelle habang nagpapapogi kay Syden.

Binato siya ni Syden ng notebook niya, "ARAY!!" -A

Kaya napatingin silang lahat sa amin. Pero ang ibang girls naman, lalo pa ata kaming napansin dahil mukhang kinikilig sila.

"Look what you did. Lalo pa nilang napansin ang kapogian namin ng kakambal mo" sambit niya habang nginingitian ng masama si Syden.

"Lakas ng hangin dito ah?! May bagyo ba?!" bulong niya. Loko din 'tong kakambal ko eh, marunong na rin mang-asar. Kaya hindi ko mapigilan na matawa.

Kinuha ni Syden ang isang plato sa harapan namin at kumain na siya.

Leche! Ayaw ko ng pinagtitinginan ako. Alam ko naman na mas lalo pa akong gumagwapo eh. Hindi na kailangang ipamukha nila sa akin 'yon.

Kinuha ko yung black cap ko at isinuot din 'yon. Habang sumusubo si Syden, napansin niya ako kaya napatigil siya. Tinignan niya kami ni Axelle.

"At anong meron dito? Pareho pa talaga kayo ng cap. Ano ba tawag sa grupo niyo, makasali nga" -S

"Hindi pwede. Gwapo lang ang pwedeng sumali sa amin. Lahat ata ng gwapong lalaki, nasa grupo namin eh" -A

"Tsk! Napapansin ko ngang pumopogi si Raven eh simula ng sumama siya sa inyo" -S

"Nahawa lang siya sa ka-gwapuhan ko" sabay akbay ni Axelle sa akin.

Tinignan siya ng masama ni Syden at itinuloy na lang niya ang pagkain. Kami naman ni Axelle, kinuha din namin yung dalawang plato na ibinigay ng mga babae kanina at tig-isa kami.

May mga dumadaan pa din sa gilid namin at mukhang kinikilig sila. Ganon na ba talaga ako kapogi para mapansin nila? Haha!

"Hoy! Sumama ka sa amin" lumapit ang mga Phantom Sinners kay Syden at binatukan nila siya habang kumakain kaya nabigla kami ni Axelle. Di ba naituro ni Clyde sa kanila ang word na manners? O baka hindi uso sa kanila 'yon.

Halata namang Phantoms sila dahil sa logo ng jacket nila.

"LANGYA NAMAN EH! Ano bang problema mo? Nakikita mong kumakain ako! May mata ka naman d'ba?!" sigaw sa kanya ni Syden at napatayo siya. First time niyang sigawan sila kaya mas lalo pa kaming nagulat. Sabagay kahit sino naman, magagalit kung babatukan mo habang kumakain.

Natahimik ang lahat at nakatingin lang sila kay Syden at sa mga Phantom Sinners.

"Hoy! Kilalanin mo kung sinong kinakausap mo! Babae ka lang!" itinulak niya ng malakas si Syden at buti naman, nakatayo agad si Axelle para alalayan siya.

Ako naman, hindi ko napigilan ang galit ko kaya napatayo ako at sinuntok ko ng malakas ang tumulak sa kakambal ko.

"Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko!" galit kong sabi. Nag-iinit ang kamay ko sa sobrang galit!

"So ano naman kung kapatid mo siya?" sarcastic na tanong ng lalaking sinuntok ko.

Ah ganon pala ah?

"Gago ka pala eh!" sinuntok ko ulit siya.

Malamang poprotektahan ko, kapatid ko eh.

Tumayo siya at nilapitan ako para gumanti pero nahawakan ni Axelle ang braso niya bago pa man niya ako masuntok.

"At sino naman- "

Mukhang nabigla ang gago ng makita niya sa mata si Axelle. Akala ko bang walang nakakakilala na member siya ng Blood Rebels? Eh bakit mukhang takot na takot 'tong member ni Clyde na makita si Axelle?

"Umalis na kayo kung gusto niyo pang makapag-lakad. Kung hindi kayo aalis ngayon, lulumpuhin ko kayo!" seryoso niyang sabi sa mga Phantoms.

Nakita ko na kasi siyang makipag-laban, talagang nilulumpo niya ang mga kalaban at wala siyang awa. Hindi rin naman pala ako marunog manuntok, pero tinuruan nila ako dahil nga member na ako ng Blood Rebels.

Tinignan nila kami ng masama lalo na si Syden.

"Hindi pa tayo tapos!"

Umalis na sila pero hindi na namin sila tinignan palabas. Hinarapan ko si Syden at halatang natakot nanaman siya.

"P-paano kung balikan nila kayo?!" tanong niya habang nanginginig.

"Subukan lang nila!" seryosong sabi ni Axelle. Umupo na siya at itinuloy ang pagkain.

Halata namang na bad mood siya dahil sa nangyari at gustung-gusto niya silang puruhan pero hindi naman niya magawa dahil baka mapansin nila ang mga moves niya sa pakikipag-away na galaw Blood Rebels.

May mga galaw kasi sa pakikipaglaban, galaw ng Blood Rebels at galaw ng Phantom Sinners. Siguradong mahahalata kami, kapag itinuloy pa namin ang pakikipag-away kanina.

"Hindi sila babalik" -R

Tumango na lang si Syden at napatingin siya sa likod ko, mukhang nabigla siya kaya nagtaka ako.

"Noo!" pumunta siya sa likuran ko kaya sinundan ko siya gamit ang mata ko.

Ano namang nangyari sa kanya?!

May kaharap siyang lalaki at sobrang lapit niya sa lalaking 'yon, nakahawak siya sa braso ng lalaki at mukhang nanghihina din si Syden. Napatingin ako sa lalaki at napansin kong Phantom Sinners siya, tinignan niya ako at ngumiti siya ng sobrang sama kaya kinabahan na ako.

Napaluhod si Syden at may nakita ako sa sahig.

May dugo.

Agad ko siyang nilapitan at nakita kong may saksak siya. Biglang tumakbo ang lalaking nanaksak sa kanya. Siya yung lalaking sinuntok ko kanina.

Lumuhod din ako para hawakan siya. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko dahil nanghihina siya. Napatayo din si Axelle at nilapitan ako.

"Bring her sa katabing room ng clinic. May mga first aid kit don, takpan mo ang sugat niya hangga't maaari para hindi siya maubusan ng dugo. Susunod ako" sabi ni Axelle tapos nagmadali siyang umalis.

Binuhat ko si Syden at napadaan ako sa harapan ng Redblades. Nakita kong nakangiti si Roxanne.

"Makaligtas man siya ngayon, pero hindi siya makakaligtas bukas" dinig kong sabi niya sa akin. Pero hindi ako nagpahalata na narinig ko.

Anong ibig niyang sabihin? Malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa nangyari ngayon.

Dinala ko na agad si Syden sa room na sinabi ni Axelle dahil nawalan na siya ng malay. Friday kasi ngayon kaya hindi nakabukas ang clinic. Hindi naman pwedeng maghintay pa kami ng ilang oras, hindi kakayanin ni Sy.

Maraming dugo ang lumalabas mula sa sugat niya dahil medyo malalim rin.

Hiniga ko siya at kumuha muna ako ng pwedeng gamitin para takpan ang sugat niya.

Nagpapanic na rin ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Pagkalipas ng ilang minuto, dumating si Axelle at pawis na pawis siya.

"May paraan pa ba para maligtas natin siya? Nauubusan na siya ng dugo...baka hindi niya kayanin kung hihintayin nating magbukas ang clinic" pahayag ko kay Axelle.

May nakita kaming dumaan at parang doctor siya sa clinic. Nilapitan yon ni Axelle at halatang nabigla ang doctor ng makita siya. Inilabas niya ang kutsilyo niya at hinagis hagis 'yon. Halatang mas lalo namang natakot ang doktor.

"I hope ayaw mong malumpo kagaya ng nangyari sa kaibigan mo?" panakot niya sa doctor.

"A-ano bang kailangan mo?"

Tinuro ni Axelle si Syden at nakita 'yon ng doktor.

"Gamutin mo ang kaibigan namin, siguraduhin mong makakaligtas siya" -Axelle

"Pero bawal- " -Doctor

"Girlfriend siya ni Carson" -A

What! Ano bang pinagsasabi ni Axelle?! Malalagot niyan kami sa sinasabi niya eh.

Hindi ako makapaniwala. Seryoso ba siyang sinabi niya 'yon?!

That's not true.

"Alam mo naman siguro ang pwedeng mangyari once na nalaman ni Carson na wala kang ginawa para iligtas ang girlfriend niya d'ba?" -Axelle.

Bitch!! Patay na niyan kami ni Axelle kapag nalaman 'to ni Carson. Sh*t!

To be continued...