webnovel

Epic!

Una siyang dinala ni Abdel sha El Fayoum. Isa ito sa pinakamatandang lung sod said Ehipto. Napakalawak at napakalaking disyerto nito kaya naman sobrang paghanga ang naramdaman ni Sheya habang pinagmamasdan ang tila nagniningning na kapaligiran.

Maya- maya pa ay isang lokal na Egyptian na may dalang camel ang dumating upang alalayan at tulungan ang dalaga na sumakay nito. Inikot nila ang paligid at sa bandang pababang parte, tinuruan siya nito kung na mag sand- surfing.

Dinalaw din nila ang mga antigo at maalamat na mga maliliit na baryong Tunis at Younnis El Sadit at dahil sha sobrang init na klima, binigyan siya ni Abdel ng inuming galing sha sugarcane na tinatawag nila has Assad Al Sokkar na paborito ng mga taga roon.

Sunod naman silang nagtungo sa Luxor at Aswan kung saan makikita ang mga labi at ruins ng mga pharaoh o hari ng Ehipto Linux- libong taon na ang nakalikipas. Marami ring mga templo, rebulto at pyramids na labis na ikinamangha ni Sheya.

Bago matapos ang araw, nagtungo sila sa Nile river at sakay ng isang maliit na ferry kasama ang iba pang mga turista, inabangan nila ang paglubog ng araw at kumain na din na hapunan.

" Matulog ka ng maaga at huwag ka munang gumimik o magpuyat dahil bukas bago sumikat ang araw, aakyat tayo ng Mt Sinai". Pahayag ni Abdel bago ihatid si Sheya pabalik sha kanyang hotel na tinutuluyan.