webnovel

Chapter 12

NANG MAKARATING kami sa aking silid agad akong naupo sa silyang malapit sa akin at sumandal dito. Pumikit ako ng ilang segundo at saka huminga ng malalim pag katapos tumingin ako kay shin nakatayo lang sa aking gilid.

"Ilang taon na ang mahal na prinsipe? tanong ko.

" Sa tingin ko po...baka nasa dalawang'put lima na po sya" sagot nya. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at saka sumulyap sa bintana.

"Pwede mo bang ikwento sa akin ang mahal na prinsipe? tanong ko.

Dahil interesado ako sa kanya...

" Sige po lady uzumi" payag nya. Huminga muna sya ng malalim at saka nya sinimulan mag kwento.

"Si prinsipe haru ang nag iisang anak ng emperador sa dating emperatris, katulad ng sinabi ko po ay hindi sya lumaki dito. Doon po sya nanirahan sa probinsya ng kanyang ina hanggang sa nag binata na sya, bumalik lang siya dito dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na sumunod sa kanya sa pagka emperador" paliwanag nya.

"Kung ganun...nais nya din palang maging emperador kagaya ng kanyang ama?" tanong kong.

"Ganun na nga po" sagot nya. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Ang sabi mo kanina ay maloko sya sa mga babae at pilyo din. Ibig sabihin ba, umuwi na sya dito noon?"

"Opo lady uzumi, bago po ang digmaan na naganap noon dumalaw pa sya dito sa emperyo, ngunit kinabukasan umalis na din sya" tugon nya. Tumayo ako sa aking silya at nag tungo sa bintana, saka ako sumandal doon habang nag krus ang mga braso ko. At pag katapos tumingin ako sa kanya.

"Wala pala syang kaalam alam tungkol doon sa digmaan na nangyari noon?" tanong ko ulit. Impossible wala siyang alam tungkol doon dahil anak sya ng emperador at sunod na mamumuno kaya sigurado akong may alam sya. Kailangan kong malapit sa kanya.

"Hindi ko po alam..." sagot nya. Muli kong inalis ang pagkakatingin sa kanya at lumingon sa bintana.

Impossible...

"Iwan mo muna ako..." tumingin ako sa kanya " mag papahinga lang ako" dugtong ko. Umalis ako sa pag kakasandal doon at nag lakad papunta sa aking kama.

"Ngayon din po lady uzumi" sabi nya. Tumango ako sa kanya, yumuko muna sya sa akin at pag katapos lumabas na sya. Umupo ako sa kama habang isinasampa ang mga binti ko pag katapos inayos ko ang laylayan ng aking suot na kimono. Maya- maya lang ay nakaramdam ako ng antok kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko at natulog na.

To be continued.