Sa mundong ginagalawan ng bawat tao...ang mabuhay ng tahimik at masaya ang inaasam ng lahat. Pero hindi lahat...nabibigyan ng pagkakataong maging masaya.
Sa istoryang ito...ang mundo ng mga karakter ay taliwas sa kaalaman ng mga tao.
Dito makikita ang mundo na kung saan ang buhay ng bawat isa ay parang laro lamang. Paglalaruan nila kung kailan nila gusto...at itatapon nila kapag di na kailangan. Ito ang mundo kung saan kahit na kaibigan mo, o ni ultimo ang pinakamamahal mong tao, hindi mo mapagkakatiwalaan.
Kapag binigay mo na ang tiwala mo, parang sinaksak mo na rin ang sarili mo.
Pero nakalimutan ko ang mga katagang 'yon simula ng makilala ko sila...lalo na nung minahal ko siya. Mali man sa paningin ng mga tao, pero sumama pa rin ako sa kanya.
At dahil sa desisyon na 'yon, mas lalo pang dumanak ang dugo sa buong campus.
-Syden
︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻
Chapter 1
Syden's POV
"Anu na naman ba' to Ms. Fuentes?!!
Pang-ilang offense muna to!'"
Nagulat ako nang biglang tumayo si Mrs. Lim sa kanyang kinauupuan at sumigaw ng malakas sa harapan ko.
Kung makasigaw parang wala ng bukas!
Inikot ko ang mga mata kong nag-aapoy sa inis para mag-isip ng isasagot ko sa kanya.
"Pang-apat na po Mrs. Lim" sinabi ko sa kanya ng harapan habang hinihingal siya sa kinatatayuan niya.
Paano ba naman kasi' hindi siya mag-diet ang taba niya.
Gosh!
Pasalamat na lang talaga siya, siya ang principal dito kung hindi, matagal ko na siyang sinipa palabas ng eskuwelang to'.
"Apologize now to Jarred" utos niya.
Swerte niya bakit ko naman gagawin yon?
"Why would I do such thing? Siya naman ang nauna, I just protected my brother from that bastard!" inirapan ko siya at tinalikuran siya para lumabas ng principal's office pero nagsalita pa rin siya.
"Ms. Fuentes ayon sa mga estudyante, sinipa mo siya sa hagdanan kaya nahulog siya, It wasn't an accident" sambit niya.
Porke sinabi nila maniniwala ka na? Sus nagpapauto sa mga tsismosa tutal bibig ang pinapagana hindi yung utak nila. Tsk!
"If you won't apologize to him, sorry to say pero hindi ka na pwedeng magtagal dito" dagdag pa niya.
Sinipa ko ang upuan sa tabi ng pinto. Binalewala ko na lang ang sinabi niya at lumabas na sa principal's office. Sinara ko ng pabagsak ang pinto dahil sa sobrang inis.
"Ano? Mae-expel ka na ba?" sumalubong sa akin ang isa pang nakakainis na insekto. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko at tinitignan ako in a sarcastic way.
Sarap hampasin!
Tinignan ko lang siya ng masama at umalis na palabas ng building...dahil sira na ang araw ko, minabuti kong hindi na pumasok sa next period since Mathematics naman yon' walang sense.
Dumiretso na ko sa dorm namin at humiga sa kama.
By the way, I am Bliss Syden Louie Fuentes a.k.a "Sy" 15 years old.
I'm currently studying at Heaven's Ward High, isang school na ewan pero maganda, malinis at... nakakainis at the same time pero masaya since may freedom ako.
Oo freedom. Di kasi uso yon sa bahay.
As in it's like Heaven. But other students unfortunately came from hell. Sa kasamaang palad d'ba?
I have a twin-brother, his name is Sean Raven Fuentes at sabay kaming pumasok dito. Pareho kaming grade 9 students but we are not classmates since magkaiba kami ng section. Siya yung insektong kaharap ko kanina sa labas ng principal's office.
Heaven's Ward High is not just an ordinary school. Sa dami ng school na pinasukan ko, this one is different. Although nakakainis yung mga tao, kahit paano masaya naman.
The surrounding is pretty good.
This is the only school in this country na tanging mayayaman lang ang pwedeng makapasok since pang-mayaman lang talaga.
Our parents are rich enough para mapag-aral kami ng kambal ko dito. Kaso nga lang hindi uso dito ang ma-expel dahil naka-3rd offense ka.
Mae-expel ka lang kapag na-reach mo na ang 5th offense ganun kasi sila magbigay ng chances, but those chances were not for me. Since pang-4th offense ko na ang pagsipa ko sa kaklasi kong mukhang unggoy kanina, hindi ko alam if magtatagal pa ako dito.
Kapag na-expel ako, no worries dahil makikita ko na ulit ang normal world.
Once you enter Heaven's Ward High, hindi ka na makakauwi kasi bawal. Because there are dorms naman around the school, you need to stay there. Makakauwi ka lang kapag summer vacation na, kung sweswertehin ka, kasi halos lahat kailangan mag take ng summer dahil karamihan bumabagsak.
Especially me! I'm unique right? And so smart.
Bumangon ako ulit mula sa pagkakahiga ko at nagpasyang mag-ikot around the campus.
Pagdating ko sa likod ng school, I saw my twin-brother standing infront of a high wall.
"Raven, ano nanaman bang ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya.
Lagi ko kasi siyang nakikita na tinitignan ang wall na ito since when we were grade 7.
It's written on that wall "PS".
Matagal na kaming nagrere-search kung ano ang meaning ng PS but nobody's telling us even the teachers. Once, I asked Mrs. Lim kung ano ang meaning ng "PS" but she only got mad towards me. That time I knew there was something wrong behind that wall.
Humarap siya sa akin.
"Nakakapagtaka lang kasi, ang wall na ito ang pinakamataas sa buong school" sambit niya.
So?! Porke mataas dapat magtaka ka na?
Lumapit siya doon at astang hahawakan niya sana, nang bigla siyang nag-ground. Nabigla ako at dahil sa curiosity, hinawakan ko rin ang wall na iyon.
Same thing happened to me.
There's really something wrong.
May electric barrier ang wall na to' kaya kung sino man ang humawak, possible na mag-ground. If pipilitin mo, makukuryente ka at mamamatay. Other than the walls around school, ito ang kakaiba.
"Ano kaya ang nakatago dito Raven?" tanong ko habang tumatayo siya ng dahan-dahan at inaalalayan ko siya.
Curiosity kills!
"Hindi ko rin alam" sagot niya. Ang baliw ko naman para itanong sa kanya iyon knowing na hindi rin niya alam ang sagot.
Umupo kami sa bench at tahimik na tinititigan ang word na "PS" na nakasulat sa wall na 'yon.
"I miss Mom and Dad. Sana makapasa tayo para makauwi na tayo this summer" sabi ko sa kanya.
"Mula Grade 7 hindi na tayo nakauwi ng bahay kasi lagi tayong bagsak, kaya wag' ka ng umasa" inakbayan niya ako at ngumiti na lang siya.
"Siya nga pala. Bakit mo pa sinipa si Jarred sa hagdanan?" tanong niya. Good question.
"He intentionally spilled the coffee on your shirt, natural lang na gumanti ako dahil wala ka man lang ginawa para proteksiyonan ang sarili mo" -S
"Sinabi ko naman sa iyo, ok lng ako. Makakaganti rin ako sa kanya kaso inunahan mo ako. Ano ngayon edi nakakuha ka nanaman ng new offense. Sa susunod mag-ingat ka" sermon niya.
Well, who cares?
Umalis na siya at naiwan akong mag-isa. Sinundan ko siya gamit ang mga mata ko hanggang sa mawala na siya paunti-unti sa paningin ko.
"You really love your brother huh?" a boy sat down beside me. I was so shocked na makita si Jarred na puno ng pasa.
"Anong ginagawa mo dito?!" tumayo ako at umastang sisipain sana siya pero tinignan niya lang ako kaya hindi ko na tinuloy.
Trip ko lang kasing sipain siya although puno siya ng pasa!
"Hindi ako pumunta dito para gumanti sa inyo. Pinuntahan kita para bigyan ng warning" sambit niya.
Warning daw huh?
Seryoso siya habang sinasabi yon' kaya hindi ako nagdalawang-isip kung nagsisinungaling siya.
Pero bakit niya ako bibigyan ng warning? Para saan?
"Ano bang pinagsasasabi mo?!" kumunot ang noo ko pero tahimik pa rin siyang nakatingin sa akin.
Pagkatapos tinuro niya ang wall na yon'.
"Hindi ka na dapat dito nag-aral and you should not enter behind that wall" sambit niya.
"Avoid to reach 5th offense. Di mo alam ang mundong pinapasok mo" dagdag pa niya.
Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi niya. Dahil lang siguro sa pagkakasipa ko sa kanya kanina kaya siya ganito ngayon. Pero kinabahan ako sa mga sinabi niya. Parang alam niya kung ano ang meron' sa loob ng wall na yon.
"Ano bang meron sa wall na yan? Bakit may electric barrier?" tanong ko pero pagkatingin ko wala na siya at nakita ko na lang siyang naglalakad papalayo.
That time, I wanted to escape with Raven from this school to see our parents but we couldn't since there are many surveillance cameras sa bawat sulok ng school, madali lang nilang madedetect if someone's escaping.
Hindi ko na inisip na problemahin pa ang mga sinabi ni Jarred since may iba pang problema na dapat kong ayusin kaya nagpasya akong bumalik sa dorm.
Pero bago ako nakaalis, may nakita akong nahulog coming from the other side of the wall. It was a plastic bottle, inside that bottle was a small paper so I took the paper inside.
"Do not go any further. Stop researching. Stop finding the truth. The truth won't set you free" -outsiders
"Sinong outsiders?" ang tanging lumabas sa bibig ko since I read those mysterious words.
At lalo pa akong kinabahan because that paper has stains of blood.
Outsiders? Who are they? Galing ba sila sa labas ng school?
To be continued...