AMIRA'S POV
*insert music box's music* nasa sahig ang tuhod ko habang nakadapa ang kalahati ng katawan ko sa kama--in short boring. Hinawakan ko ang figurine ng babae para tumugtog ulit. I bought this 5 years ago. That was our family trip in germany.
Soobrang bored na ako! Hindi ko na alam anong gagawin sa buhay!! Ang boring nga pala talaga kapag wala si bestfriend na kasama ko sa mga kabaliwan.
*sigh* bumuntong hininga ulit ako at nilipat na naman ang ulo sa kabilang braso.
Umalis na naman kasi sina kuya, ate at tita elisa para bantayan si papá at magtrabaho. Aattend pa rin sila ng debut party mamaya.
*sigh* tumingin ako sa limang lalake na feeling ko never akong nilubayan. Ano kaya tatawagin ko sa kanila? Bodyguards??? Too secured. Heroe-- no way. Ahmm minions? HEHEHE fine with it!
Napatingin ako saglit kay mr.linc na nakatingin din. Are they aren't tired from looking at me?!! JUST ME!
"Miss amira, miss nathalie is calling you"
"Why? Do you know why she called me?" bagot na tanong ko habang hinahawakan ng mabuti ang figurine para tumigil sa pagikot. Sisirain ko to!
"She didn't mention anything miss amira" nagkibit balikat siya kaya tumayo na ako.
"Tell her I'm coming" ano na naman kaya kailangan nun? Sumunod na ako kay yaya.
"Miss amira, madam elisa didn't order us to let you go out in this room" hahawakan na sana nila ako nang hinarangan sila ni Mr.linc.
"She was called by madam elisa's daughter" hindi sila nagsalita kaya naglakad ulit ako.
*tok* isang katok pa lang ang nagawa ko nang bumukas agad ang pinto.
"What took you so long?!!"
"They blocked me" sagot ko at tinuro ang mga minions sa likod. Sinamaan niya lang sila ng tingin tsaka tumingin na sa akin.
"Pumunta ka nga sa mall bilhan mo ko ng make up!!" kumunot ang noo ko pero napangiti pa rin sa isip! Makakalabas ako!
"Why? Pwede namang ikaw"
"Nakikita mo ba tong suot ko?!! Weirdo" tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Maayos naman ah? Kesa sa akin na nakadress lang na simple.
Ang mga yaya ko pumipili ng susuotin ko dahil alam nilang hindi magugustuhan ni tita elisa kapag ako ang magdesisyon ng susuotin.
"Hindi pa ako nakaligo tanga!!"
"Ahh" tumango na lang ako.
"May regalo ka na ba?!" napatigil ako sa tanong niya dahil wala pa akong nabili kahit ano.
"Nothing" nagulat ako nang itulak niya ako palayo.
"Umalis ka na! Malapit na ang party ko!"
"Miss we are not allowed to let miss amir--"
"Shut up! Nagmamadali ako! Mas gusto ko siyang utusan dahil utusan naman talaga yan!!" tumingin ako kay mr.linc sa tabi kaya tumingin din siya sa akin.
"Pero miss pwedeng kami--"
"P*tang*na lang?!! Sabing nagmamadali ako!! Yang utusan ang gusto ko at isa pa ayoko ng mga unggoy sa party kaya wag na wag kayong aaligid mamaya!!" palihim akong ngumiti sa sinabi ni nathalie. Kung wala sila? Pwede na akong gumalaw sa gusto ko!
"But mi--"
"Sige na weirdo umalis na kayo!!"
*blag* malakas niyang sinara ang pinto kaya walang pagdadalawang isip na naglakad ako palayo pero may humawak naman sa siko ko.
"Miss amira you are not allowed to go out" hinawakan din ni mr.linc ang pulsuhan nung minion.
"Just get the car" sabi niya kaya binitawan na niya ako. Yes! Makalabas na ako!!
Maglalakad na sana ulit ako nang maalala kong wala nga pala akong pera. Hindi ko na nakita yung wallet at phone ko baka tinapon na yun.
"I don't have money" sabi ko kay mr.linc at napatingin sa mga pinto dahil may naisip ako. Baka meron si papá hahanap lang ako sa opisina niya "Mr.linc samahan mo ko"
"Where?" hindi ko siya sinagot at naglakad lang papunta sa office ni papá. Bumungad naman sa amin ang taga-bantay at yumuko lang sa akin. Tumingin ulit ako kay mr.linc.
"Help me find papá's card" sabi ko at tinungo ang office table.
"Let me do it" itinabi niya ako at siya na naghalungkat sa drawer. Humarap lang ako sa taga-bantay ni papá kaya yumuko siya ulit.
"Do you know where he hid his credit card?" tumingin siya sa akin saglit at yumuko na naman.
"It's in his vault miss amira" sakto namang bumukas ang pinto.
"Miss amira pinapabigay po ni miss nathalie" humarap ako kay mr.linc at ngumiti sa kanya.
"Mr.linc wala na pa lang problema!" hinila ko siya palabas sabay kuha ng card kay yaya. Iba na ang pumapasok sa isip ko!! Ano gagawin ko sa mall?! Ano pa ang pwede kong bilhin?! Magsasaya kaya ako????!
Naghihintay kami ni mr.linc sa harap ng pinto nang may dalawang sasakyan ang huminto sa harap namin.
"We will follow you miss amira" sabi nung minion sa kabilang sasakyan. Lumapit na si yaya sa isa at pinagbuksan ako. Sumunod din si mr.linc at umupo sa driver's seat.
"Yes na yes! Makakalabas na talaga ako!!!"
***
Nakarating na kami sa mall kaya tinungo agad namin ang mga cosmetics.
"Ahm bibilhin ko lahat ng good quality make up ninyo" sabi ko at binigay ang card kay yaya para siya na bahala sa lahat.
"Sandali lang po" umalis na sila kasama ang saleslady. Naglibot muna ako sandali.
"Teka si bestfriend yan ah" napatigil ako at tumingin sa labas ng store. Naglakad ako palabas kaya mahigpit na hinawakan ni Mr.linc ang siko ko.
"Where are you going?" hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa direksyon ni bea. Tumingin din siya doon kaya hihilahin niya sana ako pabalik nang tawagin ko na siya.
"Bea!" napalingon siya sa direksyon namin pero hindi ko inasahan ang reaksyon niya na parang nagulat at natakot nang makita kami "Bea come here! Why are you with them?!"
"Yaa umalis na tayo dito" sabi niya sa mga kasama niya habang tinutulak sila palayo.
Ayos lang sana sa akin kung mga kaibigan yung sinasamahan niya pero bakit sa kanila?! Alam naman niya lahat ng kaaway at kaibigan ko!! Sinasadya ba niya?!
Sila lang naman yung nagpahiya sa akin noong nakaraang taon sa harap ng maraming tao. Sobra! Kaya mas iniiwasan nina tita na lumabas ako lalo na 'pag walang yaya.
"Uy si psychopath!" napatingin din sa akin ang mga kasama niya tsaka naglakad papunta sa direksyon ko kaya hinarangan agad sila ng mga minion.
"Psychopath long time no see!!" anim sila kasama na si bestfriend dun.
"Miss just stay 5 meters away from her and don't move any closer" tumingala ako kay mr.linc dahil iniharap niya ako sa kanya.
"We talked about this" mahinang sabi niya. Tumingin na lang ako kay bestfriend.
"Psychopath! Malala na ba sakit mo sa utak kaya ka kumuha ng ganito? HAHAHAHAHA!"
"Haays umalis na nga tayo dito baka mahawaan pa tayo ng pagiging special child niya haha"
"Dali na bea may ipapakita pa kami sayo" palipat lipat ang tingin ko sa kanila dahil mukhang close na sila.
"Saan?" humarap ulit sila sa akin tsaka tumawa pa.
"Inggit ka? Hahaha sa mga maayos ang utak lang to! Hindi ka pwede sa clubhouse party namin!" umalis na sila kaya sinundan ko lang sila ng tingin.
"She just ignored me tss" naglakad na ulit ako kaya sumunod na sila sa akin. Baliw na bea! Bakit sumasama siya sa mga bitches na yun?! Lumapit na ako kay yaya at mabilis na kinuha ang tatlong paper bag tsaka ang credit card.
"Miss amira we have to go home" sabi ng isa sa minions sabay kuha ng paper bag. Kainis si bestfriend! Bahala siya!
Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa mga damit na nakadisplay. Princess jasmine's costume.
Pumasok ako doon at tumingin pa. Ang daming disney costume. Naalala ko hindi nagustuhan ni mr.linc ang suot ko what if hmm hehehehe.
"Miss can I have one set of that?" tumango yung babae sa tinuro kong jasmine costume. Napatingin din ako sa prince costume sa tabi, hindi siya pang-aladdin pero hindi ko din alam kung anong prinsipe yung puti "And that one too"
"Okay miss" inabot ko na sa kanya ang card kaya umalis na siya kasama sina yaya. Humarap ako kay mr.linc kaya kumunot ang noo niya.
"Mr.linc hehe para sayo yung isa, suotin mo yun"
"Nessun(no)" umayos ako ng tayo at napabusangot.
"Pumayag ako na lumayo kay bea kaya susundin mo ko! Palitan lang tayo" nakatingin lang siya sa akin kaya nagbow ako sa kanya. My prince~