webnovel

5. Dormitory

(Shantell POV)

Kasalukuyan akong nasa dormitoryo ng mga elementalist, nakaupo ako sa sofa pero ewan kung anong tawag nila dito. Hindi mo magawang eenjoy ang paligid dahil nasa harap ko ngayon ang ilang mga elementalist.

"Yun na yun? Hindi mo alam ang mundong to? " nabibiglang sabi ni prinsesa Lucy ng Water Palace. Kinuwento ko kasi sa kanila ang pagpadpad ko sa lugar nila. Tinatanong nila ako kung kilala ko si Selena o ang pamilya nito dahil iisa kami ng elemento ngunit kahit isa sa kanila ay wala akong kilala.

"Hayaan na muna natin siya, siguradong naguguluhan din siya sa mga nangyari" malumanay na sabi ni Shia ng Nature Palace. Ang cute niya dahil sa berdeng buhok nito na nakatitintas at may bulaklak din ito na nakapabilog sa kanyang ulo.

"Ayon sa sinasabi niya, nanggaling siya sa mundo ng mga mortal, maaaring ang liwanag na sinasabi niya ay isang lagusan papunta sa mundo natin. Hindi ko aakalain na makakakita ako ng isang mortal" hinihilot ni Almira ng Air Palace ang kanyang sintido habang sinasabi ang mga katagang yan.

Samantalang ako ay palipat lipat ng tingin sa kanila. Well ang mga babae lang dahil wala ang mga lalake dito dahil nasa kanya kanya na silang mga silid. As if I need their welcome tss.

"What the actual fuck is happening now! I'm tired! I want to go to sleep." Inamoy ko ang sarili ko at napangiwi ako dahil 2 days na akong di naliligo arg!!!!

Napansin ko ang pagtahimik nila at nagulat ako dahil nanlalaki ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. What is it now?!!

"Marunong din siya ng lenggwahe ng mga banyaga na tanging mga prinsesa at prinsipe lamang ang nakakaalam" napangsinghap na sabi ni Selena.

"Teka nga! Naiintindihan niyo ba yung sinabi ko?" I ask them out of frustration. Napahinga ako ng malalim dahil tumango sila.

"We know how to speak in this language too" ngayon naman ay ako naman ang nanlaki ang mata dahil sa sinabi ni Almira. Okay! Andami ng nangyari at hindi na kaya ng braincells ko ang mga ito.

"How long you will going to ask her? Just let her rest for a while princesses! " napalingon ako sa nagsabi. Ito ay si Lucas ng Earth Palace.

Kaya nagsibalika na sila sa kanilang mga kwarto pero huling umalis si Shia. "Sige mauna na kami, kita nalang tayo mamaya ha hihihi" hagikgik nito bago tuluyang umalis.

Nakahinga ako ng malalim ng umalis na sila. Ngayon ay papunta na ako sa silid ko. Maging ang mga pinto ay nakaayon sa kulay, kaya hinanap ko ang puti na pinto. Kapansin pansin din ang kulay ginto nito sa bawat gilid ng pinto. Nakasabit na din sa doorknob ang pangalan ko.

Sabi ni Shia ay kakagawa lang ng room ko since hindi nila inaasahan na may dadagdag sa grupo nila. Nagulat nga ako dahil ganun kabilis itong natapos. Well ano pa bang aasahan sa mundo ng mahika.

Binuksan ko ang pinto at halos bumagsak ang panga ko dahil sa nakikita ko. Kwarto ko ba to? Bakit anlaki naman ata? Talo pa nito ang condo ko eh!

A white with a touch of gold is the color of my room. There is a big queen size bed at may whito itong napakakapal nacomforter.

Mayroon akong side table at may gintong lampshade dito. Nakaayos din ang bookshelves ko, mayroong mini sala at isang sofa na kulay puti din. God!! Mabuti nalang at malinis ako sa katawan, nakakahiya kung madudumihan ang mga ito.

May walk in closet thin ako!!! Punong puno ng mga damit na magkakapareho ang design, may iilang robe which I think is our uniform. Kahit ano lang naman ang isusuot as long as suot mo din ang robe to identify your class. Pero alam mo yung mga damit? Yung mahahaba na parang ang yaman sa tela ang mundong to. Yung parang sa mga pari? Ganern!

May mga sapatos din at nakakamangha dahil size ko lahat. Lastly ang pinuntahan ko ay ang banyo, hinanda ko na ang sarili ko dahil alam kong maganda din ito. Pagbukas ko ng pinto ay inaasahan kong maganda ito ngunit hindi ko inaasahang ginto ang lahat ng nandito!

Bathtub! Shower! Mirror, may mini jacuzzi pa! Tell me na wala ako sa sinaunang mundo! Bakit may jacuzzi dito?? Bago pa ako tuluyang mabaliw ay hinubad ko na ang mga damit ko at dali daling nagshower! God! I MISS THIS!!

Humarap ako sa salamin at laging gulat ko sa aking nakita kaya napasigaw ako ng sobrang lakas.

Ahhhhhhhh!!!!!!!

(Headmistress Mathilda POV)

Nakaupo sa aking silya dito sa aking opisina habang pinagmamasdan ang papel niya. 'Shantell Reese' kung hindi ako nagkakamali ay galing siya sa mortal dahil mayroon siyang apilyedo.

Ito ba ang sinasabi ng hari? Paano niya nalaman na mayroong bagong elementalist?

Bago pa man magsimula ang pagsusulit kanina ay isang mensahero ng hari ang nagpakita sa akin. Sinabi nito na agad agad na magdagdag ng panibagong silid sa dormitoryo ng elementalist. Nagtaka ako noon ngunit ginawa ko padin. Maging ang desinyo ng silid ay kakaiba, ginaya ko lang kung anong nakikita ko sa litrato na ibinigay niya.

Tinawag ko ang aking mensahero. Isang ibon ngunit kakaiba ang bilis nito at ang lahi nila. Dahil sila ang pinakamabilis na ibon, ang lahi ng Thunder Bird. Inipit ko sa paa nito ang nakarolyong papel bago ito pinalipad. Kailangan ko ng mga kasagutan sa aking mga katanungan.

Huminga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang papel niya. Kumpleto na ang sampung elementalist. Isang paraan nalang upang matukoy ko kung siya ba ay nabibilang sa palasyong iyon. Ang ika sampung palasyo, ang Holy Light Palace.

Nais kung masigurado na isa siyang kakampi at hindi kaaway.

(Shantell POV)

Matapos kung maligo ay lumabas na ako sa silid ko, dumeretso ako sa kusina upang maghanap ng makakain. Hindi ko pa din lubos maisip na nagbago ang itsura ko. Naging blond ang buhok ko, hindi ko ito napansin dahil sa nakatali ito, maging ang itim kong mata dati ay tuluyang naging ginto!

Pero hindi maikakaila na mas lalo akong gumanda. Mas naging matapang ang looks ko. Maglalunch na pala kaya nakaramdam ako ng gutom. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko si Almira na nagluluto.

Ehh? Nagluluto ang isang prinsesa? Amazing! Umayos ako ng tayo ng mapansin kong nakatingin siya sakin habang tumatawa.

"Iniisip mo siguro kung bakit nagluluto ang isang prinsesa, at walang taga silbi?" Tumango ako ng marahan para sabihing sumasang-ayon ako sa sinabi niya.

"Shantell, ang pagiging prinsesa namin ay sa aming kaharian lang nararanasan. Kailangan naming sanayin na hindi sa lahat ng oras ay may magsisilbi sa amin dahil kahit na mga prinsesa at prinsipe kami, tagasilbi din kami ng akademya at kahariang ito." Nagets ko ang sinabi niya.

At tama din na wag abusuhin ang kapangyarihan na mayroon ka anumang estado ng iyong buhay dapat pantay pantay ang trato at respeto sa sarili at sa iba. Namamangha ako dahil akala ko mga spoiled brat ang mga ito ngunit mali nanaman ang akala ko.

"Naka schedule ang pagluluto at paghuhugas ng pinagkainan maging ang paglilinis ang dorm natin. Weekly nag chachange ito kaya tignan mo na ang schedule mo" sabi nito sabay turo sa pintuan ng kusina.

Napagtanto kung tama nga ang sinabi niya, nakita ko din na next week ay schedule ko sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

"Ngayon tawagin mo na ang iba dahil kakain na tayo" nakangiting sabi nito habang hinahanda ang lamesa.

Pagdating ng iba naming kasamahan ay tahimik na silang kumakain. Pinagmamasdan ko sila isa isa. Sila na ang makakasama ko hangga't nandito ako. Hindi ko din alam kung kailan ako makakaalis sa lugar na ito at natatakot ako.

Natatakot ako na baka sa oras na mayroon ng paraan para makaalis ako dito ay mayroon na din akong rason para hindi umalis. Iniling iling ko ang aking ulo at sisimulan na sanag kumain ngunit pagtingin ko sa aking plato ay wala ng pagkain.

"Kinuha niya na ang pagkain mo dahil akala niya hindi ka kakain" nilingon ko si Lucy habang nakaturo kay Damon ng Thunder Palace. Pagtingin ko kay Damon ay nakangiti ito ng sobrang lapad. Halata din na may laman pa ang bibig nito. The eff!

"Mayroon pa dun, ikukuha nalang kita. At mag-ingat ka sa isang yan. He's a theif! " sabi ni Almira.

Napailing iling na lang akoo habang nakangiti ng bahagya. Pinagmasdan ko ang plato ko na may lamang karne. Nasasabik akong kumakain dahil sa malaking hiwa ng karne, masarap din ito kaya napatingin ako kay Almira.

"Almira anong karne to?" Galak kong tanong sa kanya. Ngunit ang nginunguya kong karne ay mabilis kung iniluwa dahil sa sinabi niya.

"A meat of wild cat"

The eff!!!!! Seryoso?? Pusa???