webnovel

SOMEONE ILOVE (COMPLETE)

"Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?" Minahal ni Airen si Luigi ng higit pa sa buhay niya. Ngunit dahil sa pagmamahal na iyon ay napilitan siyang iwan ito ten years ago. At kagaya ng inaasahan niya ay galit ang naramdaman nito dahil sa ginawa niya. Kaya naman nagbalik ito sa buhay niya upang maghiganti. Sa lahat naman ng paghihigantihan, siya na siguro ang pinakatanga. Paano'ng hindi, eh siya pa mismo ang nag-offer rito na paghigantihan siya para lang mapatawad siya nito! She was desperate when she left him but she was far more desperate when she saw him again—desperada siyang makahingi ng tawad rito. She was asking for another chance, kahit man lang para sa friendship na lang. Pero bakit ganon, habang tumatagal na sinusuyo niya ito ay nag-iiba ang "another chance" na gusto niyang makuha mula rito? Pwede ba niyang bawiin ang friendship na nasabi niya noon? Hindi ba pwedeng, mahalin na lang ulit siya nito?

EX_DE_CALIBRE · 现代言情
分數不夠
19 Chs

CHAPTER EIGHTEEN

"Bitiwan mo na nga ako." asik ni Airen.

Tinignan niya ng masama si Luigi na noo'y biglang nanahimik at napatigil sa panunukso sa kanya bagamat naroon pa rin ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Humalukipkip siya at nanunulis ang ngusong napabaling ng tingin palayo rito. Pilit niyang binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito ngunit hindi nito binibitiwan iyon.

"Ayaw."

"Bitiw sabi eh!"

"Ayaw."

"Isa! Sinabi nang—" naputol ang pagbabanta niya nang walang anu-ano'ng pinunasan ni Luigi ang mukha niya ng baking powder. Napasigaw siya sa sobrang gulat.

Naroon sila sa maluwang na kusina ng bahay nila. Yes, bahay nila. They were still in Soul Village, pero ipinarenovate na nila ang mga bahay nila. Odds came, naisipan nilang ipaalis ang malaking pader sa pagitan ng mga bahay nila at pinagdikit ang kani-kanilang mga bahay. That was seven years ago, noong ikinasal sila.

"Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot, alam mo ba iyon?"

"Hindi ka na nakakatuwa ah! Ginugulo mo na nga ako sa pagbe-bake ko ng cookies, inaasar mo pa ako." lalo siyang napasimangot. Anniversary pa naman natin ngayon, gusto sana niyang idugtong ngunit hindi na niya itinuloy. Sa katunayan, kaninang umaga pa siya nagtatampo sa kanyang asawa. Mukha kasing nakalimutan na nito ang tungkol doon.

"Nagtatampo ka ba sa akin, Airen?"

"Hindi!" angil niya. "Bakit naman ako magtatampo sa'yo diba?" sarkastikong aniya. Inis na pinunasan niya ang pisnging nilagyan nito ng baking powder kanina.

"Nagtatampo ka eh!"

"Hindi nga diba? Umalis ka na nga! Doon ka na lang sa sala. Kesa sa nakikigulo ka rito."

"Eh gusto kong tumulong sa pagbe-bake."

"Hindi ka nakakatulong." irap niya.

Nakangiti at iiling iling na lumapit ito sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi kaya mas lalo siyang nainis. Paano'y nalagyan na naman ng powder ang mukha niya. "Alam mo ba'ng napaka-cute mo kapag nagtatampo ka ng ganyan?"

"B-bitiwan mo nga ako." They've been married for more than seven years now, pero hanggang ng mga sandaling iyon ay pinamumulahan pa rin siya ng mukha sa tuwing naglalapit ang mga mukha nila ng kagaya nun.

"Sa tingin mo, bakit hindi ako pumasok sa opisina ngayon?"

"Kasi tinatamad ka?"

"Kasi, gusto kitang makasama. Eh sa tingin mo, bakit wala si Jennieca ngayon?"

Noon napakunot ang noo niya. Jennieca was their daughter. Limang taong gulang na ito. "Oo nga, bakit wala dito si Nieca?"

"Kasi gusto kitang masolo." bulong nito.

Nangalisag yata ang buong katawan niya dahil sa tinuran nito. Lalong nag-init ang kanyang mga pisngi dahil sa tahasang pang-aakit ng kanyang asawa. Natatawang pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong at mabilis siyang ginawaran ng halik sa mga labi.

"I like what you're thinking, Airen. Pero mamayang gabi pa natin gagawin iyon. Sa ngayon ay ibang celebration muna ang gagawin natin." nakangising anito.

As if on cue, biglang bumukas ang pinto sa kusina at iniluwa niyon ang kanilang limang taong gulang na anak may dala dalang isang maliit at pabilog na cake. May korteng puso iyon sa ibabaw at may tatlong kandila. She gasped.

"Ginawa namin ni Nieca kagabi iyan." nakangiting ani Luigi na binitiwan siya upang lapitan ang anak nila. "We prepared this simple cake, para sa pinakamabait na mommy at asawa para sa aming dalawa." namumula ang mukhang napakamot sa ulo si Luigi. "Actually, I was supposed to bake this alone. I sneaked last night para gawin ito. Kaso nagising itong baby natin at nahuli akong halos nababaliw na sa pagbe-bake ng cake. So she decided to help me. Hindi man ganon kaganda ang pagkakagawa, hindi man kasingsarap ng mga gawa mo, sana ay magustuhan mo pa rin ito. Happy anniversary, Airen. I love you."

Tuluyan ng nawala ang inis niya para sa kanyang asawa. Napalitan iyon ng kilig at tuwa. Napalabi siya dahil sa pinipigilang luha. "Grabe kayo ha? Akala ko nakalimutan mo na. Ikaw Oppa, nagpapabake ka pa sa akin ng cookies. Panay ang utos mo sa akin ngayong araw na ito, iyon pala may surprise ka. Outside the kulambo ka mamayang gabi." biro niya.

"Mommy! Daddy baked some cookies too." tuwang bulalas ni Jennieca.

Napangiti siya, nilapitan ang anak at kinuha ang cake mula rito. "Thank you so much, baby. Tinulungan mo ba ulit si daddy sa pagbe-bake ng cookies?"

"Hindi po. He didn't want me to help him. Ang sabi niya, gift daw niya iyon sa'yo eh."

Nagtatakang napatingin siya rito. Nakangiting nagkibit balikat lang si Luigi. Pagkunwa'y tumayo ito at lumapit sa oven. Napasinghap siya nang ilabas nito mula roon ang isang malaking tray. At mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang laman niyon. Cookies na may nakasulat na letra sa ibabaw.

It read: To Airen, that someone I love, Happy Anniversary.

Kinikilig na napabaling siya kay Luigi. Sweet naman lagi ang kanyang asawa, pero iyon ang unang pagkakataong nag-effort ito para sa pagse-celebrate ng anniversary nila. "Nieca, honey, can you go to my room? Naiwan kasi ni mommy doon iyong gift niya kay daddy. Nasa may cabinet iyon." baling niya sa anak.

Excited namang tumango ang bata at tumalilis paakyat sa kwarto nila. Nakangisi na si Luigi nang muli niya itong balingan. Pinagtaasan niya ito ng kilay.

"Ikaw ah, pinaalis mo iyong bata. Ano'ng balak mo sa akin, ha?"

Natawa siya sa biro nito. "Bakit, ayaw mo?" naglakad siya palapit rito.

"Huwag kang lalapit, sisigaw ako ng rape."

"Edi huwag!" she stuck her tongue out.

"Joke lang." hinablot siya nito at agad na siniil ng halik sa mga labi. Matagal na naghinang ang mga labi nila bago siya nito pinakawalan. "I love you, Airen."

"I love you too, oppa. Happy anniversary. Sana ay magtagal pa tayong kasa—"

"Silly. Hinding hindi na kita pakakawalan ulit ano."

Napangiti siya at hinawakan ang kamay nito. "I will never let go of your hand."

"I won't, either. Kahit pa puro baking powder iyan."

"Let's go? Tignan natin sa itaas si Jennieca, baka nagtatatalon na naman iyon sa kama natin." natatawang yakag niya sa asawa.

"Naku, hindi pwede iyon. Bilisan natin. Pababain naman natin siya."

"Pilyo ka." natatawang kinurot niya ito sa tailiran. "Pasalamat ka't mahal kita."

"Thank you."

Napuno ang buong kabahayan nila ng malulutong at buhay na buhay na tawanan nila.

~wakas~