Izumi Pov
Matapos ang ilang oras na mahabang pag lalakad ay nakarating na kami sa aking bayan kung saan ako pinanganak at lumaki. Hanggang ngayon ganun pa din ang aming bayan, masayang pamumuhay kahit na mahirap lang.
Nakikita ko ang mga taong masayang nag kukwentuhan, mga batang nag hahabulan at mayroon ding mga nag tatrabaho. Napangiti ako dahil nakabisita ulit ako sa aking bayan, matagal na rin ng huli akong dumalaw dito.
"H-hindi maaari, ang bayan na ito..." napatingin ako kay shin ng bigla syang mag salita ngunit mahina at para syang nabigla sa kanyang nakikita.
"May problema ba?" tanong ko. Napakunot ang noo ko ng hindi sya sumagot.
"D-dito po kayo nakatira?" tanong nya ng tumingin sya sa akin. Nakakapag taka ang mga kinikilos nya...ano kayang problema nya?
"Oo, dito nga ako nakatira. May problema ba?" tanong ko ulit. Napailing lang siya at bahagyang syang ngumiti.
"Wala po, medyo nagulat lang po ako dahil dito pala kayo nakatira...sa bayang ito" tugon nya. Tumaas ang kilay ko...mukhang alam ko na kung bakit.
Mukhang alam nya ang nangyaring digmaan sa pagitan ng Shinamin at Seishin ng nakalipas na napakatagal na panahon kaya ganito na lang ang kanyang reaksiyon. Kahit sino naman alam ang tungkol lalo na sya dahil taga doon sya.
"Tara na..." sabi ko. Nag lakad na kami patungo sa dati naming tirahan. Tsaka ako tumigil ng makarating na kami, tsaka ko binuksan ang pinto ngunit napatigil ako ng may tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako para makita.
"Izumi..." Nakangiting sambit ni shimaru. Ngumiti ako sa kanya pabalik at saka lumapit upang yumakap.
"Shimaru..." mahinang pag tawag ko. Pag katapos kong yumakap ay humarap ako sa kanya.
"Kamusta ka na? Mabuti naman at naisipan mong muling dumalaw" saad nya.
"Ayos lang naman shimaru, eh ikaw ba?"
"Maayos lang di naman..." sagot nya. Bigla syang napatingin kay shin nakatingin lang din sa amin.
"Sino itong kasama mo? ang ganda naman nya" turan nya. Napairap ako sa kanya.
"Manahimik ka, sya si shin. Sya yung lagi kong kasa-kasama sa emperyo" pag papakilala ko. Bumaling naman ako kay shin.
"Shin sya yung kinukwento ko sayo nung nakaraan, sya si shimaru...ang matalik kong kaibigan" pag papakilala ko din sa kanya. Nakangiting lumapit si shimaru kay shin at inilahad ang kanyang kamay upang makipag kamay.
"Ako nga pala si shimaru, ikinagagalak kitang makilala" pakilala nya. Tumingin lang si shin sa kanya sandali pero nakipag kamay din.
"Ikinagagalak ko din po kayong makilala" tugon nya. Ngumiti lang siya ng bahagya at saka binawi din ang kamay nya. Lumayo na si shimaru sa kanya at bumalik na rin sa kanina nyang pwesto at bumaling sa akin.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? Buti naisipan mo ulit dumalaw?" tanong nya. Napairap ako sa walang kwenta nyang mga tanong.
"Anong klaseng tanong yan? Dito ako pinanganak at lumaki kaya malamang dadalaw at dadalaw ako dito tss" asar na sagot ko. Tumawa na lang sya kaya napairap na naman ako.
"Ang sungit mo..." sambit nya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at lumapit na lang sa kanya.
"Pwede ba tayo mag usap sandali?" tanong ko sa mahinang bulong.
"Oo naman"
"Yung tayong dalawa lang" sambit ko ulit.
"Mukhang seryoso pag uusapan natin ah. Tara doon tayo sa may likod" tugon nya. Tumango ako at saka tumingin kay shin.
"Pumasok ka muna doon sa loob, may kailangan lang kaming pag usapan ni shimaru" utos ko kay shin. Tumango lang siya at nag simula ng humakbang patungo sa tahanan ni shimaru.
Nang siya ay pumasok na, nag lakad na ako patungo sa likod kung saan nag hihintay si shimaru. Lumapit lang ako sa kanya ng ako ay nakalapit na.
"Ano ang pag uusapan natin?" tanong nya. Tumingin ako sa kanya.
"Turuan mo ako mag espada..." sagot ko. Tumaas ang kanyang kilay.
"Para saan naman?"
"Alam kong darating ang panahon na malalaman nila ang mga pinaplano ko at sigurado akong papaslangin nila ako. Gusto kong matuto mag espada para madepensahan ko ang aking sarili" paliwanag ko. Tumingin sya sa akin at saka bumuntong hininga.
"Wala na bang pag asa para maitigil mo yan? Napakadelikado ng kinakalaban mo" nag aalala nyang turan.
"Malapit na ako sa aking mga plano, sa tingin mo may oras pa ako para tumigil? Hindi ako duwag para hindi na iyun ipag patuloy pa..."
"Pero paano na lang kung malaman ito ng ating emperador, na ang isang katulad mo ay nasa ibang emperyo ng kalaban ng ating bayan at ang mas malala ay taga dito pa. Hindi mo ba naisip yun?" turan nya. At doon ako hindi nakapag salita.
Bakit nga ba hindi ko naisip yun nung umpisa pa lang? Tiyak na ako ay mapaparusahan kapag nalaman ito ng aming emperador. Tiyak na marami ang magagalit sa akin sa mga pinag gagagawa ko.
"Tama ka, hindi ko nga naisip ang bagay na yun. Pero huli na para umatras pa ako, malalagay sa alanganin ang mga buhay nyo kung titigil na ako. Kaya ipagpapatuloy ko ito ano man ang mangyari"
"Kung yan talaga gusto mo, hindi na kita kokontrahin pa. Hindi ako mananalo pagdating sayo" suko nyang saad. Napabuntong hininga na ako.
"Shimaru pakiusap, turuan mo ako" pakiusap ko. Tinititigan nya muna ako at nag buntong hininga ulit pag katapos ay tumingin sya sa akin.
*Buntong hininga* " Oo na, pumapayag na ako" pag payag nya. Napangiti ako at lumapit pa ng kunti sa kanya.
"Salamat...pero ngayon na natin simula ang pag sasanay. Maikling oras lang ang meron ako" sabi nya. Tumango sya.
"Kukuha lang ako ng gagamitin nating espadang kahoy, dito ka lang..." turan nya. Tumango ako sa kanya at saka naman sya umalis.
Humugot ako ng malalim na hininga at tsaka tumingin-tingin sa buong kapaligiran. Habang nag aantay kay Shimaru ay nag lakad ako patungo sa dati kong tahanan upang muli itong masilip at matignan.
Nang nasa harapan na ako ng aming tahanan ay binuksan kong pintuan at pag katapos ay pumasok ako sa loob at isinara muli ang pinto.
Unang kong tinahak ang kwarto ng aking mga magulang at saka pumasok sa loob. Umupo ako sa papag ng higaan at saka bumuntong hininga habang nililibot ng aking mga mata ang kabuuan ng kwarto.
Bumalot na naman sa akin ang kalungkutan at pangungulila sa aking magulang. Hindi ko namamalayan na may luha na palang namumuo sa aking mga mata, at panay kibot na rin ng aking mga labi.
Humugot ako ng malalim na hininga upang mapigilan ang pag babadyang pag labas ng tuluyan ng aking emosyon at muli na namang umiyak.
Gusto ko ng makalimutan ang lahat, gusto ko ng kumawala sa sakit na aking nararamdaman. Ayoko ng maramdaman to ulit sa tuwing maalala ko sila, maalala kung paano sila pinatay mismo sa aking harapan.
Ang mga ngiti nila, yakap, pag aaruga, pag aalaga, ang kanilang labis na pag mamahal sa akin, lahat yun ay aking naalala. Mapait akong ngumiti at saka pinunasan ang luhang bumagsak mula sa aking pisngi.
"Makakalimutan ko din ito..." usal ko. Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto. Tiningnan ko ang kabuuan ng aming bahay maging ang mga kasuluk sulukan nito. Bakas na ang dumi sa paligid at makakapal na rin ang mga alikabok.
Pero ang mga natira naming gamit ay nandito pa rin at walang nawala kahit isa kahit na matagal ng walang nakatira. Halos kompleto pa.
"Izumi! Izumi!" napalingon ako ng marinig ko si Shimaru na tinatawag ang aking pangalan. Lumapit na ako sa pintuan at saka ito binuksan.
Napadako ang tingin sa akin ni shimaru ng makita nyang biglang nag bukas ang pinto at lumabas ako. Kaagad syang lumapit sa akin at ako naman ay lumabas na at isinara na ang pinto.
"Nandito ka lang pala...ang sabi ko mag antay ka lang pero ang nangyari wala ka ng bumalik ako" bungad nya. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Pasensya na, sisimulan naba natin?" tanong ko. Hindi sya nag salita at ibinigay sa akin ang kahoy na espada.
"Oo, doon tayo sa may bundok mag tungo upang mag sanay. Wala ka pang karanasan sa pag gamit ng espada kaya mahihirapan ka habang nag sasanay. Lahat ng mga sasabihin ko ay kailangan mong sundin at tandaan upang magamit mo ito balang araw. Naintindihan mo?" Paliwanag nya. Tumango ako.
"Naintindihan ko. Pwede ko bang isama si shin?" tanong ko.
"Maaari naman..." sagot nya. Tumango ako at saka pinuntahan si shin na nasa bahay ni Shimaru. Binuksan ko ang pinto at saka pumasok sa loob. At nakita ko si shin na nakaupo malapit sa mesa.
"Shin, sumama ka sa akin..." sabi ko sa kanya. Tumayo sya.
"Saan po tayo mag tutungo?" tanong nya.
"Sa bundok..."
"Ano po ang ating gagawin doon?"
"Mag sasanay akong mag espada" sagot ko.
"Ganun po ba, sige po..." payag nya. Nauna na akong lumabas ng pinto at sumunod naman sa kanya at sya na ang nag sara ng pinto.
Naglakad kami papunta sa pwesto ni shimaru na nakasandal sa puno habang mag kukrus ang kanyang mga braso. Umalis lang siya ng lumapit sya sa amin
"Tara na?" tanong nya. Tumango kami sa kanya at nauna na syang mag lakad habang kami ay nasa kanyang likod.
To be continued.