♡ Syden's POV♡
"Palabasin niyo kami dito!" sumisigaw ako sa harapan ng isang napakataas na wall which is the opposite wall na lagi naming tinitignan ni Raven sa Heaven's Ward High.
"Tumigil ka na Sy" pakiusap niya.
Tumayo siya at pinagpag ang pants niya pagkatapos tumingin siya sa paligid.
"Mabuti pang maghanap tayo ng makakausap para humingi ng tulong" sambit niya.
Tumango na lang ako at nag-umpisa na kaming maglakad dahil hindi naman pamilyar sa amin ang eskwelang to. Katulad din siya ng Heaven's Ward high pero iba lang ang itsura. Ang pinagkaiba, hindi sila naka-uniform. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at parang mayroon silang binabalak na hindi maganda. Hindi na lang namin pinansin ni Raven at tinuloy na lang namin ang paglalakad.
The bell rang and we didn't know what to do since wala namang nag-entertain sa amin kung saan kami dapat pumunta. Kami na lang ang natira dahil lahat sila nasa mga classrooms nila.
"Fools! What are you doing here when you were supposed to be studying?" isang babaeng naka-red dress and super red lips with high-heels ang sumalubong sa amin with her mean voice. Maka-fools wagas TSK!
Napatingin kami sa kanya ni Raven habang papunta siya sa harapan namin.
"Pasensya na. Hindi kasi namin alam kung saan dapat pumunta since we are just new here, I think" sagot ko sa kanya in a good way, baka naman isipin niya na nagmamayabang kami.
Tinaasan niya ako ng kilay at lumapit sa akin, "Ano naman ngayon kung baguhan kayo dito? No one's here to entertain you. You need to collect informations para mabuhay kayo ng tahimik dito"
"Eh sino bang nagsabi sa'yo na gusto naming mag-aral sa eskwelang to?" pabalik kong sagot sa kanya.
Hinawakan ako ni Raven sa braso like he was saying na tumigil na'ko. Pero hinayaan ko lang siya.
"Bakit? Sino bang nagsabi sa'yo na ginustong pumasok ng mga estudyante dito?" tinapatan niya ako at tinignan niya ako ng masama.
"Para sabihin ko sa'yo lahat tayong nasa Prison School. Na-frame-up lng sa Heaven's Ward High. Soon, hindi rin kayo magtatagal because you're both just a free soul here. Soon they will come to get you. If I were you, voluntarily join a group now if you don't want to be tortured here" pagkatapos niyang sabihin lahat ng 'yon umalis na siya.
Ano namang torture ang pinagsasasabi niya?
"Teka lang! hindi pa tayo tapos mag-usap. Marami pa akong itatanong" habang naglalakad siya hinarangan ko yung dadaanan niya.
"Step aside!" inis niyang sabi. Pero hindi ko pa rin siya pinadaan.
Dahil napinta na rin sa mukha niya na naiinis siya tinulak niya ako ng sobrang lakas kaya napaupo ako sa sahig. Nakita ni Raven ang nangyari kaya nilusob niya yung babae at tinulak din ng malakas. Pero sa hindi niya sinasadyang itulak yung babae sa may kanal nasubsob yung babae kaya nadumihan yung red dress niya at 'yon pa ang lalong kinainis niya.
Tumayo ako para tulungan yung babae.
Although deep inside ayaw ko naman talagang tulungan.
Nanatili lang siyang nakayuko dahil siguro sa pagkakasubsob niya. Nang hahawakan ko na ang kamay niya para alalayan siya. Bigla siyang ngumiti ng sobrang sama at tumingin sa akin.
At naisip kong may mali sa ikinikilos niya.
Imbis na mahawakan ko ang kamay niya, isang matalim na bagay ang dumaloy sa palad ko. Nang tignan ko dumudugo ang kamay ko. Inilabas ng babae ang tinatago niya sa kamay niya, isang maliit na kutsilyo.
Agad akong inalalayan ni Raven para tumayo.
"Sa susunod na hawakan niyo ako. Hindi lang sugat ang aabutin niyo" sabi niya sa amin.
"Bakit ka may dalang ganyan? Hindi ba bawal? Isusuplong kita sa council" panakot ko sa kanya.
"Sige. Gawin mo. Maniniwala sila pero walang gagawin ang council. When it comes to justice bingi sila" sagot niya.
Tinignan ko na lang siya ng masama at hinila ko si Raven papalayo sa kanya dahil tumayo na rin siya ng dahan-dahan. Nagtago kami sa isang sulok kung saan malayong makita ng mga tao.
"Kailangan nating pumunta sa clinic. Tuluy-tuloy pa rin ang pagdurugo ng sugat mo Sy" nagaalalang sabi ni Raven.
"As if namang makakapunta kayo sa clinic ng ganitong araw" isang babae mula sa likuran namin ang nagsalita.
Tumingin kami ni Raven sa kanya at napaatras kami sa gulat.
Naka-shirt siya at jogging pants, astig ang dating na parang lalake. May color blue rin na part yung buhok niya at naka-bonet siya although mataas ang sikat ng araw.
"Who are you?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa amin at inayos ang upo niya.
"Sorry if natakot ko kayo. I'm Icah. Don't worry I'm a friend" in-offer niya ang kamay niya na para bang nakikipag-hand-shake "S-syden and my twin-brother Sean Raven" noong una nag-aalanganin pa akong makipaghand-shake sa kanya pero tuluyan ko na ring inabot ang kamay niya.
"Wow that's cool!" amaze niyang sabi. Ano namang cool don?
"What do you mean earlier about sa pagpunta namin sa clinic?" tanong ko.
"Tuwing Saturday lang open ang clinic dito. Kaya useless lang kahit pumunta kayo" seryoso niyang sabi.
What?! May ganon ba? Clinic na once a week lang naka-open? Baka naman nagbibiro lang siya.
"Nagbibiro ka ba?" tanong ko.
Umiling lang siya na parang nagsasabi talaga siya ng totoo. Nagtinginan muna kami ni Raven dahil nagdadalawang-isip kami sa mga sinasabi niya.
"I'll answer your questions, it's up to you kung maniniwala kayo or hindi. But I'm just telling the truth" sabi niya. Dahil napansin niyang parang hindi kami naniniwala sa kanya. Hindi naman kasi kapani-paniwala ang mga sinasabi niya.
"So the meaning of PS is Prison School right? This is the opposite side of Heaven's Ward High but ayon sa nakikita ko nothing's different" sabi ni Raven.
Tumawa sya ng malakas at naisip ko na baka naman baliw itong kausap namin, tinapatan niya ako at tumingin lang ako sa kanya, "Maraming nagkakamali sa akala. Hindi pa kayo nag-uumpisang mag-aral dito kaya ninyo nasasabi 'yan. Lahat tayo framed-up by the council para maipasok dito sa Prison School. Don't ask me why, kasi walang nakakaalam kung bakit ginagawa 'to ng council sa atin"
"Makakalabas naman tayo dito hindi ba?" tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya na parang nababaliw nanaman😑
"This school is really the opposite of Heaven's Ward High. Dahil nakapasok ka na dito ,you can't run. Walang daan. Napapaligiran ng electric walls ang school na'to, kung pipilitin mong akyatin ang mga walls, then you're committing suicide"
Nabigla kami sa mga sinabi niya. Sa pagkakaalam namin, normal lang din dito like Heaven's Ward High pero hindi pala.
Ibang-iba.
"Are you saying there's no way na makakalabas pa tayo dito?" tanong ko habang naiiyak na ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya.
"Hindi ko rin alam. Basta ang sabi ng council maghintay lang daw, makakalabas rin tayo dito kapag okay na raw ang mental behavior natin, kahit ang totoo sila ang nagframe-up sa atin"
Mental behavior?! Hindi naman kami baliw para ikulong nila kami dito. Ganito ba ang parusa namin? Hindi naman ata tama lalo na't wala naman kaming kasalanan.
Magtatanong pa sana ako kaso biglang nagsalita si Raven dahil hindi kami makapaniwala sa mga naririnig namin kaya napatigil ako.
"Sino yung babaeng nakapula kanina?" tanong niya kay Icah.
Tumingin sa amin si Icah at lumapit.
"Naka full red ba? Naka dress? Why? Did something happen?" sunud-sunod niyang tanong. Parang nabigla siya sa tinanong ni Raven.
"Nakaaway namin ni Syden kanina" sagot ni Raven.
"What?! Anong ginawa niya?" nabigla nanaman si Icah kaya lalo akong nagtaka kung ano ba ang mayroon sa babaeng 'yon.
Pinakita ko yung sugat na binigay sa akin nung babae at namutla ang mukha ni Icah.
Kinuha niya yung kamay ko at binalutan ng panyo na galing sa bulsa niya, "Nagkamali kayo ng kinalaban. You should not underestimate Roxanne. Paglipas ng ilang oras hahanapin nila kayo para gumanti" sabi niya.
These consecutive days marami na akong nakakausap na hindi ko maintindihan or talaga sigurong ako lang ang walang alam sa nangyayari.
Ano bang ibig niyang sabihin?
"Ha?! Sinong sila?" tanong ko.
"Redblades. Redblades is a group of young brave ladies, Roxanne is the most respected girl here in Prison School. Many girls joined her side for protection against other group. So meaning, Roxanne is the queen of redblades. In short, when you see someone or a group of girls na full red ang suot, it means they are members of Redblades. Roxanne is the only one naka-red dress sa kanila. Don't underestimate them just because they are young ladies. May tinatagong silang small blades in their body and you can't easily find it dahil pagdating sa pagtatago, expert sila" mahinhing sambit ni Icah.
"Then are you saying na yung sumugat sa akin ay si Roxanne?" tanong ko.
Tumango lang siya. Nagkatinginan lang kaming tatlo dahil sa mga sinabi ni Icah.
Kaya pala bigla siyang nakapaglabas ng small blade kanina.
Dahil sa pagiging tahimik namin ng ilang minuto, nakarinig kami ng mga hakbang papalapit sa kinauupuan namin. Nang makita kami ng lalaki, lalo siyang kinabahan pero ng nakita niya si Icah, bigla siyang nagsalita.
"Icah! Silent grave!" sigaw niya. Pagkatapos niyang sabihin 'yon nagpatuloy na siya ulit sa pagtakbo. Susundan ko sana yung lalaki pero pinigilan ako ni Icah.
"Kailangan niyo ng magtago" sambit niya.
Tinignan niya kami na para bang sinasabing sumunod kami sa kanya kaya iyon din naman ang ginawa namin. Sumunod kami sa kanya sa pagtakbo habang nakikita ang ibang estudyante na tumatakbo rin at nagpapanic.
Nakarating kami sa isang bakanteng room na parang laboratory pero medyo malaki. May bantay sa pintuan at pinagbuksan si Icah.
"Sandali lang Icah" tumingin sa amin yung bantay sa pintuan bago tumingin kay Icah.
"They just agreed for Silent Alliance. They joined outsiders" tinignan niya ng masama yung lalaki kaya yumuko na lang ito at pinadaan kami.
Pero nilapitan niya yung lalaki at bumulong dito, "If anyone asks you about these two new members, don't say anything"
Tinignan ng lalaki si Icah, "Pero Icah-"
"Huwag kang magkakamaling isuplong sila" nagkatinginan lang ang dalawa pero tinuloy parin ni Icah ang pagsasalita.
"Kung gusto mo pang makabalik dito" pagkatapos niyang sabihin 'yon, dumiretso na siya sa loob ng room at sinundan namin siya. Tumingin si Icah sa paligid at pinagtitinginan siya ng iba pang estudyante sa loob.
Nakakapagtaka lang bakit nakaupo sila sa sahig at walang kahit na anumang upuan. May kinuhang papel si Icah mula sa isang table at tinago niya 'yon sa likuran niya at lumapit sa amin.
Hinila niya kami ni Raven sa isang sulok kung saan wala gaanong nakatambay at umupo kami sa sahig.
Binigay niya sa amin yung papel na kinuha niya sa table kanina at sinigurado niyang walang makakakita.
"Kailangan niyong pirmahan 'to para sa agreement" sabi niya.
Nagkatinginan kami ni Raven bago kami tumingin kay Icah.
"Para saan Icah?" tanong ko.
"I mentioned earlier about redblades right? Nagtatago kayo ngayon dito para hindi nila kayo makita, kasi kayo ang hinahanap nila because of what you did to Roxanne. They won't be able to see you here since this room is for those who only joined Silent Alliance. It means nag-join kayo dito as an agreement na hindi kayo makikisali sa anumang away kahit anong mangyari. Redblades and other groups won't go here since wala namang any member dito na nakiki-involve sa anumang away. So you need to sign the paper now or else mapapalabas kayo dito"
Tumingin ako kay Raven, "Anong gagawin natin?"
Nagisip-isip muna siya bago tumingin sa akin, "Wala na tayong choice Sy. Wala tayong mapagtataguan" sabi niya. It's better to be safe now.
So we signed the papers secretly at may naiwang isa na blanko lang, dahil hindi naman namin alam ang dapat bilugan. We handed the papers to Icah and she looked at it.
"Bakit hindi niyo sinagutan ang isang 'to?" pinakita niya sa amin ang iniwan naming blanko ni Raven.
"H-hindi kasi namin alam kung para saan 'yan eh" sabi ni Raven.
"Ahh..Sorry nakalimutan ko. As you can see, may 3 names d'yan. Sa Silent Alliance may 3 groups, first is the Young traps, second "us" the outsiders then lastly the freaks. Masyado kasing maraming nag-join sa Silent Alliance since binuo namin 'yon ng mga kaibigan ko dahil hindi namin kinaya ang kademonyohan ng other groups, kaya ang ending we divided it into three dahil hindi kasya lahat sa iisang room. This room is for outsiders"
Pagkatapos niyang sabihin 'yon alam na namin ni Raven ang dapat bilugan. So finally, we are one of the outsiders now. Binigay na namin kay Icah ang papel na hawak namin. Mababakas sa mukha niya na naginhawaan siya.
"Welcome to Prison School! Whatever you witness here, be strong. Sabay-sabay tayong makakalabas dito" pahayag niya.
"May isang bagay pa akong hindi nasasabi, you still remember the boy earlier? He said "Silent grave" right? When you hear that word, you should go here directly. It means may chaos na magaganap. You should always be aware since alam ng karamihan free soul pa kayo" sabi niya.
"A-anong free soul?" tanong ni Raven.
"Free soul. It means You haven't join any groups, maswerte kayo dahil agad ko kayong nakita, if not" napansin niya na seryoso kaming nakatingin ni Raven sa kanya, kaya lumapit siya ng kaunti sa amin.
"For sure nasa torturing field na kayo ngayon at lumuluha ng dugo. Other groups would torture you para lang mag-join kayo sa kanila" dagdag pa niya.
"Gano'n ba sila kasama para lang makakuha ng members?" tanong ko.
Tumango lang siya.
"New member Icah? Tinatakot mo sila" isang babae nanaman ang pumasok sa usapan.
Maganda siya, maputi at naka-two sided ponytail, naka-bangs din which is cute naman tignan.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa kabila ka?" tanong ni Icah sa kanya.
"Okay lang naman na magpalipat-lipat ng room ang mga leaders d'ba?"
Tumingin sa amin yung babae, "Free souls? I'm Maureen, leader of Young trap group? Would you like to join?" tanong niya sarcastically.
"Sorry but they are not free souls anymore since they just signed an agreement for outsiders. Syden and her twin-brother Raven pala" sagot naman sa kanya ni Icah.
"Nice to meet you sa inyong dalawa. I hope makatagal kayo dito" sabi nung Maureen na nakapag-pakaba ulit sa akin.
"Anong oras ba tayo pwedeng makalabas dito?" tanong ni Raven.
Nagtinginan lang si Icah at Maureen na parang nag-aalala, "Kapag okay na"
To be continued...