Haru's Pov
Nakaalis na si uzumi sa aking harapan ngunit nanatili pa din ako sa may terasa habang tinatanaw ang paligid nito. Ang paglipad ng mahaba kong buhok dahil sa hangin dumaan sa akin, kasabay nito ang pag langhap ko ng hangin habang nakapikit at dinadama ang lamig na hatid nito sa akin at saka ko agad nag mulat, pagkatapos ay ngumiti ako.
Ang tagal na rin mag mula ng pumunta ako sa lugar na ito habang tinatanaw ang ganda ng paligid. Bata pa ako noon nang minsang nandito ako kasama ang aking ina habang pareho namin tinatanaw ang ganda nito habang siya ay nag kukwento.
-FLASHBACK-
"Anak, kapag naging emperador ka na gusto ko maging magandang ehemplo ka sa iyong mga nasasakupan. Maging mabuti kang mamumuno" kasabay nun tumingin sya sa akin"Dahil iyon ang kailangan ng mga tao dito, ang mabuti at maayos na pamamalakad" dagdag nya.
"Ganun po ba iyun ina?" tanong ko. Tumango sya sa akin ng nakangiti at ibinalik ulit ang tingin doon.
"Oo anak" sagot nya.
"Para po sa inyo ina, gagawin ko po" nakangiting usal ko habang nakatingin sa kanya at kasabay nun ay tumingin sya sa akin. Maya-maya lang ay yumakap sya.
"Mahal na mahal kita anak..."
"Mahal ko din po kayo ina"
Nag yakapan lang kami sa gitna ng pag lubog ng araw habang nakangiting tinatanaw ang ganda nito.
-END OF FLASHBACK-
Napangiti ako ng maalala ko ang araw na yun noong kasama ko pa ang aking ina. Pero agad din napawi iyon ng maalalang wala na sya at hindi na muli pang makakasama. Napatingin ako sa gilid ng mata ko ng mapansing may papunta sa aking gawi kaya naman humarap ako at nakita ko si genkei, isa sa mga tagasunod ko, na papunta dito. Nang nasa harapan ko na sya yumuko muna sya at saka tumingin sa akin.
"Kamahalan pinapatawag po kayo ng inyong ama" imporma nya. Tumango ako sa kanya at nauna ng umalis. Maya maya lang nakarating kami sa bulwagan kung saan nasa gitna ang trono ng aking ama habang nakaupo at sa gilid naman nya ay mayroong nag papaypay para sa kanya Napatingin ako sa aking gilid ng mapansin na nandito din pala ang heneral na si hirushima at ang dalawa pang kawal na pareho mga nakayuko sa akin.
"Maligayang pag babalik kamahalan" bati nya. Tumango lang ako sa kanya at tumingin kay ama.
"Ama ano ang iyong kailangan?" tanong ko.
"Nais sana kita makausap kasama si hirushima" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni ama at sandaling tumingin kay hirushima pag katapos kay ama ulit.
"Para saan po ama?" tanong ko. Ano naman kaya pag uusapan at bakit kailangan pang kasama sya.
"May nais akong sakupin na bayan kalapit ng emperyong kalaban natin. Upang mas lalo tayong maging mas makapang yarihan sa lahat! At bilang tagapag mana ko at susunod na maging emperador, nais kong ikaw ang mamumuno sa pag sakop" paliwanag nya. Napatiim ang bagang ko at mariin na tumingin sa kanya.
"Ano na naman ba ito ama? hindi ba ginawa nyo na yan noon? bakit inuulit nyo na naman?" sunod sunod kong tanong.
"Dahil hindi ako kontento na ganito lang, gusto ko mas maging marami at mas makapangyarihan tayo. Ayaw mo ba ng ganun anak?" tinalikuran ko lang sya at akmang aalis ng mapatigil ako " Saan ka pupunta? hindi pa tayo tapos mag usap!" sigaw nya.
"Hindi ko kailanman gugustuhin na gawin ang inyong gusto kamahalan. Maraming bahay at tao ang inyong winasak ngayon uulitin nyo na naman?" tapos muli akong humarap sa kanya " kagaya noon ay tutol ako pa rin ako, hindi ko kayo susundin" dagdag ko. Nang dahil doon ay pagalit syang tumayo habang bakas ang galit sa kanyang mukha.
"Alam mo ba ang mga sinasabi mo ha?! ikaw ang nag iisang kong anak at susunod sa akin kaya kailangan mo akong sundin. Para din ito sa kinabukasan ng ating emperyo!" paliwanag nya habang sumisigaw.
"Kinabukasan ng emperyo? ha! kalokohan! ang masamang hangarin ninyo ay hindi dapat sundin maging ako! Hindi ko kailanman magagawa ang ganyang kasamang bagay para lang sa pansariling kinabukasan!"
"Isa kang hangal! paano mo naatim na sagut sagutin ang iyong sariling ama ha?! wala kang utang na loob. Hindi ka lalaki ng ganyan kung hindi dahil sa akin! wala ka ngayon sa iyong katayuan kung hindi dahil sa akin!"
"Mas nanaisin ko pa na lumaking mahirap kaysa sa sumunod sa mga binabalak mo. Kapag naging emperador ako, pamumunuan ko ito sa maayos at magandang pamamalakad hindi katulad ng sa inyo" turan ko sa galit na tono. Tinalikuran ko na lang ulit sya at lumakad palabas ng bulwagan. Nakakuyom ang kamay ko dahil sa galit na pumupuyos sa kalooban ko, parang anumang oras ay gusto kong sumabog.
Nang nasa labas ako, tumingala ako langit habang tinatanaw ang magandang kalangitan at saka ako ngumiti ng pait.
Ina kung nasaan ka man, gabayan mo ako sa lahat ng oras pati na din si ama. Alam kong sumobra ako kay ama, ngunit hindi ko gusto ang desisyon nyang yun. Ano po ang dapat kong gawin ina?
To be continued.