Matapos mapagpasyahang pumunta sa soccer field ang magkakaibigan, pinuntahan ng grupo ni Emily ang soccer field.
Kung saan, kasagsagan na rin ng laro ng iniidolo nilang sina Daniel at Axel.
Namataan din ng apat na magkakaibigan ang kambal, sina Ruby at Samantha na nanonood din sa field.
Ruby: "Well, well , well! The losers are also here. "
Samantha: "Oo nga naman. Sa dami ng lugar na puwedeng tambayan, makikita pa nating etong apat na talunan!"
Claire: "Nagsalita ang mga tunay na cheaters."
Samantha: "Hindi ko ata gusto yung tabas ng dila ng kasama niyong pipi!"
Nina: "Sinong tinatawag mong pipi?! Hindi pipi si Claire!!"
Ruby: "Really? She's not mute? What about you bulag?"
Nina: "Anong sinabi mo?!"
Althea (irrirated): "Alam niyo, Ruby, Samantha?! Napipikon na ako talaga sa inyo! Kaya itikom niyo na ang bibig niyo kung ayaw niyong sabunutan ko kayo!"
Samantha (sarcastic tone): "Oh? Talaga?! Marunong ka bang magsabunot ng babae?! Sa pagkaka-alala ko, nilalayuan ka ng mga lalaki kasi lalaki ka rin kung umasta! Kaya duda ako na hindi ka marunong magsabunot ng babae."
Althea: "Suntok sa mukha? Gusto mo?!"
Samantha: "Hindi! At diyan ka lang sa kinatatayuan mo! Kung ayaw mong isumbong kita sa boyfriend ni Ivy!"
Ruby: "Yes! She's right! Keep your distance away from us! Kung ayaw niyong magsumbong kami kay Jackson o kaya sa mga teachers na nagbabantay sa paligid!"
Althea: "Takot lang naman pala kayo! Mga duwag!"
Nina: "Oo nga! Puro kayo yabang! Mga sumbongera din lang naman pala kayo!"
Claire: "Kaya nga. Asa lang naman sila kay Jackson na bodyguard nila. Kumbaga, kapag wala si Jackson, useless silang dalawa."
Ruby (annoyed): "Sinong tinatawag mong useless ha?!"
Sa inis ni Ruby sa sinabi ni Claire, akmang sasabunutan na sana nito si Claire.
Sumunod naman si Samantha sa kanya. Agad ihinarang nina Nina at Althea ang kanilang sarili upang protektahan si Claire.
Inilayo naman ni Emily si Claire at bahagyang dumistansya ang dalawa sa likod ng makikipag-away nilang mga kaibigan.
Magsasabunutan na sana ang apat na mag-aaway na babae, nang sa hindi inaasahang pangyayari, napadaan sa gitna ang mga kambal at sila ang natsambahang nasabunutan at pinagsusuntok tsaka tinadyakan nila Althea, Nina, Ruby at Samantha.
Nagulat ang apat ng mapansin nilang ibang tao ang kanilang binubugbog. Napakamot naman sa ulo si Claire at napangiwe na lang din si Emily sa tabi.
Nina: "Hoy, kayong dalawa! Anong ginagawa niyo diyan?!"
Samantha: "Oo nga! Puwede ba?! Lumayas nga kayo diyan!"
Allan (irrirated): "Anong lalayas?! Kami na nga ang binugbog niyo ng walang dahilan! Tapos palalayasin niyo pa kami?!"
Allen: "Oo nga!"
Allan: "Dahil binugbog at binukulan niyo kami, kailangan namin ng Insurance!"
Allen: "Oo nga!"
Allan: "Sa kasong, Physical injuries, Damage to Property at Frustrated Murder!"
Allen: "Oo nga!"
Emily: "Grabe naman kayo! Hindi naman nila kayo sinasadyang mabugbog, ang dami niyo nang sinasabi."
Allen: "Oo nga!"
Allan: "Tol! Ba't ka nag-Oo kay Emily?! Akala ko ba, kakampi kita?!"
Allen: "Oo nga!"
Allan: "Tanga ka ba?!"
Allen: "Oo nga!"
Allan (sigh): "Hay....Anyway, kailangan niyong pagbayaran yung ginawa ninyo sa amin! Kung ayaw naming isumbong namin kayo sa Guidance office!"
Allen: "Oo ng-"
Agad tinakpan ni Allan ang bibig ng kanyang kapatid dahil sa hindi matigil na pagsabi nito ng "Oo nga!".
Allan: "Ano ba?! Tol! Itigil mo na nga yan!"
Allen: "Pasensya na, Tol. Nakasanayan lang."
Ruby: "So?! Ano itong sinasabi ninyong insurance that you're talking about?!"
Allan: "Ang Insurance na tinutukoy namin ay...."
Allen: "Humihingi kami ng kabayaran dahil binubog niyo kami ni Utol!"
Samantha: "At ano namang kabayaran naman ang hinihingi niyo?!"
Allan: "Bilang kabayaran, kailangan niyong-"
Allen: "Ipakita sa amin ang pang-ilalim ninyo!"
Ruby (shocked): "WHAAAT?!"
Samantha: "Pang-ilalim?!"
Nina: "Asa pa kayo!"
Althea: "May pa insu-insurance pa kayong nalalaman, paninilip lang pala ang gusto niyong mangyari! Kung ganyan din lang ang hinihingi niyong kabayaran, mabuti pang i-double murder ko na lang kayong dalawa!"
Nina: "Sang-ayon ako, Alt!"
Samantha: "Upakan ang dalawang iyan!"
Bago pa man mabaling ang planong pambubugbog ng apat na babae sa kambal, agad pumagitna si Emiliy upang pigilan ang mga ito.
Emily: "Guyz! Tama na yan! Ipagpaliban niyo na muna ang pambubugbog sa kambal! Pumasok na sa laro sina Daniel at Axel!"
Althea: "Ano? Si Daniel?"
Nina: "At si Axel?"
Ruby (feeling inlove): "Whaaaat?! Axel my love is in the game?!"
Claire: "Wow ha? Kung makapagsabi ng "my love" parang feeling mo, boyfriend mo na agad."
Ruby: "Shut up! Mute girl!"
Samantha: "Shut up daw, pipi. Kaya manahimik ka na lang."
Claire: "....Mga feeling habulin...."
Emily: "Claire, hayaan mo na sina Ruby at Samantha. Alam mo namang hindi din pinapansin nung mga crush nila. Enjoyin na lang natin ang panonood dito sa gilid ng Field."
Claire: "Kung sabagay, tama ka."
Matapos maawat at pansamantalang napatigil ni Emily ang planong pambubugbog ng apat na babae sa kambal, agad naghanap ng pwesto ang magkakapatid sina Allan at Allen. Kung saan, malayo sila sa grupo nila Emily at Ruby.
Kasabay ng paghahanap pwesto ng kambal, naghanap din ng ma-uupuan ang parehong grupo nila Emily at Ruby upang mapanood ang laro nila Daniel at Axel sa soccer field.
Nang makahanap ng pwesto ang parehong grupo, wala namang tigil sa pag-iingay ang ilan sa mga babaeng nanonood din sa Soccer Field.
Girl1 (blushing): "Grabe ang gwapo naman ni darling Daniel ko!"
Girl2 (blushes slightly): "Wala pa rin kupas ang pagiging charming ni papa Axel ko!"
Girl3 (blushes more): "AAAAXXXEEELLLL!Idate mo na ako! Please!"
Ugly Girl (annoyed): "HOY! ANONG SINASABI NIYONG TATLO DIYAN?! MGA BABAENG MALALANDI! HUWAG NA KAYONG UMASA NA LILIGAWAN KAYO ANG MGA IYAN!"
Girl1 (irrirated): "Hoy pangit na mukhang ketong! Puwede ba tumahimik ka na lang diyan! Kung ayaw mong masaktan!"
Girl2: "Oo nga!"
Ugly Girl (cold tone): "Ah ganun ha?! Talagang hindi niyo makakalimutan ang gagawin ko sa inyong tatlo!"
Agad tumayo ang babaeng panget sa kanyang upuan, tsaka isinaboy sa tatlong babae ang kanyang iniinom na softdrinks.
Sa inis ng tatlong babae, pinagtulungan nilang sinabunutan ang babaeng panget hanggang sa gumawa na ng rumble ang mga ito.
Napangiwe na lang ang grupo ni Emily nang makita ang nagkakagulong mga babae sa kanilang tabi.
Matapos ang maliit na senaryo ng mga nagrambulang mga babae, halos mabingi ang lahat ng mga nagdaraang mga estudyante at bisita mula sa ibang eskwelahan dahil sa sobrang ingay ng mga babaeng nanonood.
Lalo na sa tuwing sinisipa at nakaka-score sa goal si Daniel. Matapos maka-score, dumipensa naman si Axel at hinabol ang kalaban na dala ang bola tsaka niya eto inagaw sa kalaban sa pamamagitan ng pagkalawit sa bola gamit ang kanang binti.
Matapos maagaw, agad niyang pinasa ng sipa ang bola papunta kay Daniel at umiscore ulit sa goal.
Todo papansin naman ang parehong grupo ni Emily at Ruby sa gilid ng Field.
Ruby: "Go! Go! Go! My love Axel! Kaya mo yan!"
Emily: "Huwag kayong susuko sa laban! Ipanalo niyo yung bandila natin ng section natin!"
Ruby: "Shut up! Loser! Ako lang dapat ang nagchecheer sa mahal ko!"
Emily (irrirated): "Anong ikaw ang dapat nagchecheer?! Huwag mo kaming pinagbabawalan!"
Ruby: "Aminin mo na kasi Loser ka! At ako lang dapat magpapansin sa mga prince charmings ko!"
Emily (annoyed): "Ano ulit sinasabi mo diyan?! Prince charming's mo?! Ang kapal mo talaga, Ruby!"
Claire: "Tama na nga yan, Emily! Nandito tayo para manood ng laro at hindi para makipagtalo sa bruhang yan!"
Emily: "Oo. Tama ka, Claire! Buti pinaalala mo sa akin yung ipinunta natin dito."
Matapos mapakinggan ni Emily ang sinabi ni Claire, pinabayaan na lang nito ang mga sinasabing pagpapapansin ni Ruby sa dalawang manlalaro at nagpatuloy na lang ito sa panonood.
Makalipas ang ilang oras na paglalaro, nagkaroon ng konting pag-aaway ng dalawang kampo sa Soccer field.
Daniel: "Hoy, foul yung ginawa mo!"
Boy1: "Anong sinasabi mong foul?! Hindi yun Foul!"
Daniel (annoyed): "Huwag kang magmaang-maangan pa diyan! Sinipa mo ako sa gulugod!"
Boy1 (smirk): "Ows?! Talaga, Daniel?! Sinipa ba kita?! Paano ka nakakasigurong ako ang sumipa sayo?!"
Boy2: "Kaya nga! Hindi porket pinagkakaguluhan ka nang mga babae, magpapansin ka na lang sa harap nila para magpasikat!"
Daniel (irrirated): "Anong sinabi mo?! Sa tingin mo nagpapapansin ako sa mga babae diyan ha?! Baka pa nga ikaw pa yung nanipa sa akin sa likod?!"
Boy2: "Hoy! Huwag kang magbintang! Kung ayaw mong-!"
Daniel: "Ano?! Susuntukin mo ba ako?! Sige suntukan na lang!"
Bago pa magsuntukan ang dalawang player sa field, agad nang humarang team ni Daniel kasama na si Axel at ang kasamahan din ng kabilang grupo.
Agad din naman sumunod ang Referee upang awatin ang mga nanggugulong player.
Axel: "Tol! Hayaan mo na siya! Tsaka huwag mo na patulan!"
Daniel: "Anong huwag patulan?! Sinipa niya ako sa likod! Kaya uupakan ko na eto!"
Axel: "Tol! Kung pinatulan mo yan, matatanggal ka sa laro! Ikaw pa naman ang magaling naming scorer sa team!"
Referee: "Kayong lahat! Magsilayo kayo sa isa't isa kung ayaw niyong bigyan ko kayo ng Yellow Card!"
Axel: "Tol! Narinig mo ba yung sinabi ng Referee? Kaya tumigil ka na.
Dahil sa banta ng Referee na bibigyan sila ng penalty, agad lumayo ang magkabilang panig.
Ngunit hindi pa rin nakaligtas si Daniel sa warning ng Referee sa kanila.
Referee: "Player number 2, 6 at lalo na ikaw number 19, papatawan ko kayo ng Yellow card. Kapag pinairal niyo pa yan pag-uugali niyo sa buong laro, tanggal na kayo.
Daniel: "Opo, Sir. Pasensya na po."
Referee: "Sige! Magsibalik na kayo sa mga pwesto niyo! Ituloy na natin ang laro!"
Axel: "Sige po Referee!"
Muling nagpatuloy ang laro matapos mapatawan ng warning si Daniel kung saan, nadismaya ang ilan sa mga babaeng nanonood.
Ilang minuto matapos magpatuloy ang laro, sinipa ni Axel ang bola kung saan, imbes na mapunta sa goal ay bahagyang gumilid ang bola at pumunta sa direksyon kung saan nanonood ang kambal.
Ang malala pa, nasapul ng bola sa ulo ni Allan.
Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ni Axel, agad nawalan ng malay si Allan.
Dahil sa nangyari, muli na namang ipinatigil ng Referee ang laro tsaka ito lumapit sa gilid ng Field.
Kasabay ng pagpapatigil ng Referee, sumunod ding lumapit si Axel upang alamin kung sino ang nadisgrasya nito.
Allen (crying): "GUMISING KA NA DIYAN, TOL! PLEASE! HUWAG MO NAMAN AKO IWAN!"
Nina: "Grabe ka naman kung magdrama, Allen. Nawalan lang siya ng malay."
Althea: "Oo nga! Nawalan lang siya ng malay! Hindi pa yan patay!"
Emily: "Tsaka, pareho naman kayong masamang-damo, hindi ba? Kaya buhay pa yan si Allan."
Allen: "Ah ganun ba? Buti naman hindi pa patay ang utol ko."
Referee: "Okay lang ba kayo dyan? Wala bang nasaktan sa inyo?"
Emily: "Sir, Okay lang po kaming lahat. Wala naman pong nasaktan sa amin."
Nang marinig ng nakahandusay na si Allan ang boses ng Referee, bigla itong tumayo.
Allan: "Sir! Ako po! Nasaktan po ako! Tinamaan po ako ng bola sa ulo!"
Axel: "Naku....Pasensya ka na Allan. Hindi ko alam na maiiba ang direksyon ng bola."
Allan: "Okay lang, Brad. Alam ko namang wala kang intensyon na manakit ng tao. Tsaka kilala ka na namin ni Utol, kaya walang problema sa akin yung nangyari."
Claire: (Buti pa si Axel, kusa siyang lumapit para alamin kung may nasaktan sa amin. )
Ruby: (Sana ako na lang ang natamaan ng bola! At hindi yan si Allan na iyan! Para ako yung lapitan ni Axel ko!)
Emily: (Siguro nagdeday dreaming na naman si Ruby na binubuhat ni Axel. Pero sana man lang, ako na lang ang natamaan ng bola. Para ako ang nilapitan ni Axel. Hehehehe....)
Nina (worried): "Oy.....Allan. Sigurado ka bang, okay ka lang?"
Allan: "Oo naman, Nina! Okay lang ak-"
Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang natumba si Allan. Kaya nataranta ang mga taong nasa paligid nito.
Allen: "Tol! Anong nangyari sayo?! Akala ko ko ba okay ka lang?!"
Althea: "Guys! Huwag nga kayong tumayo diyan?! Itakbo niyo na sa clinic si Allan!"
Emily: "Eh sino naman ang magbubuhat sa kanya?"
Ruby: "Alangan namang ako ang magbubuhat sa kanya, Emily! Daniel should be the one na magbuhat diyan! Because he is a guy and a gentleman. Di ba Daniel?"
Daniel: "Anong sinasabi mo diyan, Ruby! Dapat si Allen ang magbuhat diyan sa kakambal niya!"
Allen (annoyed): "Grabe naman kayo sa utol ko! Kayo na ang may kasalanan, hindi niyo pa ako tutulungang magbuhat!"
Axel (realized): "Allen, tulungan na lang kita. Total ako naman ang may kasalanan kung bakit nawalan siya ng malay?"
Emily: (Hindi din pala maganda ang ugali ni Daniel. Masyadong siyang mayabang at ayaw din niyang tulungan ang taong nawalan ng malay. Buti pa si Axel mabait at handang tumulong sa ibang tao.)
Claire: (Napakabait mo talaga, Axel. Kahit pa noong nasa Elementary pa tayo. Sana mapansin mo rin ako.)
Referee: "Boys! Tinawag ko na yung Staff ng Clinic diyan sa tabi. Huwag na kayong mag-alala sa lalaking walang malay. Kaya ipagpatuloy na natin ang laro."
Daniel: "Opo! Sir!"
Axel: "Yes, Sir! Salamat po!"
Nang dumating ang dalawang lalaking Staff ng Clinic, agad nilang ipinahiga si Allan sa dala nilang Stretcher at dinala ito sa Clinic kasama si Allen upang bantayan ang kanyang kapatid.
Matapos mai-alis sa Field si Allan, ipinagpatuloy ng Referee ang kanilang laro.
Makalipas ang ilang oras, hindi akalain ni Emily maiinip siya sa panonood ng Soccer.
Kung kaya't kinausap siya ni Nina nang mapansin siyang naiinip sa kinauupuan nito.
Nina: "Emily, napansin ko, hindi ka mapakali dyan? Okay ka lang ba?"
Emily: "Matagal palang matapos etong larong Soccer. Medyo nakakainip din pala habang tumatagal. Ano kaya kung manood ako sa laro ni Edward?"
Nina: "Sigurado ka ba Emily? Hindi mo ba tatapusin etong soccer?"
Emily: "Hindi na siguro. Kasi ang tagal naman matapos yung laro nila."
Nina: "Sige. Samahan na lang kita sa panonood kay Edward."
Emily: "Si-sigurado ka ba, Nina? Sasamahan mo ako?"
Nina: "Oo naman! Tsaka nandito naman sina Claire at Althea. Sila na ang bahalang manood ng laro nina Daniel at Axel para sayo. Di ba guys?"
Althea: "Oo! Tsaka gusto ko talagang mapanood kung sino ang mananalo sa laro nila? Kaya maiiwan na lang kami dito."
Claire: "Samahan ko na lang din si Alt dito. Nawiwili na din ako sa panonood ng Soccer."
Emily: "Kung ganun, manonood muna kami sa Chess Area. I-checheer naman namin si Edward para manalo din siya."
Althea: "Sige! Mag-ingat kayo diyan sa daan ha? Tsaka balitaan niyo na lang kami kung mananalo si Edward."
Emily: "Oo. Kayo rin! Kita na lang tayo mamaya!"
Kaya umalis sina Emily at Nina upang panoorin ang laro ni Edward sa Chess area at nagpaiwan ang naman sina Althea at Claire sa soccer field upang tapusin ang laro.
Ngunit, lingid sa kaalaman ni Emily, mas nakakabagot panoorin ang larong kinabibilangan ni Edward kaysa sa panonod ng Soccer.