(Shantell POV)
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin. Nakalingkis sa braso ko ang Princess of Nature na si Shia. Seriously? Napaka isip bata niya! Ang kulit kulit din niya ngunit hindi nakakainis ang taglay niyang kakulitan.
"History"
"Weaponry"
"Physical Training"
"Elemental Training"
Pagbabasa ko ng mga subject namin. Apat na subject lang sa loob ng isang taon or whole school year. Napag alaman ko din na every four years lamang nagkakaroon ng elementalist. Pinapagraduate muna nila ito bago muling tumanggap ng panibagong estudyante.
Unlike Wizard and Summoner na mayroong 1st to 4th year students. Magkakaiba din ang subject namin sa kanila. Hayy kamusta na kaya yung kambal? Ayon sa rules ng school, bawat daw pumunta sa dormitory ng ibang class, maging ang mga building at classroom nila at battlefield ay separated.
"Anong iniisip mo Shanty? " nabigla ako sa pagtawag ni Shia sa akin. Shanty. Napangiti ako dahil dito bago siya tinignan.
"iniisip ko lang kung anong klaseng subjects ang mayroon dito. Magkaiba kase sa mundo na pinagmulan ko."
"Really? Sana makapasyal din ako doon kaso imposible yun dahil wala namang nakakaalam ng daan papunta dun"
Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito ay Imposible na akong makabalik sa Maynila? Hayy..
"Nandito na tayo." Agad na umalis si Shia sa tabi ko at umupo sa silya kaya umupo na din ako sa silyang napili ko.
Maya maya pa ay pumasok ang isang lalaki. May wand din ito ngunit kapansin pansin ang mahaba nitong tainga.
"Magandang araw elementalist." Bati nito at bumati naman kami pabalik.
"Ikaw marahil ang isa pang elementalist? Nagagalak kitang makilala Shantell" hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang aking pangalan.
"Ngayon pag-uusapan natin ang iba't-ibang lahi dito sa kaharian ng Manta" akala ko magiging boring ang klaseng ito pero first time in history na ginanahan akong makinig sa klase.
"Ang nangungunang lahi dito sa Kaharian ng Manta ay tinatawag na Magician at kayo yun, kabilang na ang mga wizard at summoner."
Marami pang pinaliwanag si Sir Kloro. Nabanggit niya din na bukod sa lahi ng mga magician ay mayroon ding Elves, Fairies, Demon, at higit sa lahat Angels! Napa wow ako sa aking isipan!! Saan?? Saan ako makakakita ng Angels??
Di ko maiwasang itaas ang aking kamay kaya tinawag ako ni sir Kloro.
"Sir saan po matatagpuan ang mga Angels? "
"Hmm dahil bago ka palang ipapaliwanag ko sayo ngunit pinapayo ko din na magbasa ng mga libro sa ating silid aklatan." Napatango ako sa sinabi niya.
Ang angels daw ay hindi matukoy kung saan nakatira. May sabi sabi na sa kalangitan daw matatagpuan ang kanilang tirahan at natatakluban lamang ng mga ulap. Ngunit walang proweba ang mga ito. Masyadong maingat ang mga anghel at nererespeto sila dahil sa taglay nilang kapangyarihan.
Samantala ang mga fairies ay nagkalat lamang sa buong kaharian ng Manta, ngunit may sari-sarili silang angkan. Bawat palasyo ay may angkan sila na naaayun naman sa elemento katulad ng IceFairy or FireFairy. Kapareho lang nito ang mga Elves ngunit ang pinagkaiba naman nila ay ang kanilang propesyon.
Tama may mga propesyon din sila katulad ng protektor ng kapaligiran ang mg fairies. Samantalang mga mandirigma naman ang mga Elves.
Pagkatapos ng klase namin kay sir Kloro ay pumunta na kami sa Gymnasium. Pagpasok namin ay isang elf na may hawak na espada ang nasa harap namin.
"Maligayang pagdating mga elementalist" manipis ang boses nito ngunit maganda naman sa pandinig. "Ako si Lifra ang inyong guro sa weaponry" dugtong pa nito.
Dumako ang tingin ko sa isang mahabang lamesa na punong puno ng mga sandata! Biglang kumulo ang aking dugo dahil sa excitement! Iniisip kong isa akong character sa isang online games tapos ito na yung pipili ako ng magiging arm ko or sandata. Sheeet!! Magagamit ko kaya yung mga moves ko sa laro dito?
"Ngayon ay bibigyan ko kayo ng oras upang piliin ang sandatang nakalaan para sa inyo" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lifra. Ayaw niya daw na tinatawag siyang sir. Tss
Lumapit ako kay Shia habang naglalakad kami papunta sa mahabang mesa.
"Shia, paano mo malalaman na nakatadhana sayo ang isang sandata?" Naguguluhan kase ako kung anong kukunin ko eh ang dami dami niyan!
"Shanty, hindi ikaw ang maghahanap sa sandata dahil sila mismo ang lalapit sayo. Pakiramdaman mo lang ang iyong puso at magkakaroon ka ng koneksyon sasandata na iyon" tumango ako kahit naguguluhan sa sinabi niya.
Nagsimula na silang maglibot libot kaya nagumpisa na din ako. Napakaraming sandata dito. May daggers, knives, may hugis martilyo na malaki, palakol, axe? Espada na iba't-ibang hugis at laki. The eff hindi ko alam kung anong kukunin ko.
Tinignan ko sila at may mga hawak na silang sandata! Bat ang bilis naman ata nila? Okay! Kalma Shanty! Mahahanap mo din ang sandata mo.
Malapit na ako sa pinakadulo ng mesa habang pinagmamasdan ang bawat sandatang nahahagip ng aking paningin. Lahat sila ay magaganda at matatalim ngunit wala akong maramdamang koneksyon sa mga ito.
Nahagip ng mata ko ang isang sandata ngunit nilagpasan ko ito ng tingin ngunit ilang segundo lang ang nakalipas ay muling napabalik ang tingin ko dito dahil sa parang nagpupumilit itong tignan ko siya.
Naningkit ang mga mata ko at sinuri ito ng mabuti. Isa itong espada na manipis, kulay itim ang hawakan nito ngunit kapansin pansin ang gintong desensyo dito. Isang gintong korona ito. Napakaliit lang nito ngunit nakita ko pa rin iyon. Isa itong katana ayon sa mundo na pinagmulan ko. Tinatawag nila itong katana.
Muling kumulo ang dugo ko dahil dito, isa ito sa mga paborito kong gamitin na sword sa mga games. Parang hinihila din nito ang atensyon ko kaya walang sabi sabi ko itong hinablot at hinawakan.
Nabigla ako dahil sa sobrang gaan nito na parang ang hawak ko lamang ay isang tingting ng walis! Ganun siya kagaan! Winasiwas ko ito sa ere at pakiramdam koay nakikita ko ang hiwa sa hangin na dulot nito.
"Hmmm magaling. Ang sandatang iyan ay kusang ibinigay ng hari sa akademya upang hayaan ang tadhana na magkaroon muli ng bagong magmamay-ari nito" nakangiting sabi ni Lifra.
Napabuntong hininga ako dahil hawak hawak ko ang minsan na'y naging sandata ng hari! Oh my!!
"Ngayon ay dadako na tayo sa susunod na aktibidad. Titignan ko kung paano ninyo gagamitin ang inyong sariling mga sandata laban sa mga hayop na ilalabas ko. Ang paggamit ng mahika ay ipinagbabawal kaya malinaw na tanging pisikal na lakas niyo lamang ang gagamitin sa aktibidad na ito. Maliwanag ba?"
Sumagot naman sila maliban sa akin. Dahil kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano lumaban gamit ito. I mean marunong akong lumaban kapag naglalaro ako ng online games pero iba ito dahil ako mismo ang gagawa nun, ako mismo ang lalaban! Oh God! I'm dead!