webnovel

Chapter 4

Mesaiyah Point of View

On Friday morning, pupunta na sana ako sa school nang makita ko si ate Terra sa may bintana na para bang malalim ang iniisip. Lumapit ako kay ate at niyakap siya.

"Ate, kung ano man ang iniisip mo. Don't worry, everything will be alright." I said running my hand through her hair.

"Sana nga saiyah. Sana."

"I love you ate." sabi ko

"I love you too. Sorry mesaiyah ha. Sorry.""Ate terra said and her tears fell down.

"Ate bakit? Bakit ka nagsosorry?" I asked.

Pinunasan niya ang kanyang luha at hinawakan ang kamay ko.

"Ano man ang mangyari satin, lalong-lalo na sayo. Maging handa ka ha? Sige. Pumasok kana baka malate ka pa."

"Okay ka lang ba, ate?" tanong ko.

"Oo. Okay lang ako. Pumasok kana." parang hindi naman siya okay. Ano kayang problema niya?

"Talaga?Okay ka lang?" paninigurado ko.

"Oo nga. Okay lang ako."

"Sige. Sabi mo yan hah. Bye ate Terra"" and i kiss her on cheeks.

"Bye. Ingat ka." sagot ni ate.

Nakarating na ako sa school at agad kong nakita si bestfriend. Kumaway ako sa kanya at tumakbo papalapit sa kanya.

"Tara, cutting class tayo." bigla akong napaubo sa sinabi niya.

"Wait? Tama ba ang narinig ko? Did you say cutting class tayo?" and he nod his head and smile at me.

"ha-ha-ha. Baliw!" sagot ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Papagalitan tayo ng teachers natin."

"Ngayon lang naman eh. Ang hirap din kaya magpakatalino, ipahinga muna natin utak natin." Sagot niya.

Ahh. Nakalimutan kong sabihin siya ang rank one sa aming klase tapos rank two naman over all fourth year. Oh diba? Ang talino niya. Parehas pala kami. Araw-araw busy ang utak namin kakaisip kaya yun. Hahaha pumayag na din ako magcutting class, ngayon lang naman eh.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya.

"Sa park nalang tayo." at nagtatakbo kami papunta sa park at dahil baka may makakita pa samin na teachers.

"Malamang maraming teachers ang naghahanap sa atin." sabi ko habang nagpapahinga sa wooden bench habang naghahabol ng hininga.

"Hayaan mo sila. Matalino na tayo, i-enjoy naman natin ang buhay puro nalang tayo aral ng aral." sagot niya.

Kung sa bagay may point siya dun. Andito na kami sa park at una kaming sumakay sa swing at pagkatapos sa swing, nagpunta naman kami sa water fountain at dun kami naghabulan, nagsigawan at nagbasaan. Dami ngang tumitingin na tao samin na namamasyal din sa park pero hindi nalang namin sila pinansin.

"Bili tayo ng ice cream." sabi ko sabay turo dun sa manong na nagtitinda ng ice cream. Tumingin lang siya sakin at lumapit siya dun sa nagtitinda.

"Oh! Chocolate yan." Binigay niya sakin yung ice cream na binili nya. Nakaupo kami sa gilid ng water fountain at doon kumain.

"Saiyah!" tumingin ako sa kanya at...

"Psh!Madaya ka." nilagyan niya ako ng ice cream sa pisngi at lalagyan ko din sana siya kaso nakatakbo siya agad.

"Bleeeh!!"

Hinabol ko siya. Habol. Habol. Habol. Nagpaikot-ikot lang kami sa fountain at nang maabutan ko siya, nilagyan ko ng ice cream ang kanyang pisngi.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!! QUITS NA TAYO!"sabi ko.

"Nagpahuli lang talaga ako para makabawi ka.Aalam ko namang hindi mo ako maaabutan. Hahaha." sabi niya.

"Yabang mo! kahit naman hindi ka tumigil maaabutan pa rin kita!" sabi ko sabay pisi sa pisngi niya. Pinisi niya din ang pisngi ko at ayun. Nagpisian nalang kami ng pisngi. Napatigil naman siya bigla.

"Bakit?" tanong ko.

"Tara dun tayo." at hinila niya ako papunta sa mga bisekleta na para lang sa magcouple.

"Ehemm. Hindi naman tayo couple. Bakit tayo sasakay diyan?" tanong ko pero kinikilig ako inside.

"Ahh. Oo nga no? Di bale nalang pero pwede naman yun diba? Bestfriend naman tayo diba? P-parang magcouple na din yun."sabi niya 'yan. OH MY! OH MY! Did i mention to you na hindi lang bestfriend ang turing ko sa kanya? Sht. Kinikilig ako. Jusko.

Napailing nalang ako at sumakay na din kami sa couple bicycle. Nasa likod niya ako habang siya naman ang nagpepedal nung bike. I took a deep breath. Ito na ang pinakamagandang araw sa mga panahon na lumipas. I love my bestfriend, really. The reason why I treat him more than bestfriend?

Here's the answer. He's cute, understanding, kind, thoughtful, loyal, humble, trustworthy, he makes me laugh all the time, makulit siya, lahat ng gusto ko sa lalaki nasa kanya na and last but not the least priority niyang unahin ang kapwa niya bago ang kanyang sarili, ang kabutihang loob ang pinakagusto kong ugali sa kanya. Habang naglilibot kami sa park na nakasandal ang ulo ko sa kanyang likod na nakahawak sa kanyang tiyan. Siya naman ay nagpepedal habang kumakanta. I feel like I was in the movie. Haaays. Such a good feeling.

Now Singing: Bestfriend by Jason Chen

Do you remember when I said I'd always be there?

Ever since we were ten, baby

When we were out on the playground playing pretend

Didn't know it back then

Now I realize you were the only one

It's never too late to show it

Grow old together

Have feelings we had before

Back when we were so innocent

I pray for all your love

Girl, our love is so unreal

I just wanna reach and touch you, squeeze you

Somebody pinch me (I must be dreamin')

This is something like a movie

And I don't know how it ends girl

But I fell in love with my Best Friend

Kung pwede lang ganito kami araw-araw. Kung pwede lang tumigil ang oras para samin at maging ganito nalang kami. Kung pwede lang sana.

Noong sabado naman na umaga, nagkita kami ni Angelo sa favorite place namin.The sweet heavy smell of the sorroundings made us lay on the grass under the trees.

"Andito na naman tayo." sabi ko na nakatingin lang sa langit. He chuckled.

"Hanggat nabubuhay tayo dito lang kita pupunta." sagot niya.

"Alam mo saiyah, kapag nagka-asawa ako. Dito ako magtatayo ng bahay kasama ang magiging pamilya namin." dagdag niya. Tumingin ako saglit sa kanya.

"Ako din. Gusto ko kapag nagka-asawa ako, dito ako magtatayo ng bahay."

"Parehas pala tayo ng pangarap." sabi niya. Tumawa lang ako at ibinaling ang tingin sa ulap.

"Mahal kita Saiyah." napatingin ako bigla sa kanya. Hah? A-ano daw?

"Ah?Ehh. Hah?" Ano ba yan. Nauutal ako sa pagsasalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Oh God, eto na yata ang hinihintay kong confession.

"M-mahal k-kita. Diba dapat ang magbestfriend nagmamahalan, diba?" tumingin siya sakin.

"Oo nga. Hehehe. Tama nagmamahalan ang magbestfriend. M-mahal din kita Angelo." nakakainis parang first time ang lahat ng nangyayari na'to. Oh my? Bakit ba sa dinami-dami ng tao diyan, sa bestfriend ko pa ako nainlove. Jusko. Dito na din kami kumain. Nagdala na rin siya ng mga pagkain at nagpipicnic lang ulit kami. At pagkatapos naming kumain, nagpahinga lang kami sandali at napagdesisyonang umuwi na.

Hapon na din kami nakapunta sa bayan dahil medyo bundok din ang favorite place namin kaya kung lalakarin ay malayo.

"Babye! Kita nalang tayo sa Lunes." I wave my hand at him. Nasa harap na kami ng gate ng bahay niya, madadaanan lang kasi ito kapag uuwi ako sa bahay namin.Tatalikod na sana ako kaso bigla ko siyang tawagin.

"Wait!" napaharap naman siya sakin.

"Uhm. Wala. Wala pala." may sasabihin ako e nakakalimutan ko lang kapag humaharap siya.Tumalikod na ako at lalakad na sana ako ng biglang tawagin ko ulit siya.

"Wait!" nagtatakbo siya papunta sakin.

"Bakit?" tanong niya. Naalala ko na yung sasabihin ko sa kanya e kaya lang pagkaharap niya nakalimutan ko na naman.

"Uhm. Nevermind." yun nalang nasagot ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko, parang ayokong umuwi, parang ayokong lumayo sa kanya, parang gusto kong kasama lang siya pero hindi ko maipaliwanag basta ayokong paalisin siya sa tabi ko.

"Are you okay?"he asked.

"I think so." sagot ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pinagpapawisn ang aking kamay, feeling ko may isang bagay na darating sakin na hindi ko kakayanin.

"Hatid na kita sa bahay niyo?" he offered.

"No thanks. Sige, uwi na ako." tumalikod na ako sa kanya.

"Ingat ka." dinig ko na sabi niya, ramdam ko ang pagtalikod niya sakin at dinig ko din ang pagbukas niya ng kanilang gate at pagpasok sa kanyang bahay at ng maramdaman kong andun na siya sa loob humarap ulit ako.

"MAHAL KITA. MAHAL KITA. MAHAL KITA. MAHAL KITA HIGIT PA SA ATING PAGKAKAIBIGAN." mahinang sabi ko. Ngayon nasabi ko na ang dapat kanina ko pang sinabi nung nasa harap ko pa siya. Sana narinig niya yun.Tumalikod na ulit ako at nagsimula ng maglakad papunta sa aming bahay.

Napatigil ako bigla sa paglalakad ng mapansin ko ang dalawang itim na kotse at tatlong itim na motor. Mga bagong labas na kotse at motor eto ah. Mayaman siguro ang may-ari niyan. Pero teka? Bakit nasa labas ng aming bahay? Wag niyong sabihin samin na yan. Nanalo kaya si mama sa casino? Sa lotto? Hahahaha.Taas ng pangarap mo saiyah. Kelan ka pa kaya magkakaroon ng ganyan. Huminga ako ng malalim.Teka? Napansin ko lang bakit puro itim? Hindi kaya may patay? E bakit nga nasa tapat ng bahay namin? Ayy, ewan. Makapasok na nga lang ng malaman ko kung bakit nandiyan ang mga 'yan. I walk toward our house and when I open the faded brown door they all stare at me.

"Andito na ang ating mahal na prinsesa."

O_____________O?

Hindi ko sila kilalang lahat kaya yan nalang naging expression ko.

//////////