KABANATA 8
-AMANDA-
"YOU'RE KIDDING Amanda, right?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Cee matapos marinig ang aking sinabi.
Dahan dahan akong umiling at umayos ng upo ganun rin siya. Napahilamos siya ng mukha at saka nagsusumamong tumitig saking mga mata.
"This is a joke tell me Amanda. This is only a joke" pagpupumilit niya.
How I wish. Hinihiling ko na sana joke lang lahat ng mga sasabihin ko.
"How I wish Cee na joke lang lahat. How I wish na joke lang na mahal kita para hindi ganoon kasakit pero hindi eh" wika ko habang may nangingilid ng luha sa aking mga mata.
"You love me but why we should stop this!" this time ay hindi na niya napigilang mapasigaw.
"Because this is the right thing to do. We need to stop."
Pinilit kong hindi kumurap habang sinasabi ko iyon sa kanya. Pinipilit ko ring paniwalain ang sarili ko na magiging ayos ang lahat pagkatapos nito. Hindi na ako gagambalain ng kosensya ko. Hindi na ako maguiguilty sa tuwing makikita ko ang kapatid ko. Hindi na muling iisipin ni Veatrice na magpakamatay.
Kaya kailangan ko na talagang tapusin ito. Masaktan na ako huwag lang siya.
"Can you stop a heart from loving? Kung kaya mo Amanda pwes ako hindi"
Hindi ko na sinagot ang tanong niya bagkus ay itinaas ko ang bracelet niyang ibinigay. Pinakita ko iyon sa kanya at isang nagtatakang tingin lang ang isinukli niya sa akin.
Tinanggal ko ang hook ng bracelet dahilan para lumuwag ang pagkakakapit nito sa pulso ko. Hinawakan ko ang isang kamay niya at binuksan ito.
"This bracelet is suppose to be hers. Siya ang girlfriend mo at hindi ako. Kabit lang ako at ayaw ko ng ganoon. Hindi kita pinapapili kasi hindi rin naman kita tatanggapin kung ako ang pipiliin mo. Mahal kita pero mas mahal ko ang kapatid ko Cee." seryosong saad ko habang nakahawak sa palad niyang pinaglagyan ko ng bracelet.
Masakit para sakin na bitawan ko ang taong mahal ko pero mas masakit na makitang nasasaktan ang kapatid ko. May nakapagsabi sakin na hindi talaga 'blood is thicker than water' ang totoong linya ng isang quotation. Pero para sa akin mas tama ang blood is thicker than water.
I'd rather sacrifice my heart than my sister. I'd rather hurt myself than my sister.
She's nice. She is a perfect sister. How can I hurt her? How can I be cruel to her?
This man in front of me is nice too. He loves me and I love him. The only difference is we love each other on the wrong time.
Timing.
The biggest factor why real couples doesn't end up together. Mali ang timing.
Hindi lang si tadhana ang panira sa isang relasyon kung hindi pati si timing.
Kung sana hindi ako nagteacher. Kung sana naging magkasing edad lang kami. Kung sana hindi siya ang boyfriend ng kapatid ko. Kung sana...
"Amanda please I'm begging don't do this to me" pagmamakaawa niya.
Ramdam ko ang sakit sa boses niyang gumagaralgal na. Kita ko ang sakit sa mga mata niyang nagsusumamo.
Masakit din para sa akin ang sitwasyong ito pero dapat kong kayanin. Kaligayahan ng kapatid ko at katahimikan ko ang nakasalalay dito.
"Sorry Cee. I'm letting you go and please let me go too." nakayuko kong sabi saka umalis ng higaan para pulutin ang mga damit na tinanggal ng mapusok naming pinaggagagawa kagabi.
Sinimulan ko ng isuot ang mga damit ko ng hindi tumitingin sa kanya. Baka kasi magbago ang isip ko kapag nakita ko kung ano ang reaksyon niya. Alam kong hindi siya gumagalaw sa kama. Wala akong naririnig na kaluskos o kahit anong paggalaw mula sa kama.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko habang naglalakad palapit sa pinto. Pero bago ko pa mapihit ang door knob ay nakaramdam na ako ng dalawang bisig sa aking bewang.
Naiwan sa ere ang kamay ko na ipambubukas ko sana ng pinto ng maramdaman ko ang mukha niya sa balikat ko. Hindi ko pa ata nasasabi na sa ito ang pinakagusto kong posisyon naming dalawa.
Naglalaban ang isip at damdamin ko. Sa oras na hawakan ko ang mga kamay niya ay dapat ko itong tanggalin. Kailangan ko ng putulin ang lahat.
"I love you Cee but the destiny wants us to part away" huling salitang binitiwan ko bago ko buong lakas na tinanggal ang mga kamay niya sa bewang ko. "And please don't hurt my sister. "
Itinuloy ko na ang pagbukas ng pinto at saka nagtuloy na sa paglisan ng lugar na iyon. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin bagkus ay mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad palayo doon.
Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 1 sa button. Nang maramdaman ko ng umaandar na ito pababa ay saka ko palang hinayaan na lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang mga luhang ebidensya na mas mahal ko ang kapatid ko. Ang mga luha na ebidensya na kaya kong saktan ang sarili ko para sa kanya.
Matatawag na ba akong mabuting ate nito? Kung oo masaya ako kahit papaano.
Nasaktan ko si Cee pero para naman ito sa ikabubuti ng lahat. In the future he will thank me. They will thank me.
Magiging parte nalang mga alaala ko ang mga pagkakataong masaya kami. Masasayang alaala. Masasayang alaala na hindi na dapat maulit pa. Masasayang alaala na wala na dapat pang makaalam.
I love him but our love is not enough for us to be together.
Our time is too short but I didn't regret every single time I am with him. Kahit pa na ang mga oras na magkasama kami ay matatawag na kasalanan.
I didn't regret having a sinful night with him. He is my sweetest sin. He is a sin that I will not stop wanting. But he is a sin after all. And sinners should repent for what they had done.
Narinig ko ang pagtunog ng elevator na hudyat na nasa first floor na ako. Dali dali kong pinunasan ang mga luhang kumawala mula sa aking mga mata. Dahan dahan akong nagangat ng paningin at isang pamilyar na mukha ang bumungad sakin.
His gray hair was brushed up backwards.
"You're crying Amanda?" he asked.
His face shows how worry he is.
"T?"
-XXX-