webnovel

SOMEONE ILOVE (COMPLETE)

"Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?" Minahal ni Airen si Luigi ng higit pa sa buhay niya. Ngunit dahil sa pagmamahal na iyon ay napilitan siyang iwan ito ten years ago. At kagaya ng inaasahan niya ay galit ang naramdaman nito dahil sa ginawa niya. Kaya naman nagbalik ito sa buhay niya upang maghiganti. Sa lahat naman ng paghihigantihan, siya na siguro ang pinakatanga. Paano'ng hindi, eh siya pa mismo ang nag-offer rito na paghigantihan siya para lang mapatawad siya nito! She was desperate when she left him but she was far more desperate when she saw him again—desperada siyang makahingi ng tawad rito. She was asking for another chance, kahit man lang para sa friendship na lang. Pero bakit ganon, habang tumatagal na sinusuyo niya ito ay nag-iiba ang "another chance" na gusto niyang makuha mula rito? Pwede ba niyang bawiin ang friendship na nasabi niya noon? Hindi ba pwedeng, mahalin na lang ulit siya nito?

EX_DE_CALIBRE · 现代言情
分數不夠
19 Chs

CHAPTER SEVENTEEN

"Sigurado ka na ba?"

Napangiti siya kay Mabelle. Niyakap niya ang kaibigan. "Tama naman itong gagawin ko, hindi ba?" pigil ang luhang aniya.

Masuyo nitong hinaplos ang likod niya. "Hindi ka ba..."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito. "Hindi na." napatingin siya sa bahay ni Luigi. "He doesn't want to see me." malungkot siyang napangiti.

"Call him then."

"No. Mas maigi na ito." she sighed.

It's been two weeks since she last saw him. Simula ng araw na iyon, hindi na ulit ito nagpakita sa kanya, ni magparamdam man lang. He never dared to call. Ni hindi nga ito umuwi sa bahay nito eh. Last night, she called it quits. She finally gave up on him...again. But this time, wala ng pumilit sa kanya, wala ng nagbanta. She decided to do it on her own.

Naisip niya kasi na kahit pa siguro ano'ng gawin niya, kung hindi siya nito magagawang pagkatiwalaan ulit ay wala ring saysay ang lahat. Love was not enough for their relationship to survive. Dahil ang pag-ibig ay madaming kaakibat : responsibilidad, pang-unawa, pagpapatawad at higit sa lahat, pagtitiwala. If one of those went missing, their love, kahit pa gaano katatag at katayog ay mabubuwag. Parang anay iyon na sisira sa kanila.

Ginawa niya lahat para maibalik ang dati. Pero wala eh. Hanggang doon na lang siguro siya. Tama nga ang sabi nila, kahit pa gaano mo kamahal ang isang tao, darating at darating din ang puntong kakailanganin mong sumuko. Hindi dahil nasasaktan ka na at hindi mo na kaya, kundi dahil hindi mo na siya kayang saktan pa at alam mong hindi na niya kaya.

She's not giving up for him. Sumusuko siya para mismo dito. Alam niyang sa kanilang dalawa, kapag ipinagpilitan niya ang sarili ay si Luigi ang higit na mahihirapan.

"So, you're giving up on me again?"

Pareho silang napabaling ni Mabelle sa pinanggalingan ng nag-aakusang tinig na iyon. Mabelle's mouth fell wide open while she stiffened at the very sight of him. He was glaring at her. Lalong lalo na sa mga bagahe niyang nasa harap mismo ng gate ng bahay niya. Awtomatikong apaatras siya nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya.

"H-hindi ba't ito naman ang gusto mo?"

"How can you easily give up on me, Airen?" he looked hurt.

Napailing siya. "Giving you up was never easy, Luigi."

"Then why do you keep on giving up on me?" he hissed.

"Don't create any scene." she warned.

"Talaga ba'ng madali kang sumuko, ha?" pagpapatuloy nito.

Biglang nanikip ang dibdib niya sa pag-aakusa nito. Noon niya hindi napigilang mapaiyak. Mabelle came to the rescue. Hinawakan siya nito sa balikat at tinignan ng masama si Luigi. She tried to stop Mabelle, pero hindi ito nagpaawat. Nilapitan nito si Luigi.

"Why do you always throw the blame on her?" galit na anito kay Luigi.

"Huwag ka ng makialam. This is between me and Airen."

"Alam mo ba'ng matapos ninyong maghiwalay noon ay naospital si Airen?" tumawa ito ng pagak nang biglang mangunot ang noo ni Luigi. "Naospital siya dahil sa stress. Kasi sising-sisi siya sa nagawa niya sa'yo. Pareho nga kayong hindi naka-graduate noon eh."

"W-what?" nagtatakang napatingin si Luigi sa kanya.

"Mabelle, please." pigil niya, sabay napayuko.

"I was right, afterall. You are a very lucky bastard." dismayadong lumayo ito kay Luigi. Tinapik siya nito sa balikat. "Be strong, Airen." iniwan sila nito.

Katahimikan ang namayani sa kanila. No one dared to talk after Mabelle left. Nakayuko lamang siya, habang damang-dama niya ang matiim na titig ni Luigi sa kanya.

"You didn't tell me about it."

His accusing tone made her flinch. "I don't have to tell you about it."

"What happened ten years ago, Airen?"

"Sinabi ko na ang lahat sa'yo." Napasinghap siya nang maramdaman niya ang masuyong paghawak nito sa mga balikat niya. Then he raised her chin so she could face him.

"You didn't tell me about the hospital thing."

"I g-got depressed after breaking up with you. I was hospitalized for two months dahil masyado akong nanghina. I stopped eating, I barely slept and I always cried. I was stupid, aren't I? Itinaboy kita, pinakawalan at sinaktan, pero sarili ko ang nahirapan. I wanted to die that moment. I almost went crazy, lalo na noong nalaman kong umalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin. Kung hindi ko inisip na kailangan kong humingi ng tawad sa'yo, I would have been dead by now. I never stopped waiting for you to come back."

"Oh god, how can I be so selfish?" bigla siya nitong niyakap ng mahigpit.

Nanlaki ang mga mata niya. Naitulos siya sa kinatatayuan habang ang mga luha niya ay walang humpay sa pag-alapas. Hindi siya natinag. The heavenly feeling of his tight hug was too good to be true. She must just be dreaming. Mariin siyang napapikit.

"I'm sorry." he croaked.

Marahas siyang napamulat nang marinig ang nanginginig na boses nito. Tama ba ang narinig niya? She must really be dreaming. Bakit nagso-sorry sa kanya si Luigi? Hindi siya nagsalita. Ang totoo, hindi siya makagalaw, she can't find her voice to speak.

"I'm so stupid, Airen. I'm so stupid to have done it to you. Naging selfish ako para ibigay lahat sa'yo ang sisi. I'm sorry, Airen. I'm so sorry."

Napahikbi siya, lalo na noong maramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito. He was crying too. He was crying so hard, na tila ba higit pang mas masakit pa iyon kesa sa pambubugbog ni Sanji rito. She wanted to tell him to stop crying, pero namanhid na yata siya. She can't open her mouth to say something. Hindi kasi matanggap ng isip niya na matatalo na naman siya. Na magagawa niya ulit itong balikan matapos niya itong pakawalan.

"Say something, please say something." pagmamakaawa nito.

"I'm l-letting you go." sa wakas ay nasabi niya.

Painot-inot na kumalas ito mula sa pagkakayakap niya. Napatitig ito sa mukha niya. His face was remorseful, he obviously looked hurt. "Please, don't do this to me."

"I'm doing you a favor." she let out a crazy laugh. "Hindi ba't ito ang gusto mo? I'm giving you up. Hindi na ulit ako manggugulo sa buhay mo. You will no longer feel the pain. You will no longer feel the hatred, you will finally be free from—"

Hindi na niya natapos ang paglilintanya nang bigla na lamang nitong hawakan ang pulsuhan niya, while his other hand held her nape and kissed her. His kiss was tender, yet it made her feel something that she's never felt before—fear. Para bang takot na takot itong matigil ang halik nila. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na bagay sa pisngi niya—luha. But those tears didn't come from her, it came from his eyes.

Nagtatakang itinulak niya ito at pinakatitigan. "L-luigi, why are you doing this?" nahihirapang tanong niya. Lalong nagsisikip ang dibdib niya.

"I love you, Airen." anas nito.

"You can't trust me. You will never trust me." iling niya. "Hindi sapat ang pagmamahal lang para maging masaya tayo. Alam mo iyan. Palalalain lang natin ang sitwasyon."

"I will try to trust you again, just don't leave me."

Nagtatakang napatingin siya rito. "Y-you will?"

"Yes. I had been stupid enough to have pushed you away. Hindi ko na ulit gagawin iyon. I can't loose you, Airen. I just can't."

"Pero nasaktan kita noon. Galit ka sa akin. You can't trust me that easy."

"I want you to love me again. Handa akong pagkatiwalaan ka ulit para mahalin mo lang ako. I will trust you Airen. I will always believe in you, kagaya ng dati."

"P-paano kung hindi mo magawa?"

"There's nothing I can't do, as long as you love me, as long as I love you."

"Hindi ka ba natatakot?"

"I'll be a hypocrite if I'd tell you that I am not scared. I am scared as hell. Natatakot ako, pero ang isiping mawawala ka sa akin ng tuluyan ay mas nakakatakot."

"I can't promise you anything, Luigi. Natatakot na akong mangako sa'yo."

"Just promise me that you'd love me forever, Airen."

"P-paano kung hindi ko matupad?"

"I trust you. I believe in you. So please, promise me."

"I promise you that I'd always be your perfect love, Luigi oppa."

"You will always be that someone I love, Airen. Ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Kahit pa takasan mo ako ngayon o iwan mo ako. I will definitely find you."

Natatawang napayakap siya rito. "Silly, bakit pa kita tatakasan kung nag-confide ka na ngayon ng katulad nito?" nagsisimula na naman siyang umiyak.

"I'll make it up to you. Babawi ako sa sampung taong nasayang natin. I'll make you the happiest woman on this planet. Hindi ko ipinapangako sa'yo iyan. Ipinapangako ko iyan sa sarili ko. I love you so much, Airen."

"Sige nga, kiss mo ako." she teased.

"Such a tease." nakangiting bumaba ang mga labi nito palapit sa kanya.

"I love you, Luigi." bulong niya bago pa man maglapat ang mga labi nila.

Nasaktan man sila, nahirapan, nag-away at nagkagulo ay natutuwa pa rin siyang maisip na sa bandang huli ay nanaig pa rin ang pagmamahalan nila. Their true love prevailed. At walang pasidlan ang tuwa niya dahil doon. She was so glad to have met him—ang kanyang perfect love, that "someone" she loved and will forever love. Her oppa.