KABANATA 15
-AMANDA-
"THE END, diyan na nagtapos ang kuwento naming dalawa." nakangiting pahayag ko habang sa tasa ng kape ko na malapit nang maubos nakatingin.
"Amanda naman! Ituloy mo pa!" pangungulit ni Charice na napahampas pa sa lamesa.
Sinuklian ko lang siya ng ngiti bago inubos ang laman ng tasa ko. Ano pa ang itutuloy? Tapos na ang lahat. Hinding hindi na puwedeng ituloy dahil mali. Tapos na ang taguan dahil nahuli na kami.
"Pero Amanda bakit hindi mo siya pinaglaban!?" nanggigigil na tanong ni Charice.
Laban? Hindi na kailangan, susuko rin naman ako. Kung ibang babae ang kalaban ko malamang ay kahit makipagpatayan ay kaya kong gawin. Pero hindi eh, kapatid ko 'yun.
Saka isa pa, ako na nga ang kabit ako pa ang malakas ang loob. Hindi naman kasi lahat ng pagibig ay kailangang ipaglaban. May kailangan ding isuko kung ayaw mong makasakit ng iba.
Hindi ka mapapasaya ng pagmamahal na maraming nasaktan. Hindi ako magiging masaya kung alam kong ang nagiisang taong importante sa akin ay nagdurusa at kasalanan ko pa.
"Paano ko ipaglalaban kung hindi sa akin?" patanong na sagot ko sa tanong ni Charice.
Nakatanggap lang ako ng pagngiwi mula sa kanya. Isinubo niya ang huling piraso ng cookies na nasa platito niya bago muling nag-focus sa akin.
"Hindi ka man lang niya pinigilan noong umalis ka?"
Nakagat ko ang pangibabang labi ko saka bumaling sa bumukas na pintuan ng coffee shop. Naguunahan sa pagbalik sa utak ko ang mga alaala anim na taon na ang nakalilipas.
Pinigilan niya ako pero hindi ako nagpapigil. Ipinaubaya ko na siya sa kapatid ko kaya bakit pa ako magpapapigil. Noon pa man ay sinabi ko na ayoko na at kailangan na naming tumigil. Ngunit ilang beses ko ring nasira ang pangako kong iyon sa sarili ko. Alam ko ring hindi mapipigilan ni Cee ang bugso ng damdamin niya kaya pumayag ako sa sinabi ni T. Ako na ang dapat lumayo.
Sa anim na taon na lumipas ay pinutol ko ang koneksyon ko sa kanya. Ang huling kuwento sa akin ni Simoun ay silang dalawa pa rin ni Veatrice. That was a month ago. Graduate na si Cee at minamanage daw ang naiwang negosyo ng mga magulang niya. Samantalang si Veatrice ay isang taon na lang ay matatapos na sa kolehiyo.
See? They are still together even if six years had passed. Walang naging problema. Nasa akin lang talaga ang mali.
"Hindi na kailangan." maikling tugon ko saka bumaling sa kanya. "Ubusin mo na 'yang kape mo. Babalik na tayo sa trabaho baka pagalitan ako ng boss natin." utos ko sa kanya na mas lalong nagpahaba sa mga nguso niya.
Anim na taon ko na ring kilala si Charice. Isa siya sa mga empleyado ng Streus Architectural Firm kung saan din ako nagtatrabaho bilang sekretarya ng CEO. Si T ang nagpasok sa akin dito, actually si Leox talaga na kapatid niya. Malaki siguro ang tiwala ni Mr. Streus kay Leox na kahit wala ng interview ay nakapasok ako.
Madali kaming nagkasundo ni Charice dahil siguro sa pareho kaming Pilipino. Matagal ng empleyado si Charice, nauna pa nga sa akin. Naipangako ko kasi sa kanya na ikwekwento ko ang love story ko kapalit ng panlilibre niya sa bagong bukas na coffee shop malapit sa building namin.
Biro ko lang naman iyon ngunit sineryoso niya talaga. Ang ikinatuwa ko naman ay hindi niya ako hinusgahan matapos magkwento. Parang bitin pa nga siya sa kuwento ko. Akala niya ata isang likhang piksyon ang ikinukwento ko.
"Tara na nga!" yaya niya din at tumayo na.
Tumayo na din ako at sumunod sa kanya. Malapit na kami sa building ng may biglang tumawag sa phone ni Charice. Ang team leader daw nila at may inuutos. Nagpaalam siya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya. Mag isa nalang tuloy akong naglakad pabalik sa building.
Saktong pagkapasok ko sa building ay may tumawag sa pangalan ko. Kaagad ko itong nilingon at bumungad sa akin ang lalaking nakangisi na may puting buhok. Leox.
"You're going to Rigel's office?" tanong niya ng makalapit na sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
Nasa tabi lang din naman kasi ng office ni Mr. Streus ang table ko.
"Sabay na tayo." yaya niya at nagpatiuna na sa paglalakad.
Sa unang tingin ay aakalain mong masungit si Leox pero kapag nakilala mo siya ng mabuti ay makikita mong malayo siya sa akala mo. It runs on their blood though. Kaya lang ang lagi pa ring paalala ni T at ng bunso nilang kapatid na si Virgaux ay magingat ako kay Leox. He's the man whom you don't want to anger. Farrell siblings really have a unique character.
"By the way Amanda," aniya ng makasunod na ako sa paglalakad niya. "You look hot on your secretary outfit." pagpapatuloy pa niya saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang bumalik kasi ang mga alaala ni Cee. Isang beses niya lang sinabi sa akin ang papuring iyon ngunit tumatak na sa isipan ko.
"Umayos ka nga Leox." saway ko sa kanya at tumawa lang siya.
"May dinner mamaya sa bahay, bring Cyvix with you." pahayag niya ng makapasok na kami sa loob ng elevator.
Pinindot ko muna ang floor kung nasaan ang pareho naming destinasyon bago nagsalita.
"Titignan ko lang kung makakapunta ako. Baka mag over time ako dahil aalis si Mr. Streus ng isang linggo walang magaasikaso dito."
Pupunta kasi ng Pilipinas si Mr. Streus kasama ng fiance niya. Dapat ay kasama ako, dahil sa tuwing nag-a-out of the country si Mr. Streus ay kasama ako, pero si Leox ang pinili niyang isama ngayon. Siguro ay personal matters ang pupuntahan niya doon. Leox is like his bodyguard/ bestfriend anyway.
"Virgaux will be sad if you will not go." pangongonsensiya niya.
Noong mga unang buwan ko kasi dito sa France ay sa mansyon ng mga Farrell ako nakatira. Mababait naman sila lalo na ang mga magulang nila. Retired detective ang daddy nila T at dating journalist ang mommy nila. Pero ng makaipon ako ay naghanap na ako ng apartment na puwedeng rentahan. Hindi naman maliit ang sahod kay Mr. Streus. Kasyang kasya nga sa pagpapaaral ko kay Veatrice, sa gastos ko at may naiipon pa ako.
"Titignan ko nga." walang magawang wika ko.
"Sa tingin mo ba hahayaan lang ni Taux na hindi ka pumunta?" dagdag pa niya.
Napabuntong hininga ako. Tama siya, masiyadong mapilit si T para matanggihan ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya na hindi ko magawang tanggihan siya.
Bumaling ako kay Leox na may tinatype na na kung ano sa cellphone niya. He was grinning so I think isa nanamang kalokohan ang nasa isip niya.
Bumakas ang elevator at nauna na akong lumabas sa kanya. Nagpaalam na siya sa akin na papasok na sa loob ng office ni Mr. Streus at nginitian ko lang siya.
Umupo na ako sa may upuan ko at sinimulan ng reviewhin ang mga papeles na kailangang pirmahan ni Mr. Streus. Kailangan ko kasing irecheck o tignan ang mga papeles bago dumaan kay Mr. Streus. Madali kasing maginit ang ulo niya kapag may mga mali o hindi nasunod sa mga utos niya.
Hindi pa naman niya ako nakagalitan pero ayokong dumating ang panahon na iyon.
Mga ilang minuto pa ang ay narinig ko ang pagbukas ng elevator. Hindi ko na inangat ang paningin ko dahil sigurado naman akong isa lang iyan sa mga inutusan ng mga team leader para magdala ng mga papeles dito.
"Busy?" a familiar voice asked.
Doon ay napahinto ako at kaagad na tumingin sa lalaki.
"T! Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.
"Binibisita ka namin." maikling sagot niya sabay turo sa batang hawak hawak niya.
"Cyvix?"
"Mommy!"
-XXX-
Pasensiya na sa mahabang paghihintay. Ahm every week lang ang UD hindi ko ata kaya ang every other day😂😂
So ayun hindi na siya si Teacher Amanda. Siya na si Mommy Amanda😂😂
Sinong tatay? Si T ata (cyviX) 😂😂