(Shantell POV)
Pabalik na kami sa palasyo ng Holy Light. Patuloy na binabagabag ako sa sinabi ni Phlyxie. Same lang sila ng sinbi ni Sevanna ah. Awakening? Awakening ng ano? Pucha! Mas lalong gumugulo ang isip ko.
Pagdating namin sa loob ng palasyo ay mabilis akong niyakap ng mahal na reyna, nabibigla pa din ako kahit lagi niya itong ginagawa.
"Mahal na reyna, nais ko pong magpasalamat sa inyong pagtanggap sa akin dito sa inyong palasyo" ngumiti siya ng matamis at hinawakan ang dalawang balikat ko.
"Walang anuman dahil kahit kailan mo gugustohin ay maaari kang bumalik dito"
Napakabait talaga niya, kung pwede lang paampon ako ulit sa kanya nalang hahaha.
Matapos kong makapagsalamat pati kay Phylxie ay inisip ko ng umalis at bumalik sa academya para iulat ang mga nalaman ko.
Nagpaalam ako sa kanila at muling sumakay sa unicorn na pagmamay-ari pala nila.
Mabilis na lumipas ang mga oras, andito ako ngayon sa silid ni Headmistress para sabihin ang mga natuklasan ko. Maging ang mga kaklaswko ay nandito.
"Hmmm, kung hindi ako nagkakamali ay mayroon silang pinag-aalayan ng mga nakukuha nilang kabataan. Ngunit wala akong maisip kung sino dahil tuluyang naubos ang lahi ng mga demon noong huling laban, kaya nagtataka ako kung bakit at paano silang nabuhay muli." Mahabang paliwanag ni Headmistress.
"Kung hindi ako nagkakamali, ang mundo ng mga demon ay nakahiwalay sa mundo natin. Ngunit imposibleng makapunta sa mundo nila kung walang lagusan na nakakonekta sa mundo nila." Si Lucy.
"Kailangan niyong mangalap ng impormasyon ukol dito. Wala tayong gaanong kaalam alam sa mundong ginagalawan nila samantalang tayo ay malaya nilang napapasok"
*boogsh!!!*
Napalabas kaming lahat dahil sa isang malakas na pagsabok. Natanaw ko sa kalangitan ang unti-unting pagbiyak ng barrier hanggang sa ito ay tuluyang nasira.
Anong nangyayari?
Dali dali kaming lumabas sa gate ng akademya sumalubong sa amin sa malawak na lupain ang napakaraming halimaw!
May kalansay ng tao, hayop at mga kaluluwa!
"Mga mag-aaral ng akademya! Gawin nating ang ating makakaya upang protektahan ang akademya! " malakas na sigaw ni Headmistress Mathilda. Lumabas ang mga estudyanteng summoners at tinawag ang kanilang mga katuwang na hayop samantalang naging handa na ang mga wizard.
Napansin ko mula sa malayo ang limang nakasuot ng lilang roba. Kumunot ang noo ko dahil kilala ko ang isa sa kanila. Siya ang naputulan ng braso dahil kay Phlynix. May hawak hawak silang baston na may lilang diyamante dito.
"Necromancer" napabaling ako kay Almira dahil sa sinabi niya.
"Necromancer, they can summon the undead, ghost, and an army of skeletons!" Dugtong pa nito.
Kapwa nagmamasid ang dalawang panig. Lahat ng mga guro ay nasa harap namin. Umabante si headmistress Mathilda at mariin na hinarap ang limang nakasuot ng lilang roba.
"Isang malaking kasalanan ang atakihin ang aming akademya, sabihin niyo ang inyong layunin" malamig na sabi ni Headmistress. The eff! Nakakatakot siya.
Umabante din ang isa sa mga nakalilang roba. "Paumanhin sa aming kalapastanganan, ngunit nasa isang misyon kami at nandito kami upang mapagtagumpayan ito" sabi niya habang may ngisi sa labi.
"Tss kala niya ang cool niya jan? " rinig kong bulong ni Damon kaya siniko ito ng mahina ni Shia.
"Magiging madali ang lahat, walang masasaktan at maaaring mamatay kung ibibigay niyo ng kusa ang babaeng yan" sabay turo sa akin. Napanganga ako dahil bakit sa akin siya nakaturo?
Halos lahat ng mata ay napunta sa akin. Magsasalita na sana ako kaso biglang may humatak sa akin at itinago ako sa likod nito.
"Touch her and your dead" malamig na sabi nito na kahit ako ay kinilabutan.
"Kun ganoong dadaanin namin ito sa dahas. Sugod!" Pagkasabi nito ay lahat ng nilalang na nasa likod nila ay sumugod kaya wala ding pinalagpas ang aming panig at sumugos na din sila. Nagmistulang gyera ng mga kapangyirahan ang lugar. Napupuno ng iba't - ibang liwanag at pagsabog ang paligid.
Kinuha ko ang sandata ko at tumakbo na sana patungo sa kalaban ngunit hingit akong muli ni Kael.
"What do you think you're doing? " taas kilay nitong tanong, marunong siya niyan?
"Uhhh fighting? " I answered him.
"Idiot!" Sabi lang nito at hinatak ako papasok sa academy.
"Te.. Teka lang Kael! Paano sila dun?"
"The other elements can handle those freaks!"
Maglalakad pa sana siya ngunit bigla niya along binuhat at tumalon paatras dahil sa isang lilang awra ang bumubulusok sa amin.
Mula doon ay lumabas ang limang nakalila na roba kanina. Masama ito! Alam kong malakas sila, dahil nakasagupa ko na ang isa sa kanila.
Hinawakan ko ng mahigpit ang aking sandata at binalutan ang sarili ko ng enerhiya na ginawa din ni Kael.
"Promise me that you will gonna be okay" napatingin ako sa kanya at ngumiti bago tumango. Napansin ko ang paghinga nito.
Mabilis na sumugos ang limang nakaroba, dalawa sa kanila ay sumugod kay Kael habang tatlo ang sa akin. Lahat ng kakayahan ng enerhiya ko para bumilis ay ginamit ko na.
Sheet!! Ang bibilis nila kumilos! Puro pagwasiwas ng baston ag ginagawa nila at puro depensa naman ako dahil hindi nila ako hinahayaan.
Naramdaman ko nalang ang isang sipa sa sikmura ko kaya napayuko ako at isang tama ng baston sa mukha kaya tumilapon ako palayo.
*argh!*
Mabilis akong tumayo at dumura ng dugo! Ansakit pero kailang kong indahin kung gusto ko pang mabuhay!
Mabilis na inipon ko sa aking espada ang enerhiya, wanisiwas ko ito sa hangin ng tatlong beses. Tatlon awra ang kumawala dito at sinugod silang tatlo, hindi nila ito inaasahan kaya medyo nagulat sila, nagawa ng dalawa na maka-iwas pero hindi ang isa nilang kasama. Nakita ko kung paano humiwalay ang ulo nito sa kanyang katawan.
"Ramo!!!!!" Rinig kong sigaw ng isa. At tinignan ako na nanlilisik ang mata.
"Magbabayad ka! " sigaw nito at tuluyang nabalutan ng lilang awra ang kanyang katawan, hinanda ko ang sarili ko. Nagulat ako dahil biglang may lumabas na kaluluwa sa katawan ng kasamang namatay at ngayon ay pati ito nababalutan ng awra maging ang isa pa.
Nilingon ko si Kael ngunit nagtaka ako kung bakit punong puno na siya ng galos, anong nangyayari sa kanya? Kaylangan kung magmadali.
Mas pinatindi ko ang awra ko, nararamdaman ko din ang init na nagmumula dito. Seryoso kong tinignan ang dalawa. Hinakbang ko ang paa ko kasabay nito ang pagkawala ko sa harap nila. Lumitaw ako sa harap ng isang nakaroba, napapansin kung nakaluhod ito at parang nagdadasal.
Buong lakas kong winasiwas ang aking espada ngunit mabilis na humarang ang isa pa at sinalag ito. Pilit kong tinutulak ang aking sandata, naggitgitan kaming dalawa at walang gustong magpatalo.
Hindi ko alam ngunit may biglang pumasok sa isip ko na ideya. Kinuntrol ko ang awra ko at tinipon itong lahat sa loob ng bunganga ko. Nung alam kong sapat na ang enerhiyang ito ay pinakawalan ko ito at direktan tumama ito sa kanyang mukha. Tumalon ako paatras para pagmasdan ang naging atake ko.
"Ahhhh!!! " malakas na sigaw nito habang hawak hawak ang mukha na unti unting kinakain ng liwanag. Napalunok ako dahil dito. The eff!
Nagulat ako dahil biglang lumitaw ang lilang liwanag sa paanan ko. Nilingon ko ang kanina ay dumadasal ngunit nakatayo na ito at nakatingin sa akin habang ang palad nito ay nakaturo sa akin.
Tatalon na sana ako ngunit isang kadenang gawa sa lila ang gumapos ng mga paa ko. Kasabay nito ang paglipad ng kaluluwa ng unang napatay ko, may nakatali din kadena sa paa nito. Umikot ito ng umikot sa akin. Sa pagsara ng palad ng lalakeng nagdadasal kanina ay ang tuluyang pagtali ng kadena sa buo kong katawan.
Nagpumiglas ako ngunit mas humihigpit ang kadena, nararamdaman ko din napakainit nito!
Nagtungo pa ang natitirang tatlong nakaroba sa akin. Hinanap ng mata ko si Kael ngunit nakahandusay na ito sa sahig. Lumakas ang tibok ng puso ko na parang gusto nitong kumawala sa katawan ko. Napansin ko ang nahihirapan nitong mukha habang nakatingin sa akin.
Rinig pa din ang mga pagsabog at hiyawan na nangyayari sa labas ng akademya.
Pinatatag ko ang sarili ko at hinarap siya, ang lalaking pinutulan ng braso ni Phlyxie.
"Nagkita tayong muli" malamig ko lamang siyang tinignan. Napaimpit ako ng sigaw dahil sa pagsaksak niya sa balikat ko, at isang saksan pa sa tagiliran ko.
"Para yan sa kagagawan mo! Nawalan ako ng braso dahil sayo! " ramdam ko ang galit niya pero may nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ngayon, sasama ka sa amin ng kusa o papatayin ko siya" nakita si Kael na sakal sakal ng isang naka roba. Nangitngit ang mga paa ko at hinarap siyang muli. Ayokong tignan si Kael dahil umiiling ito. "Don't" *ugh!! * rinig konng sabi niya bago siya sinikmuraan.
Nararamdaman ko ang pag-init ng aking mata at tinignan ang may kagagawan nun, "try to hurt him once more, and I will kill you! " mariin kong sabi.
"Hahahahaha" tawa ng taong nasa harap. "Sa ganyang kalagayan mo ay talagang nagawa mo pang magbanta. Tsaka wala ka din namang magagawa dahil bihag ka na namin. Kaya tayo na at umalis, pero bago yan, iwanan muna natin sila ng isang regalo" sa pagsabi na nun ay agad na napalingon ako kay Kael.
Nanlaki ang mata ko, naging blanko din ang aking katawan at tanging ang lakas na tibok ng puso ko lamang ang aking naririnig.
Nakita ko siyang bumagsak habang may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib nito. No! No! No! Kasabay nito ay ang pagkawala ng pwersa na kanina pa gustong lumabas sa aking katawan.
"No!!!!!!!!!!!!!!"