webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · 青春言情
分數不夠
80 Chs

♥ CHAPTER 53 ♥

♡ Nash's POV ♡

It's been a year. I already miss Nashielle. I should be dead right now if he did not attempt to save me. Kung maibabalik ko pa ang oras, I would rather choose to die to be with her but because of his words, I was encouraged to live, to avenge her. I still blame myself dahil wala akong nagawa para iligtas siya. She sacrificed herself for me.

"Why did you save me? You should have let me die with her?" sigaw ko sa harapan niya. I blamed him instead na pasalamatan ko siya. Wala ako sa sarili ko noon. Wala akong ginawa kundi sisihin ang sarili ko.

Diretso lang ang tingin niya sa akin, walang kahit na anong emosyon, "Why don't you save your yourself to avenge her than to blame yourself?" ang mga katagang lumabas sa bibig niya na nagpatigil sa akin sa pag-iyak.

That time doon ko lang narealize kung gaano kahirap tanggapin ang totoo na wala na siya. Yung taong pinakamamahal ko, wala na. She's already dead. Ang taong nasa harapan ko ngayon, he has no idea on what's going on. Maybe I can use him against them dahil malapit siya sa kanila, "Why are you telling this to me?"

"I'm just giving you an advice and it's up to you. Sa tingin mo ba masaya siyang nakikita ka na nagkakaganyan? Grow up and be strong, you're a man after all" pagkatapos niyang sabihin yon, umalis na siya at sinundan ko siya gamit ang mata ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Maybe he's right. I need to live to avenge her. Pero sa tingin ko, maling tao ang niligtas ng lalaking iyon. He should have let me die or else pagsisisihan niya ang pagligtas sa akin dahil may atraso sa akin ang mga kaibigan niya.

....................................

I went to the club to meet my friend tonight. Hindi niya naman expect na magpapakita ako sa kanya pero sure ako na pupunta siya ngayon dito. Bago ako pumasok sa loob, sinigurado kong walang makakakilala sa akin. Naghanap ako ng bakanteng upuan at umupo ako doon na sakto lang ang pwesto para makita ko ang mga pumapasok mula sa entrance. May nag-serve sa akin ng dalawang bote ng alak kaya kaagad kong kinuha yon habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa may pintuan. Kahit maingay ang paligid, napupuno na magagarbong ilaw, alam na alam ko at kilalang-kilala ko ang bawat tao sa paligid ko.

Habang ineenjoy ko ang pag-inom, may babaeng lumapit sa akin. Nakasuot siya ng red dress at sobrang iksi ng suot niya. But I can't deny na maganda, sexy, matangkad at maputi siya. Umupo siya sa tabi ko at biglang kumapit sa braso ko. But I made sure na hindi niya makikita ang pagmumukha ko, hindi naman kasi ako nagpapadala sa mga babae sa paligid ko. I simply have no interest kahit pa i-seduce nila ako, I wont let my guard down, "Hi, do you want-" hindi niya pa man natatapos ang sasabihin niya tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa akin at saka ko siya tinignan, "Can you please just leave me alone" diretso kong sabi. Mukha namang nadissappoint siya sa akin pero wala akong pakialam sa mararamdaman niya.

Bigla siyang tumayo at tinignan ako ng masama, "Fine, I'm just trying t-" pinutol ko nanaman ang sasabihin niya, "Hindi mo ba ako naiintindihan? I said leave me alone" sagot ko sa kanya. TSK! Ang kulit eh.

I saw her snobbed me bago niya ako tinalikuran at nakita kong pumunta siya sa ibang table. I know I'm just the only guy here na hindi nagpapatinag sa mga babae.

Dahil sa babaeng iyon, hindi ko napansin na naubos ko na pala yung dalawang bote ng alak. Nakita kong may nagseserve ulit ng alak at papunta 'yon sa mga estudyanteng nakapwesto sa likuran ko pero bago pa man siya makarating doon, sinenyasan ko na siya kaya napatigin siya sa akin, "5 bottles" maikli kong sabi. Gusto ko kasi, tuluy-tuloy sa pag-inom ng alak.

"I'm just going to serve thi-" tinignan ko siya ng masama since madilim naman kaya hindi niya ako mamumukhaan. Sinenyasan ko siya at tinuro ang hawak niyang alak, "Give that to me" natulala lang siya pero napatingin din siya sa hawak niyang limang bote ng alak, "I'm just going to serve this bro-" bago siya matapos hinarangan ko nanaman ang sasabihin niya, "Ibibigay mo ba sa akin yan o baka gusto mong ngayun-ngayon din iwanan kitang nakahandusay dito?" pagkatapos kong sabihin yon, napansin kong nanginginig ang kamay niya at ang hawak niyang bote so it means, natakot siya sa sinabi ko.

Ayaw ko sa lahat- yung pinaghihintay ako.

Natulala siya pero mukhang nagising siya sa katotohanan kaya ibinigay niya rin agad yung hawak niya at inilapag ang limang bote ng alak sa harapan ko. Bago pa man siya nakaalis, tinignan ko siya ng masama kaya kulang na lang tumakbo siya papalabas ng club. Magandang umalis na siya dahil baka magbago pa ang isip ko.

Kinuha ko na ang isang bote at diniretso kong inumin yon, bago ko tuluyang maibaba sa lamesa ang boteng hawak ko, napatingin ako sa may entrance at napangisi na lang ako. Inilapag ko na ang hawak kong bote sa lamesa. Looks like papunta siya sa direksyon kung nasaan ako pero mukhang hindi niya ako napansin. Bago niya pa man ako malagpasan, sinipa ko yung lamesa sa harapan ko para harangan siya. Mabuti naman at walang natumbang bote ng alak kahit na sinipa ko yung lamesa ng malakas.

Natigilan siya sa paglalakad at tumingin sa direksyon ko. Halata naman sa mukha niya na kaya niya akong patayin gamit lang ang tingin niya pero mahirap siyang taguan kaya naging seryoso ang mukha niya. Nakilala niya ako. Wala na akong nagawa kundi ngumisi na lang total siya din naman ang pakay ko ngayong araw na ito. Sinipa niya pabalik sa harapan ko yung lamesa at ni isang bote ng alak walang ring natumba. Umupo siya sa harapan ko at mukhang nagtataka rin siya kung bakit nandito ako, "You were gone for a long time. Where have you been?" tanong niya sa akin bago siya uminom ng alak.

Kumuha rin ako para uminom bago sinagot ang tanong niya, "I became a ninja just by watching them do their new fighting techniques" sagot ko.

"So none of them noticed you? Tell me, kung gaano mo sila katagal sinusubaybayan"

Diniretso ko muna ulit yung iniinom kong alak bago siya sinagot, "I never stopped. Bawat minuto at segundo, sinusubaybayan ko sila"

Napangiti lang siya pero agad ding nawala iyon, "You've grown, Nash" katulad din ng ginawa ko, diniretso niyang inumin yung alak bago niya inilapag yung bote sa lamesa.

Pero habang patuloy pa rin kami sa pag-inom, bigla akong may naalala kaya napatingin ako sa kanya, "Usap-usapan sa buong campus yung nangyari sa grupo mo at sa inyo ni Roxanne. And, you have a new group right? Black vipers"

"Binuwag ko ang Blood Rebels to forget her. That's it" tipid niyang sagot.

Habang pinag-uusapan naming lahat ng nangyari, nakikita ko pa rin sa mukha niya na galit na galit siya kay Clyde at Roxanne but at the same time alam ko na mahal niya pa rin ang ex niya. I'm just afraid na sa lahat ng nangyari at pagtratraydor na ginawa nila sa kanya, mas maging malala ang mga mangyayari sa eskwelang to. There's still something inside Dean Carson na hindi pa lumalabas at hindi pa niya ipinapakita. There's still a mask behind his mask. And I am so curious now, who will be the person who can show off his true form.

Kahapon lang, na-announce and Curse Academy. Kahit saang banda ka tumingin, may dugo. Pagka-announce pa lang ng council, may nagpapatayan na. Maraming umiiyak, humihingi ng tulong, at higit sa lahat maraming nagtatago. Magsisilabasan na ang mga mamamatay tao. And I won't deny that I will be one of them- wrong, I am one of them.

Kung susubukan mong magtago, huwag mo ng balakin na lumabas pa, dahil siguradong mahahanap at mahahanap ka nila. Eyes are everywhere. What's worst? You should not trust anyone. Kilalanin mo muna sila bago mo sila samahan.

Now that Chained School is back, maraming magbabago. Babalik ang lahat sa date kung saan impyerno ang buhay ng bawat estudyante.

Curse academy is just another version of chained school. Pero ang pinagtataka ng lahat? Bakit hindi na lang Chained School ang ipinangalan. Bakit Curse Academy pa? It only means, this curse academy is worse than Chained School kaya inibahan ang pangalan.

Pagka-announce pa lang ng council, I saw the members of Phantom sinners na tumatakbo at mukhang takot na takot. I knew they did something to make Dean Carson mad. But the atmosphere was really tense when a big banner was released infront of the main building, "Phantom sinners will pay! Dean is back!" isinulat ito gamit ang dugo kaya naman mas lalong nagkagulo sa campus dahil doon.

Kahit nasa malayo, tanaw na tanaw ng mga etsudyante na ang dating Prison tree ay napalitan as the Bloody tree...dating pangalan nito sa chained school. Bloody tree is a punishment made by the Blood Rebels' group.

Kinatatakutan ang pangalang DEAN sa buong campus. Because Dean is the most powerful and the most painful killer in the campus. We want to kill our enemies in a fastest and easiest way to end their lives. But Dean Carson is different. He wants to kill his enemies in a slowest and most painful way. Clyde is different too, he only wants to torture his victim until the victim agrees to join them.

But everyone was delighted when Dean announced that he would use his second name Carson. Dahil sa utos ng gf niyang si Roxanne. Hinayaan niyang kontrolin siya ni Roxanne na pati na rin ang Blood Rebels, nakontrol na nito. But now, Blood Rebels' is back as Black vipers. And Carson is back as Dean. Kapag gamit niya ang pangalang iyon, no one can survive him. Because his name Dean, has something to do with the past kaya ganoon siya kabayolente kapag ginagamit niya ang pangalang yon.

........................

"I think, it's time to join you" sambit ko sa kanya. Hinintay ko ang pagkakataong 'to.

Binigyan niya lang ako ng nakakatakot na tingin pero wala namang talab sa akin yon, "Are you sure?"

Sinagot ko lang siya sa paraang tumango ako at seryosong nakatingin sa kanya.

"Once you get there, you can't go back. I don't want you to regret this, Nash" pag-aalinlangan niya.

Before I talked to him, pinag-isipan ko na ng mabuti ang desisyon ko. I am so sure of it. I won't regret this, "Pinag-isipan ko na 'to. I'm really sure of this" sambit ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng napakasamang ngisi bago siya tumayo mula sa kinauupuan niya, "Follow me" pagkatapos niyang sabihin, tumalikod na siya kaya tumayo na rin ako para sundan siya.

Bago pa man kami makalabas, I saw the students na tumatabi para bigyan kami ng daan. Mababakas naman sa mukha nila na natatakot sila. As always, lagi ko namang suot ang black hood ko kaya walang nakakakita sa itsura ko bukod sa kasama ko na mahirap taguan. Malalim na rin ang gabi, at halos wala ng taong gumagala. Karamihan sa kanila, naka-lock ang mga kwarto nila at nagtatago.

Habang naglalakad kami sa hallway, may nakasalubong kaming dalawang lalaki. May hawak silang kutsilyo at bigla silang nagsasaksakan, dahil sa ginagawa nila, hindi nila napansin na padaan kami. Nasaksak yung isang lalaki at mukhang wala na siyang chance na mabuhay pa, pero dahil padaan na kami, itinulak ni Dean yung sumaksak dun sa lalaki dahil hindi ito tumabi sa pagdaan namin, kaya nauntog ito ng malakas at dumugo ang ulo, "Unlucky" bulong ko don sa lalaking itinulak ni Dean at napatingin naman siya samin bago siya nawalan ng malay or should I say bago siya malagutan ng hininga. Marami-rami na rin kasing dugo ang nawala dahil sa mga tinamo niyang saksak mula sa kasama niya kanina. Normal na lang sa amin na makakita ng ganito.

Nakarating kami sa isang malaking kwarto na mukhang pinagtataguan ng Black Vipers. Binuksan niya yung pinto at may nakita akong tatlong lalaki na naguusap-usap at nagtatawanan. Pero dahil sa presensya ng leader nila, natahimik sila at napatingin sa direksyon namin, "New member?" tanong ng isang lalaki habang tinitignan ako pati na rin si Carson.

"So we can now accept new members?" tanong naman nung isa kay Carson.

"Obviously, but only the trusted ones" tipid na sagot nito.

"Well, welcome to the group" bati naman ng isa na parang hindi pa rin ma-absorb sa utak niya na may new member.

Kilala ko silang dalawa except the one, that's why tinanggal ko yung hood sa ulo ko at nabigla si Dave at Dustin, "What the!"

"Fuck! Nash?" sigaw naman ni Dustin.

"Did you miss me bro?" tanong ko sa kanila. Halatang nabigla pa rin sila kaya hindi agad nakasagot sa tanong ko, "Bigla kang nawala tapos ngayon bigla kang magpapakita. You're really something dude" sagot ni Dave, "Can you please give me the rules?" tanong ko sa kanila habang nakangisi.

I need to know the rules first.

"In Black vipers, we only have 2 rules" sagot ni Carson kaya napatingin kami sa kanya.

"Wow! Two rules lang? samantalang date lumalagpas sa sampu ang rules right?" sarcastic kong tanong.

Ngumisi ng masama si Dean at may inabot na black notebook sa akin. Binuksan ko 'yon at binasa ang dalawang rules na nakasulat doon. Habang binabasa ko ang unang rule, nakangisi ako pero ng mabasa ko ang pangalawang rule. Natigilan ako at naging seryoso ang ekspresyon ko. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at nakita kong nakangisi silang apat, "What do you think of the 2nd rule?"

I just gave them a wicked smile at napailing ako, "Ganoon ba siya ka-espesyal?" sinagot lang nila akong lahat gamit ang masamang ngiti.

And I think, this is going to be better, insane at the same time. Curse academy will be more fun than I expected.

TO BE CONTINUED...