webnovel

Neo Verona

REN'S POV

"Ahhh" I moan when something was moving down my private area, wait! Sinabi ko bang private area?

"Shit!" sabi nong taong nadaganan ko. Opo, lumanding ako sa mukha niya, at kung minamalas ka nga naman sa pinaka-iingatang yaman ko pa. Agad akong tumayo nong mapagtanto kong may nadaganan nga ako. At dahil sa nangyari nagsisisigaw ako.

"Ikaw!!! Pakasalan mo ko!!! Huhuhu hindi na ako virgin ng dahil sayo!!!" sigaw ko sa lalaki na nakasuot ng weird na damit. Like what the hell? Pangmakaluma kasi yung suot niya noh, nakaarmor pa ang peg, meron bang costume contest?

Well balik tayo sa sinabi ko, syempre guys noh, dalagang pilipina etesh, kaya dapat panagutan niya ang ginawa niya sa akin.

"What? Anong pinagsasabi mo, dapat nga humingi ka ng tawad eh!!! Ako na nga tong nasaktan, ikaw pa tong may ganang mansigaw?!!" sabi niya sabay hawi ng kamay niya sa mukha niya, and OH MY GHAD!!! Yan ang sabi ng utak ko. Pagkagwapong nilalang ba ere? Pero ba't parang boses babae, pero my gosh, hulog sya ng langit sa taglay ng kagwapuhan. Hindi ako malandi ha, slight lang.

"Ay, sorry naman. Okey na ba yan? So ganun na nga, pakasalan mo ko dahil sayo nawala na ang virginity ko huhuhu pa'no ko to sasabihin kay mama, isusumbong talaga kita kay kuya." umarte akong naiiyak

"Hahaha! Are you out of your mind? Francisco, sino ba tong baliw na babaeng to? At saan sya galling, bakit iba ang pananamit niya?" sabi niya na may pagtataka.

"Hindi ko rin alam kamahalan." sabi nong lalaki

"Wait!!! So ako pa may kakaibang damit dito? Kayo nga yung weird oh? Hello!!! Tingnan nyo nga suot nyo, makaluma masyado, 2018 na kaya ngayon para malaman nyo!!!" sabi ko na nagpabaling baling ng tingin sa mga suot nila.

"Excuse me din miss ha? Sinong mas weird sa atin? Tingnan mo nga sarili mong pananamit, ikaw lang naiiba dito. At anong sinasabi mong 2018?" sabi niya at yun na nga ginawa ko, kanina ko pa nga nahahalata eh. Ako lang yung naiiba. Kasi naman guys, nakauniform pa ako, tapos sila? Grabe, balot na balot ang pangangatawan nila. Parang suman!

"2018, as in year 2018, year of the dog at tsaka malapit ng pasko noh! Teka nga! Anong lugar ba to, saan ba to?"

"Neo Verona, ito ang kahariang nasasakupan ko, at hindi taong 2018 ngayon. Nasa panahong 917AC ka."

"Whaaaattttt?!!"

"Anong 917AC pinagsa—" naputol ang pagsasalita ko ng may sumigaw na lalaki at may kinakaladkad na babae.

"Claude!" sabi nong lalaki na kinakaladkad parin yung babae, pamilyar yata pagmumukha niya ah?

"Cheska!" sigaw kong sabi ng makita ko ng malapitan ang babaeng kinakaladkad ng lalaking gwapo rin.

"Besh? OMG. Akala ko hindi na kita makikita." sabay takbo namin sa isa't-isa.

"Claude, nakita ko rin tong babaeng to na naninilip sa akin habang ako'y naliligo, may kakaiba syang pananamit katulad ng mga babaeng yan" sabay turo sa amin.

Tiningnan namin ni Cheska ang babae at sa pagkakaalam ko, sya si Kiazel Montague, ang outcast ng school. Outcast sya dahil sa pananamit niya at sa pagiging tahimik. Ang hilig kasi magsuot ng itim, mula ulo hanggang paa. Palagi rin syang may headphone.

"Claude baka sila na yun, ang nakasaad sa propeseya." Sabi nong lalaking kumaladkad sa Bestfriend ko. At ano tong propeseyang pinagsasabi nila

"Excuse me lang noh? Anong propeseya ba ang pinagsasabi nyo?" – Cheska

"Ou nga. At anong lugar toh?" – Kia

"Manahimik kayo! Magbigay galang kayo Claude!" Sabi nong lalaking nagdala kay Kia

"Tsk! Nasa Neo Verona tayo guys, at nasa panahong 917AC"

"Whaaattt!!!" sabay na sabi nina Kia at Cheska. Hahaha parehas talaga kami ng reaksyon! Tiningnan lang nila ulit kami at nag-usap.

"Wag agad tayong magconclude kung sila nga ang nasa prophecy. Baka pinadala lang yan ni Dark Lord dito. Ikulong nyo muna sila, magtatanong muna ako sa gabay" sabi nong nakakainis na lalaki sabay talikod at naglakad palayo. Hindi pa kami tapos!? Tapos tatalikuran na niya ako.

"Hoy ikaw!!! Wag kang tumalikod sa obligasyon mo? Pakasalan mo ko hinayupak ka!!! Hindi pa tayo tapos" sigaw kong sabi

"Wow girl? Ikaw na naghahabol sa lalaki ngayun? Malandi ka rin ha?" bulaslas ni Cheska, at si Kia naman ay nagulat sa sinabi ko

"Guards!!! You heard what Claude said!!! Ikulong sila!!! And you! Magbigay galang ka sa prinsesa namin!" sabi niya sabay talikod. Teka nga, prinsesa? Baliw ba yun o bakla? Kalalaking tao tinatawag niyang princess? Hahaha baka yun pangalan niya..

"Ano ba!? Bitawan nyo nga kami. Wala naman kaming ginawang masama ah!?" galit na sabi ni Kia. Kinakaladkad kasi kami ng mga hunghang nato, my gosh… hindi ba sila marunong rumespeto ng babae at para ganituhin nila kami?

At sa kulungan ang bagsak naming tatlo. Kanina ko pa iniisip kung bakit kami napunta rito, at kung ano ang nagdala sa amin dito.

"Kia? Pano ka pala napunta rito?" out of the blue kong tanong sa kaniya

"Dahil sayo." seryosong sagot niya

"Wow ha? Ikaw pala may kasalanan Besh?"

"Baliw ka talaga Cheska! Kanina ka pa wow ng wow eh. Wag ka na nga epal. So ako ang dahilan, at bakit?

"*sigh* sinundan kasi kita papasok ng library, tapos may nakita kang librong kumikinang, at nakita ko rin yun, kinuha mo ito at ako naman, dahil sa curios ako, kinuha ko rin yung katulad ng librong kinuha mo na naiwan sa shelves, pero pagbuklat ko maya-maya ay tumapat sa harapan ko ang hubad na katawan ng lalaking yun, namanyak tuloy tong mata ko." mahabang litaniya ni Kia.

"Ganun din yung nangyari sa atin Besh, yun nga lang lumipad yung libro at sabay non, napunta tayo ditto, sabi ko naman sayo na curse yong libro nay un eh, ayaw mong making, tingnan mo ngayon?" pagsang-ayon naman ni Cheska sa sinabi ni Kia. Ganun din kasi yung nangyari sa amin, ano bang meron sa librong yun?

"At bakit mo ko sinundan?" tanong ko bigla na nagpagulat kay Kia. Di naman dapat yun ang tanong ko eh.

"Ahh… ehh kasi ang ga---" –Kia

"Hay nako Besh, may gana ka pang itanong yan? Isipin muna natin paano tayo makakalabas dito" pagputol ni Cheska sa sasabihin ni Kia

"Ou nga! Dapat nga weniwelcome tayo, kasi foreigner tayo dito." pagsang ayon ni Kia

"Ah? Sorry, pero bakit nga?" Sabi ko. At maya-maya ay dumating ang dalawang lalaking nakakita kina Kia at Cheska at agad nilang binuksan ang selda at nagbow

"Pasensya na kayo sa inasal namin kanina mahal naming mga tagapagtanggol, sumunod po kayo sa amin para po makapagbihis na kayo at makaligo." Sabi ng lalaking nangmanyak ng mata ni Kia. At agad naman kaming sumunod, syempre grab the chance. Umiba yata ihip ng hangin eh, ang bait nila sa amin.